One

12.8K 140 5
                                    

Inang, Tatang, Helena!!!!

Humahangos akong bumangon dahil sa isang panaginip, masamang panaginip, ang araw ng pagkawala ng aking mga minamahal.

Maagang nawala ang mga mahal ko sa buhay dahil sa isang aksidente, tahimik kaming naninirahan ng aking mga magulang at ng aking kapatid na si Hellena sa aming maliit na bukirin, pero naulila ako sa kanila ng ako ay labinlimang taong gulang palang.

Kaarawan ng aming bunso noon at  naglambing ito na lumuwas kami sa bayan upang siya ay makapaglaro sa perya, at dahil kaarawan niya ay pumayag si itang.

Masaya ang naging araw naming pamilya, pero ng pauwi na kami galing sa bayan, ay nasalpok ng isang truck ang sinasakyan naming owner type jeep.

Lahat kami ay kritikal, ngunit may kung anong milagro ang sumagip sa akin, ngunit kalungkutan lamang ang naging kapalit ng aking buhay.

Pitong taon na ang nakakaraan ay malinaw parin sa akin ang lahat. Pati ang sakit ay sariwa parin sa aking puso.

Kinalma ko ang aking sarilli, pinunasan ang mga luha, huminga ng malalim at ako ay nagdasal.

Pagkatapos ay nagpasya akong tumayo at pumunta sa kusina para uminom ng tubig, saka ako naghilamos upang mahimasmasan.

Dito parin ako nakatira sa dati naming bahay, na ilang kilometro lamang ang layo sa aming maliit na bukirin.

Katulong ko ang aking tiyahin na si tiya Isabel pinsan ng aking tatang, sa bukirin at dito sa bahay, ngunit siya at ang kanyang mga anak ay sa kabilang bahay namamalagi.

Pabalik na sana ako sa aking kwarto ng may marinig akong mahihinang katok mula sa aming pintuan.

Napakunot ang aking noo at bigla akong kinabahan, alisto kong kinuha ang isang malapad na kahoy sa tabi ng pintuan.

Inilapit ko ang aking tainga sa may pintuan at pinakinggan ang mga sasabihin ng kung sino man ang kumakatok.

"T-tu-long!!" Nanghihinang sabi ng nasa labas ng pinto. "M-may t-tao p-po b-ba s-sa b-ba-hay n-na i-it-o? T-tu-lu-ngan ny-o a-ko p-paki-u-sap.

Nahabag ako sa aking narinig, para bang naghihinalo na ang tao sa labas ng aking pintuan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, at nanlaki ang aking mga mata sa tumambad sa aking harapan.

Isang lalaking sugatan, mukhang naaksidente o pinagtangkaan ng masama, mabilis kong binitawan ang kahoy na hawak ko at dinaluhan ang lalaki.

"Sino ka, anong nangyari sa iyo?!" tanong ko habang sinusuri ang kanyang hitsura, may dugo mula sa kanyang ulo.

"M-ma-a-wa k-ka.... " ni hindi na niya natapos ang nais na sabihin, ay nawalan na siya ng malay.

Tumayo ako at kinalma ang aking sarili, malaking tao ang lalaking ito at pihadong hindi ko siya kaya kahit hilahin man lang.

Nagpasya akong magpatulong kay tiya, kaagad namang tumalima si tiya at ang aking pinsan na sina Arman at Ana sa pagtulong sa akin.

Nang makarating sa harapan ng aking pintuan ay gulantang din sila sa nakita.

"Diyos na mahabagin! Sino ang lalaking ito, Selena?" napasign of the cross pa si tiya Isabel.

"Hindi ko rin ho alam tiya, basta tulungan nyo muna akong maipasok siya at nang maihiga sa papag." sagot ko naman.

"Sigurado kaba dito ate, baka masamang tao ito." Si Arman naman iyon.

"Bahala na Arman, pero ayaw kong may mamatay na naman sa harapan ko." sagot ko muli.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now