#Aríya

By DYOYSIII

2.6K 495 78

A girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news a... More

Disclaimer
Chapter 1: Prospect Partner
Chapter 2:Harrieta's Secret
Chapter 3:Friday the 13th
Chapter 4: Research
Chapter 5:Second Batch
Chapter 6:Request
Chapter 7:Trip to Pampanga
Chapter 8:Chanak
Chapter 9:Playful Princess
Chapter 11:The Seer
Chapter 12:Prediction
Chapter 13:Teacher
Chapter 14:Secret Investigation
Chapter 15:Disappearance
Chapter 16:Black Cat
Chapter 17:Suspect/s
Chapter 18:Techie Monster
Chapter 19: Who?
Chapter 20:Arrested
Chapter 21:Witch
Chapter 22:Trending
Chapter 23:Stalker
Chapter 24:Payback Time
Chapter 25:Back To Square One
Chapter 26:Team Bahay
Chapter 27:Team Bahay Part II
Chapter 28:Text Message
Chapter 29:Talk of the Country
Chapter 30:Posted Photo
Chapter 31:Unexpected Help
Chapter 32:Go! Go! Move!
Chapter 33:Found?
Chapter 34:Different Locations
Chapter 35:Gun Shot
Chapter 36:Finale

Chapter 10:Action Man

62 15 2
By DYOYSIII

Bloomy's POV

Pagpasok namin sa bahay nadatnan namin ang isang matanda. Nakatalikod ito samin habang nakatanaw sa bukas na bintana. I think she's already 60+.

"Apung Ruby! Apo! Apo!" Masiglang tawag ni Princess at nagmano sa matanda. Kaya gumaya na rin kami. "Apo atin naku pung pasibayung ati. I Ati Bubbles ampo'y Ati Bloomy! Mangalagu lang kalupa ku ne apo?" sabi ni Princess sa matanda na hindi naman namin naintindihan ni Bubbles.

Mataman naman kaming tiningnan ng matanda at pilit na ngumiti sa bata. "Awa apu ko! Mangalagu la pin. Paluklukan mo pa."

"Mga Ate upo na daw kayo sabi ni Apung Ruby." Umupo naman kami ni Bubbles sa mahabang sofa. "Apo I Ingkung Jimmy? Bisa kung pung gatas damulag."

"Aru'y ing apu ko! Meko ne. Tsu ne keng sapa kanyan. Pantunan me I koya mung Buknoy baka tsu kusina. Pakwa na kamu kaya." Sagot sa kanya ng matanda.

"Yehey!" Masiglang sabi ng bata at nagtatalon.

Sumabog muli ang hindi kaaya-ayang amoy.

"Aliwa yaku ita Apo." Nagtatakbo na ang bata matapos ulit magpasabog ng lagim. Naiwan kaming natatawa at nilakasan pa ni Apung Ruby ang buga ng bentilador.

Maya-maya bigla na lang sumulpot si Ate Eris habang nagkukwento si Kuya Buknoy ng kanyang trabaho. He is Delivery Manager at Tocino Pampanga.

"Sabi na, nandito kayo! Alalang-alala na ang nanay ng batang iyan." Bilang nito kay Princess na ngiting-ngiti lang sa isang tabi.

"Ninang Ganda, bawal mad. Dapat happy lang! May nagpapabigay nito sayo o! Ayiiie!" Tukso nito pagkatapos iabot ang pinapitas niya sa aming rosas kanina.

"Kanino naman galing ito?" tanong ni Ate Eris.

Tinuro ni Princess ang nanahimik na si Kuya Buknoy. Nagulat ito at namumulang umiling.

Napangiti lang si Ate Eris at inamoy ang rosas. Ngunit nag-alala kami sa kanya dahil napakapit ito sa ulo niya na parang sumasakit.

"Ninang Ganda masakit ulit? Hindi ba kagabi nung pinindot-pindot ko nawala iyong sakit? Halika pindot ko ulit," sabi ng bata.

Marahil masahe iyong pindot na sinasabi niya? Bakit parang namumutla rin si Ate Eris?

"Namumutla ka Sire. Hatid na kita sa inyo," singit ni Kuya Buknoy.

"Naku huwag na, Buknoy. Samahan mo dito si Apung Ruby. Ipapahinga ko lang ito. Tara na Princess at kayong dalawa, uwi na tayo." Anyaya sa amin ng namumutlang si Ate Eris.

"Ninang Ganda hintayin ko po si Idol. Darating daw po siya sabi ni Apung Ruby. Dito po muna ako." Pakiusap ni Princess sa kanyang ninang. Kinurap-kurap pa nito ng bongga ang kanyang mga mata at kulang na lang ay lumuhod sa harapan nito.

"Oo, Sire. Dito muna sila. Inimbitahan din sila ng Nanay para makisalo sa amin sa tanghalian." Singit ni Kuya Buknoy na namumula.

"Sige. Bubbles okay lang ba na hatid mo muna ako saglit? Balikan mo na lang sila dito pagkatapos." Pumayag naman si Bubbles sa paki-usap ni Ate Eris.

