Oh Sehun's Child

By dyonn1e

701K 23.1K 7.2K

Oh Sehun has two secrets: one was he had never been single in his entire idol career as opposed to what the w... More

prelude
intro
01
02.
03.
feel d' fury
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
shameful promotion
23.
24.
25.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.

26.

10K 393 141
By dyonn1e

twenty six.

Pagpasok na pagpasok ko ng bahay, nawala yung ngiti ko sa labi at napalitan ng pagtataka ang mukha ko. Nakita ko kasi si Chanyeol hyung at si Sett na naka-gapos sa sofa namin at may mga drawing sa mukha.

"Ano'ng nangyari sa inyo?" Sinibukan kong pigilin yung tawa ko pero nabigo ako. Nakakatawa kasi yung mga itsura nila! Pfft. Mukha na talagang palamunin si Chanyeol hyung at si Sett naman, halata mo sa mukha niya na nagpipigil siya ng tawa.

"Mmm-hmm-mm..." 'Yan lang 'yung narinig ko na sinabi nila. May panyo din kasi silang kinakagat. Aakalain mo talaga na hostages sila eh. Huhulaan ko kung sino gumawa nito. Si Tao 'yan. Hahaha.

Umiiling-iling na naglakad ako papalapit sa kanila habang kinukuha yung cellphone ko sa bulsa ko. Nang makuha ko na ay agad kong binuksan yung camera at tinutok sa kanila. "O, tingin na sa lens!" Sabi ko at sinunod naman nila. "Say cheese!" Dagdag ko pa.

"Mmmmm!!" Rinig kong ungol nilang dalawa na parang nagsabi nga sila 'cheese'. Natatawang kinuhanan ko naman sila ng litrato at mas lalo akong napatawa ng makita ko yung kamay ni Chanyeol hyung na naka-peace sign pa. Edi wow. Hahaha!

Pagtapos ko silang kuhanan ay nilapag ko na yung cellphone ko sa isang sofa. Narinig ko pang may sinabi si Chanyeol hyung pero hindi ko pa rin naiintindihan dahil may harang nga yung bibig niya. Kaya nung lalapit na sana ulit ako sa kanila para tanggalin yung nakaharang sa mga bibig nila ay bigla kong narinig yung sigaw ni Tao.

"Hoy! Hoy! 'Wag mong gawin 'yang pinaplano mo, Sehun!" Singhal nito sa akin habang papalapit siya sa'kin.

Naka-ngisi na tinaasan ko siya ng kilay, "Ikaw gumawa nito, 'no?" Tanong ko at saka tumawa.

Taas noo na tumango-tango naman siya habang naka-ekis pa 'yung mga braso niya. "Payback is a must. Hah!" Sagot niya.

Umiling na lang ako habang tumatawa pa rin. "Ano ba kasi 'tong trip na 'to?" Tanong ko ulit.

Nagsisimula nang lumakas 'yung mga pag-ungol ni Chanyeol hyung at ni Sett. Naglakad papalapit sa kanila si Tao. "Ito kasing mga 'to eh!" Aniya. Marahas na tinanggal niya 'yung panyo na nasa bibig ni Chanyeol hyung. Marahas pero syempre pabiro lang. "Ginanito kasi nila ako kanina!" Dagdag niya pa.

"Hoy! Naglalaro kasi tayo kanina!" Usal ni Chanyeol hyung pagka-tanggal na pagka-tanggal ng panyo sa bibig niya.

Narinig ko namang umangal si Sett na para bang sinasabi na tanggalin na rin yung kanya. Kaya lumapit ako para tanggalin yun. "Hi dad!" Bati niya sa akin at nginitian ako. Tapos nilingon niya si Tao, "Oy Tao hyung! Tanggalin mo na yung tali sa katawan ko po! Hindi ka po ba naaawa sa akin?! Ang bata ko pa po oh! Si Chanyeol hyung na lang po itira mo!" Singhal niya kay Tao.

Napa-sapo na lang ako sa mukha ko. Naka-gapos na nga't lahat ang anak ko, ang angas pa rin makipag-usap kay Tao hyung niya. Haha.

"Mamaya na!" Sagot ni Tao. Tapos nag-sagutan na silang tatlo. Napa-ikot na lang ang mata ko at nagsimula nang maglakad.

"O sige, dyan muna kayo. Enjoy!" sabi ko habang iniiwan silang tatlo. "Hoy Sett, 'pag naka-wala ka na dyan, umakyat ka ah?" Bilin ko kay Sett.

