Thirty-four

2.7K 116 73
                                    


Juaquin..

I woke up on the bed with her, mahimbing parin ang tulog niya dahil pinagod ko na naman siya kagabi, ilang gabi na dito ko siya hinahayaang matulog. Dahil halos gabi-gabing may nangyayari sa amin.

Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha, ang hugis puso niyang mukha, malalantik na pilikmata ang kanyang matangos na ilong at ang mga labi niyang kay sarap halikan.

Yeah! I am f*cking crazy about her, I just can't get enough of her. I am addicted to her.

Isang buwan lang ang usapan namin ni Selena na mananatili siya rito sa akin, pero mukhang nagtagumpay nga siya, mukhang totoo nga ang sinabi niya na minahal ko siya noong nagka-amnesia ako at kinupkop niya ako.

Muli na nga yatang nahulog ang loob ko sa kanya o tamang sabihin na naalala na siya ng puso ko.

Hindi ko maamin noong una pero nang makita ko siya ay may kakaiba nga akong naramdaman pero dahil nasa ugali ko ang hindi kaagad nagtitiwala sa tao ay naging defense mechanism ko ang magalit at magsungit sa kanya, pero hindi niya ako sinukuan.

Ipinakita at ipinaramdam niya sa akin na totoo ang pagmamahal niya sa akin at ngayon nga ay heto ako at nababaliw na yata sa kanya.

Hindi ko pa siya dinala sa safe room, noon ay balak ko sana siyang dalhin doon para masubukan kung hanggang saan siya tatagal sa akin, pero hindi ko malaman ang dahilan kung bakit hindi ko siya magawang dalhin sa safe room.

Pero ngayon alam ko na ang dahilan, ayaw kong saktan at i-torture si Selena. Yung ginawa kong bastusin siya sa kusina noon pinagsisihan ko iyon ng husto, nakita ko din yung selos niya ng makita ko sina Regine sa market kaya naman bumawi ako sa kanya at dinala siya sa Batangas.

Naputol ang pag-iisip ko nang makitang gumagalaw na siya, hinalikan ko siya sa labi para tuluyan na siyang magising at nagmulat nga siya ng kanyang mga mata.

"Good morning baby." I greeted her with my husky voice.

"Good morning mahal ko." bati din niya sa akin, napangiti ako sa endearment niya sa akin.

"You sleep like a baby." saad ko at pinindot ko ang kanyang pisngi.

Napangiti siya at yumakap at lalong isiniksik ang kanyang sarili sa akin.

"Sana laging ganito kaganda ang gising ko, yung pagmulat ko ng mga mata ko ay nakangiting mukha mo ang masisilayan ko." malambing na sabi niya.

I chuckled softly and caress her hair.

"You made me like these, ginayuma mo yata ako." nanunukso kong sabi.

"Uhmm, oo nilalagyan ko ng gayuma yung mga pagkaing niluluto ko para sa iyo." ganting biro niya.

"Sabi ko na nga ba." pakikisakay ko sa kanya at niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita Juaquin." buong puso niyang sabi.

"Hmmn..  I am getting there baby just wait for me a little bit more." sagot ko at naramdaman kong ngumiti siya.

Nag-angat siya ng mukha at hinalikan niya ako ng mabilis sa labi.

"Babangon na ako, tanghali na kailangan na nating bumangon." kumakawala siya sa yakap ko pero hindi ko iyon pinayagan.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now