#Aríya

By DYOYSIII

2.6K 495 78

A girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news a... More

Disclaimer
Chapter 1: Prospect Partner
Chapter 2:Harrieta's Secret
Chapter 3:Friday the 13th
Chapter 4: Research
Chapter 5:Second Batch
Chapter 6:Request
Chapter 7:Trip to Pampanga
Chapter 8:Chanak
Chapter 9:Playful Princess
Chapter 10:Action Man
Chapter 11:The Seer
Chapter 12:Prediction
Chapter 13:Teacher
Chapter 14:Secret Investigation
Chapter 15:Disappearance
Chapter 16:Black Cat
Chapter 17:Suspect/s
Chapter 18:Techie Monster
Chapter 19: Who?
Chapter 20:Arrested
Chapter 21:Witch
Chapter 22:Trending
Chapter 23:Stalker
Chapter 24:Payback Time
Chapter 25:Back To Square One
Chapter 26:Team Bahay
Chapter 28:Text Message
Chapter 29:Talk of the Country
Chapter 30:Posted Photo
Chapter 31:Unexpected Help
Chapter 32:Go! Go! Move!
Chapter 33:Found?
Chapter 34:Different Locations
Chapter 35:Gun Shot
Chapter 36:Finale

Chapter 27:Team Bahay Part II

39 9 0
By DYOYSIII

Bloomy's POV

Nagulantang kami sa mga ibinunyag ni Marcelo Canlas. Oo, tama kayo sa nabasa. Ang nakausap namin sa Canlas Funeral Homes ay si Marcelo Canlas ang kakambal ni Matteo. Ang alam kasi namin ay nasa Thailand pa ito. Isa siyang hotel manager sa isang kilalang sikat ng hotel doon. Ngunit napilitan daw siyang umuwi dito sa bansa sa pangungumbinsi ng kanyang kakambal. Nagpanggap lamang siya bilang Matteo kamakailan lang. Sa kadahilanang hindi na daw nakauwi ang kanyang kakambal dahil sa paghahanap sa nawawalang anak.

"I wonder why Marcelo didn't report the missing case of his own brother. Hindi ko naman siya pinaghihinalaan pero nakakapagtaka lang," sabi ni Bunso na busy sa pangangalap ng impormasyon sa pamilya nila.

Kasalukuyan na nilang tinatahak ang daan patungong Bacolor. Si Ate Eris pa rin ang driver.

"Sang-ayon ako sa'yo Bunso. Inosente nga si Marcelo kahit nalinlang tayo sa pagpapanggap niya kanina. Pero bakit pakiramdam ko na may tinatago siya?" Pahayag ko sa kanila sa pamamagitan ng wireless headset microphone.

"Tama ka Bloomy! Ngunit paano kung ang tinatago niya ang kasagutan sa misteryong ito? Wala lang pakiramdam ko lang din," sabi naman ni Caela.

Natawa si Ate Eris. "Kumpleto na pala ang powerpuff girls! Masaya ako para sa inyo."

"Buttercup is still missing in action Ate Eris,"  bwelta ni Bunso.

"Ito! Si Caela."

"Aish! No way!"

"Ano bang problema mo sa akin Bubbles?" Singit ni Caela.

"You!" Sagot naman ni Bunso.

"Naku naman! Please lang! Pwedeng ceasefire muna kayong dalawa?" Naiinis na awat ko sa kanila sa pamamagitan ng wireless headset microphone. Tinawanan naman kami ni Ate Eris.

"Oo nga pala. Daan muna tayo sa San Guillermo Parish Church. Ayos lang ba iyon sa inyo?" Tanong ni Ate Eris.

"Oo naman, Ate!" Magkakasabay naming sagot nina Caela at Bunso. Tinawanan tuloy kami ulit ni Ate Eris.

Then out of the blue she called us 'The Detective Bebots'. Mabilis naman itong kinontra ni Bunso dahil masyado daw itong baduy.

Wala pang kalahating oras ay narating na nila ang simbahan. Ang San Guillermo Parish Church na halos kalahati na lang ngayon kumpara sa dati nitong itsura. Naapektuhan din kasi ito noong rumagasa ang lahar sa lugar sa taong 1991.

