I've Got You (SPG Girls #5)

By faultyscribbler

137K 2.3K 409

|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August... More

Warning!!!
I've Got You
000xxxx
001xxxx
002xxxx
003xxxx
004xxxx
005xxxx
006xxxx
007xxxx
008xxxx
009xxxx
0010xxxx
0011xxxx
0012xxxx
0013xxxx
0014xxxx
0015xxxx
0016xxxx
0017xxxx
0018xxxx
0019xxxx
0020xxxx
0021xxxx
0022xxxx
0023xxxx
0025xxxx
0026xxxx
0027xxxx
0028xxxx
0029xxxx
0030xxxx
0031xxxx
0032xxxx
0033xxxx
xxxFINxxx
KIEL x STORM

0024xxxx

654 23 2
By faultyscribbler

0024xxxx
Approved

"Mabuti na lang nagustuhan ni Dalli regalo ko," pahayag ko. Nakatunghay kami sa mga batang naghihintay na mabigyan ng loot bag bago tuluyang umalis.

Natapos na naman ang isang araw. Nairaos naman namin ang celebration ni Dallilah. Technically, two days from now pa ang birthday niya.

Biruin niyo 'yun? Parang kailan lang ay binubuhat-buhat pa namin siya. Ngayon, daig pa niya ang dalaga kung kumilos.

"It was a pretty shirt. Alam mo naman na sobrang gusto niya ang title na big sister," bigkas ni Anne habang nakatungo sa breakfast counter.

"Pero mas gusto niya yata 'yung regalo ni Storm," nguso ni Amelle habang nakatingin sa direksyon ni Dalli.

Yakap-yakap niya ang miniature version ng regalong unicorn beanbag ni Storm. Parang baby version. Hindi na niya ito binitawan dahil isa sa mga paborito niya ang unicorns.

"I'm glad. Kinakabahan talaga ako kanina. Pakiramdam ko napakalaking kaganapan ng araw na 'to," mahina kong bigkas habang isa-isa sila tinitingnan na agad naman nilang na-gets.

Nandito silang lahat maliban kay Pao na nag-waddle sa may hambana ng pinto at may kausap.

Habang papunta kami rito, panay ang pag-aalala ko. From night duty kasi ako kanina at sali-saliwa ang iisipin sa utak ko. Kahit nga ang regalo ni Dalli ay last minute.

Una, hindi ko alam kung bakit pero isa sa inaaalala ko talaga ay ang pagpapakilala ko kay Storm sa mga kaibigan ko. We can be obnoxious and loud sometimes, but I love how we are. Ngayon, kung hindi sila magustuhan ni Storm, it would be hard to let Storm go.

“Bakit naman? Kami lang 'to. As if naman tututulan ka namin,” nagtatakang sagot ni Thea habang tinutulungan ang kakambal niya na mag-asikaso kay Therron at Devonne.

Nagkibit-balikat lang ako, not really wanting to tell them the truth. Acceptable reason naman ang simpleng anxiety.

Naging maayos naman kasi ang pagpapakilala ko sa kanila. Hindi ko naman inakala na magkakasundo sila ng mga asawa ng mga kaibigan ko pati na rin ng iba naming kaibigang lalaki.

Nakatulong rin siguro na sports enthusiast si Storm. Guys will always be guys, hyped up sila when it comes to sports.

Sa ngayon, nagtutulong-tulong sila mga lalaki na magligpit ng mga nirentahan upuan at mga lamesa. Maya-maya pa, biglang napasigaw si Anne nang gulatin siya ni Blade na napadaan lang para ipasok ang mga flower vases.

Nagsitawanan kami at agad na inasar si Anne nang nakaalis si Blade. Nang pumasok si Paoline, natahimik kami. Galit ang namumutawi sa mata niya. Napatayo ako dahil sa akin nakapukol ang mga titig na iyon.

"B-Bakit?" Nag-aalala kong tanong dahil halos kabuwanan na niya. Her hands are protectively around her rounded stomach.

