My Ex-Boyfriend's Comeback

Door Destiny-One

218K 5.2K 389

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi... Meer

My Ex-Boyfriend's Comeback
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Bonus Chapter #1
Note.

Chapter 18

6.9K 149 10
Door Destiny-One

Vengeance

--

"Sorry kung naniwala kaagad ako sa nalaman ko noon, ang buong akala ko kasi talaga ay ipina-abort mo 'yong anak natin."

Mababakas ang labis na pagsisisi sa boses at mga mata ni Drew nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Bumuntong hininga ako at itinuon ang aking buong atensiyon kay Drew.

"Hindi ito 'yong tamang lugar at oras para pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na 'yan Drew." Seryoso kong tugon sa sinabi niya. Tumango na lamang siya sa sinabi ko.

Ang dami naming kailangang pag-usapan tungkol sa nakaraan namin, ngunit palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras. Nasa hospital pa rin kasi kami at inaagapan ang pagpapagaling ni Sunny.

Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nasa paanan kami ni Drew ng higaan niya.

Mula kanina ay hindi na inalis ni Drew ang atensiyon niya kay Sunny. Ganito pala 'yong pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang dalawang taong importante sa buhay mo.

"Hindi mo pa rin ba sasagutin ang tawag ni Belle? Natutulog na rin naman si Sunny e, it's okay Drew. Sagutin mo na muna,"  sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi paulit-ulit na nagriring ang phone niya ngunit tila wala siyang balak na sagutin iyon.

"It wasn't important compared to this moment Sydney...mas importante itong oras na 'to ngayon kesa sa oras na gugugulin ko masagot lamang ang walang kwentang tawag ni Belle. Besides, the wedding is already off." Seryoso niyang sinabi na ikinatanga ko.

"Pero kilala mo sila Drew! Lalo na si tita Fely!" Nag-aalala kong sabi sa kanya. Kaagad akong niyakap ni Drew.

"Kagaya nang sinabi ko sa'yo noong nakaraan...kaya kitang protektahan, kayo ng anak natin. Kaya 'wag ka nang mag-alala." Malambing niyang sabi bago ako hinalikan sa noo.

"P-pero natatakot pa rin ako Drew," Hindi ko alam ngunit hindi pa rin mapanatag 'yong loob ko.

Alam ko at ramdam kong kaya kaming protektahan ni Drew...ngunit hindi ko maipaliwanag itong takot na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung para saan itong takot na bumabalot sa akin ngayon.

Imbes na sagutin pa ako ni Drew ay muli niya nalang akong niyakap ng mahigpit. Sa pamamagitan ng mga yakap niya, unti-unting napapawi 'yong takot sa akin. 'Yong takot na nararamdaman ko para sa amin ng anak ko.

"Uhm, Drew?" Bumitiw siya sa pagkakayap sa akin at nakangiting ibinaling ang tingin niya sa akin.

"P-pwedeng ikaw muna ang magbantay kay Sunny? Kailangan ko lang kasing umuwi para kumuha ng damit namin ni Sunny."

"Bakit ikaw pa? Pwede mo namang utusan na lang 'yong kasama mo diba?" Aniya. Umiling ako dahil hindi pwede si Grace. Napauwi ko na kasi ito para magpahinga. Sinubukan ko rin kasi siyang tawagan kanina ngunit hindi ito sumasagot, siguro dahil nakatulog na ito.

Magdamag din kasi siyang gising kagabi dahil siya muna ang pinagbantay ko kay Sunny habang nag-iisip ako kung ano ang pwede kong gawin.

"Hindi pwede e, pinagpahinga ko rin muna 'yong bata." Sagot ko. Nakuha niya naman 'yong punto ko kaya sa huli ay pumayag din si Drew na umuwi muna ako ng bahay.

"Sige basta mag-iingat ka okay? Don't worry, pasasamahan kita sa mga tauhan ko."

"Okay."

Habang nasa byahe ay bigla ko na namang naramdaman 'yong takot at kaba sa dibdib ko.

"Patay!" Nagulat ako ng biglang huminto 'yong sasakyan. Nakasakay kami ngayon sa itim na SUV kung saan kasama ko ang apat sa mga tauhan ni Drew.

"May problema ba?" Pagtataka ko. Walang sumagot sa kanila bagkus ay dali-dali silang bumaba ng sasakyan.

"Nasiraan po tayo ma'am,"

"Po? Paano 'yan, kailangan kong makabalik kaagad sa ospital!"

"Sorry po ma'am..."

Alam kong hindi naman nila sinasadya itong pagkasira ng sasakyan kaya wala akong karapatan na magalit sa kanila.

"Ayos lang. Hindi bale, malapit na lang naman dito 'yong apartment ko. Sasakay na lang ako ng tricycle." Ani ko sa kanila.

"Samahan na po kayo namin." Pagbo-boluntaryo ng tatlo. Mabilis akong umiling sa kanila. Mas makabubuti kung dumito na lang sila para mapadali 'yong pag-aayos nila sa sasakyan.