"Dito nagtaping sina Santino! Iyong paboritong palabas sa tv ni Lola Fe noong bata pa ako," sabi ni Caela habang pinagmamasdan ang lumang simbahan.

"Ito nga!" Kumpirma ni Ate Eris.

Nagpalit muna sila ng outfit bago bumaba sa tinted na sasakyan ni Caela. Biniro ko pa nga si Bunso kung ano pa ang dala niya sa kanyang malaking maleta. Prepared palagi!

"How cute! The upper window of the church became it's entrance. Let's have a groufie there!" Masayang pahayag ni bunso.

"Hindi ba tayo mabubuko sa suot natin?" Balewala ni Caela sa sinabi ni Bunso. Iniwan niya ang kanyang mga kasama at dire-diretsong pumasok sa simbahan.

Dahil ang view ni Caela ang nakikita ko, nagulat ako sa dami ng tao pagpasok niya sa loob ng simbahan. Lahat sila mga madre, kapareho sa suot ng tatlo.

"There's a prayer vigil going on," imporma ni Bunso na patuloy pa rin yatang nagpapakuha ng litrato kay Ate Eris.

"Sandali!" Pigil ng isang babae kay Caela. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"

"Late lang po kami. Kasama po kami sa prayer vigil."

"Talaga? Bakit hindi ko alam? Sa pagkakatanda ko, mga madre lang sa Pampanga ang mga inimbitihan ko. Mukha ka kasing dayo. Wala rin namang sinabi ang kapatid ko na may darating pa. Saan ka ba galing? Sino nagpapunta sa'yo dito? Bagong madre ka ba? Ang bata-bata mo naman! Naalala ko tuloy si Eight. Hay! Nasaan na kaya ang batang iyon?" Lungkot at pangungulila ang rumehistro sa mukha niya.

Biglang sumulpot naman sina Ate Eris at Bunso. Alalang-alala ang mga mukha nila.

"Hello po, Madam! Pinadala po kami ni President Maria. Galing pa po kami sa Manila. Kaming tatlo lang po ang naatasan sa aming monasteryo na dumalo rito. Ipagpaumanhin niyo po ang aming pagdating sa kalagitnaan na nang pagdarasal," paliwanag ni Bunso.

I clap my hands! Great! I salute Bunso's acting skills. Convincing!

"Ah! Pinadala pala kayo ni President Maria. Wala kasing nasabi si Kuya tungkol sa inyo," paliwanag ng babae sa kanila.

"Naalala ko pong nabanggit niyo si Eight kanina. May nangyari po ba sa kanya?" Singit ni Caela.

"May nasabi ba ako?" Maang-maangan pa niya.

"Naku! Masama po ang magsinungaling. Narinig po namin ang sinabi niyo," singit ni Ate Eris.

"Kay Sister ko lang nasabi iyon kanina," naguguluhang sabi niya kay Ate Eris. Maya-maya ay biglang nanlaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig. "Naku! Pasensya na po mga Sisters. Kailangan ko tuloy mangumpisal kay Father mamaya. Kasi naman si Kuya may patago-tago pang nalalaman. Ayoko pa naman magsinungaling. Feeling ko ang bigat-bigat nang naging kasalanan ko," napabuntong hininga siya. "Kabilin-bilinan kasi ni Kuya Uno na wala akong pagsasabihan tungkol sa biglaang pagkawala ng kanyang anak. Ayaw na ayaw kasi niyang magmukhang kaawa-awa. Pero naitanong niyo na rin lang at nabuko niyo pa akong nagsisinungaling ay sasabihin ko na sa inyo ang lahat. Ganito iyon! Makinig kayong mabuti. Bago naibalitang nawala ng labing isang tao sa probinsya namin ay nangyari na ang paglaho ng aking pamangkin. Nung araw na iyon dapat gigisingin ko siya para sana mag-almusal. Kaso nadatnan kong wala siya sa kwarto niya. Todo hiyaw ako sa mga kasambahay noon dahil sa nerbyos. Mahal na mahal ko ang pamangkin kong iyon. Napakabait na dalaga!" Maluha-luhang pahayag niya.

Natahimik ang tatlo. Marahil hindi rin makapaniwala tulad ko. Sinong mag-aakala na pati pala ang anak ng gobernador ay nawawala rin? Si Governor Uno pa man din ang aking numero unong suspek sa lahat ng mga nangyayari sa probinsya.