Nang nasa hagdan na ako, narinig kong sumigaw si Sett. "Daddy ko!!! Na-kidnap po 'yung anak mo, ano ka ba po!" Napa-ngisi na lang ako at tuluyan na silang iniwan. Bahala silang tatlo dyan, mukhang nage-enjoy naman sila eh.

Pagka-akyat ko ay naka-salubong ko si Kris hyung. Tinanguan niya ako at ganun din ang ginawa ko.

"Yah, hyung. Bakit 'di ka kasali sa kanila?" Tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Naks naman si hyung, cold city guy talaga oh. "Nagtatae ako," sagot niya. Ay ayun lang. Ang cool na sana niyang tignan kaso nagtatae siya.

"And it's not my style." Dugtong ni hyung. Napatawa naman ako ng malakas at tumawa naman siya ng mahina sa joke niya. Nagpatuloy na lang din ako sa pagpunta sa kwarto namin ni Sett habang tumatawa pa rin. Jusko. Bakit ba ganito ang mga kasama ko sa bahay na 'to?

Nang makarating ako sa kwarto namin ay agad kong hinubad yung polo ko at nahiga sa kama. Inaantok ako kaya natulog muna ako. Panigurado naman kasi na maya-maya pa matatapos sila Tao sa ginagawa nila eh.

Halos dalawang oras na rin siguro akong nakatulog hanggang sa magising na lang ako sa boses ni Sett. Pagdilat ko ng mata ko ay napa-atras ako nang makita ko yung mukha ni Sett na may mga drawing na kung anu-ano. Kahit ang pogi ng anak ko, ang creepy.

"Hi, Dad." Sabi niya.

Tumango ako. Sumampa siya sa kama at niyakap ako. Niyakap ko rin naman siya pabalik. Sweet sweet ng anak ko.

"Tapos na po kaming maglaro, daddy," aniya. Tumango lang ako bilang sagot. "Bakit 'di mo po ako sinama kanina?" Nagtatampong tanong niya. Pustahan, ang haba na naman ng nguso niya oh.

"Eh kasi 'yung pupuntahan ko ay para sa mga gwapo lang," sagot ko naman.

"Gwapo naman po ako!" Malakas na sabi niya.

"Pogi ka lang," mahinahon na sambit ko naman. Kumalas siya sa pagkakayakap namin at hinarap ako ng naka-nguso. Sabi ko na eh.

Ginulo ko na lang yung buhok niya at sinabing, "Naligo ka na ba?" Tanong ko at umiling siya bilang sagot. "Magpaligo ka na kay Chanyeol hyung mo. May pupuntahan tayo."

Bigla namang nagliwanag yung mukha niya at naglundag-lundag pa sa kama namin. "Talaga, daddy, saan po?!" Excited na tanong niya.

"'Pag sinabi ko sa'yo, babawiin ko na yung bike mo?" Pagtutukso ko.

Agad naman siyang bumaba ng kama at nagsalita, "Maliligo na po ako, dad." Tahimik at seryosong sinabi niya at saka tumalikod at naglakad palabas. Narinig ko pa siyang sinigaw yung pangalan ni Chanyeol hyung at napa-ngiti na lang ako sa kinilos ng anak ko.

Tumayo na ako at hinanda yung susuotin ni Sett. Maya-maya lang din ay umakyat na si Sett ulit na naka-ligo na. Binihisan ko muna siya tapos nagpalit na rin ako ng damit. Pagtapos ay bumaba na kami. Nadatnan pa namin si Luhan hyung na kakarating lang din. Nagpaalam kami sa kanila at umalis na.

Habang nasa kotse kami ay tanong ng tanong si Sett kung saan ba kami talaga pupunta pero sa tuwing sinasabi ko na babawiin ko yung bike niya kapag sinabi ko kung saan, eh napapa-tahimik siya. Tapos ilang sandali lang, magtatanong ulit siya. Haha. Sett kulit.

Nakarating kami sa isang park at nang makita ni Sett kung nasaan kami ay manghang-mangha naman yung loko. Hindi ko kasi siya masyadong nadadala sa mga ganito.

Bumaba kami ng sasakyan at nagsimula nang maglakad-lakad. Tumigil ako nang mahagip na ng mata ko si mama.

Mukhang nakita na rin ata ni Sett si mama kasi tinuro niya ito at sinabing, "Hala daddy, si lala po oh!"

