#Aríya

By DYOYSIII

2.6K 495 78

A girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news a... More

Disclaimer
Chapter 1: Prospect Partner
Chapter 2:Harrieta's Secret
Chapter 3:Friday the 13th
Chapter 4: Research
Chapter 5:Second Batch
Chapter 6:Request
Chapter 7:Trip to Pampanga
Chapter 9:Playful Princess
Chapter 10:Action Man
Chapter 11:The Seer
Chapter 12:Prediction
Chapter 13:Teacher
Chapter 14:Secret Investigation
Chapter 15:Disappearance
Chapter 16:Black Cat
Chapter 17:Suspect/s
Chapter 18:Techie Monster
Chapter 19: Who?
Chapter 20:Arrested
Chapter 21:Witch
Chapter 22:Trending
Chapter 23:Stalker
Chapter 24:Payback Time
Chapter 25:Back To Square One
Chapter 26:Team Bahay
Chapter 27:Team Bahay Part II
Chapter 28:Text Message
Chapter 29:Talk of the Country
Chapter 30:Posted Photo
Chapter 31:Unexpected Help
Chapter 32:Go! Go! Move!
Chapter 33:Found?
Chapter 34:Different Locations
Chapter 35:Gun Shot
Chapter 36:Finale

Chapter 8:Chanak

74 15 5
By DYOYSIII

Bloomy's POV

"Pwedeng magtagalog ka? At sino si Princess?" lakas loob kung tanong.

Gusto ko ng sumigaw sa sakit! Mababali na yata ang buto ko sa pagkapit nang mahigpit ni Bubbles sa braso ko.

"Siya?" turo niya sa amin ni Bubbles.

Nagulat ako ng yumakap si Bubbles sa akin ng mahigpit at sinubsob ang mukha nito sa dibdib ko na umiiling. Nanginginig rin ito.

"Hindi ka nakakatawa kung nagbibiro ka! Tinakot mo lang ang kaibigan ko. Nasali ba kami sa palabas niyo? Nasaan ang mga kamera? Pasensya na kung naistorbo namin kayo." Matalim ang tinging sabi ko.

"Hindi." Iling nito. "Princess umalis ka na nga riyan sa likod nila! Tinakot mo sila."

Sumulpot mula sa likod namin ang ngiting-ngiting nilalang. Kaya hinarap ko sa kanya si Bubbles upang ipakita ang kanyang kinakatakutan.

Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Hanggang bewang naman ang tangkad nito. Mahaba ang buhok na umabot hanggang sa kanyang tiyan. Nakaputi itong bestida at nakapaa. Pakaway-kaway ito sa amin at walang dalawang ngipin sa harapan.

Chanak!

"Ikaw?" Bigkas ni Bubbles at turo sa nilalang.

"Maiwan ko na kayo. Kailangan na ito sa bahay. Ikaw na bahala sa kanila Princess ha? Ipapaalam ko na rin sa nanay mo na may mga bisita kayo," sabi ni Mr. Talikogenic at Alden Richard's look-alike. Iniwan niya kami sa pangangalaga nitong chanak.

Gumawa ng krus sa daliri niya si Bubbles at tinapat sa chanak! "Diyan ka lang! Huwag kang lalapit sa amin!"

"Ate, naman! Bad ka! Susumbong kita kay Ninang Ganda ko! Sabi ko kanya away mo ko!" Nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagnguso. May namumuo na rin itong luha sa mga mata niya na malapit ng bumagsak.

Hala!

Kaya binulungan ko na si Bubbles. "May lollipop ka bang dala? Bigyan mo na para hindi na matuluyang umiyak."

Tumango naman si Bubbles.

"Naku, sorry na. Princess? Princess is your name, right?" Tango lang ang tugon ng bata. "Tinakot mo kasi sina Ate. May lollipop ako rito. Gusto mo?" Malambing na alok ni Bubbles sabay pakita ng strawberry lollipop.

Masayang tumango naman ang chanak este bata na ang pangalan ay Princess. Kaya binalatan na ito ni Bubbles bago iabot sa kanya.

"Sino iyong lalakeng nag-iigib kanina Princess?" tanong ni Bubbles.

Type kaya niya?

"Iyong sabi niyo pong kamukha ni Alden sa Kalyeserye? Si Kuya Buknoy po! Kayo po, anong pangalan niyo?" tanong ng bata.

