Unang Halik

By frezbae

330K 21.6K 3.4K

A mangyan who experienced the cruelty of the world. Many do not like them because of her ancestral tribe. A s... More

Guidance
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
Kabanata 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 59

KABANATA 8

6.4K 787 426
By frezbae

Umiwas


Katulad ng normal na mag aaral ay maayos naman ang aking araw puwera nalang sa kumosyon kanina ni Jenessa.

Kung hindi niya binuhusan ang paa ng lalaki at hinagis sa banda ko ang upuan baka hindi ko iyon makukuha sa lalaking kaklase na walang balak naman na ibigay sakin.

Himala nga na ang akala kong basang upuan ay hindi pala basa. Ang paa ng lalaking kaklase ko ang basa!



Alas nang hapon natapos ang aming unang araw sa klase. Masaya ako dahil may dala akong dalawang libo. Naisipan kong bumili ng bigas at ulam namin sa daan mamaya.


May mga kasabayan ako sa paglakad. Hindi man nila ako kinakausap dahil nga, hindi naman talaga ako pansinin. Nakasunod lang ako sa kanila at tinititigan ang mga ginagawa nila.

Malayong malayo ang ganda ng kanilang bag at suot kaysa sakin. Naiinggit ako pero marunong akong umintindi ng sitwasyon at makuntento. Sapagka't tinatatak ko nalang sa isip ko na magpursigi sa pag aaral para magkaroon rin ako niyan balang araw.


Nakita kong may linabas ang babaeng nasa kanan na isang liptint.

Tumawa silang dalawa.

"Binili ko to kahapon kasi alam kong maraming guwapo sa seniors."

"Ito ang sakin. Mas maganda itong kulay pula."

"Patingin! Oh, wait. Itatapon ko na itong luma ko."

Nakita kong tinapon ng babaeng nasa kanan ang isang liptint at dumapo iyon sa damuhan. Huminto ako sa paglalakad at matagal na tinitigan ang liptint na iyon.

Nilapitan ko iyon at pinulot.

"Sayang naman to. Bago pa naman at maraming laman. Bakit tinapon?"

Ngumiti ako at nilagay iyon sa aking bulsa. Huminto ako sa isang sari sari store para makabili ng bigas at ulam.



"Anong ulam ba ito? Pakibilisan! Marami pang nag aantay sa likuran mo! Letseng mangyan to. Dito dito pa bumibili!"

"Y-Yung dinuguan po. Tatlong balot po."

"Oh ayan! Alis na!"

Kinuha ko iyon ng mabilisan nang maibigay ko ang bayad sa tindera.

Huminga ako ng malalim ng makitang pinagtatawanan ako ng trabahanteng nag aantay na makabili sa likuran ko kanina. Ngayon ang tindera ay malapad ang ngiti sa kanila.

Nangingilid ang aking luha. Ilang taon narin namang ganito. Pero hindi talaga ako nasasanay lalo na't alam kong maayos naman ang aking pakikitungo sa kanila at susuklian nila ako ng karahasan.


"Sol!" narinig ko ang isang traysikel na huminto. Lumabas doon si Rex!

"Rex! Ikaw pala!"

"Halika! Sabay na tayo." anyaya niya sakin. Ilang beses niya narin nagawa ito noon sakin kapag nakikita sa daan.


Pumasok ako sa traysikel bago rin siya pumasok.

"Sayang hindi tayo magkaklase. Tinawag kita kanina pero hindi moko narinig."

"Aw. Hindi ko alam!" ngumuso ako pero kanya akong piningot sa ilong.

"Akala ko galit ka sakin dahil hindi kita sinundo!"

Nakangiwi parin ako mula sa pagkakapingot niya sa ilong ko. Nagpingutan kami sa loob ng traysikel hanggang sa namalayan ko nalang na nasa malaking puno na kami, sa gilid ng palayan ng aming baryo.

"Dito na ako. Salamat Rex ha! Bukas ulit?" Biro ko.

"Ayoko na. Baka wala nakong ipamamasahe sayo."

"Ang sama mo!" tumawa kaming dalawa hanggang sa umalis na ang traysikel. Kinawayan ko siya tsaka tumalikod na para makauwi nang makita ko ang isang lalaking hindi ko inaasahan.


Seryoso siyang nakatitig sakin. Hindi ko mabasa kung masaya ba siya o galit sakin. Nakapamulsa siya at tila may inaantay na kung sino.

Kinabahan ako dahil hindi siya ngumiti sakin.

"Hm..Frosto! Ikaw pala."

Tumango siya sakin at may sumulpot na lalaking tingin ko'y mula sa kabilang gilid ng kanyang Ford. May hawak itong papel.

Nakita rin ako ng lalaki kaya hindi natuloy ang kanyang sasabihin.

Natanto ko rin na ang lapit ko na pala sa kanya pero hindi naman pala ako ang ipinunta niya.

"May tiningnan lang..." Sagot nito. Narinig ko ang mapang uyam na tawa ng kasama niya.