Nalaman kong matalik na magkaibigan sina Kuya Buknoy at Ate Eris simula pa noong kabataan nila. Kaya pala Sire ang tawag ni Kuya. Sire binaliktad lang ang Eris.

Malapit na kaming matapos sa tanghalian nang dumating ang inaabangan na bisita ng mag-anak. Si Gobernador Uno De Jesus. May dala itong isang bilao ng pancit, mga prutas, mga gamot at kung anu-ano pa.

Nanatili ito sa bahay ng mga Castillo marahil mga dalawang oras. Kinumusta niya ang mag-anak na hanggang ngayon nangungulila sa hindi makitang anak. Umaasa ang mga ito na sana isang araw makapiling pa nila ang nag-iisa nilang anak na babae. Isa-isa namang binanggit ng gobernador ang mga ginagawang nilang hakbang at masusing pagsuyod sa buong sulok ng lalawigan.

After he state everything he did for the case, all of a sudden guilt is seen in his face.

Napakurap pa ako para masiguro na tama ba ang nakita ko. Ngunit ngumiti ito ng napansin akong nakatingin sa kanya. Marahil ang nakita ko sa mukha niya ay dahil hindi pa nila nahahanap ang mga nawawala.

"Kaganaka na talagang idol ne, Apo? Lawen mu o, karakal na binye. Dininan naku pang dinalan. Atin kung dinalan! Atin kung dinalan! Atin kung dinalan!" Wagayway ng bata sa isandaang pisong papel. "Pakit ke pa kang tata ko kauli! Panyad ko ring pancit di maku ne, Apo? Peyborit ne ini, Apo."

"Wapin, ya kabud makanta. Wa sige manuli kayu." Masayang tugon ng matanda.

Umuwi kaming may dalang balot ng pancit para nga kay Ate Ara. Natuwa naman ang Nanay ng bata.

"Hanga rin ako sa governor nila dito. Grabe iyong mga dala niya, ang dami! Tapos iyong mga pinagawa niya sa lalawigan na malaking naitutulong sa mga kapampangan. Mabilis pang kumilos, no wonder he was branded as "The Action Man". Bakit hindi siya tularan ng mga officials natin sa Manila. Wala silang ibang alam kundi mangako at mangurakot!" sabi ng kasama ko. Nandito kaming dalawa ni Bubbles sa sala. Naikumpara pa talaga niya ang mga opisyal namin sa Maynila kay Gobernador Uno ng Pampanga.

"Kaya mahal na mahal siya ng mga taga rito. May walong taon na siyang naninilbihan sa aming lalawigan. Talagang binibigay niya lahat ng makakaya niya para sa mga nasasakupan. Noong isang taon nga nagbigay siya ng mga binhi ng palay at mais sa mga kalugar namin dito na may mga palayan." Singit ni Kuya Manolo na nakatayo sa likod namin. Narinig niya pala si Bubbles. Nagsasalita pala siya? Ngayon lang kami nito kinausap ni Bubbles.

"Mauna na tayong kumain. Pabayaan na lang muna natin si Eris sa kwarto. Nagpahilot ng ulo sa akin, ayon nakatulog." Kasunod ni Ate Ara si Princess na malungkot. Marahil nag-aalala sa kanyang Ninang.

Sisig ang ulam namin ngayong gabi, gawa ni Kuya Manolo. Masarap! Magana ring kumain si Bubbles. Kinulit pa niya si Kuya Manolo kung ano angbmga sangkap at proseso ng tamang pagluto. Mas gusto niya daw ang lasa ng sisig na kinakain namin ngayon kesa sa sisig ng Papa niya.

"Nagsinunggaling ulit siguro iyang si Eris o may tinuruan mag-sinungaling." Baling nito kay Princess na umiling lang sa Ina. "Natatandaan ko pa noong anim na taong gulang siya sumakit din ng ganyan iyong ulo niya. Nagpapahilot sa Nanay namin. Umabot nga iyong sakit sa ulo niya ng isang linggo. Wala naman daw problema sa kanya sabi ng mga doktor noong pinatingin namin," kwento na lang bigla ni Ate Ara.

Kaya matapos naming makakain, pinaghanda namin ng pagkain si Ate Eris. Dinala namin nina Bubbles at Princess ito sa kwarto niya. Nadatnan namin siyang gising na pero nakatulala lang na nakatingin sa kisame.

"Ninang Ganda may lizard?" Tingin ni Princess sa kisame kung may butiki nga.

Natawa sa kanya si Ate Eris. "Wala. Nag-abala pa talaga kayo. Pero salamat na rin. Akin na nga iyan."

Hindi na siya namumutla pero sa tingin ko sumasakit pa rin paminsan-minsan ang ulo niya. Napapahawak na lang kasi ito bigla sa ulo.

"Masakit pa po ba Ate Eris? I can massage it if you want. Tinuruan ako ni Mama ng tamang paraan how to massage effectively." Presinta ni Bubbles matapos kumain ni Ate Eris.