"Konektado po ba ang pagkawala niya sa misteryosong pagkawala ng dalawampu't isang kabataan?" Tanong ni Caela.

"Hindi ko alam. Nagtataka nga ako kasi napakarami naman ng batay namin sa bahay. Pero may nakagawa pa nang ganoon sa pamangkin ko. Tungkol naman sa pag-iimbestiga ng mga tauhan ni Kuya Uno, wala pa rin silang matukoy kung sino at ano ang dahilan nang pagkuha sa kanya. Kaya heto nga ako ngayon itinalaga ni Kuya Uno na manguna dito sa prayer vigil. Hindi lang ito para sa anak niya pati na rin sa mga iba pang nawawala. Oo nga pala! Napanood niyo rin ba iyong video nila ni President Maria? Nag-courtesy call kasi si Kuya Uno sa ating pangulo. Ikinwento ni Kuya Uno ang mga nangyayari dito sa probinsya. Humingi rin siya ng payo at suporta. Iminungkahi ni President Maria na kailangang ideklara na ni Kuya Uno ang lockdown sa probinsya para sa ikabubuti ng lahat. Nagpadala din siya ng mga magagaling na imbestigador upang tumulong sa paghahanap sa mga nawawala. Hindi na nga umuuwi si Kuya sa bahay.

Pursigido na talaga si Kuya Uno na matigil na ito at maging mayapa nang muli ang Pampanga," mahabang kwento niya sa tatlo.

Wala akong masabi maski ang tatlo na kasalukuyan niyang kaharap. Mukhang nagkamali ako ng hinala. Napabuntong-hininga ako.

"Mabuti pang puntahan niyo na ang mga kasamahan niyong madre. Pasensya na kung madaldal ako," paumanhin ng babae.

Napakamot ng ulo si Caela. "Ano po palang pangalan niyo?"

"Dos. Dos De Jesus. Sige na! Sige na! Maupo na kayo doon," tulak niya sa tatlo.

Nakisali na nga ang tatlo sa prayer vigil ng mga madre sa simbahan. Umupo sila panghuling upuan kung saan may isang madre na taimtim na nagdarasal habang may hawak na rosaryo. Lumuhod na rin si Ate Eris maya-maya. Pero ang dalawa ay nanatiling nakaupo.

"See? I'm right from the very start that Governor Uno is innocent," sabi ni Bunso.

"Basta ako. Siya pa rin!" Kontra naman ni Caela.

"Bingi ka ba? Sinabi na nga ni Tita Dos na nawawala rin si Eight."

"Hindi ako naniniwala na iyon lang ang dahilan niya. Maliban sa ayaw niyang kaawaan siya ng mga tao sa pagkawala ng anak niya. Nararamdaman kong may iba pa siyang mas malalim na dahilan."

"Hindi ko na alam," nawawalan na ng pag-asa kong tugon sa pamamagitan ng wireless headset microphone.

"See? Ate Blossom is already having a doubt on her suspicion. Maybe we can already conclude that this case is really all about their Aríya's or superstitions," Bunso declared sounding so sure.

"Sinong kausap mo?" Tanong bigla ni Caela sa kanya.

"Duh! Ikaw kaya!"

"Talaga? Ang buong akala ko kasi ay may kinakausap kang hindi namin nakikita," natawa pa si Caela.

"Of course not!" Sigaw ni Bunso na napagpatahimik sa lahat. Gulat naman siyang napatingin sa mga ito nang maramdaman niyang tumigil sila sa pagdarasal.

Tumayo ang madre na katabi nila. "Hija, bakit ka sumisigaw?"

"Mother Superior ako na pong bahala sa kanilang tatlo," biglang sumulpot si Dos.

Niyaya ni Dos ang tatlo sa labas ng simbahan. Bumungad sa kanila ang dalawang sasakyan ng mga pulis.

"Pasensya na kayo. Para rin naman ito sa kaligtasan niyo," makahulugan na sabi ni Dos at iniwan silang tatlo. Mabilis silang nilapitan ng mga pulis at hinawakan sa mga braso.

"Teka! Bakit po? Anong pong nagawa namin?" Apela ni Caela.

"We're still having our prayer vigil inside," sabi naman ni Bunso.

