FOURTY-ONE

3.6K 173 123
                                    

Selena...

Nagpaalam sina Anna at Gabriel na maglalakadlakad muna papunta sa taniman upang makapasyal, pinayagan ko naman sila tutal ay wala naman kaming gagawin ni Anna at mahimbing pa ang tulog ng aking anak.

Sa dumaan na taon ay may ilang pagbabago sa bahay, pinasya ko kasi na iparenovate ang ilang bahagi nito lalo na ang mga kwarto.

Noong bagong panganak kasi ako kay Nicollo ay nagkaroon kami ng skin allergy dahil sa sobrang init--wala naman ako dati noon--- kaya naman napagpasyahan ko na palagyan ng air-conditioner ang kwarto namin.

Napangiti akong makitang napakapayapa ng aking anak sa kanyang pagtulog.  Mula noon naman ay laging malusog si Nicollo hindi siya kadalasan nagkakasakit.

Alagang-alaga kasi namin siya, may mga panahon na hinayaan naman namin siyang maglaro sa labas ng bahay at minsang ipinapasyal sa taniman.

At ang anak ko naman ay lumalaking mabait at matalinong bata.

Nagpasya akong lumabas na muna ng kwarto at mag-ayos ng kung ano sa labas, pero saktong pagsara ko ng pintuan ng kwarto ay may kumatok naman sa main door namin.

Ang bilis naman makabalik nina Anna.

Nagtataka kong saad sa sarili habang naglalakad ako palapit sa pintuan. Pero nang makalapit na ako ay may kakaibang kaba akong naramdaman.

Dalawang katok muli ang ginawa ng nasa labas, pero iwinaksi konang kaba dahil baka si Anna nga lang ito at ginu-good time lang ako.

"Ang bilis nyo namang makabalik----" naputol ang iba ko pang sasabihin nang mabuksan ko na ang pintuan at tumambad sa akin kung sino ang tao sa labas.

Ang seryoso niyang mukha, mga matang kung ti-titigan mo ay di ka makakatagal ang kanyang matangos na ilong, mapupulang mga labi.

Kay lakas ng kabog ng puso ko, at nag-init ang mga mata ko, ang lalaking dahilan ng mga kalungkutan ko at ang lalaking tanging minahal ko buong buhay ko bukod sa anak ko ay nasa harapan ko ngayon.

"J-Juaquin? A-anong ginagawa mo dito? P-paano mo n-nalamang dito ako nakatira?" hindi ko malaman kung paano ako magsasalita sa kanya.

Seryosong seryoso ang mukha niya at kita ko ang kalungkutan sa kanya, mukha rin siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil medyo malalim ang kanyang mga mata, may kaunting tumubong bigote at balbas din sa kanyang mukha.

Pero imbis na magsalita siya ay malamlam niya akong tinignan na para ba akong mawawala ano mang oras, lumapit siya sa akin at bahagya naman akong napa-atras.

Pero dahil sa malaki siyang tao ang isang hakbang niya ay katumbas ng dalawang hakbang ko.

Mabilis siyang nakalapit sa akin, ikinulong niya ang mukha ko sa kanyang dalawang palad, napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

Pagkatapos ay niyakap niya ako, sa pagkabigla ko sa mga kilos niya ay hindi ako gumalaw, naestatwa lang ako

Bigla kong naramdaman ang pag-alog ng mga balikat niya, tiningala ko siya at nakitang nakapikit siya pero may mga luhang nakatakas sa mata niya.

Kahit na may nagawa siya sa akin ay mabilis na lumambot ang puso ko nang makita ko siyang umiiyak.

"Juaquin, bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka niya hinawakan ang magkabila kong balikat, tinignan nya ako diretso sa mata.

"I missed you so bad, Selena. Alam ko wala akong karapatan na tumayo sa harapan mo, makipag-usap sayo lalo na ang hawakan ka pagkatapos ng lahat ng masasakit na ginawa ko sa iyo, pero miss na miss na kita." basag ang boses niya sa pagsasalita.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon