Broken Marriage

By Dhummy

133K 3.4K 1.3K

Should I give up? or should I just keep chasing pavements? More

Prologue
Broken #01
Broken #02
Broken 03
Broken 04
Broken 05
Broken 6
Broken 7
Broken 8
Broken 9
Broken 9.5
Broken 10
Broken 11
Broken 12
Broken 13
Broken 14 Part 1
Broken 14 Part 2
Broken 15
Broken 16
Broken 17
Broken 18: A day before christmas eve
Broken 20: Family Dinner

Broken 19: An afternoon with him

1.9K 85 27
By Dhummy

I blink once tapos kumurap ulit then fix my posture. Andito siya. Shit andito nga siya. What to do?

"Isaac" ang tanging masabi ko tapos pinilit kung ngumiti. Napatitig lang siya sakin na para bang naninibago, well may bago naman talaga sa itsura ko. Pero pagkatapos ko magpilit ng ngiti dumaan nalang ako kaagad sa gilid niya.

I can feel na sinusundan pa din niya ako ng tingin kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko lang talaga. Sa tagal ko ba naman siya naging boyfriend nung college at naging asawa pa, bakit hindi diba?

"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong niya pero hindi ako lumingon at hindi ako tumugon, for what?

"Can you atleast eat?" hindi talaga ako tumugon, nakita kong dumaan si Joyce sakin na parang binibigyan ako ng apologetic look pero ngumiti lang ako at kinausap siya.

"Joyce can you please hand this gift over to Jillian and paki sabi para kay Josh yan. At ito din pala cake- alam mo na, nagdadala talaga ako niyan every christmas. Uuwi na kasi ako" nakangiti kong sabi kay Joyce tapos siya pabalik balik tingin niya sa likoran ko at sakin. Nung narealize niya yatang wala na akong sasabihin, ngumiti siya sakin sabay sabi ng, "Um ma'am Sarah ang bilin kasi sakin ni ma'am Marie na pakiusapan ka na wag muna umalis basta hindi pa matapos yung christmas eve"

"Ay najejebs na kasi ako eh, babalik naman ako maya maya" pagrarason ko tapos umacting akong natatae na.

"You can use my- our cr" rinig ko sa likuran ko tapos kita kong napatingin si Joyce doon tapos sakin at ngimiti na naman na parang nanghihingi ng tawad. Huminga nalang ako ng malalim tapos tumingin sa tao na nasa likuran ko.

"Where's the CR?" tugon ko sakanya and with the sight of him, natataranta ako. I thought naka move on na ako ng konti? bakit parang yung 2 years parang 2 days lang? ano yun, sinummarize yung pagiyak ko for 1 year in just 2 days?

"You know where it is" sabi niya sakin tapos ngumiti- kainis naman.

Nginitian ko nalang din siya at naglakad papunta sa CR. Pumasok ako agad agad tapos umupo lang doon and wait.

Maghihintay ako dito hanggang sa bumaba na yung si Jillian or dumating na si tita marie para makapagpaalam na ako, but first I need to think a reason para makaalis dito.

I can't say na it is because of her son, pwede din nilalagnat ako pero baka e check temperature ko, pwede din sabihin na may nageexpect saking tao sa christmas eve sa apartment kaya I need to be there pero baka kasi magsuggest na papapuntahin nalang dito, or baka pwedeng may trabaho ako bukas at double pay kaya kailangan kong umuwi mamayang gabi.

Yes, baka pwede yang trabaho na reason and besides hindi naman siguro hihindi si tita Marie kung about sa trabaho since alam niyang sobra lang konti yung kinikita ko para sa mga expenses ko.

Habang nagaantay ako, nagcellphone muna ako para iwasan yung boredom. Bakit naman kasi ang tagal nila bumalik? at bakit ang tagal makababa ni Jillian? tawagan ko kaya siya?

I decided to call Jillian and for the love of God, sumagot siya!

"Finally! Asan kana!? kanina pa ako naghihintay dito sa sala niyo oh lumipat nalang ako sa cr, hindi ka manlang nagsabi na nandito kapatid mo" walang preno preno kong sabi sakanya.

"Ay hala sorry hehe, chika later pagkarating ko jan"

"Pagkarating? asan- "

Hindi na ako natapos pa sa pagsasalita kasi bigla nalang niyang inend call yung tawag. Confused akong nakatitig sa cellphone ko, anong pagkarating niya? eh yung sasakyan niya nasa labas ah?

