Two

5.9K 93 2
                                    

Kinabukasan ay maaga nga kaming lahat na nagising upang magawa ang aming mga gawain.

Sinilip ko muna sandali ang aming bisita na masarap ang tulog hanggang ngayon.

Pagkatapos kong makapag hilamos ay nagluto kaagad ako ng aming almusal, habang si Arman ay kanina pang madaling araw umalis para sa mga idedeliver na gulay sa palengke.

Siguro nga ay pabalik na ngayon iyon,  saktong inihahanda ko ang hapag ng pumasok sina tiya at Ana.

"Magandang umaga po tiya Isabel, Ana. Magkape na po kayo." bungad ko sa kanila.

"Magandang umaga ate, tulungan na po kita sa paghahain." presinta ni Ana.

"Sige Ana, salamat." sagot ko saka ko siya nginitian.

Nagtulong kami na maghain sa hapag kainan, at saktong pagkatapos namin ay ang pagdating nina Arman at Mang Iloy.

"Magandang umaga po Mang Iloy, magkape po muna kayo." bati ko kay mang Iloy.

"Salamat hija, katatapos ko lang magkape. Nasaan ang pasyente?" saad ng matandang albularyo.

"Tara po sa kwarto nina Inang." kaagad ko siyang inalalayan patungo sa kwarto ng aking mga magulang.

"Tiya mauna na po kayong kumain." sigaw ko mula sa may pintuan ng kwarto upang marinih nina tiya.

Nang makapasok kami ay binuksan ko ang mga kurtina sa may bintana. Para makapasok ang liwanag mula sa araw.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong agad ni Mang Iloy.

"Naku, wala din po kaming alam kung anong nangyari sa kanya. Ang totoo po ay hindi namin siya kilala." saad ko.

"Paanong hindi mo siya kilala?" medyo nagtataka niyang tanong.

"Tinulungan ko lamang po siya Mang Iloy." sagot ko.

"Maswerte ang lalaking ito at may mabuti kang puso hija." saad nya kapag ka'y sinimulan na niyang suriin ang lalaki.

"Magsabi lang po kayo kung ano ang dapat kong gawin." presinta ko.

"Ikuha mo lang ako ng bagong pakulong tubig at planggana hija." saad niya habang inihahanda sa may maliit na mesa sa tabi ng papag ang kanyang mga halamang gamot.

"Sige po manong." sabi ko sabay lakad palabas sa kwarto.

Pagkarating ko sa kusina ay napatingin ang tiya at mga pinsan ko sa akin.

"Kain na ate." si Ana iyon.

"Mamaya na, mauna na kayo, tutulong muna ako kay Mang Iloy." sagot ko saka ako dumeretso sa mesa kung nasaan ang telmos.

"Tapos na po ba kayong magkape tiya, Arman, Ana?" tanong ko sa kanila.

"Tapos na kami ate." si Arman ang sumagot at tumango naman ang dalawa.

"Sige, kukunin ko muna ito at dadalhin sa kwarto." saka din ako kumuha ng planggana.

Inilapag ko kaagad ang telmos at planggana sa tabi ng mesa kung nasaan ang mga halamang gamot ni Mang Iloy.

"Hindi naman malala ang sugat niya sa ulo, kaylangan ko lang tapalan ito ng dahong gamot at matutuyo na rin ito sa makalawa, lalanggasan ko lang din ang mga galos niya sa braso." saad ni mang Iloy habang dinidikdik ang halamang gamot niya.

"Mabuti naman po mang Iloy, pero kailan po kaya siya magigising?" sagot ko habang pinapanood ang ginagawa niya.

"Bumabawi lamang siya ng kanyang lakas, mamaya o bukas ay magkakamalay na din siya." sagot ng matanda.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now