"Ako naman si Yaya Dub!" Mabilis na sagot ni Bubbles kasabay na pagtawa. "Joke lang! Ako ang Ate Bubbles mo at ito namang katabi ko ang Ate Bloomy mo."

"Ah!" Tatango-tangong komento nito.

"Bakit hindi pwede maging akin iyong Kuya Buknoy mo? May girlfriend na ba siya?" usisa pa ni Bubbles.

"Wala po! Pero may love na po kasi si Kuya Buknoy. Kaya lang hindi niya masabi roon sa girl. Torpe kasi si Kuya Buknoy." Sagot nito at sinubo ulit ang lollipop.

"Sinong love niya? Kilala mo ba? Sinabi niya sayo?" sunod-sunod na tanong ni Bubbles.

"Hindi po. Basta alam ko po may gusto si Kuya Buknoy sa kanya. Gusto niyo po ba talagang malaman kung sino?" Tanong nito at luminga sa paligid.

Nagkatinginan kami ni Bubbles at siya na ang tumango bilang sagot sa bata.

"Secret po kasi. Promise niyo po muna na hindi niyo sasabihin kahit kanino?" tanong nito ng mahinang boses.

Nagkatinginan ulit kami ni Bubbles at tinanguan niya ko. Kaya sabay kaming nagsabi ng 'Promise' at may pagtaas pa ng aming kanang kamay na parang nanunumpa.

Nagpalinga-linga ito ulit sa paligid upang masiguro marahil na walang makakarinig. Pinalapit niya kami sa pwesto niya sa pamamagitan ng maliit niyang hintuturo. Kaya sumunod kami ni Bubbles at tinapat ang aming tenga malapit sa bibig niya.

"Gusto ni Kuya Buknoy si Ninang Ganda ko! Kaso si Ninang pakipot pa."

"Bakit ang tagal niyo riyan?" Biglang labas ni Ate Eris na nakapangbahay na. Nakapagpalit na ito ng simpleng t-shirt at short. "Hoy! Hoy! Ano namang binubulong mo riyan sa dalawa? Huwag niyong pansinin ang mga sinasabi niyan. Napakapilya ng batang ito! Halika na kayo pasok na."

Hinila na niya si Princess na lumigon pa sa amin na nakalagay ang maliit na hintuturo sa bibig.

"Ang cute! Nakakagigil! Kaso nabrokenhearted ako sa revelation niya. Magpaparaya na lang ako, para naman kay Ate Eris. Pero sayang talaga! Aish! Tara na nga!" Yaya ni Bubbles na nanghihinayang.

Napa-iling na lang akong sumunod.

"Baby, nasaan ang nanay mo?" Dinig naming tanong si Ate Eris.

Ngunit hindi namin sila nadatnan sa sala. Maliit lang ang sala nila. May isang mahaba at pang-isahang upuan. Sa gitna, may kahoy na lamesita. Sa tapat nito ang isang kahoy na istante na may mga maliit na anghel. Mayroon ding katamtamang laking telebisyon. Umupo na kami ni Bubbles sa mahabang kahoy na upuan.

Sumulpot naman bigla ang mag-ninang. "Gutom na ba kayo? Naghain na ako roon sa mesa. Pero hintayin lang natin sina Ate ha? Nasa kabilang bahay lang, nahimatay raw kasi si Apung Ruby kanina sabi nitong si Princess. Nood muna tayo ng tv."

Binuksan niya ito at sinindi na rin ang bentilador. Pagkaupo ni Ate Eris sa pang-isahang upuan tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang bata. "Baby tumangkad at tumaba ka. Lalo ka rin gumanda katulad ni ninang."

"Thank you po Ninang Ganda! Marami po akong tulog kasi sabi ni Nanay tatangkad daw po ako agad. Tapos nakain po ako ng mga maraming prutas. Santol. Mangga. Bayabas. Grapes. Apple. Pati po maraming gulay! Talbos. Kangkong. Upo. Talong. Sayote. Patatas. Gabi. Kalabasa! Nakain din akong chicken, meat at fish! Tsaka iyong paborito kong nilagang ebun!" Kumindat-kindat pa ito matapos isa-isahin ang mga kinakain niya raw.

"Kumakain ka ng ganoon?" gulat na tanong ni Bubbles.

