Twenty-six

5.8K 143 77
                                    

Hello mga bebe 😊
This is ur makupad author 😅😂😂
Sorry kung mabagal sa update busy ang inyong ateng sa mini business para maka survive ang aking mga junakis sa panahon ng krisis 💔 don't worry at least once or twice a week mag -uupdate  ang inyong ateng author 😘😘

So heto pagtiyagaan nyo po ang aking SPG 🙉🙈🙊  para sa Chapter na ito 😝😘



Sanay naman ako matulog mag-isa pero ewan ko ba kung namamahay ako sa penthouse na ito o sadyang di ako makatulog dahil wala pa si Juaquin.

Sabi niya kanina ay may dinner meeting sya sa isang kliyente at gagabihin pero madaling araw na pero wala pa siya.

Nagsawa na ako sa mga palabas sa TV pero wala pa din siya, nag-aalala na ako baka kung napano na siya.

Ni hindi man lang siya tumawag sa telepono niya rito para sabihan ako kung pauwi na siya.

Napabuntong hininga nalang ako, kukunin ko sana ang cellphone number niya pero sabi niya di na daw kailangan iyon dahil dito naman daw siya uuwi lagi.

Kinukurot ang puso ko sa isiping may kasama siyang iba ngayon, pero inaalis ko iyon sa isipan ko dahil nangako siya sa akin na habang narito ako ay walang ibang babae.

Papanhik na sana ako sa kwarto nang biglang bumukas ang pintuan ng penthouse, iniluwa roon ang napakagwapong si Juaquin Montereal.

Mapungay ang mga mata na nakatingin sa akin, mukhang nakainom siya kaya agad ko siyang sinalubong. Nag-aalala ako na baka matumba siya o ano.

Pagkalapit ko ay nagpa-alalay naman iya, iniakbay ko sa aking balikat ang kanyang brasoat ang isa kong kamay ay pumulupot sa kanyang bewang.

Mukhang hindi naman siya gaanong lasing dahil hindi naman kami gumewang habang naglalakad patungo sa sofa.

Pagkalapit namin sa sofa ay inupo ko siya inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at ang aking pagkakayapap sa kanyang bewang.

Tumayo ako. "Ikukuha kita ng tubig." saad ko, tatalikod na sana ako para umalis but he grab my wrist. Nabigla ako pero mabilis ang pangyayari, hinila niya ako pakandong sa kanyang mga hita.

"Don't go, dito ka lang." baritono niyang saad habang ang mga mata ay namumungay.

"S-sige.. saan ka ba galing at bakit nalasing ka?" medyo kabado kong tanong, nakakailang ang posisyon namin.

"My good friend Monchi throw a birthday party, nagka-ayaan lang uminom but don't worry hindi ako nambabae gaya ng pangako ko hanggat nandito ka hindi ako makikipaglaro sa iba." napangisi siya matapos magsabi.

"H-hindi naman ako nagdududa J-Juaquin." napayuko ako dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya.

Pero itinaas niya ang mukha ko at itinutok iyon sa kanya, nakita ko ang pag basa niya sa kanyang mapupulang mga labi gamit ang kanyang dila, lihim akong napalunok kaya hindi ko sinasadyang makagat ko ang aking pang-ibabang labi.

"Don't bite your lips baby." bulong niya saka niya idinampi ang kanyang hinlalaki sa aking mga labi.

May naramdaman akong tumutusok sa aking hita, dahil nga nakakandong ako sa kanya ay mukhang alam ko kung ano iyon.

Nag-init ang aking mukha at hindi napigilan na naman na makagat ang aking pang-ibabang labi at sa pagkakataong iyon ay napaungol na siya.

"Agh!! Fyck baby you are doing it on purpose!" reklamo niya.

Napailing ako. "H-hindi ---" naputol ang ano mang sasabihin ko nang bigla niya akong kabigin sa batok at angkinin ang aking mga labi.

Mapusok at mapang-angkin ang kanyang mga halik, mapusok din ang kanyang mga kamay dahil mabilis iyong gumapang sa maseselang parte ng aking katawan.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now