Just A Little Bit Of Your Love

By ef4aRrr

212K 5.5K 2.4K

He forgot the memory of our love. Susuko na sana si Selena dahil mukhang pati puso ni Nico ay nakalimutan na... More

AN
One
Two
THREE
Four
FIVE
SIX
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Tweleve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY-ONE
TWENTY-TWO
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-Nine
FOURTY-ONE
Fourty-Two
Fourty-Three
Fourty-four
Fourty-Five
Fourty-Six
Fourty-Seven
Fourty-Eight
Wakas

Fourty

2.7K 136 70
By ef4aRrr

Selena...

"Gabriel?" gulat na anas ko ng makita kung sino ang kumakatok sa hapong iyon.

Hindi sana ako magugulat kung hindi lang siya may dalang bulaklak at regalo. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at bumati.

"Magandang hapon Selena, nariyan ba si Anna?" medyo namula ang mukha niya nang banggitin ang pangalan ng aking pinsan.

Napangiti ako, kaya pala dikit ng dikit itong si Gabriel kay Anna sa resort noong birthday ni tiya at panay ang pa-pogi points sa amin ay may gusto pala siya sa aking pinsan.

"Magandang hapon din naman, halika at pumasok ka, maupo ka muna sa salas at tatawagin ko lang si Anna." nakangiti ko siyang binati rin at pinatuloy sa bahay.

Naupo siya sa salas habang ako naman ay dumiretso sa kwarto at tinawag ang aking pinsan.

"Anna, may bisita ka sa labas." anunsiyo ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at tumango, kasalukuyan kasi siyang nagta-type sa kanyang laptop. Mukhang para sa kanyang school. Kolehiyo na kasi si Anna.

Kung noon ay tutol ako na mag boyfriend siya ngayon ay hindi na bente anyos na kasi siya at seryoso sa pag-aaral kaya naman alam ko na hindi naman siya magpapabaya sa pag-aaral kung sakali man na magka-boyfriend man siya.

"Sino naman yun ate?" tanong niya na hindi parin tumatayo mula sa kama.

"Si Gabriel, labasin mo muna at hinihintay ka sa salas." sabi ko.

"Ahh, ok." sabi niya pero patuloy ang pagta-type niya sa kanyang laptop.

"Anna, mamaya na yan, naghihintay yung tao sa iyo." mahina kong asik sa kanya,natutulog kasi si Nicollo nap time niya.

"Oo, teka lang ate. Paki suyo muna lalabas din ako, sabihin mo nalang na lalabas na ako, mag-aayos lang ako ng kaunti." medyo mahina din niyang saad, at isinara na nga niya ang kanyang laptop.

"Okay sige." nakangiti kong tango at saka nga ako lumabas para sabihan si Gabriel.

Nang makalabas sa kwarto ay dumiretso ako sa binatang naghihintay sa aking pinsan.

"Gabriel pakihintay mo sandali si Anna at mag-aayos lang daw." imporma ko.

"Sige Selena,  salamat." nakangiti itong tumango.

"Maiwan muna kita at igagawa ko kayo ng pwede niyong miryendahin." paalam ko sa kanya at iniwan ko na siya sa salas.

Pumunta ako sa kusina at iginawa sila ng sandwich at juice pati na rin ang meryenda namin ng anak ko ay isinama ko na.

Nang lumabas ako ng kusina ay naroon na si Anna at magkausap na sila ni Gabriel. Lumapit ako sa kanila at ibinigay ang kanilang meryenda.

"Heto at mag meryenda kayo habang nagkukwentuhan." saad ko habang inilalapag ang mga sandwich at juice.

"Naku salamat Selena, naabala pa tuloy kita." si Gabriel.

"Walang anuman, basta itong pinsan ko huwag mo papaiyakin." nakangiti kong sabi.

"Never." sinsero niyang sabi, hindi naman napigilan ni Anna na ngumiti.

"Ate ikaw pala mag meryenda ka na rin." saad naman ni Anna.

"Gumawa na ako ng sa'min ni Nicollo, sige maiwan ko na muna kayo." saka na ako nagpaalam sa kanila.

Bitbit ang tray na may lamang meryenda ay pumasok na ako sa kwarto namin ni Nicollo, ang anak ko naman ay mahimbing parin ang tulog.

Inilapag ko muna sa side table ang meryenda namin saka ako dahan-dahang tumabi sa kanya, marahan kong hinalikan ang kanyang ulo pagkatapos ay humiga ako sa tabi niya.

Habang minamasdan ko ang mukha ng aking nahihimbing na anak ay hindi ko maiwasang maalala si Juaquin.