Pakiwari ko rin ay parang naluluha siya nang duruin niya ako. Nangangatal ang boses niya nang tanungin ako, "Bakit hindi mo sinabi?"

Napatingin ako sa mga kaibigan ko para manghingi ng tulong.Ngunit kahit sila ay nagtataka sa inaasal ni Pao.

"You were assaulted in the parking lot," bitaw ni Paoline.

Napadiretso ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako agad nakapagsalita. Ilang beses nagbukas -sara ang bibig ko to explain, pero wala.

Pare-parehong nagulat ang kaibigan ko sa tinatakbo ng usapan namin.

Napahilamos ako sa mukha ko. "Paano mo nalaman? More than a year ago na 'yun."

“That’s not the point here, Kiel." Nakapameywang na siya nito.

Napahilot ako sa sintido ko dahil lumang balita na ‘to. Hindi ko sinabi sa kanila dahil alam kong ganito ang magiging reaksiyon nila. Malas lang na si buntis pa ang nakaalam, and the stress will be bad for the baby.

“Pao, kalma. You’re getting stressed and did you forget you're almost due? Gusto mo bang ilibing ako ni Gage nang buhay?!” Amelle hissed abang hawak ang natutulog na si Saskia.

Kapag minalas-malas ka nga naman. It would've been easier if her hormones weren't on high due to the pregnancy.

Lumapit si Anne at inakay namin siya sa pinakamalapit na mauupuan. Kalmado naman ang mga boses namin, pero may diin ang bawat salita. Isang paraan para hindi maalerto ang nga lalaki sa labas at magising ang medyo nakakatulog nang nga bata.

Habang papalipas nangbpapalipas ang segundo, mas lalong lumalamig ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa labas kung saan makikita naabilisang nag-aayos.

Napaupo ako sa maliit na upuan sa bandang gitna. Pare-pareho kasi silang naghihintay hng paliwanag.

"Hindi ko alam paano mo nalaman, but it was already handled. Aaminin ko…" Napalunok ako nang makailang ulit. I was past that event dahil hindi naman 'yun ang pinakamalalang nangyari, e. "'Yung araw na ‘yun akala ko ‘yun na ang huli. Stefen was pretty unstable that night. Hindi ko maisip kung ano ang puwede niyang gawin noon.”

Sabay ang kambal na nag-react. Sila ang nagsabi kasi sa akin noon na tigilan ko na pakikipagkita sa lalaking 'yun. Nakinig naman ako, pero Stefen's an asshole.

“Hindi ko sinabi dahil… a-ayoko lang na maging mahina sa harap niyo. Ako ang unang sumusugod para mang-away kapag may nang-aagrabyado sa inyo. Jett helped me.”

Dahan-dahang tumayo si Pao and waddled her way to me. Nag-protesta kaming lahat pero hindi siya nakinig. Isiniksik niya ang sarili niya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Kanino mo ba nalaman? I think Jett would never tell you nor Storm..."

"'Yung kausap ko, si Linda. Remember her? Nakatrabaho ko siya saglit, hindi ba? Kaklase ni Dalli ang isa sa anak niya. Kinukumusta ka since ang huling kita nga daw niya sa'yo ay 'yung nangyari sa parking lot."

Tumango ako. I do remember her. Noong nangyari 'yun, paalis na siya at lilipat sa ibang hospital.

“Nando’n din si Storm, hindi ba?” Malamunay na tanong ni Pao, tila nahimasmasan na kahit papaano.

“He… He was. Siya ang tumulong sa akin. If not for him, hindi ko na alam…”

Natahimik kaming lahat, iniisip ang ilang bagay na posibleng mangyari. When realization hit, napatingin na lang kami sa isa’t isa absorbing the horror and sadness we’re feeling. Times like these take us back to that fateful day.

That day solidified our bond. Konektado kami ng bawat tali na humihibla sa mga nangyari noon.

Huminga ako ng malalim para magpatuloy.

“Storm being there made things complicated for me. Alam niyo na si Stefen, fling lang.’ Sumang-ayon naman sila, ang kambal pa ang mabilis na sumang-ayon.

