I've Got You (SPG Girls #5)

By faultyscribbler

137K 2.3K 409

|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August... More

Warning!!!
I've Got You
000xxxx
001xxxx
002xxxx
003xxxx
004xxxx
005xxxx
006xxxx
007xxxx
008xxxx
009xxxx
0010xxxx
0011xxxx
0012xxxx
0013xxxx
0014xxxx
0015xxxx
0016xxxx
0017xxxx
0018xxxx
0019xxxx
0020xxxx
0021xxxx
0022xxxx
0023xxxx
0024xxxx
0025xxxx
0026xxxx
0027xxxx
0028xxxx
0029xxxx
0030xxxx
0031xxxx
0032xxxx
xxxFINxxx
KIEL x STORM

0033xxxx

810 31 5
By faultyscribbler

0033xxxx


Pamilyar ang tinatahak daan na tinatahak namin. Nang makita ko ang malalaking letra ng salitang memorial, agad akong kinabahan.

Pinisil ko ang kamay ni Storm, silently asking if what I'm thinking is correct. Nanlalamig ang mga kamay ko at malamang ay ramdam niya ito. Sumulyap siya nang mabilis at binigyan ako ng maliit na ngiti.

Alam na alam ko ang lugar na ito. I've been here more times than I can count. Dito rin sa lugar na ito huli naming inihatid ang pinakamamahal namin na kaibigan, si Loislane.

Wala pa rin naman pagbabago. Mayayabong ang mga puno at matitingkad ang berdeng kulay ng mga damo. Sa t'wing napupunta ako dito, ganito ang itsura niya. Presko ang simoy ng hangin at tila pinasasayaw nito ang mga puno.

Parang binibigyang buhay ng mga namayapa ang lugar kung saan sila huing inilagak. It's a contrasting thought, but one that would somehow makes sense.

"Bakit kabadong-kabado ka, Lacy?"

"Really, Storm? Itatanong mo sa akin 'yan?" Tumango siya habang tumatawa-tawa.

Nakatigil na ang sasakyan pero hindi pa kami bumababa.

"Nanay mo pa rin 'to...Siyempre kakabahan ako!"

He shakes his head in confusion. Pinili na lang niya na maunang bumaba para kuhain ang dalawang arrangement ng flowers na ako ang nagpagawa. Kinontra pa nga niya ito dahil simple at maliit na bouquet raw ay sapat na.

Nang makita kong pabalik na siya, gumalaw na ako para tumulong.

Mag-se-set up kasi kami ng picnic. Dito kasi namin naisipan na mag-date.

Ang date na ito ay na-plano matapos namin na mapaanak si Paoline nang maayos. It was a week ago at fresh pa rin sa isipan ko ang nangyari. Nakakakaba lalo na't kaibigan namin ang nasa sitwasyon na iyon.

Natawa pa nga kami nang sabihin ni Storm na kay Gage na trabaho lang walang personalan. Naalala kasi ni Storm ang mariing pagtutol ni Gage noong nagpa-ultrasound si Pao. Oo nga naman. Ultrasound pa lang

Sa totoo lang, hindi ako agad pumayag. Ang gusto ko lang sana ay bibisita lang kami dahil... in a way, ito ang unang beses na pagkikita namin ng nanay niya tapos kakain ako agad sa harapan ng kinalalagakan niya? Talk about disrespect.

Hawak ko na ang pang-sapin at dalawang manipis na unan habang hinihintay si Storm. Nang makuha niya ang mga pagkain na dala namin, inilahad niya ang mga kamay niya para sabay kaming maglakad patungo doon.

"Relax, Lacy. Hindi naman babangon si Mommy from her grave," biro niya sa akin nang makalapit kami.

Well, 'yun talaga ang iniisip ko. Baka kapag hindi niya ako nagustuhan, mapabangon siya bigla. Kinuha ni Storm ang hawak ko na blanket. Lumayo ako para mailatag niya ng ayos.

When it was done, Storm lowered himself to light some candles and to fix the flowers. Hindi ako agad lumapit dahil gusto ko siyang bigyan ng oras para makausap ang nanay niya in private.

"Lacy, come here," tawag niya sa akin habang tinatapik ang space sa tabi niya.

Napalunok ako at nag-aalangang tumapak palapit.

Lois, malapit ka ba kay doktora? Pa-build up naman ako, friend!

Astraoria Milanez-Noguiera

June 30, 1956 – May 20, 1996

To follow your dream is to fulfill your heart with purpose.

"Ma, we're here. Natagalan man pero I'm here to stay true to my promise," sumulyap siya sa akin at kita sa mata niya ang saya. "She's here. I've brought the woman I love, Ma."

Tila sandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. It was... full of pride and love; of adoration and relief. I saw glimpse of a younger version of Storm, binibida sa ina ang kung anumang achievement o bagay ang meron siya.

Oh how I would love to see him with his mother.

Napahawak ako sa dibdib ko. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko dahil sa pagpipigil na umiyak. My heart hurts for my man. The love he has for his mother did not even diminish one bit.