Napa-ngiti ako sa reaksyon niya. Lumapit kami kay mama at napansin niyang nandito na din kami kaya napa-ngiti siya.

"Lala!!!" Excited na hiyaw ni Sett. Binitawan niya 'yung kamay ko at tumakbo papunta kay mama. Nilagay ko 'yung dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanila.

Niyakap ni mama si Sett, "Aww, Sett! I missed you, apo! Ang laki-laki na at ang cute-cute mo na!" Natutuwang pahayag ni mama.

Tuloy-tuloy na hinalik-halikan ni Sett si mama sa iba't ibang parte ng mukha ni mama tapos nilagay niya yung dalawang kamay niya sa dalawang pisngi ni mama at nagsalita, "Lala naman eh! Pogi po ako!"

Tumawa si mama, "Ay oo nga pala. Sorry na, pogi kong apo."

Nang tuluyan akong makalapit ay binitawan ni mama si Sett at nilapitan ako. Agad akong niyakap ni mama at niyakap ko din siya ng mahigpit. Nilagay niya yung dalawang kamay niya sa pisngi ko. "Sehun, anak." naka-ngiting sambit ni mama.

Ngumiti ako, "Hello po, mama."

Umakyat yung kamay niya sa buhok ko at inayos ito, "Gumwapo ka lalong tignan, anak," panunukso ni mama at umiwas naman ako ng tingin tsaka nag-pogi sign, "Alam ko naman yun, ma," sagot ko habang pinupungay-pungay ko yung mga mata ko.

Agad naman na natawa si mama sa kinilos ko. Kahit kelan talaga, hindi nalalaos 'yung ganung kilos ko kay mama. Haha.

Maya-maya ay niyaya niya kami papunta sa picnic table. Inabutan ni mama ng mga kung anu-anong pagkain si Sett tapos hinayaan na si Sett na lumantak doon. Tinabihan niya ako at inabutan ng sandwich na tinanggap ko naman.

"Oh, kamusta na?" Tanong ni mama.

Huminga akong ng malalim bago magsalita, "Kamusta saan po, ma? Sa buhay naming dose ngayon, sa buhay namin ni Sett, o sa buhay ko po na wala yung anak niyo?"

Ngumiti lang si mama. Ang nostalgic ng pakiramdam sa tuwing nakikita ko yung ngiti ni mama. Parehas kasi kayong ngiti. Magkamukhang-magkamukha kayong mama mo.





Pagka-kita ko pa lang sa kanila na nasa ganung posisyon, hindi na maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko may malalaman na naman ako. O may malalaman sila. O may may malalaman kami.

Tss. Kahit ano pa man dun sa tatlo, ayokong malaman eh.

Nang tuluyan kaming makalapit ay naupo aki sa tabi ni Tao. Pagka-upo ko, nagsalita si Suho hyung.

"May sasabihin daw si Luhan," sambit ni Suho hyung at nilingon niya si Luhan hyung para senyasan ito na magsalita na.

Huminga si Luhan hyung ng malalim tapos nakita kong tumingin siya kay Lay hyung. Sinundan ko yung tingin ni hyung at nakita ko naman si Lay hyung na umiwas ng tingin at napalunok.

"Nagsinungaling ako."

Nahagip ng mata ko ang halos sabay-sabay na paglingon nila hyung sa kanya. At ako na naka-tingin lang kay Luhan hyung ay napa-kunot ang noo at napa-taas ang kilay.

Kunot ang noo na nagsalita si Suho hyung, "Ha?"

Kumurap-kurap ang mga mata ni Luhan yung at mabilis na hinabol ang hininga. "N-nagsinungaling ako," pag-uulit niya. Napa-upo siya sa upuan na nasa likod niya at sinabunutan an sarili. Ilang sandali lang din ay tinignan niya diretso sa mata si Suho hyung. "Nagsinungaling ako sa inyo, Suho. Nagsinungaling ako tungkol sa totoong sinabi sa'kin ng doctor ko."

Napa-angat ng kaunti ang ulo ko at napa-atras. Narinig ko naman na may binulong si Tao na nasa tabi ko na para bang tinatanong kung ano 'yung ibig sabihin ni Luhan hyung. Mas pinili kong 'wag na lang sagutin. Kahit naman kasi ako, walang alam sa nangyayari.

Bwisit. Wala na naman akong alam.