Napatingin ako sa pintuan kasi may kumakatok, hindi ako kumibo kahit na huminto na. Bakit ang kulit niya bigla?

"Ma'am patapos na po ba kayo? mag c-cr po kasi ako" rinig kong tugon ni Ann. Napatingin ako sa relo at mga 10 minutes palang naman ako dito ah? talaga bang na c-cr si Ann?

"Teka patapos na ako" sabi ko nalang

Naghugas ako ng kamay para kunware nag cr talaga, binuksan ko yung pinto at ang una kong nakita si Ann na nagaantay sakin lumabas.

"Sorry ma'am na c-cr na kasi talaga ako" sabi lang niya bago siya pumasok. Napatingin ako sa paligid pero wala na siya, hay salamat.

Nakangiti akong naglakad pabalik sa living room ng nakita ko siyang nandoon, may bowl sa kamay at kumakain sa harapan ng tv nila. Napatingin siya sakin bago niya sinubo yung kinakain niyang pagkain tapos ngumiti.

Inirapan ko lang siya at umupo sa kabilang singel chair nila at nagkuwnareng nagce-cellphone. Wala lang, gusto ko lang sabihin na busy akong tao at ayaw kong makipagusap.

"Ang sarap ng kinakain ko, gusto mo?" rinig kong sabi niya. Sagotin ko ba?

"2 years lang tayong hindi nagkita, nabingi kana" okay lang yan Sarah, sakanya ka lang naman bingi.

"Alam mo, magsisisi ka kung hindi mo 'to matikman" kumain kana kaya Sarah, ayaw mo namang magkasala ng gluttony 'nu kung kakain kapa ulit. Hindi lang talaga ako kumibo at nag cellphone lang, scroll scroll lang sa facebook, nanunuod ng random videos.

Mga sampong minuto na yatang lumipas hindi na siya kumikibo, nagpapasalamat na ako kasi peaceful na kaso, "Hindi ka nakaconnect sa wifi?"

"Ano ba yan Isaac! nanggugulat ka!" gulat kong sabi sakanya kasi bigla bigla nalang siyang nagsasalita sa likuran ko. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko siyang tumawa lang ng bahagya tapos pinakita niya palad niya sakin. Natuwa pa talaga siya ah.

"Ano yan?"

"Lika lagyan natin ng wifi yang cellphone mo"

"Okay lang , hindi naman ako magtatagal dito"

"Para makanuod ka ng videos, lagyan na natin"

"Nakakanuod naman ako, salamat"

"Ayaw mo ba talaga?"

Nginitian ko lang siya tapos bumalik ako sa pag ce-cellphone, bakit ba ang kulit niya? bakit parang wala lang nangyare para sakanya? ganun ba kadali yun kalimutan para sakanya?

Tumingin ako sa sofa kung saan siya nakaupo pero wala siya doon, napatingin ako sa tv na naka on, spongebob yung pinapanuod niya. Favorite ko pa naman 'to.

Umayos ako ng upo na sakto lang makita ko yung tv habang nagkukunwaring nagce-cellphone. Sa cellphone ko nalang kaya ako manuod ng spongebob?

Injust shrug and decided na manuod sa tv, hindi ko pa rin naman siya papansinin. Manunuod lang naman ako, sayang din maganda pa naman yung episode na pinapalabas.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na bumalik na siya sa inuupuan niya pero may nilapag siya sa lamesa. Napatingin ako doon at sakanya.

"Baka gusto mong kumain, nilagyan din kita sa bowl" napatingin ako sa bowl na may kanin at menudo sa itaas nito. Wag ka papatukso Sarah, favorite mo lang naman yan.

"Okay lang ,busog ako" sabi ko sabay tingin ulit sa tv. Kunin ko nalang kaya? kaninang 10pm pa last kong kain, nakakagutom din yung hindi pagkikibo.

Napatingin ako ulit sa bowl at sakanya na nanunuod lang ng tv. Wala naman sigurong masama kung kukunin ko 'to, besides si tita Marie naman nagpaluto nito para sakin.

Kinuha ko yung bowl na nilagay niya sa lamesa at bago pa ako nakaupo ng maayos, nakita ko talagang ngumiti siya bago niya sinubo ulit yung pagkain. Nilagay ko yung bowl sa arm chair at nagsimula ng kumain.

