Thirty-five

3.4K 141 139
                                    

AN:

Oh napa roller coaster of emotions ba kayo? 😂😂
Topakin ang author niyo kaya damay-damay na 😝😂

Juaquin..

Nasira ang buong araw ko dahil sa narinig, bumalik ako sa opisina para sana magtrabaho nalang pero habang bumabalik sa isipan ko ang mga narinig ay nagwawala lang ako, muntik ko na mabasag lahat ng gamit sa loob ng opisina ko.

Nakapag fire pa ako ng ilang empleyado na walang kamalay-malay, pina-cancel ko din lahat ng meeting at appointment ko ngayong araw.

Kaya naisipan kong magpunta nalang sa bar mabuti at nagbukas ito ng maaga, kanina pa ako naglulunod sa alak rito ako lang mag-isa kanina pero nang sumapit nanang gabi ay unti-unting nagkaroon ng tao.

Mataas ang tolerance ko sa alcohol pero ngayon ay tila malapit na akong malasing dahil narin siguro sa nararamdaman kong galit. Galit sa babaeng natutunan ko ng mahalin, sa babaeng may iba nga talagang motibo sa akin.

"Hello there lover boy, are you alone?"  nang-aakit na saad sa akin ng babaeng lumapit sa akin.

"Leave me alone bitch!" singhal ko sa kanya.

Pero mukhang malakas ang tama ng babaeng ito dahil imbes na matakot o mainis sa akin ay lalo pang nagpipilit.

"Oh, I think you need someone by your side lover boy." patuloy siya sa pang-aakit at hinahaplos pa ang aking braso.

"I don't need you or anyone. Leave!" maawtoridad kong sabi at pinalis ang kanyang kamay sa aking braso.

Lalo siyang lumapit at iniharap ang aking mukha sa kanyang mukha saka niya ako siniil ng halik, mabilis niyang ipinasok sa bibig ko ang kanyang dila at expertong gumalaw sa loob ng bibig ko.

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat at inilayo ko ang aking sarili sa kanya. At nang tignan ko ang mukha niya ay mukha ni Selena ang nakita ko na nang-aakit na nakangiti sa akin.

Napailing ako at napapikit ng mariin at pagmulat ko ay hindi na siya ang nakikita ko, nagtataka naman ang mukha ng babae na nakatingin sa akin.

"Don't you like my kisses I can do more on bed." ungot parin nito.

"Do you want me to drag you out of here?" nagpanting na ang tenga ko sa kanya, napakakulit niya.

Wala ako sa mood na makipaglandian sa ibang babae lalo na at pinoproblema ko ay isang babae rin!

"Napakasuplado mo naman ako na nga itong lumapit at nag-o-offer sa iyo." mataray nitong sabi.

"Well, sorry miss. But you're not my type!" suplado kong sabi saka ko siya tinalikuran at iniwan ko siyang nakanganga.

Pasuray-suray na akong naglakad palabas sa bar, lasing na nga ako pero ramdam ko parin ang galit sobrang galit

Hindi ibang babae ang gusto kong parusahan, isa lang ang parurusahan ko sa gabing ito yun ay ang babaeng nanloko sa akin!

Selena be ready baby! You would see the very bad side of me!

Selena...

Mula kaninang tawagan ako ni Juaquin ay hindi na siya tumawag pa ulit at nang subukan ko naman na tawagan siya ay hindi ko siya ma-contact.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now