Twenty-Nine

3.7K 131 59
                                    


Medyo mahaba din pala ang byahe Manila to Batangas nakaidlip na pala ako ng di ko namamalayan, nagising lang dahil sa pag-alog sa balikat ko.

"Hey, tulog mantika ka naman, wake up !" yun ang boses na nakagisingan ko. Si ever supladong Juaquin Montereal.

Nagmulat ako ng mata at nag unat-unat, nang tumingin ako sa labas ay nakita ko ang isang boutiqe, may ibat-ibang tinda sila ng mga damit at swimwear.

"Nasa Batangas na tayo?" gagad ko.

"Yes and this boutique have the best clothes here kaya dito kana mamili ng mga damit." saad niya saka na siya bumaba ng kotse.

Agad naman akong sumunod sa kanya, excited na pumasok ako sa loob ng tindahan ng mga damit.

"Good morning sir and madam welcome to Batangas and welcome to Kella's Botik." salubong sa amin ng isang sales lady.

Ngumiti naman ako sa kanya at si Juaquin naman ang nagsabi sa kailangan namin.

"We need some clothes and swimwear for her." saad niya.

"Okay sir just leave her to me." masayang sambit ng babae bago niya ako hinila palapit sa mga damit na naka display sa loob ng store.

Totoong kay gaganda ng mga damit dito, may mga simple pero kung hahawakan mo ang tela ay siguradong komportableng isuot, may mga floral summer dress na presko din ang tela, mga terno na pang summer din ang tema, swimsuit, rush guard at kung ano-ano pa.

Tumigil kami sa hanay ng mga ternong damit, kinuhanan niya ako ng dalawang piraso niyon, sinipat lang ako mula sa kinatatayuan niya sa harap ko at ang damit na para bang sinusukat at tinatantya nya kung babagay ba iyon sa akin.

Namili sya ng kulay orange at kulay green na terno, sumunod ay ang summer dress, namili siya at ganoon din ang ginawa niya, pumili naman siya ng gumamela ang design, ang isa ay sunflower at ang huli ay mga petals ng rosas ang kanyang disenyo.

Nang makita kong huminto kami sa mga two piece at one piece na swimsuit ay napailing ako. "Ayaw ko sa mga ganito, hindi ako nagsusuot ng swimsuit." kaagad na saad ko.

"Don't worry ma'am hindi naman gaanong reviling ang mga pipiliin ko na swimsuit." nakangiti niyang sabi at pumili parin ng one piece at two piece.

Hindi na ako umangal pa, pero pumili ako ng rush guard na swimwear, kung ano-ano pa ang mga pinagkukuha niya, pati pantulog at underwear ay kinuhanan niya ako.

Nang matapos kami ay oarang gusto kong isoli ang iba naparami kasi ang dampot ng sales lady kahit na tinatanggihan ko ang iba ay hindi niya iyon ibininalik kung saan niya iyon kinuha.

Nahihiya akong tumingin kay Juaquin, baka kasi isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakataon. Pero nang nakita ko ang reaksiyon niya ay parang wala lang sa kanya ang maraming damit na ibinabalot sa kanyang harapan.

"Uh..  Pasensya na Juaquin, yung iba hini ko naman sana kukunin pero----" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang sales lady kanina.

"Nakita ko kasi na lahat ng ito ay bagay kay ma'am sir kaya kinuha ko na lahat, alam ko naman na magugustuhan mo rin ito kapag nakasuot na sa kanya." matamis pa itong ngumiti, hindi naman kumibo si Juaquin kaya napayuko naman ako.

"Fifty eight thousand sixhundred thirty sir." saad ng cashier na ikinalaki ng mga mata ko.

"T-teka Juaquin---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng iniabot na niya ang kanyang card sa cashier upang magbayad.

"Owen, please assist sir and ma'am, pakidala sa kotse nila ang iba." saad ng cashier sa kasamahan nilang lalaki.

Kaagad naman itong lumapit sa amin, nakangiting nag serbisyo sa amin, dinala niya ang ibang mga paper bag at idineretso sa back seat ng kotse. Tumulong din ako sa pagbitbit sa mga damit at ilang tsinelas "napamili" ko ngayong araw.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now