Ang sarap naman nito. Naiiyak kong sabi ka sarili ko habang sumusubo ng pagkain. Buti talaga hindi ako nagmatigas at hindi kinuha to, sayang naman.

Dahil sarap na sarap ako, ang bilis kong naubos. Napatingin ako sakanya na nakatingin pala sakin.

"Akala ko hindi gutom, naunahan pa'ko" rinig kong sabi niya pagkatayo ko. hmp!

Tumungo ako sa kusina para hugasan yung pinagkainan ko, nilagay ko sa sink yung bowl at kukunin ko sana yung sponge kaso kinuha yun kaagad ni Isaac na nasa likuran ko lang pala.

"Ako na, bisita ka" rinig kong sabi niya at tinulak ako gamit ng bewang niya. Nakatitig lang ako sakanya habang hinuhugasan yung pinagkainan namin. Bakit ang weird lang?

"Bakit panay tagalog ka?" hindi ko maiwasang itanong. Tumingin muna siya sakin tapos ngumiti bago niya ako sinagot.

"Kasi kinakabahan ako" agad agad ako umalis sa pwesto ko para hindi niya makita yung pag ngiti ko, shemay! kinikilig ba 'ko? ang tanda tanda ko na para kiligin 'nu.

Kumuha ako ng tubig sa ref nila at baso. Nung natapos ako uminum, natapos din si Isaac sa paghuhugas ng plato. Naglalakad siya papunta saakin, mukhang iinom din ng tubig. Aalis na sana ako nung nakita kong sinalinan niya yung baso na pinaginuman ko ng tubig.

"Hoy ginamit ko na yan"

"Ah gamit na pala 'to? sayang naman yung tubig kung itatapon lang, inom ka ulit?" hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.

"Hindi syempre, madami na akong- hoy!" bago ko pa siya napigilan, ininom na niya.

Ngumiti lang siya at ako naman umalis nalang. Bumalik ako sa sala at umupo, mukhang hindi na spongebob yung palabas. Napatingin ako sa wall clock at alas tres na pala. Ang bilis naman ng oras pero ang tagal dumating ni Jillian.

Kinuha ko yung phone ko sa table at tinawagan si Jillian ulit. Habang nagri-ring pa, nakita ko si Isaac na umupo ulit sa pwesto niya tapos tumingin sakin na nakakunot ang noo.

Nagulat nalang ako nung may nag hello sa cellphone kaya napatayo ako agad, lumayo ako kung saan siya nakaupo.

"Hoy Jillian asan kana?"

"Malapit na kami sa bahay, chill ka lang. Entertain mo muna si Isaac para sakin"

Pambihira.

"Bakit ako? ako yung bisita dito ah"

"Basta te, malapit na kami. Konting tiis pa, mga alas quatro makabalik na kami diyan"

"Ang tagal pa ng alas kwarto Jillian, uuwi nalang ako-"

"Hoy wag ka umuwi ah, hindi mo pa nabibigay gift mo sa anak ko"

"Ipaabot ko nalang kay Joyce"

"Si Joyce ba yung ninang? diba ikaw? kaya ikaw ang mag abot. Oh siya, baka maaksidente pa kami"

Napabuntong hininga nalang ako pagkababa ko ng cellphone ko, bumalik nalang kaya ako sa december 25? pero ganun pa rin naman diba? makikita ko pa rin siya ulit.

Bumalik nalang ako sa pagkaupo ko at nanuod ng tv. Mga ilang minuto lang yung katahimikan bago nagsalita nanaman si Isaac.

"Boyfriend mo?" napatingin ako sakanya na naka kunot ang noo parin.

"Oo" simpleng sagot ko na nakangiti. Panindigan mo 'to Sarah ah.

"Ah, mukhang nag aaway kayo ah. Nakabasungot mukha mo pagkarating dito" sabi lang niya habang nakatingin diretcho sa tv. Gusto ko nalang matawa ngayon.

"Hindi naman, saamin na yun" sagot ko sakanya, tumango-tango lang siya at hindi na nagtanong ulit. Napangiti nalang ako, yun lang pala magpapatahimik sakanya.

Umupo ako ng maayos tapos nanuod ng tv. Nagantay ako ng mga kasunod na tanong pero wala na akong narinig pa.