Para silang pinagbiyak na bunga ng kanyang ama, kaya naman mapait akong napangiti.

"Paano ko nga ba makakalimutan ang tatay mo kung bawat oras na nakikita kita anak ay siya ang na-aalala ko?" mahina kong tanong.

Lihim tuloy akong nainggit ng kaunti kay Anna, may Gabriel kasi na sumusuyo at handang mag-alay ng pagmamahal sa kanya.

Mukhang gusto niya rin ito at mukhang magiging masaya sila sa piling ng isat-isa, at masaya naman ako kung magkaganoon nga.

Ang hiling ko nalang para sa sarili ay sana kung hindi na talaga ako maalala ni Juaquin ay magawa ko naman na kalimutan na siya para naman makalaya na rin ako sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

Nagulat ako na namasa na pala ang aking mga mata sa luha, napa-iling akong pinunasan ang aking mga luha.

Mukhang malabo pa sa tubig kanal na maka move on ka Selena.

Dismayadong bulong ko sa aking sarili.










Juaquin...

Mabilis na mabilis ang pagpapatakbo ko sa kotse, gigil na gigil din ang hawak ko sa manibela.

Kasalanan ito ni kuya e, sinulsulan akong puntahan si Selena.

"O bakit mo sinira itong cellphone mo?" si kuya pagpasok niya sa condo.

Nakita niya ang cellphone na ibinato ko sa pader dahil sa sobrang inis ko.

"Nothing!" Balewala kong saad.

"Mukha ka din may hang-over na naman! Susunugin mo ba yang atay mo sa alak?!" pinapagalitan na ako ngayon ng kuya ko.

"Hindi ko alam ano na ang gagawin ko kuya." napaupo na ako sa sofa.

Hindi ko na kayang umasta na wala lang, I miss her so bad at ang dahilan ng pagbato ko sa cellphone ko ay ang picture na nakita kong naka tag sa account niya.

I just want to see her kaya naisipan ko buksan ang account niya to check if may post ba siyang bago or kamusta na siya then I saw a picture of her ang a man na naka-akbay sa kanya, nasa beach sila at mukhang masaya sila.

Well hindi ko na tinignan lahat ng picture dahil umakyat agad ang selos sa ulo ko at ibinato ko ang cellphone ko at ayun wasak na nga.

"Bakit kasi ang taas pa niyang pride mo? Puntahan mo siya at suyuuin." seryosong saad ni kuya.

"I  c-can't, may mga nagawa ako sa kanya na mahirap patawarin, ipagtatabuyan niya lang ako at sabi mo wala siyang iba pero ayun sa account niya mukhang masaya na siya sa piling ng iba!" napasabunot ako sa buhok ko.

"Did you saw the files in the USB?" tanong niya.

"Yeah, I know she was telling the truth at gusto ko mniwala na wala siyang iba. Pero yung narinig ko kuya sino yun? At bakit sinabi ni Selena na misyon niya lang ako? at yang cellphone ko naibato ko kasi may kasama siyang iba sa picture at mukhang masaya sila!" napufrustrate na saad ko.

I saw the files at nakasaad lahat doon na totoo ang lahat ng sinabi ni Selena she help me out noong naaksidente ako.

May mga saksi din na naging maayos ang pagtira ko sa kanila,  maging ang mga kasamahan nila sa taniman ay may naging mga kaibigan daw ako roon.

At higit sa lahat totoo na naging kami ni Selena nang mga panahong hindi ko kilala ang totoong ako.

Nasa report pa na binalak ko palang magpropose kay Selena before the accident ! At she never got into a relationship after kong mawala.

Pero naguguluhan ako at lalo na sa nakita kong picture! Boyfriend na ba niya iyon!?

"If you want to know the truth puntahan mo siya." payo ni kuya.

"Wala akong maihaharap na mukha sa kanya kuya." bagsak ang mga balikat ko.

"Be a man Juaquin! Humingi ka ng tawad sa kanya sa anumang nagawa mo at suyuin mo siya, kung may ibang umi-eksena ipaglaban mo si Selena, simple as that!" mahaba niyang litanya sa akin.

Kaya hindi ko alam kung tama nga ba na sinunod ko siya, ibinigay niya ang address ni Selena.

I went there at ang nadatnan kong eksena?!
Nakangiti si Selena sa isang lalaki na may hawak na bulaklak at regalo, pinapasok niya pa ito sa bahay!

And of course I am the bad temper Juaquin Montereal! Umakyat agad ang galit sa ulo ko at hindi na nag-isip pa na sumibat sa lugar na iyon.

