Thirty

5.5K 142 168
                                    


Selena..

Iisa lang ang kwarto dito sa Casa at hindi ako makapaniwala na siya mismo ang nagsabi na dito kami matutulog pareho.

Inaasahan ko na patutulugin niya ako sa couch o kaya sa salas, pero sa bibig niya mismo galing.

"The room here is only for one, well the bed is big. Pwede naman siguro tayong magtabi sa kama."

Sasagot sana ako pero nagpaalam siya na kailangan niyang kumustahin ang resort dahil nawala siya ng matagal na panahon, iniwan niya ako rito sa Casa atbsinabing ayusin ko na ang mga pinamili kong damit.

Ewan ko kung ano ang nangyari sa kanya, una inaya niya ako mag grocery pangalawa ay dinala niya ako dito sa Batangas at pinamilhan pa ako ng mga damit, ipinakilala bilang girlfriend niya sa mga trabahador nila rito at ngayon heto.

Pumayag siya na matulog kami sa iisang kwarto!

Pero kinalma ko ang sarili baka mangyari na naman ang nangyari noong nakaraan, nag-assume ako na may espesyal na sa amin dahil lang sa nangyari nang gabing iyon.

Pwedeng mabait siya ngayon pero kapag nakagawa o nakapagsalita ako ng hindi papabor sa kanya ay baka masaktan na naman ako.

Pero hindi ko rin naman maiwasan ang maging masaya at umasa sa mga ipinapakita niya.

Baka din kasi bumabawi siya dahil sa mga nangyari noong nakaraang araw? Ewan! Basta ieenjoy ko nalang muna ang ilang araw ko sa paraisong ito.

Sana bumagal ng kaunti ang paglakad ng oras !

Nang matapos sa ginagawa ay tumawag ako kina tiya para makapag kwento narin kung nasaan ako ngayon.

"Kamusta anak?" bungad ni tiya sa telepono.

"Maayos lang po tiya, kayo kamusta kayo diyan, hindi ba nagopapasaway ang prinsipe natin diyan?" pangangamusta ko.

"Naku si Nicollo na yata ang pinaka mabait na batang nakilala ko, napakamasunurin at madaling kausap. Mana sa iyo sa kabaitan, hayun at pinapaliguan ni Ana." masayang saad ni tiya na nagpangiti sa akin.

"Mabuti naman po kung ganoon, nga pala tiya nasa Batangas kami ngayon, sa private resort ng mga Montereal." balita ko sa kanya

"Oh talaga? Mabuti naman at mukhang nagkakasundo na kayo." saad ni tiya, nakukwento ko kasi sa kanila na lagi ay nagbabangayan kami ni Juaquin.

"Sa buong araw naman ay hindi na kami nagkabangayan, nasa mood siya o ano basta nya lang ako dinala dito at pinamili pa niya ako ng damit na nakakalula ang halaga." patuloy ko sa pagkukwento. "Sinabi ko sa kanya na hindi ko naman kailangan yung ibang kinuha nung sales lady pero hinayaan niya lang, isipin ko daw na regalo o bayad niya sa akin iyon dahil sa pagsisilbi ko sa kanya, hinayaan ko nalang po para wag na kami mag-away, mas gusto ko nalang na isiping regalo niya iyon."

"Hay naku anak, ramdam ko kahit sa boses mo lang na may dinaramdam ka, lakasan mo lang ang loob mo anak, malalampasan mo rin iyan at kung naman dumating ang oras na gusto mo ng sumuko, narito kami hihintayin ka namin. Mahal ka namin."

Biglang uminit ang puso ko, namiss ko si tiya at ang mga pinsan ko na para ko na din mga kapatid, ang pagmamahal talaga ng pamilya ang hindi kailan man matutumbasan ng kahit ano sa mundong ito.

Nawala man ng maaga ang aking pamilya ay biniyayaan naman ako ng Diyos ng ikalawang pamilya na nagparamdam sa akin ng pagmamahal at kalinga ng walang hinihinging kapalit.

Naluha tuloy ako at napasinghot.

"Umiiyak kaba anak?" biglang nag-alala si tiya.

"Hindi po, masaya lang ako na ikaw ang naging pangalawang ina ko, kayo ng mga pinsan ko ang naging pangalawang pamilya ko. Mahal na mahal ko din po kayo tiya." sinsero kong saad.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now