Mga ilang minuto lumipas nararamdaman kong inaantok na ako, naluluha na kasi mata ko. Napatingin ako sa orasan at alas tres bente pa pala, ang bagal naman.

Napatingin ako ulit sa tv at family guy na yung palabas, nakakaantok naman 'tong cartoon na 'to. Napatingin ako kay Isaac na nakapikit na sa sofa habang nakahiga, tapos ako na nakaupo lang kasi single chair lang naman 'to. Kung matutulog ako dito magkaka stiff neck ako for sure, pero bahala na.

Inayos ko yung pag-upo ko ayon sa pagpwesto ko sa ulo ko na makasandal konti tapos pumikit.


"What do you want this christmas?" napatingin ako sa isang lalake na nakaupo dalawang pagitan na upuan sakin. Mukha siyang pamilyar, ako ba kausap nito?

"Excuse me, do I know you?" ano ba yan, mapapaenglish pa ako dito. Mukhang mayaman.

Ngumiti siya sakin and with that smile, bigla ko nalang siya naalala.

"AH! Ikaw pala yan! Pasensya kana ah, akala ko kaklase kita, nonblock kasi ako" pageexplain ko tapos ngumiti.

"It's fine, so what do you want?" tanong niya ulit at napaisip naman ako. Ano nga ba?

"Okay na ako sa menudo na handa ko para sa pasko" nakangiti kong sabi sakanya.

"Then, I'll make you one"


"Ano ka ba naman, hindi mo manlang pinatulog sa kwarto mo! anong klaseng asawa ka!? hindi kaba naaawa sa posisyon niya habang natutulog? naturingan kapang Villamor"

nagising ako sa mga taong parang may pinagaawayan.

"Mom! look what you've done. Nagising tuloy siya"

Inayos ko yung pagkaupo ko at inadjust mata ko. Nakita kong nakatingin saakin si tita Marie at si Isaac. Ngumiti bigla si tita Marie sakin at doon ko lang narealize na nakita nila akong natutulog. Bigla nalang akong nahiya at pinahiran mukha ko gamit ng palad ko, nakanganga ba 'ko?

"Ay sorry po, napahaba pala pagidlip ko" sabi ko nalang agad agad at napatingin sa orasan. Alas sais na. Ang haba nga.

"Okay lang yan ihja, kakarating pa naman namin" sabi ni tita Marie at ngumiti. Tinignan niya si Isaac tapos tumingin sakin na parang nagaalala.

"Kumain kana ba?--"

"Ay tita naka--"

"--pasensya kana ah hindi ako nakapagpaluto, akala ko kasi napagsabihan ka ni Jillian na mamayang gabi ka nalang pumunta kasi aalis pa kami"

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin nalang kay Isaac na bigla nalang umalis. Hindi ko alam pero para akong biglang naiiyak.

"Okay lang po ako, nakakain naman ako. Nagluto sina Ann pagkarating ko" pagexplain ko habang ngumingiti. Damn him.

"Oh! it must be Isaac. Wala siyang kain bago kami umalis" sabi lang niya, tumango tango nalang ako. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na may parang tumatakbo pababa. Napaikot din yung ulo ni tita Marie sa may hagdanan kasi tumatakbo pala si Josh habang si Jillian sinasaway anak niya.

"Oh ihja before I forgot, aalis tayo. Sa labas tayo kakain kasi yung kapatid ko nandito sa pilipinas, sila yung kinuha namin kanina" napatayo nalang ako at nagayos ng damit.

"Hala nako, hindi nalang po ako sasama. Nakakahiya naman" pagtanggi ko kaagad. Hindi naman ako kasama sa family nila.

"Bakit ka naman mahihiya ihja, you're part of the family"

"Tita matagal na kaming-"

"Ay nako, basta sasama ka saamin. Please? for me?"

"Okay po, sige sasama na ako"

Ngumiti naman kaagad si tita pagkapayag ako, ang hirap naman kasi tanggihan. She's been so good to me since we met, hindi naman siguro masama kung pumayag ako, ngayon lang naman 'to.

"That settles! Jillian, can you lend Sarah some dress?" sabi ni tita na kaagad naman lumapit kay Jillian na ngayon pinapagalitan pa yung anak.

