Twenty-three

5.2K 116 67
                                    

AN: Sorry po guys if nabibitin kayo sa mga updates, ganyan lang talaga mga update ko nasa 1.5k words at 2k words lang ang keri ng lola niyo 😅😅 pero sisikapin ko na mas mahaba at mas masarap ay este mas mapasarap kayo sa pagbabasa 😘😘

Selena's POV

Mula pa kanina ay natutulala at namamangha ako sa penthouse ni Juaquin, ang typical na condo unit na alam ko ay hindi ganito.

Mas malaki pa ito ng triple kesa sa bahay ko! Parang mansiyon nadin ito na nasa loob ng isang building.

Halata din na mamahalin ang mga gamit at ang pagkakagawa sa bawat sulok ay halatang pulido at pinag-isipan.

Sumakay kami ng private elevator para makarating sa top floor, dahil narito ang kanyang unit. Ito ay nasa ika 50th floor ng building na ito.

Naputol lang ang pagkamangha ko sa lugar nang magsalita ang supladong may-ari nito.

"You look so amazed, ngayon ka palang ba nakakita ng condo unit?" halata sa boses niya ang pang-aasar.

Lihim akong napairap dahil sa tinuran ng lalaking ito. "Nakapasok na ako sa ganitong condo pero hindi kasing ganda at kasing ng iyo." inosente kong sagot.

Bigla nalanh nawala ang ngiti sa kanyang labi saka kumunot ang noo niya. "So may ex-boyfriend ka na may condo unit ?!" bigla niyang saad.

"H-ha?! Hindi, wala! May naging kaklase ako sa kolehiyo noon, si Rizza nag invest siya sa ganitong establishment. Minsan niya akong isinama noon at ang ilan naming kaibigan sa condo niya." paliwanag ko.

Nag-iwas siya ng tingin saka tumikhim, lihim naman akong napangiti. Nagseselos ba siya sa pag-aakalang may ex-boyfriend ako?

"By the way, come on I'll show you your room." tumayo siya at naglakad patungo sa may hagdan.

Kaagad naman akong sumunod sa kanya bit-bit ang aking maleta, napaka gentleman niya ni hindi ako tinulungan sa bagahe ko!!

Hiningal ako sa inakyat namin, ilang baitang din ang hagdan na iyon at may bitbit akong isang maleta at isang packbag!

Pagdating sa itaas ay may dalawang parang hallway sa kanan at kaliwa sa kanan kami dumaan hanggang sa narating namin ang dulo, sa nadaanan namin ay dalawang kwarto pa at itong sa dulo ang pangatlo.

"This would  be your room habang nandito ka, may sariling banyo na rin ang kwarto mo para hindi kana maabala na lumabas pa kapag gabi." pagsasalita niya habang binubuksan ang pintuan ng magiging kwarto ko.

Napa-wow ako ng makita ang loob niyon, parang nakakahiyang pumasok roon sa sobrang gara ng loob.

"You can come in, it's not forbidden to come inside this room." seryoso na naman niyang untag sa akin.

Tumango lang ako at pumasok na sa loob, bitbit parin ang aking maleta, nag-aalangan sa sobrang karangyaan ng lugar.

"Hindi ko malaman kung inosente ka lang talaga o ignorante ka, ibaba mo yang maleta mo sa gilid ng kama." singhal niya sa akin saka umiiling nalang na parang sobra siyang na stress.

Napakamaldito talaga!! Ngit-ngit ng isip ko.

"Pasensya na nag-aalangan lang ako sa sobrang gara at ganda ng kwarto,  hindi kasi ako sanay sa ganito." sagot ko nalang.

Pero mukhang napasama pa ang pagsagot ko ng ganoon dahil may ibang naging kahulugan lang sa kanya iyon.

"Mas mabuti ngang huwag kang masanay, malay mo bukas o sa makalawa maisipan munang sumuko sa ano mang plano mo." sarkastiko niyang sabi.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now