"This is Kiel Kacy Grande, the woman who makes me a better person every day."

Parang may sanlibong paru-paro sa tiyan ko, rendering my knees and muscles weak because of how this man operates. Wala akong ibang naririnig kundi ang pintig ng puso ko na sobrang bilis, siya lang din ang nakikita ko.

Inakbayan ako ni Storm nang mapansin ang ginagawa kong pagpapakalma sa sarili.

Hinampas ko siya dahil pinapaiyak niya ako. These small things he do means so much.

"Hello, Dra. Astra. Sa akin po nagkamali ang anak niyo..."

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang tapikin niya ang braso ko. Napatawa ako nang makitang nakasimangot siya at parang galit.

"Joke lang," mabilis kong bawi.

Hindi ko kasi alam ang sasabihin. Naba-blangko ako. Saka gusto kong mapagaan ang mood. Kanina pa nag-uumapaw ang emosyon ko.

Tumuon ako uli sa puntod ni doktora. Katulad ng iba ilan dito, may picture na naka-display sa tabi ng pangalan nya. Tinitigan ko 'yun and I can see that Storm got his smile from her. The way I see it, Dra. Astra exudes an aura of positivity and hope.

"Hindi ko talaga kung anong sasabihin, but one thing is certain, doktora. Storm, your son, grew up as a man I'm sure you're proud of. Miss na miss ka na niya. Palagi ka niyang bukambibig.'

Umayos ako ng upo at itinayo ng maayos ang bulaklak na tumabingi. "Pangako, iingatan at mamahalin ko nang buong buo si Storm. Katulad na lang ng walang hanggang pagmamahal mo sa kanya kung nasaan ka man ngayon. You've been a great mother. I would've loved to meet you in person."

Nakangiti akong tumingin kay Storm. He's doing the same thing, but was looking at me intently. Parang nabigla pa nga sa mga sinabi ko.

"Siya ang dapat na nauna mong makilala," bigkas niya makalipas ang ilang segundo.

"Huh?"

"Before anyone else and definitely before my father, sa kanya kita dapat unang dinala noon. That first day we met, gusto ko nang gawin 'yun."

This time, ako naman ang napatunganga sa kanya. First time? Noong ipinakilala kaming nasa maternity ward? What?

I can still remember that day. Napaatras ako dahil nagulat ako sa kanya. Pati ang pang-aasar ng mga katrabaho ko dahil sa hindi daw agad pagbitiw ni Storm sa akin.

"Para kang ewan. Imposible!" Pagsasaway ko sa kanya habang inaayos ang mga kakainin namin.

"It's true. That day... Nakakahiya 'to, Lacy, but," Napahilamos siya sa mukha niya, the tips of his ears getting red. "That same day, I went here. Kinuwento kita kaagad. I promised her that I'd bring you here the soonest time possible."

Could he be any dreamier?

Umiwas siya ng tingin at inasikaso ang pagbubukas ng mga inumin namin na naka-can. Inuna niya rin akong lagyan ng pagkain.

Ah, my doctor's a softy baby.

Agad akong tumayo at nagtungo sa puwesto niya. Sinulyapan niya ako without moving his head and his lips pursed in a embarrassment.

Kinuha ko ang kamay niya at hinintay siyang matapos.

Nang tingnan na niya ako, binigyan ko siya ng napakalaking ngiti.

"Don't be shy, baby. Kinikilig ako, promise. Just so you know, ano... crush din kita no'n."

With that, napangiti siya pati ang mga mata niya.

"Ang mahalaga, Storm, nandito na tayo."

Tumango siya at ngumiti. Inilapat ko ang kamay ko sa parte ng dibdib niya kung saan nakapuwesto ang puso. Bawat pintig nu'n, alam kong para sa amin at sa lahat ng pinagdaanan namin.

"I'm glad I'm here with you, Kiel Kacy. Everything was damn worth it."

/ / / /

Each a frank pala 'yung kagabi. Ito ang last chapter bago ang epilogue. Subukan ko i-post ngayong gabi o mamayang madaling araw. Sabog na ako kaya nakalimutan ko kasama pa pala 'to. Dami kasing revision nito, e. EWAN BA HAHAHAHA! Mahal ko kayoooooooo! Konti na lang talaga. pero happy ending naman na. Alam naman na.

Continue Reading

You'll Also Like

939K 9K 30
Liana Madriaga, simula bata pa lang sya sanggang dikit na sya sa kapatid nya si Sebastian Madriaga. Sila na siguro yung kahit di tunay na magkapatid...
39K 1K 48
(Loren series #1) Minsan pag nagmahal ka ng isang tao hindi mo alam kung mahal ka din ba niya? Pag minsan mapaglaro talaga ang tadhana Siya kaya mah...
6.2K 225 27
Civil Engineer Series 1 Si Kalila o Lila ay isang 5th year Civil Engineering student. Isang graduating student na nangarap maging isang license Engin...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...