"Mga Sir, ano pong problema? Saan niyo po kami dadalhin?" Nanginginig ang boses ni Ate Eris at mukhang naguguluhan na rin sa kung ano ang nangyayari.

"Napansin namin kayong gumagala sa aming probinsya. Mula pa lang noong pumunta kayo sa Canlas Funeral Homes ay binabantay na namin kayo. Tama nga ang hinala namin! Mga Manila Girl na gusto pa yatang mag-adventure. Hindi man lang ba kayo natakot sa maaring mangyari sa inyo dito? Hindi niyo rin ba iniisip ang mga magulang niyo? Malamang hindi nila alam ang mga ginagawa niyo. Paano pala kapag kinulong namin kayo ngayon?" Tanong ni Mamang Pulis.

Nag-isip ako ng paraan para makalusot sila. Nagpalakad-lakad ako sa aking kwarto. Napatigil ako at napapikit ng mariin. Wala akong maisip. Nakaka-iyak.

"Tara na! Baka kanina pa tayo hinahanap ni Chief," anunsyo ng isa sa mga pulis.

"Let me go! Let me go!" Sigaw ni Bunso at umaalis sa pagkakahawak sa kanya.

"Aray! Nasasaktan ako!" Sabi naman ni Caela na patuloy rin sa pagpalag.

Nang lumingon si Caela kay Ate Eris ay napasinghap ako. Nakahandusay na ito sa lupa. Habang ang pulis na may hawak sa kanya kanina ay nakatayo lang at naguguluhang nakatingin. Anong nangyari?

"Oh my! Ate Eris what happen? Hey! Will you please let me go!" Bulyaw ni Bunso sa kawawang pulis. Binitawan naman siya nito. Mabilis naman siyang kumilos at dinaluhan si Ate Eris. Pilit nila itong ginigising pero walang nangyayari.

Ngunit maya-maya lang ay bumunghalit ito ng tawa. Napamaang ako sa nakita. Si Ate Eris pa ba ito? Anong nangyari? Sinasapian ba siya?

"Pare pinagloloko yata tayo ng mga ito! Mabuti pa isakay na natin sila sa sasakyan bago pa sila gumawa ng eksena," anunsyo ulit ng pulis na kanina pa gustong umalis.

Wala na silang nagawa nang sapilitan silang sinakay sa sasakyan. Ang dalawa naman ay tahimik lang na pinagmamasdan si Ate Eris. Marahil nag-aalala sila sa nangyayari sa kanya. Naging tulala kasi ito matapos bumunghalit ng tawa kanina.

Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe papuntang presinto ay bigla na lamang nangisay si Ate Eris.

Napa-sign of the cross ako kaagad. Bigla ring may lumabas na bula sa kanyang bibig. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napapikit at napa-usal ng dasal. Tinawag ko na yata lahat ng maaaring mahingan ng tulong.

Pagbukas ng mata ko nakita kong tinatapik-tapik ni Caela ang pisngi ni Ate Eris. Tinapat niya rin pagkatapos ang tenga niya sa bibig nito. Marahil inaalam niya kung humihinga pa ito?

Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay tumingin siya kay Bunso at umiling-iling.

Sabay kaming napasinghap ni Bunso. Nag-umpisa na ring tumulo ang mga luha ko.

"Hindi! Buhay pa siya! Buhay pa siya! Bilisan niyo! Dalhin natin siya sa ospital! Ano ba! Naririnig niyo ba ako! Bilisan niyo! Bilisin niyo!" Hysterikal at aligagang sigaw ni Bunso.

Napakuyom ako ng kamao. Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ang lahat ng ito! Kung hindi sana kami nakialam marahil hindi mangyayari ito!

Tuloy-tuloy lang na umagos ang luha ko na parang gripo. Napa-upo ako sa sahig at tinakpan ng palad ang mukha. Maya-maya lang, ang aking malakas na hagulgol ay ang tanging maririnig sa aking kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 6.4K 35
Fright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa li...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
157K 1.3K 6
[COMPLETE] Pano kung si Miss Computer Freak ay mag-clash sila ng landas ni Mister gangster?? ano kaya ang manaig sa kanila?? Is it War? Is it Love? E...
12.3K 470 11
Title: My Nutcracker This story is inspired by 'The selection Novel' of Kiera Cass Enjoy reading... ~Miss Eli