"H'wag na, dito na lang kayo. Sandali lang naman ako sa bahay, 'wag rin kayong mag-alala dahil babalik din kaagad ako rito pagkakuha ko ng mga gamit namin ni Sunny." Nakangiti kong pahayag sa kanila. Hindi naman na sila nagpumilit pa, bagkus ay kaagad silang sumang-ayon sa nais ko.

Kaagad akong sumakay ng tricycle patungong apartment na inuupahan ko. Nang makarating ako ay dali-dali akong pumasok sa loob.

"Grace?" Tawag ko kay Grace. Nakabukas kasi 'yong pintuan kaya siguro naman at gising na siya.

"Grace narito ako para kumuha lang ng gamit namin ni Sunny, aalis din kaagad ako." Ani ko sa malakas na boses habang pumapanhik sa hagdanan.

Nakakuha na lang ako ng mga gamit namin ni Sunny ay hindi ko pa rin naririnig an presensiya ni Grace. So, I decided to check her on her room.

"Grace!" Kaagad kong sigaw nang makita ko siyang nakagapos sa sariling kama niya. May panyo ring nakatapal sa bibig niya dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita.

Nang akmang lalapitan ko na sana si Grace para kalagan sa pagkakatali niya ay si Belle ang unang sumalubong sa akin.

Halos umikot ang paningin ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"How dare you!" Galit na galit niyang sigaw sa pagmumukha ko pagkatapos niya akong sampalin.

"Bakit mo nagawa sa akin 'to Sydney huh? Bakit mo inagaw sa akin si Andrew?! Bakit hindi mo siya pinarating sa mismong kasal namin?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang may inilabas na baril galing sa loob ng wedding dress na suot niya.

"W-wala akong inagaw sa'yo Belle..." ani ko sa nanginginig na boses.

"Really? Kung wala, e bakit hindi dumating si Andrew sa kasal dapat namin kanina ha? Dahil mas inuna ka niyang puntahan? Kayo ng lintik mong anak? Gano'n ba Sydney?"

Napaatras ako ng itutok niya sa akin iyon. Nanginginig ang buong katawan ko. Ginawa kong pangharang ang dalawang kamay ko sa posibleng bala na maaaring lumabas sa baril na nakatutok sa akin.

"P-please Belle...ibaba mo 'yan! Mag-usap tayo, pag-usapan natin 'to!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Ayoko pang mamatay, lalo na't may sakit pa ang anak ko. Kailangan ako ni Sunny, hindi pa ako pwedeng mawala para sa anak ko.

"Pag-usapan? Sige, tutal madali lang naman akong kausap Sydney eh. Ibigay mo sa akin si Andrew at magpakalayo-layo ka!" Malalim at seryoso niyang sabi.

"Yan lang ba? Sige! Kung 'yan ang gusto mo. Sa'yo na si Andrew basta wala kang ibang idadamay rito!" Naro'n man ang takot ay minabuti ko pa ring magtapang-tapangan sa harap ni Belle.

"Ha! Ha! Ha! What do you think of me Syd? Bobo? Alam ko namang kahit kusa mong ibigay sa akin si Andrew ay sayong-sayo pa rin siya...kaya ganito nalang! What if patayin na lang kita ng tuluyan? What do you think Syd?"

She's crazy!

Isang malakas na putok ng baril ang nagpatulala sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Graceee!"
Ipinutok niya iyon kay Grace. Sunod na lang na namalayan ko ay ang pag-agos ng dugo sa semento.

"Hayop ka Belle! Anong ginawa mo kay Grace! Hayop ka!"

Sa huli ay minabuti kong sugurin si Belle para maagaw sa kanya ang baril. Nagtagumpay akong kuhanin sa kanya ang baril na 'yon pagkatapos ay sa kanya ko ito itinutok.

"Umalis ka na kung ayaw mong sa'yo ko iputok 'to!" Galit na galit kong sigaw sa kanya. Labis-labis na pagkatakot ang nakita ko sa mga mata niya dahil sa ginawa kong pagtutok ng baril s kanya.

"Alis na!" Muli kong sigaw. Kaagad siyang kumaripas ng takbo sa muling pagsigaw ko. Ngunit bago iyon ay may sinabi pa siya na nagpalamig sa buong katawan ko.

"For your fuckin' information my dearest not blood-related cousin! Hawak na ng Mommy at Daddy ko ang anak mo!"

I tried to chased hee but its too late. Nanginginig ang mga kamay kong nabitawan ang baril na hawak ko.

Dali-dali kong kinalagan si Grace sa pagkakatali niya. Sinubukan ko ring i-check ang pulso niya. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong may pulso pa siya.

"Kailangan kitang dalhin sa ospital!" Natataranta kong sabi bago ko siya inalalayang makalabas ng bahay. Gano'n na lamang ang pasasalamat ko ng sa wakas ay dumating na ang apat na tauhan ni Drew, naayos na rin ang sasakyan kaya kaagad kaming nakarating sa hospital.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

64.2K 1.1K 55
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang bilyonaryo na nagsisi sa kanyang kasalanan na sana di nalang nya ginawa... So amn.. Basahin nyo nalang guys para...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
91.2K 2.7K 46
Paano kung isang araw may isang lalaki na lang na biglang lumapit sayo at sinasabing asawa ka niya? Galit na galit siya at pilit ka niyang iniuwi sa...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...