Napatingin nalang ako kaagad sa suot ko, I really need a dress. For sure sa magarbong restaurant to pupunta, nakakahiya naman kung pupunta ako doon na naka jeans.

Nilapitan ko yung dala dala kong regalo para kay Josh at pansin kong wala na yung cake doon, nilagay na siguro nila sa refrigerator. Napatingin ako kay Josh na nakahawak ngayon sa tshirt ni Jillian, behave na kasi napagalitan.

Napatingin siya sakin tapos bigla siyang ngumiti ng tudo kasi pinakita ko sakanya yung regalo kong dala. Hinila niya yung tshirt ng mama niya at napatingin si Jillian sakin, tumingin siya kay Josh tapos tumango.

Dali dali naman kaagad siyang tumakbo sakin, nagbend ako ng paa ko para salubungin yakap niya. Pagkayakap niya sigaw agad siya ng thank you.

"Thank you lang? walang kiss si tita?" tanong ko na nakangiti at agad agad naman niya akong kiniss sa cheeks kaya natawa nalang ako.

"Paamoy nga ng kili kili ni Josh kung hindi ba smelly" sabi ko sabay panggigigil sa kili kili niya na tawa naman siya ng tawa, nakakatuwa talaga 'tong batang 'to.

"Tita it's nakakakiliti. My gift please" sabi niya agad agad sakin habang tumatawa.

"Can you guess first what's inside?" tanong ko sakanya tapos nag action siya na parang nagiisip.

"I know, it's a book! because it shapes like a book!" natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Then, do you still want this if this is a book?" paghahamon ko, ngimiti naman siya.

"Ofcourse, it comes from you" ang sweet naman ng batang 'to, wag sana niyang gamitin to sa paglaki niya.

"Sige na nga, here you go pero you will not open this basta hindi pa christmas okay?" paalala ko sakanya. Tumango tango naman siya and kiss my cheeks again bago tumakbo ulit sa mama niya na papunta sakin at pinakita yun.

"Tara na Sarah sa taas, may mga spare akong dress doon kasi alam kong sasama ka" sabi niya kaagad sakin at agad agad kong naalala ginawa niya kaya kaagad ko siyang kinurot sa braso.

Tumawa tawa lang siya tapos nag peace sign.

"Nako talaga kung hindi lang kita bestfriend, magagalit na ako ng tudo sa ginawa mo" sabi ko sakanya habang paakyat kami.

"Pasasalamatan mo din ako sa ginawa 'kong 'to soon" sabi lang niya pero pinalagpas ko nalang. Nung nakapasok na kami sa kwarto niya nakita ko si Michael na magsusuot palang ng polo. Kaagad naman siyang hinampas ni Jillian.

"What's that for?" tanong niya habang inaayos yung polo niya.

"Diba I told you to fix yourself at Isaac's room kasi I will bring Sarah here? kitang kita niya tuloy bilbil mo" sabi ni Jillian at hindi ko alam na kikiligin ba ako sakanila o mahihiya, sa harapan ko pa talaga 'nu?

"Alright, I'm already done naman- come here kiddo, your mom and tita will do something and we don't want to see it, okay?

"So we're going to tito Isaac's room?"

"Yes, so let's go"

At tuluyan na silang lumabas. Rinig kong nagsabi si Jillian ng mag-ama talaga kaya natawa nalang ako.

"Pumili ka kung anong bagay sayo ah" sabi niya pagbukas niya ng wardrobe niya. Pumili nalang rin ako kaagad habang si Jillian nakaupo sa gilid.

"Ang taray mo ah, nagpashort hair ka. Anong nakain mo? part ba 'to sa moving on process?" hinarap ko naman siya with a black dress na ang haba hanggang sa paa ko with a slit hanggang sa ibaba ng bewang ko.

"Hindi nu tsaka matagal na akong nakamove on- bagay ba sakin 'to?" tumayo siya at inilapit sa katawan ko. Para siyang nagiisip habang nilalapit yun sakin.

"Marunong kaba magkunwareng sophisticated na mistress? then bagay saiyo 'to" panunukso niya sakin at tumawa naman kaagad nung sinamaan ko siya nang tingin.

"Ano nga? bagay ba?" naiinip kong tanong sakanya

"Bagay naman ang problema kasi nito yung paglalakad,dapat confident ka maglakad nito" paalala niya sakin. Tumango tango nalang ako.

