Thirty-two

3.3K 129 60
                                    

Happy 100k reads/views 😍🎉🎉
Thank u so much everyone 🙏❤
XOXO 😘




"Napakasaya ko mahal. Pangako aalagaan ko kayo ni Nicollo at ang mga magiging anak pa natin." nakangiting saad ni Juaquin, kasama namin si Nicollo sa isla, masaya siyang naglalaro sa dalampasigan.

Habang kami ni Juaquin ay nakatayo di kalayuan sa kanya magkayakap habang pinapanood ang aming anak.

"Salamat mahal ko, masaya rin ako dahil sa wakas ay naalala mo na ako." naluluha sa galak kong sabi. Tiningala niya ang aking mukha gamit ang kanyang hintuturo, he dried my tears using his finger.

"Huwag kang umiyak, hindi ko na kayo kailanman iiwan." saka niya ako siniil ng halik.

"Mama!!! Dada!!!  Tap kiss No kiss!!!" sigaw ng maliit na boses ni Nicollo, natatawa kaming kumalas ni Juaquin sa halik namin.

Sinalubong namin ang anak na patakbong lumalapit sa amin, niyakap namin siya at siya ang pinupog namin ng halik.

Napakaseloso ng batang ito! Gusto niya na siya lang ang aming nilalambing, napa ka cute na bata.

Bigla nalang akong nasisilaw sa sinag ng araw, sinubukan kong takpan ng aking kamay ang aking mga mata pero nasisinagan parin ako ng araw.

Nagmulat ako ng mata at doon ko napagtanto na panaginip lang pala iyon. Nasisilaw pala ako mula sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

Nilibot ko ang aking pangingin, wala si Juaquin, namaluktot ako at niyakap ang aking mga tuhod.

Noong unang may mangyari sa amin sa condo ay ganito rin, pagkagising ko ay wala siya sa tabi ko.

Init ng katawan, tawag ng laman at pangangailangan bilang lalaki ay nairaos niya. Yon lang yon! 'Di ko mapigilang tumulo ang aking mga luha, nagbalik sa akin muli ang ala-ala noong bigyan ko ng masyadong tiwala ang aking sarili.

Hindi ko pwedeng ipasok sa isip ko na may ibang kahulugan ang nangyari sa amin kagabi, baka mapahiya at masaktan lang ako gaya ng dati.

Kahit na hindi lang isang beses iyon, napailing nalang ako, tatlong ulit niya akong inangkin kagabi.

Bumuntong hiniga nalang ako para mawala ang sakit sa dibdib na nararamdaman ko. Pilit kong ibinangon ang sarili ko at dumeretso sa banyo para makapaghilamos.

Masakit ang katawan ko at ang nasa pagitan ng mga hita ko, masyado siyang malaki para sa akin kaya sa tingin ko ay medyo namamaga iyon dahil ramdam ko ang hapdi.

Pagpasok ko sa banyo ay naligo na ako ng , makapaglinis na din ako ng katawan. Sampung minuto rin ang itinagal ko sa loob ng banyo.

Nang lumabas ako ay nagulat ako sa nadatnan, may pagkain sa kama at naroon si Juaquin, mukha din siyang bagong ligo palang.

"It's good that you're awake, the breakfast is ready." nakangiti niyang sabi.

Napakurap ako, napaisip na parang naeengkanto yata si Juaquin, mula kahapon ay madalas siyang ngumiti sa akin at makipagtawanan.

"Ang aga mo yata nagising?" tanong ko nalang habang papalapit sa kama.

"Yeah... Maybe I am one hour ahead earlier." saad niya na tinignan pa ang relo

Maingat akong umupo sa kama, napatingin din ako sa bedside table kung nasaan ang orasan at nakita ko na alasyete Y media na pala.

"Sana ginising mo na rin ako para ako na ang naghanda ng almusal." hindi ako makatingin sa kanya.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now