At heto halos paliparin ko ang minamaneho kong jeep commander sa sobrang bilis ng patakbo ko.

Pero unti-unti akong huminahon habang nai-isip ang mga sinabi ni Kuya, kailangan kong harapin si Selena. Humingi ng tawad at suyuin siya at higit sa lahat ipaglaban ang pagmamahal ko para sa kanya.

Mabuti nalang at hindi na ganoon kabilis ang pagpapatakbo kong sasakyan dahil biglang may sumulpot na baka sa daan!

Naipreno ko ng malakas ang aking sadakyan bago ko mabangga ang baka! Pero kasabay ng pag-igik ng mga gulong dahil sa biglang preno ay kasabay na biglang nablangko ang aking paningin at bigla nalang may mga ala-ala na pumasok sa aking isip.

I saw my self driving recklessly at ganito rin ang nangyari may biglang sumulpot sa harapan ko, pero noon hindi ako nakapreno pa sa halip ay kinabig ko ang sasakyan at huli na nang makita ko na dadausdos ako sa isang bangin.

Nagkaroon ako ng tama sa ulo noon, mga galos at sugat, nagawa kong makalabas sa kotse noon pero hinang-hina ako at sa naalala ko ay naglakad ako ng naglakad hanggang sa makakita ako ng isang kartilya na may mga lamang palay, hila iyon ng isang baka.

Sumakay ako roon at pagmulat ko ay kumatok ako sa isang bahay at nang buksan ang pintuan ay nakita ko si Selena!

And then boom! All of our memories flashed in to my mind! Napakurap ako pagkatapos bumuhos nang mga ala-ala sa aking isipan.

Napabitiw ako sa manibela, nakita kong nakalagpas na ang baka at doon ko lang napansin na pigil ko pigil ko pala ang aking hininga kaya nang bitiwan ko iyon ay hinahabol ko ang aking hininga dahil sa nangyari.

Hindi ako makapaniwala! My Selena! Halos mabaliw ako, she's real fucking so real.

Napasabunot ako sa aking buhok I am fucking dead! Paano ako haharap kay Selena ngayon?! Naalala ko na ang lahat gaya ng hiling niya pero nasaktan ko na siya ng husto.

Ang sakit na bumalatay sa mukha niya noong dalhin ko siya sa safe room at ang pagpaparusa ko sa kanya.

Pati nang magdala ako ng ibang babae sa condo! Nahampas ko ang manibela, parang gusto kong sakalin ang sarili.

Idiot! Juaquin!  You are idiot!

Pinaghahampas ko ang manibela hanggang sa mapagod, napasubsob ako roon at doon ko na inilabas ang nararamdaman.

Bumuhos ang mga luha ko, I hurt the woman I love because of my idiocy! Ngayon paano pa kaya niya ako tatanggapin kahit na bumalik na ang ala-ala ko tungkol sa amin.

But I need to see her, I want to hug her I felt like I miss her for so long i didn't see her. Yung mga panahong nagkalayo kami at hindi ko siya naa-alala bigla akong nakaramdam ng pagkukulang sa puso ko.

Inayos ko ang sarili at nagpasya na bumalik sa kanila, kailangan niyang malaman na bumalik na ang ala-ala ko sa aming dalawa, haharapin ko man kung galit siya at susumbatan niya ako.

Pero kailangan ko siyang makita lalo na ang mayakap siya ngayon, dahil iyon lang ang makapagpupuno sa nararamdaman kong kahungkagan ngayon.

Wait for me baby, haharapin ko na ang kung ano man at ipaglalaban kita gaya nang ipinaglaban mo ako noong hindi pa kita naa-alala.

Muli kong binuhay ang makina ng sasakyan ko at kinabig ito pabalik. Come what may!  I will fight for my love and I will make sure to win her back!

Continue Reading

You'll Also Like

281K 4.3K 31
- Nagmahal ka nasaktan pa ?? Nakakatawa right kung kailan nag mahal ka nasasaktan pa. Hindi maiiwasan sa pag-ibig ang hindi masaktan,maging t...
42.9K 1.1K 25
Mafia Sequel Present: Hate At First Sight Paano pala nagkagusto ka sa anak ng isang board member? Pero ang problema ay kinaiinisan ka niya at wala si...
18K 1.2K 23
Napagbintangan na nagdudruga ang pinsan ni Martha Delucia sa syudad kaya ipinadala ito sa kanilang nayon. Isang linggo pa lamang namamalagi ang pinsa...
148K 11.6K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...