SEVENTEEN

3.7K 73 1
                                    

Ganito pala iyon, walang kapantay ang saya. Totoo pala na kapag nanganak ka na ay mas lalo mong mararamdaman ang isang pagmamahal na walang anuman ang makakatumbas.

Nagising ako na nasa ward na kami at nang malakas na ay heto at buhat ko sa aking bisig ang aking munting anghel. Naluluha ako sa ligaya dahil sa kanya, napakaamo ng mukha niya.

"Nicollo, ikaw si Nicollo. Mahal kong anghel, pangako na gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo."saad ko sa aking anak na animo ay naiintindihan niya.

"Ang gwapong bata ate." Si Ana iyon na mula kanina ay bantay namin.

Parating na sina tiya at Arman, sabi ko kay Ana ay magpahinga na muna siya kaya tinawagan na namin sina tiya para ibalita na nanganak na ako at ito amg magbabantay sa akin.

"Oo nga kamukha siya ni Nico, kung malalaman ni Nico ito tiyak na sasaya iyon." sa gitna ng kaligayahan ko ay may kirot at pangungulila akong nadama.

"Saan man siya ngayon, sana ay makaalala na siya ate, kawawa ang pamangkin ko kung hindi niya makikilala ang tatay niya." may lungkot din sa tinig ni Ana.

"Di man siya makaalala ipapakilala ko parin si Nicollo sa kanya, karapatan nila pareho iyon." saad ko.

Lubos ko ng naisip ito sa mga nagdaang panahon, kung sakali man na hindi na talaga ako maalala ni Nico ay ipapakilala ko ang aming anak sa kanya.

At kung sakali man na hindi niya ito kilalanin ay maayos kaming aalis, hindi ko ipagpipilitan ito sa kanya. Makakaya kong palakihin ang aking anak ng mag-isa, pero alam ko naman na narito sina tiya at ang aking mga pinsan na aking pamilya para sa amin ng anak ko.

"Tama ka naman diyan ate, sigurado naman na hindi niya maitatanggi ang pamangkin ko, kamukhang-kamukha niya."  

Halos hindi ko lubayan ng tingin ang aking munting anghel, napakagwapo niya. Kay amo ng mukha niya, napakasarap titigan ng maghapon.

Kung di lang dumating sina tiya para palitan si Ana ay hindi ko pa bibitawan si Nicollo, maging si Ana ay ayaw pang umalis. Kung wala lang daw siyang exam bukas ay hindi siya magpapa palit sa pagbabantay.

"Napaka-gwapo nga naman ng apo kong ito, kaya ka hindi maiwan ni tita Ana mo dahil sobrang cute." pakikipaglaro ni tiya sa kanyang apo.

"Kamukhang-kamukha ni kuya Nico." komento naman ni Arman.

"Arman, huwag mo na muna ipa-alala sa ate Selena mo ang kuya Nico mo, kapapanganak lang niya baka ma stress sya at magka post partrum depression pa." suway ni tiya.

"Ano yun inay? Posh, pos ano?" takang tanong naman ni Arman.

"Sakit iyon na pwde danasin ng mga kapapanganak pa lamang." paliwanag naman ni tiya.

Napangiti ako sa usapan nila, kahit na kalahati nga ng puso ko ay nangungulila at nalulungkot dahil hindi parin ako binabalikan ni Nico.

Pero kailangan ako ng aking munting anghel kaya lalabanan ko ang lumbay at pupunan ko ang lungkot ng pagmamahal para sa aking anak.

"Huwag po kayong mag-alala sa akin tiya, ang aking anak ang magiging lakas po para sa lahat ng lungkot at pagsubok sa aking buhay, siya ang magiging priority ko mula ngayon." nakangiti kong sabi.

"Mabuti naman anak, walang kasing saya ang maging ina, oo at mahirap pero dahil sa pagmamahal mo sa iyong anak ay makakaya mo." nawala ang pag-aalala na nakabakas sa mukha niya kanina.

Bigla namang umungot si Nicollo, indikasyon na ito ay gutom na, kaya't ibinigay siya ni tiya sa akin para mapadede ko na.



Dahil na rin siguro sa pag-aalaga at sayang dulot ni Nicollo sa aking buhay ay hindi ko na namalayan na nakailang buwan na kami.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now