Twenty-four

5.2K 117 70
                                    

Selena's

Isa siyang sadista?!

Gulantang parin ako dahil sa ibinulgar niya tungkol sa pagkatao niya, kinikilabutan ako tuwing naalala ko ang mga bagay na nakita ko sa kwartong iyon.

Ibat-ibang mga ginagamit niya para pahirapan at "paligayahin" ang babaeng kaniig niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko mula sa kanya, hindi siya normal na lalaki kung makipagtalik.

Pero si Nico iba siya!

Noong si Nico siya ay sobrang ingat niya sa akin,  sobrang lambing kapag kami ay nag-iisa. Kaya hindi ko ma-imagine kung ano ang mga gagawin ni Juaquin.

At sa mga nalaman ko na mula mismo sa kanya, kay sakit isipin na parang laruan lang ang mga babae para sa kanya.

Iniyakan ko iyon kanina hanggang sa napagod nalang ako sa pag-iyak.

Kailangan ko din sundin ang mga ginawa niyang "Rules and Regulations" baka masipa ako ng di oras sa pamamahay niya.

Napaigtad ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng aking kwarto, nang mapatingin ako sa orasan na nakalagay sa bedside table ay mag-a-alasiete na pala!

"T-teka lang lalabas na." medyo taranta kong sabi, saka ako nagmamadaling tumayo upang buksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang napakabangong bagong paligo na si Juaquin the devil Montereal. Napalunok ako ng lihim ng mapagmasdan ko siya.

Bigla kong nakalimutan ang mga nalaman ko kani-kanina lang. At gusto kong kutusan ang sarili dahil nagiging marupok ako!

Topless at naka sweat pants lang siya na kulay gray, may twalya pa sa na nakasabit sa kanyang braso at halatang basa pa ang kanyang buhok.

Napadako din ang paningin ko sa kanyang malapad na dibdib, sa mga braso na mukhang kay sarap pisilin at sa tiyan niya na may pandesal ika nga nila.

Nakakatulala talaga ang kakisigan niya at kulang nalang ay tumulo na ang laway ko sa kanya!! Nakasama ko na siya noon pero mas gwapo at mas macho siya ngayon!

"Are you done staring at me?" mayabang niyang saad na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Sorry." nasambit ko nalang saka napayuko.

"So tell me, hindi ka pa ba bumaba mula kanina? Ni hindi ka pa pala nakapagpalit ng damit so I guess hindi kapa nakapag miryrenda manlang and in short we still don't have our dinner?!" pagpapalatak niya.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa kahihiyan at walang maisagot sa kanya, bakit ba kasi di ko namalayan ang oras?!

"Sorry, di ko namalayan ang oras." bulong ko.

"Hindi ako mabubusog sa sorry mo, magbihis kana at bumaba ka pagkatapos, oorder nalang ako ng pagkain." suplado niyang saad saka na niya ako iniwan.

Napabuntong hininga nalang ako, kailangan ko siyang pagsilbihan ng mabuti para gumaan naman ang pakikitungo niya sa akin.

Mabilis akong nagtungo sa banyo ay nag quick shower para kaagad na makababa upang maihanda ang oorderin niyang pagkain.








Magkasalo kami sa pagkain sa iisang mesa, umorder siya ng makakain namin sa isang restaurant at ipinadeliver nalang dito.

Dalawang klase ang ulam at may kanin na sakto lang sa amin ang dami, tahimik lang kami habang kumakain hanggang sa nagsalita siya.

"Dapat mong tandaan, ayaw ko ng nasasayang ang pagkain kaya kung magluluto ka tanungin mo muna ako kung dito ako kakain."

"Oo sige, tatandaan ko." mabilis kong agap.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now