"Opo ate! Favorite ko po iyon! Nilagang ebun! Marami po akong nakakain kapag iyon po ang ulam namin, nakakalima po ako. Gusto niyo po bang paluto tayo kay Nanay bukas? Marami po kami riyan, papakuha po ako kay Tatay mamaya," ramdam mo ang kasabikan sa kanyang mga salita.

Pero lima talaga nauubos nitong batang ito? Sabi ko na nga ba may sa-chanak siya.

"Ah... Eh..."

"I. O. U? Ninang Ganda hindi po ba sila kumakain ng paborito ko? Sayang naman!" Malungkot na napanguso ito.

Nagkibit-balikat lang si Ate Eris sa kanya.

"No, Princess. Kumakain kami ng Ate Bloomy mo. Hindi ba?" tanong nitong katabi ko.

"Oo naman!" sakay ko na lang.

"Yehey!" Masayang nagtatalon-talon ito. "Paramihan po tayo ng makakain mga Ate ha? Wala pa pong nakakatalo sa akin! Laban mga Ate?"

Napatawa ng malakas si Ate Eris sa hamon ng kanyang pamangkin.

Napangiwi naman si Bubbles, napasubo na! "Oo naman!"

"Talaga lang ha!" Natatawang komento sa amin ni Ate Eris.

"Yehey! Excited na ko! Excited na ko! Excited na ko!" Masayang pakanta ni Princess habang pakembot-kembot pa.

"Princess pagpapawisan iyang likod mo."

"Nanay! Look! May bisita tayo, katulad din ni Ninang magaganda." sabi ni Princess sa babaeng dumating.

Magkahawig sila ni Ate Eris ng buhok, hanggang balikat ang haba at may bangs. Sa likod nito ang isang lalakeng maputik.

"Bakit hindi mo pa sila pinakain, Eris? Hinintay niyo talaga kami? Pasensya na mga ganda natagalan kami. Tara na at pumunta sa kusina." Yaya niya sa amin sa kusina at nagpakilala.

"Ako nga pala ang Ate Ara niyo. Ito naman ang asawa ko, ang Kuya Manolo niyo. Pasensya na galing pa ito riyan sa likod bahay, sa palayan kaya maputik," baling nito kay Mr. Putik este Kuya Manolo pala. Ngumiti ito ng konti at dumiretso ng pasok sa banyo nila marahil.

"Mahiyain iyang Kuya niyo. Tara na't kumain. Alam kong gutom na kayo dahil sa biyahe. Tara!" yaya ulit ni Ate Ara sa amin.

Nakahain sa hapag ang lutong kalabasa at pritong galunggong. Nagsandok na ako ng kanin, kumuha na rin ng gulay at isda.

"Ate Bubbles, hindi po kaya nakain ng gulay? Masarap po! Pampalinaw ng mata, para hindi na ikaw magsalamin," sabi ni Princess kay Bubbles. Kanin at galunggong lang nasa plato nito.

"Hindi."

"Turo ni Nanay at ni Teacher kumain daw dapat tayo ng kalabasa, Ate. Tikman mo o!" Since magkatabi sila ni Bubbles maayos naman niyang nailagay sa plato nito ang isang piraso ng kalabasa.

Tiningnan muna ito ni Bubbles at pagkaraan ng ilang segundo tinikman din niya ito. Naka-abang naman ang nakangiting bata sa magiging reaksyon niya.

"Ayos ba, Ate?" Tumango lang ang isa sa kanya.

"Sabi sayo, Ate! Ito pa o! Kain ka pa ng madami. Lilinaw na ang mata ni Ate Bubbles niyan kasi nakain na siya ng kalabasa. Yehey!" Masayang lagay pa nito ng gulay sa plato ni Bubbles.

Kahit anong pigil ko sa pagtawa may kumawal pa ring tunog mula rito.

"Princess anak, tama na iyan! Baka hindi maubos ng Ate Bubbles mo," pigil ng kanyang nanay.

"Yes baby. Kapag hindi niya naubos, masasayang lang. Bad iyon," segunda rin ni Ate Eris sa pamangkin.

Ako naman namumula na rito sa tabi habang patuloy sa pagpipigil ng tawa. "Ouch!" Sigaw ko sa sakit.