“Attracted na ako kay Storm noong unang kita ko sa kanya. You know me and my types,” bahagya silang tumawa.

"The moment he helped me, I just knew I was doomed. Hindi ko siya ipinakilala kaagad kasi sinigurado ko muna kung may kahit katiting na chance lang na maging kami at kung tama ba ‘yung nararamdaman ko. Na gusto ko siya at hindi lang dahil nilagtas niya ako.”

May chance sana kami, but then he left.

Nabanggit ko na ‘to sa kanila. Hindi ko lang talaga kayang isama doon ang tunay kong nararamdaman dahil natakot akong lumabas na mahina o marupok. Hindi ako ganu’n, e. Storm shattered that.

"Ano na nararamdaman mo ngayon?" Simula ni Teyah while securing Devonne on her arms.

Umurong siya paabante para mas makalapit. Thea did the same with Therron. Anne is securely cradling Saskia in her arms this time. Lahat sila niyan mas malapit na sa akin at mukha kaming nagpupulong.

"Nararamdaman mo kay Storm? Do you love him? What's the score?" Pao excutedly asks, a perfect 360 -turn from her anger.

"Komplikado pa, e. Pero… ano… basta. Alam niyo na 'yun. Siyempre gusto ko siya unang makarinig. Alam mniyo 'yun?" Nakatungo lang ako habang ramdam ko ang mga titig nila.

Nang mahimasmasan, pigil silang nagtititili. Parang nga naipitan ng ugat para lang hindi magising ang mga bata.

Tinakpan ko ang mukha ko sa hiya. Hindi ako sanay sa ganito. "Di ko pa masabi sa kanya kasi… ang labo pa talaga. May problema pa siya, e."

"Malay mo naman 'yun lang hinihintay niya? Hinihintay ka lang niya maging handa matapos ang lahat ng nangyari? I saw how he looks at you…" she trails off, letting the info hang.

Gusto kong panghawakan 'yun. I can see it and feel it, too. Pero katulad ko, something's holding him back.

"Well… bahala na. Humahanap ako ng tiyempo. Mamaya makadagdag pa ako sa iisipin niya. Masaya ako na palagi siyang nandiyan para sa akin. I don't want to pressure him or anything."

"It's understandable, pero payo lang?"  hinarap ako ni Thea sa kanya. "You have to do it kung sigurado ka. Mahirap nang mahuli. Hindi puwedeng magtatanong ka na lang palagi kung kailan ang tamang oras. You should know that, right?"

Nararamdaman ko ang nangingilid kong luha habang nakatingin sa kanila. These are my best friends. Hindi ko sila ipagpapalit kahit kanino.

Pinaikutan nila ako ng yakap. Kahit pa ang ilan sa kanila ay isang braso lang ang naiyakap.

"Bakit may sumisinghot? Sino umiiyak?" natatawa kong tanong habang nagpupunas ng luha.

"Ikaw. Ikaw lang umiiyak." Nangangatal na boses ni Pao.

“Sorry talaga. For not telling any of you. I was not ready to admit what I’m feeling back then. Ang dami nang nangyari na magkakasama at nagdadamayan tayo. Hindi ako ganito ka-weak shit when it comes to these things pero pagbigyan niyo na ako.”

"Ano? May sikreto pa ba kayong gustong sabihin? Isang bagsak na natin habang busy mga lalaki niyo?" Tanong ni Anne habang nakatalikod.

Kita naman namin na pinupunasan niya ang mukha niya. Umingit nang bahagya si Saskia kaya agad niya itong inalo.

"Baka ikaw may secret? Tinatago mo pa na umiiyak ka, e. Kayo na ba ni Blade?"

Lumingon si Anne at sinimangutan siya. "Lagi kaming magkaaway, oo. 'Yun lang. Lagi niyo ako pinagtutulakan doon. Hindi nga niya alam pinagkaiba ng nurse at medtech?!?!"

Anne sounded so scandalized, it's damn funny. Issue 'to sa kanya bago pa man dumating si Blade. It is still a running joke between us. Nagkakakuwentuhan naman kami sa mga maling nagagawa ng bawat propesyon namin.