"Matindi ito magselos...kapatid...." sabi ng kasama niya. Ewan ko kung ano ang pinag uusapan nila.

"Shut up Axel.." baritono ang boses ni Frosto. Tila galit.

"Uhm..." umiwas ako ng umiwas si Frosto at kinausap ang kasama. Ramdam kong galit siya sakin. Bakit naman?


Unti unti akong umalis doon na masama ang loob. Hindi niya ba ako tinuring na kaibigan? Nandidiri rin ba siya sakin tulad ng iba kanina? Pero klaro ang usapan namin kanina na magkaibigan na kami diba?

Masakit ang puso ko habang nagsasaing nang lumubog na ang araw. Nakatulala ako sa apoy na nasa bato.

"Sol! Umaamoy na ang sinaing mo! Diyos miong batang ito.."

"Hala! Pasensya na lola!" madalian kong kinuha ang kaldero sa bato at nalimutan kong wala palang basahan akong hawak kaya huli na ang lahat. Napasigaw na ako sa sobrang init ng aking kamay!

"Aray!!"

"Jusko naman Sol! Ano bang nangyayari sayo?"

Umiyak ako at umiwas kay lola. Ewan ko ba bakit ang babaw ng iyak ko ngayon . Kinuha ni lola ang aking kamay at hinila ako papasok ng bahay.

"Malalim ang iniisip mo kaya ka hindi nag iisip Sol. May problema ba sa skwelahan? Inaapi ka na naman ba?"

Umiling ako at pinunasan ang luha. Nakatitig sa paso ko sa kamay.

"Wala yun la. Kaya ko naman iyong tiisin la."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni lola ng sabihin ko iyon. Medyo naguilty ako tuloy...

"Pero la, naka perfect ako kanina sa score ko sa Algebra at English. Tsaka naalala mo si Ma'am Dula? Yung nagagandahan ng boses ko? Kukunin niya raw ako sa Fiesta ng Labangan sa Huwebes na kakanta la! Bibigyan niya akong tip!"




Mabuti nalang nailigaw ko ang ko ang mood ni Lola. Halos hindi ako makatulog sa iyak. Iyak ako ng iyak kakatingin sa kamay kong napaso. Malaki iyon kaya kitang kita lang.

Konti lang ata ang naging tulog ko kaya kinabukasan parang lalagnatin ako at masakit ang aking ulo.



Nagkakape si lolo at lola nang matapos ako sa pagbihis. Naikwento ko rin sa kanila kagabi na binili ni Frosto ang mga gulay kaya may pera akong naibigay sa kanila.

"Ang dami namang' gulay iyan lo."

Ngumiti si lolo sakin. "Hihiramin ko ang kariton ni Dodong apo at ako na magbebenta ng mga iyan. Inaalala ko kasi na nag aaral ka tapos pinagbebenta kapa namin."

"Lo naman. Hindi naman iyon mabigat sakin."

"Kahit na apo. Ayos lang kaysa naman maging mahina ako at walang ehersisyo."

Hindi narin ako namilit pa. Nang mag ayos sila lolo at lola ay bumalik ako sa kuwarto para lagyan ang aking labi nang napulot kong lipstick.


Ngumiti ako dahil parang nag iba ang aking mukha sa simpleng lipstick lang. Inayos ko rin ang aking buhok at tsaka nagpaalam na aalis na. Mabuti nalang hindi na ako tinitigan pa ni lolo at lola.

Ito iyong kauna unahang naglagay ako ng ganito sa labi ko.

Mabigat ang aking pakiramdam ng maglakad papuntang skwelahan. Parang lalagnatin nga tagala ako lalo na't mainit ang aking mata.



Sa puno katulad kahapon ay maaga pa ang hindi ko inaasahan. Ngayon, si Frosto nalang mag isa kausap ang taga rito lang sa amin. Narinig ko ang usapan nila na kung magkano ang halaga ng palay ngayon.

Huminga ako ng malalim. Hindi na aasa pa. Masakit parin sakin na tinuring ko siyang kaibigan pero parang tulad rin siya ng iba na kaibigan sa una, kakausapin ako, pero sa huli babalewalain rin dahil sa estado namin sa buhay. Hindi iyon malabo.

Tumutunog ang bawat dahon sa lupa bawat apak ko. Hindi ko mabilang kung nakailang buntong hininga ako at nakayuko hanggang sa balikan ko ng tingin si Frosto at nakita kong nakatitig siya sakin. Hindi tulad kahapon ,ngayon ay parang malamlam ang tingin niya.

Ayoko namang umasa ulit kaya umiwas ako at nagpatuloy sa paglalakad.


------

400 votes for next update. Sorry, may kota po ako. And pls, mag ingay sa comments section. Sana suportahan niyo ito. Thank you

Continue Reading

You'll Also Like

154K 8.5K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.8M 317K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
95.2K 2.1K 20
Duke & Izza
36.1K 1.7K 18
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...