TWENTY

4.5K 118 37
                                    

AN: Thank you guys, sa mga sumusubaybay po sa ating second published story, sobrang na appreciate ko po yung mga views at votes ❤ asahan po ang hindi man mabilis pero mas madalas na pag update ko po ng story 😊 enjoy reading po 😘😍

Magkahalo ang nararamdaman ko nang magising ako nang sumunod na araw, naging magandang at maayos naman pakikitungo sa akin ni Juancho.

Nagkwentuhan kami kagabi, ikinwento din niya ang ilang naranasan at mga ginawa nila sa America.

Nasabi din niya na maayos na talaga ang kalagayan ni Juaquin, wala na ang pag sakit ng ulo nito o yung bigla na lang siya mahihilo.

Masaya na malamang mabuti na siyang talaga, pero ang nakakalungkot lang ay ni minsan daw ay hindi niya ako nabanggit.

Isa lang ang ibig sabihin daw niyon saad daw ng doktor, maari daw na nabura na ako ng tuluyan sa memorya ni Juaquin at ang mga nangyari noon.

Posible daw na di na nya ako maalala, pero huwag daw ako mag-alala dahil may natitira naman daw na sampung porsyento na pwde niya akong maalala.

At iyon ang kinakapitan ko ang natitirang maliit na porsyento, alam ko na kapag humiling ako sa Diyos ay baka pakinggan niya ako.

Na baka magmilagro siya at mabigyan ng linaw ang kaisipan ni Juaquin at bandang huli ay maging maayos ang lahat.

Sanay ako na gumigising ng maaga, kaya naman naabutan ko pa na nagluluto sina manang Dolores, gaya nung una ay ayaw niya ako kumilos sa gawain, pero ipinilit ko na sanay ako sa gawing bahay.

Naghanda kami ng almusal at saka tumulong din ako sa paglilinis, sumabay na akong kumain ng almusal kina manang Dolores dahil malamang daw ay tanghali na magising ang dalawa.

Nag-aadjust pa kasi sigurado ang mga katawan nila sa oras dito sa Pilipinas, sabagay nga naman, ang umaga dito ay gabi doon sa pinanggalingan nilang bansa.

Nakipagkilala naman ang mga kasambahay sa akin, naging mga kaibigan ko kaagad sila.

Si ate Tina, sa fourties na sya, si ate Erlinda nasa mid thirties naman at si Greta halos magkasing edad lang kami matanda lang siya ng ilang buwan sa akin.

Masaya silang kasama, kung nagtatrabaho pala ako dito ay hindi ako maiinip dahil masayahin ang mga makakasama ko.

Natawa ako sa sarili ko sa naisip, pero pwede rin iyon kung wala lang akong sinasakang lupa, may mga umaasa din kasi sa akin na ibang pamilya.

"Sa magkapatid si Senyorito Juancho ang mas palakaibigan, mas madalas ngumiti at mas madalas dito umuwi sa mansyon." kwento ni Greta habang nag-aayos kami ng mga halaman.

"Talaga, e si Juaquin saan siya tumutuloy?" kuryoso kong tanong.

"May pagmamay-ari silang condo sa may Makati, sa BGC yun. Lahat doon mayayaman." namamanghang kwento ni Greta.

"Nakapunta ka na doon?" muli kong tanong.

"Oo minsan akong isinama ni ate Tina sa condo niya,  jusmiyo!! Lahat ng madaanan namin na mga building matatayog at yung building na pagmamay-ari nila kung nasaan yung condo ni sir e walang itulak kabigin, lalo na yung penthouse niya e mukhang mansyon din na nasa loob ng building!!" tuloy-tuloy na kwento niya.

Para tuloy gusto ko din makapunta sa lugar na sinasabi niya, mukhang napakanda roon.

"Alam mo, kung matatandaan ni sir ang pinagdaanan nyo, at mapagtanto niya na mahal ka talaga niya, napakaswerte mo sobrang yaman nila." seryoso niya akong tinignan.

Ngumiti naman ako pero ramdam ko ang kaunting pait sa puso ko. "Yung kayamanan nila hindi ko naman hangad iyon, sa edad ko marami na akong pinagdaanan, naulila ako ng maaga ang tanging importante sa akin ay ang matandaan niya ako."

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now