"Bakit po, Ate? Natinik po kayo? Sabi ni Nanay kapag natinik, luluknok ng buong kanin para maalis iyong tinik." Nag-aalalang mungkahi ni Princess.

Kamay kaya ang may kasalanan. Kurutin ba naman ako ni Bubbles.

"Oo. Ito luluknok na ako ng kanin, masakit kasi." Sabay simpleng himas ko sa tagiliran ko at matalim na tiningnan ang salarin.

Napapangiwi pa ito habang ngumunguya.

Mga bandang alas-tres ng hapon, pinaghanda kami ni Ate Ara ng halo-halo. Bumawi si Bubbles, nakadalawang baso ito.

Noong naghapunan naman pinangakuan kami ni Princess na kakantahan niya kami pagkatapos kumain. Kaya matapos naming maghilamos heto kaming lahat ngayon sa sala para masaksihan ang pagtatanghal ng bata. Hawak ng tatay niya ang gitara na kasalukuyang nakatayo. Nasa pang-isahang upuan si Ate Eris. Magkakatabi naman kami nina Bubbles at Ate Ara sa mahabang upuan. Ang bidang si Princess nakatungtong sa taas ng lamesita habang hawak ang suklay.

"Okay! Mic test, test mic! Okay na! Tay time game na po!" Sinimulan na nga nitong magpatutog sa gitara.

"Ehem!

Hindi mo lang alam dahil sa sayo. Ako'y hindi makakain. Hindi rin makatulog buhat ng iyong lokohin.

...
...
...

Tulad mo na may pusong bato!" Yumuko pa ito habang pinapalakpakan namin.

Magaling! She can be a great singer someday!

"O matulog na!" sabi bigla ng kanyang Nanay.

"Nay, tabi po kami ni Ninang Ganda ko ha?" pakiusap ni Princess.

"Oo na. Samahan muna ang Ninang mo sa kwarto niya. Kayo rin mga Ganda matulog na." Sumunod na kami ni Bubbles kay Ate Eris at Princess dahil magkatabi ang mga kwarto namin sa ikalawang palapag. Ang mag-asawa sa kwarto sa ibaba.

"Princess wait, I have something for you. Halika, kunin natin sa kwarto namin." Yaya ni Bubbles pagkatapat namin sa pinto ng aming kwarto.

"Talaga po? Yehey! Wait lang po Ninang Ganda ha? Puntahan po kita agad, huwag po kayong magtampo ha? Alam niyo naman pong love na love ko kayo!" sabi ng bata.

"Sige, hintayin kita." Natawang sabi ni Ate Eris.

Pinapili ni Bubbles ang bata pagpasok namin sa kwarto. Dora at spongebob na stuff toy. Ang dora stuff toy ang pinili ng bata.

"Wow! May kasama na si teddy bear ko. Wait lang ate, kunin ko ha?" Nagtatakbong umalis ito bitbit ang dora stuff toy.

"Dahan-dahan lang Princess baka mahulog ka sa hagdan," sabay naming sigaw ng katabi ko.

Maya-maya pawisang yakap na nito ang teddy bear sa kaliwang kamay at dora naman sa kanan, "Ito po o! Ganda niya mga Ate, ano? Bigay po iyan ni Ate Riza sa akin! Kasi very good daw po ako sa school kasi nakaperfect ako sa spelling. Kaso sad po ako. Miss na miss ko na po kasi si Ate Riza." Maluha-luhang sabi niya.

"Riza? Riza Mae Castillo?" kumpirma ko.

"Opo! Si Ate Riza po, anak ni Apung Ruby. Sad din po si Apo, kasi miss niya rin Ate Riza ko." Tuluyan na nga itong naiyak.

Niyakap namin ito ni Bubbles at pinatahan.

"Pwede mo ba kaming samahan ni Ate Bubbles mo bukas kina Apung Ruby?" tanong ko para na rin makapagsimula kami sa imbestigasyon bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
173K 3.6K 21
Isang magic red lipstick ang babago sa buhay ng 34- year old virgin na si Barbara. Tinaningan na ang kanyang buhay at ang listick lang na iyon ang sa...
3.8K 271 9
A collection of GxG and BxB stories that will either leave a smile on your face or leave you in tears.
22K 359 8
Game of Love by aine_tan :) Rewritten based from Wattpad presents Game of Love on TV5.