"Naku hindi. Keri ko pa naman, malayo ito sa bituka." Natawang biro ni Ate Eris.

"Pero totoo bang dahil sa nagsinungaling kayo kaya sumasakit ang ulo mo? Paano nangyare iyon, Ate?" Hindi ko kasi lubos maisip na maaring mangyari iyong ganoon. Strange!

Hindi ito nakapag-salita. Nagkatinginan kami ni Bubbles. So silence means 'Yes?'

"Bakit ang tahimik niyo po Ninang at mga Ate?" Inosenteng tanong ng bata na papalit-palit ng tingin sa aming tatlo.

"Hindi naman mahalaga iyon. Oo nga pala, paano na? Hindi ko kayo masasamahan sa pamamasyal niyo dito." Kindat sa amin ni Ate Eris. Iyong pamamasyal na sinasabi niya ay iyong pag-iimbestiga namin ng pasikreto. "Tinext ko naman si Buknoy ayaw naman niya kayong samahan. May trabaho na daw ito bukas. Hindi naman marunong magmaneho si Kuya Manolo."

"Mamasyal sila Ninang Ganda? Sama ako! Punta tayo sa may park bukas mga Ate. Maraming slides doon tsaka seesaw. Maraming cotton candy. Ice cream. Tsaka balloons. Masaya doon mga Ate! Punta tayo ha?" Sabik na sabik na pakiusap ng bata.

"Naku baby ..."

"Okay lang Ate Eris. Sige Princess punta tayo sa parke bukas. May dalang kamera itong si Ate Bubbles mo. Pakuha tayo ng maraming litrato. Gusto mo ba iyon?" tanong ko.

"Talaga po? Sige! Magpapark kami! Magpapark kami! Magpapark kami! Maiwan si Ninang Ganda kasi nasakit pa ulo. Nye! Nye! Nye! Joki joki lang! Love na love kaya kita Ninang Ganda. Sarap ng mga pasalubong mong strawberry. Naubos na nga po! Bili mo pa ako ng maraming ganoon ha?" pakiusap pa ng bata. Kay Ate Eris pala galing iyong nilalantakan nitong mga strawberries kanina.  

"Pahug nga!"

Nagyakapan nga ang mag-ninang. Sweet na bata at lagi kang masaya kapag kasama siya.

Sa aming kwarto...

"Grabe! Nosebleed! Wala akong naintindihan doon sa dasal ni Princess. Hindi man nag-abalang itranslate sa atin ni Ate Eris. Nganga lang tuloy tayo. Pero ang sarap pakinggan ng boses niya, ang lambing! Pustahan magiging mahusay na singer iyon someday. " Komento ni Bubbles habang inaayos ang higaan namin. Iniwan na namin ang mag-ninang para na rin makatulog na si Ate Eris.  
"So adventure no more?"

Napabuntong hininga ako. Kanina ko pa nga iniisip iyon. Wala kasing marunong magmaneho sa amin. Hintayin na lang siguro namin na umayos ang lagay ni Ate Eris bago ituloy ang plano.

"Ang dami nilang figurines na angel dito. Namiss ko tuloy si Mama. Tasa naman hilig niya, may isang cabinet nga siya na lagayan sa bahay. Puno iyon! Hindi pa maawat ni Papa na bumili kapag may nagustuhan sa mall," kwento ni Bubles. Ako rin miss na sila. Mabuti pa si Gelo kinumusta ako kanina, ang mga parents ko wala man lang paramdam.

"Ito napansin ko lang ha? Tutal nabanggit mo na rin lang ang mga anghel nila. I'm wondering also why angels? Not pictures or replicas of God, right? Though I knew they believe our God, in fact I observed they value prayer. Ewan. Kung anu-ano itong naisip ko. Huwag mo na lang pansinin." Natatawang paliwanag ko sa walang kwentang sinabi ko.

"Yeah, right! Kaninang hinatid ko si Ate Eris dito sa bahay nila naitanong ko kay Ate Ara saan galing iyong mga angel figurines. Napansin niya kasi akong pinagmamasdan iyong kwintas ni Ate Eris na suot niya. Nagtataka din kasi ako sa unang araw pa lang natin dito bakit nagkalat ang angel figurines. I thought they crafted them but I'm wrong. Sabi ni Ate Ara collections daw ang mga iyan ni Ate Eris. Simula pagkabata hilig niya daw magpabili ng mga angel figurines kesa mga laruan. Mas dumami sila nung nagkatrabaho daw si Ate. Kasi sariling pera na pinambibili niya. Nung narinig ko ang paliwanag ni Ate Ara isang word lang ang pumasok sa isip ko .... "

"Weird!" Sabay naming bigkas at natawa dahil pareho pala kami na iyon ang iniisip.

We end our day with that thought in our minds. Hoping also the next couple of days we can able to do our goal why we're here. 

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
41.6K 2.8K 14
A COLLABORATION PROJECT -MsButterfly (Gabrielle Yana Concepcion) -Kuya_Soju (JL Rabaria) -Maxinejiji (Maxine Lat) D I A B L O: Scent of a Murderer
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...