"I'm quitting…" napakahinang bigkas ni Amelle.

Kung hindi ko lang siya katabi, hindi ko maririnig.

"Teaching? Your masteral?" Tumango lang siya sa tanong ko. Natigil uli ang tawanan namin at nagkatinginan.

Alam namin lahat how Amelle Leia strives to be a professor someday. To teach in a college just like her parents and older siblings.

Napangiwi siya nang mapansing nakatitig kami. Ganyan rin pakiramdam ko kanina.

"Ano, alam ko na sa haba ng panahon, ito ang palagi kong bukambibig. Darating din pala ang panahon na ako mismo ang aayaw." Lumingon siya sa akin bago magpatuloy, "Sorry. Pakiramdam ko inagawan kita ng spotlight."

"This is all about us. Well, it was Dalli's at OA lang ako pero this happens once in between long periods," pagsaway ni Paoline.

"Mali ba? Desisyon ko? Hindi ko pa nasasabi sa kanila pero I want to see places…"

"Travel abroad?"

"Hindi ko alam. Pero unahin ko muna siguro ang Pilipinas?" Pumangalumbaba siya, nag-iisip.

"That's a good idea!" putol ni Anne sa katahimikan. "Isama mo 'ko? Kung bet mo. Gusto ko rin natatakot lang ako mag-isa saka naka-sched, girl dahil may duty ako every now and then."

Agad na napangiti si Amelle at sumang-ayon. Nag-apir pa sila sabay bulong ni Anne na sila na lang dalawa talaga dahil lahat kami may partner na.

Right then, as if it was orchestrated, sabay-sabay na pumasok sila Storm. He looks like he belongs with these men and it makes my heart flutter in happiness.

Nang makalapit sila at mapansin ang mga itsura namin, sabay-sabay silang sumimangot. Inisa-isa nila kami, observing our red-rimmed eyes

"Naglinis lang kami may iyakanan nang ganap?" Breeze scratches his head in confusion.

Nang nginitian lang namin sila, not really wanting to tell them anything, kanya-kanya sila punta sa mga asawa nila.

"It was my fault." Itinaas ni Pao ang kamay niya in a peace sign. Hindi naman nakatulong dahil pinaningkitan siya ng mata ni Gage. Nang sabihan siya nito ng 'I love you', umiling na lang siya at inalalayan makatayo ang fiance.

There's CK who only smiles as he reaches fpr the sleeping Saskia in Anne's arms.

Gray stayed back with Blade finishing their drinks and observing us. Wala si Jett. Maagang umalis pero nakapagsama-sama naman sila kaya it got me thinking kungnnabanggit ba ni Jett kay Pao ang nangyari.

Si Storm naman, sumulpot sa line of vision ko habang pangiti-ngiting palapit sa akin. He extends his hand to pull me up. He gives me a quick kiss before wrapping her arms around me.

"Ngingiti-ngiti ka diyan?"

Humimig siya bago ako tiningnan. "I told you I'll like your friends."

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya, patting his chest. "They like you, too, you know?"

"Oh, trust me, Lacy, I know. Boto sila sa akin for you," pagyayabang niya.

"You keep on getting these votes of approval, approve ka ba sa'kin?"

He only rolls his eyes in mock annoyance before giving me an answer. With a kiss that definitely tells both of us how approved he is to me and my heart.

Sana approved din sa kanya nararamdaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

372K 8.9K 17
Mir and Shy Story (Fooled Hearts side story) "Bumalik na kapag handa ka na, kapag hindi ka na takot... Just remember, walang mali dito, trust me...hi...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
2.7M 61.9K 41
Si Damon Lawrence ay nakipagrelasyon sa isang babaeng may asawa na, na si Zooey Rodriguez asawa ng Youngest Billionaire ng bansa na si Ian Carlos Rod...
26.5K 325 12
Totoo pa lang mapagbiro ang tadhana. Dahil nang maglayas si Francesca at mapadpad sa mansyon ng mga Lagdameo; hindi niya akalaing magkukrus muli ang...