Tinignan ko si Suho hyung at napansin kong mas lalong naging seryoso 'yung mukha niya. 'Yung seryosong mukha na kahit kelan hinding-hindi niya ipapakita sa harap ng camera.

"Ano ba 'to, Luhan? Ano bang meron?" Seryosong tanong ni hyung.

Muli naman na tinignan ni Luhan hyung si Lay hyung. Seryoso din ang mukha ni Luhan hyung pero makikita mo ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi na lang pagpapahinga ang solusyon sa sakit ko." Pahayag ni hyung. Mas lalong lumakas 'yung tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. At alam kong mas dapat akong kabahan sa mga susunod niya pang sasabihin.

"Matagal na niyang sinabi na magpahinga ako. Pero hindi ko magawa," sambit niya habang naka-tingin pa rin sa mga mata ni Suho hyung. "Kasi hindi ko kaya. Hindi kaya."

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Masyado kasi kaming busy. 'Yung tipong wala na kamaing panahon para magpahinga.

"Luhan, ano ba talagang meron? Sabihin mo na oh, 'wag mo na kaming pag-alalain." Biglang sabi ni Minseok hyung. Nilingon namin siya at ang iba ay tumatango-tango pa.

"Oo nga, hyung. Tsaka bakit ngayon mo lang sinasabi 'to? Ano ba talagang sabi ng doktor mo?" Tanong naman ni Jongdae hyung.

Nakita kong napa-ngisi si Luhan hyung. Yumuko siya at kinusot-kusot ang dalawang mata niya gamit ang hintuturo at hinlalaki niya. Mapait at malungkot na mahinang tumawa siya at saka ko siya narinig na magsalita gamit ang wikang mandarin.

"Hindi ko kaya, Yixing."

Wala akong ibang naintindihan kundi ang pangalan lang ni Lay hyung. Napansin ko naman na nanigas si Tao sandali sa pwesto niya ng sandali at nilingon din si Lay hyung. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang mahinahon na mukha ni Lay hyung.

"Ako na." Pagpi-prisinta niya. Binigyan niya ng ngii si Luhan hyung. Isang ngiti na hindi umabot sa mga mata niya.

Ilang sandali lang din ay huminga ng malalim si Lay hyung. Halos lahat na kami ngayon ay nakatitig na sa kanya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya. Nginitian niya si Suho hyung at ang susunod na sinabi niya ang gumulat sa aming lahat.

"Kailangan nang umalis ni Luhan."

----------------------------------------------------------------

I want to clear things. First of all, don't mix osc into another story. Pag sinabing, oh sehun's child, story ko yun. Nililinaw ko lang kasi may mga reader na pinaghahalo ang osc ko sa isang story dito sa wattpad. That story's title is Oh Sehun's Hidden Child. And WAS entitled in the same title as mine, Oh Sehun's Child. Daddy din si sehun dun at Seth ang pangalan ng anak niya. I was fuming mad when i saw that, so i confronted the author. The author was a kid, so hinayaan ko na lang. She said it was just coincidence. So fine, then. If that'll make her sleep at night. lol.

Pangalawa, ang pangalan ng anak ni Sehun KO ay Sett. Not Seth. Kasi Seth nga yung pangalan nung anak ni sehun dun sa sang story dito so technically, if you spell my sett's name into seth, you're talking about the other story in wattpad. And i have to be honest, that'll piss me off. Quota na ko sa mga bullshit dito sa wattpad, ayokong bigyan ako ng problema non.

I'm not slandering the author and the story, damn, don't get me wrong. Binanggit ko lang at kinlaro ko lang para walang gulo. Kung may nagbabasa man sa inyo ng story na yon, don't worry, i want no war. :--)

Pangatlo, ito na yung huling beses na sasabihin ko to. Hindi. Na. Ako. Tumatanggap. Ng. Requested dedications. If you really want a dedication, make an effort.

HAPPY 300K+ READS!!!!! Maraming salamat po. If you have questions, just post a comment. Sa mga reader na pinaguusapan ang osc sa twitter, fb, ig, etc... request lang? Please put the hashtag #osehuncwp. Please please please i want to stalk you guys :(

Continue Reading

You'll Also Like

117K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
963 54 11
This is the story about the Farmers daughter and a Millionaire daughter, nor they met when they was a children saving each other in the danger and Fa...
1.4K 94 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
39.6K 1.3K 78
Compilation of Vhoice stories.