"Then, I'll take this. Confident naman ako" sabi ko sakanya.

"I love it, buti naghiwalay kayo ng kapatid ko. Mas pinapalabas mo na mga hidden talents mo" sabi niya sabay lapit doon sa madaming make up.

Agad agad naman akong nagbihis habang si Jillian busy kakalagay ng eye liner.

"Bilisan mo magbihis te ah, maglalagay kapa nang konting make up" sabi niya habang ako struggle na magsuot nitong dress. Grabe pakita cleavage pala 'to.

"Talking about mistress te, wala si Jen mamaya" biglang sabi ni Jillian kaya natigilan ako pero pinagpatuloy ko naman kaagad ginagawa ko.

"Bakit naman wala?" tanong ko habang inaayos cleavage ko.

"I don't know, sino ba siya para iinvite?"

"uh girlfriend?"

She just shrug tapos tumayo nung nakita niya akong nagstru-struggle sa pagabot ng zipper sa likod. Tinulungan niya ako sa pag zip ng dress at tumingin sa whole body na salamin sa harapan namin.

"Bagay nga sayo, make up nalang kulang kaya dali!"

Natawa nalang ako at kaagad lumapit doon sa make up kits niya. Mga ilang minuto lang niya ako inayosan kasi sinabihan ko na light make up lang. Nung okay na ako sa pagli-lips stick ko, kinuha ko yung dala kong perfume kasabay ng pagbaba ni Jillian sa hawak niyang suklay.

"Tara na baba na tayo, kanina pa sila nagaantay siguro" sabi niya kaya kinuha ko na agad yung purse ko at sinabit sa balikat.

Napatingin muna ako kay Jillian sa suot niyang fit red dress na hanggang tuhod lang, ang ganda lang niya.

"Te tara na, wag mo sirain takong ko ah? mahal yan" sabi niya at nagtawanan nalang kami.

"Marunung ako gumamit nito gaga" sabi ko at sumabay sa paglakad niya. Nung nasa may stairs na kami, nakita naming tumingin sila samin kasi kami nalang yata ang inaantay.

Habang bumababa kami nahihiya ako kasi nakatingin sila saamin. Napatingin ako kung saan si Isaac nakatayo, nakatingin lang siya sakin habang umiinum ng wine.

He's wearing a black tuxedo na may inner na white polo pero walang necktie. Ang lakas lang ng porma niya.

Pagkababa namin kaagad kami nilapitan ni tita marie na ang laki ng ngiti.

"Ang gagandang mga bata. Oh siya, let's go na"

"Mom we're not kids anymore, you see this ring"

"Bata pa rin kayo sa paningin ko, don't argue with me Jillian I just compliment you"

"Na may word na bata, ano ka ba naman-"

"Babe tahan na, para ka nang bata, nakikipagtalo pa"

Natawa nalang ako sakanila habang palabas, pagkatingin ko sa gilid ko nagulat nalang ako na si Lucas pala yun. Kanina pa siya nandiyan?

"So Jillian and Michael will come with us kasi their car broke, tapos ikaw ihja kay Isaac kana. There's no space na kasi" sabi ni tita Marie sakin at bago pa ako makapagreklamo, kumaripas na papasok sa sasakyan. Napatingin nalang ako kay Isaac na binuksan na yung pintuan at tumingin sakin na nakangiti.

Bumuntong hininga nalang ako at lumapit.

"Pinagbuksan pa talaga ako" sabi ko pagkalapit ko.

"For you, I will"

Napairap nalang ako pagkapasok ko at tumawa siya bago niya sinara. Huminga ako ng malalim habang tinitignan ko siya na umiikot para pumunta sa drivers seat.

Pagkapasok niya timingin kaagad siya sakin. Napakurap ako kasi nakatitig lang talaga siya kaya napahawak ako sa mukha ko. Anong meron?

"Bakit ka nakatitig?"

"You forgot something"

Lumapit siya at ako naman napaatras, I swear kung may gagawin siya matatamaan talaga siya sakin.

Ngumiti muna siya ng nakakaloko bago niya nilayo mukha niya sakin sabay sabi ng, "Seatbelt mo Sarah"

Inis kong sinuot ang seatbelt ko at tumingin sa labas ng bintana.

This is going to be a long night.

Continue Reading

You'll Also Like

768K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
99.7K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
14.5M 748K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...