Twenty-five

4.4K 117 58
                                    


Kagaya na ng dati kong nakagawian ay maaga ang gising ko kinaumagahan, maaga rin ako nakapagluto ng almusal at nakapaglinis kaya naman ng lumabas siya ng kwarto ay kape na lang ni Juaquin ang itinitimpla ko.

Nag-iwan siya ng note sa pintuan ng ref, nakalagay roon kung ano ang mga lulutuin kong almusal at paano ang kape na gusto niya.

"Looks like you are already done with your chores?" bungad niya sa akin sa kusina.

"Good morning, uhm oo tapos na ako dito sa ibaba yung sa itaas naman ang kasunod pagkaalis mo." sagot ko na hindi man lang siya tinitignan, pumasok kasi sa isipan ko ang nangyari kagabi, hanggang ngayon ay nahihiya ako sa kanya.

Umupo na siya sa mesa at inihain ko na sa kanya ang kape na itinimpla ko, sa kanyang kilos ay parang wala lang naman iyon, normal lang. Tinikman niya ang kape at napatango mukhang pasado.

"That's good, just remember be careful with the things around." sa unang pagkakataon ay hindi siya masungit sa akin.

"Oo magiging maingat ako." nakangiti kong sabi.

Siguro ay nagustuhan niya ang pagsisilbi ko sa kanya ngayon kaya hindi siya masungit.

"I'll have a dinner meeting with a business partner at baka gabihin ako so don't bother to cook for me." habilin niya.

"Sige, aabalahin ko nalang ang sarili ko maghapon. Wala din naman akong ibang pupuntahan dito lang ako sa condo mo." saad ko.

"Don't try to bring another people here, especially men!" bigla nalang nag iba ang mood niya.

"Ha? Hindi wala akong dadalhin na kahit sino dito. Magtiwala ka." napayuko ako.

Hindi na niya ako sinagot, nakatayo lang ako sa isang tabi habang nag-aalmusal na siya. Hindi na niya ako kailangan ayain sa hapag pero sana man lang ay ginawa niya.

Akala ko ay ok ang buong umaga, m<abait na siya kanina pero bigla na naman nagsungit. At hanggang sa makaalis ay hindi na niya ako kinausap pa.

Nang makaalis siya ay naging abala ako sa iba pang gawain, nilinisan ko ang kwarto ko sa itaas at ang dalawang guest rooms, nilabhan ko na din ang marumi niyang damit.

Pagkatapos kong maglunch ay naramdaman ko na ang pagod kaya nakatulog ako kaya di ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa.

Nagising lang ako sa pagring ng cellphone ko, kinapa ko iyon saka ko tinignan ang screen.

Si Anna ang tumatawag, kaagad akong napaupo at sinagot iyon, baka may nangyari sa anak ko!

"Hello? Anna, napatawag ka anong nangyari?" taranta kong bungad.

"Ate, wala naman. Gusto ka daw makausap ni Nicollo miss ka na daw niya." sagot ni Anna na nagpawala sa kaba ko.

"Sige gusto ko na din marinig ang boses niya." napangiti ako.

"Hello mama? " tinig ni Nicollo sa kabilang linya kaagad na pumatak ang luha ko, ang kawawa kong anak kailangan niyang magtiis na wala ako sa kanyang tabi.

"Hello baby ko, kamusta ka?" pilit kong pinasigla ang aking tinig, ayaw na ayaw nya kasi na umiiyak ako.

"Ayows lang po mama, mish po kita." bibong sagot niya.

"Sandali nalang si Mama dito ha, huwag kang makulit kay lola Sabel, tito Arman at tita Anna, inumin mo yung milk mo morning and night wag sosobra ha." habilin ko sa kanya.

"Yes po mama, yemembey ku po lahat yan." malambing niyang sabi.

Napatakip ako ng bibig dahil gusto ng kumawala ng hikbi ko, mula noong ipinanganak ko siya ay di kami nagkahiwalay. Ngayon ay dalawang araw ko palang siyang hindi nakikita ay miss ko na ang anak ko.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now