I've Got You (SPG Girls #5)

By faultyscribbler

137K 2.3K 409

|✔ COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August... More

Warning!!!
I've Got You
000xxxx
001xxxx
002xxxx
003xxxx
004xxxx
005xxxx
006xxxx
007xxxx
008xxxx
009xxxx
0010xxxx
0011xxxx
0012xxxx
0013xxxx
0014xxxx
0015xxxx
0016xxxx
0017xxxx
0018xxxx
0019xxxx
0020xxxx
0021xxxx
0022xxxx
0024xxxx
0025xxxx
0026xxxx
0027xxxx
0028xxxx
0029xxxx
0030xxxx
0031xxxx
0032xxxx
0033xxxx
xxxFINxxx
KIEL x STORM

0023xxxx

644 23 1
By faultyscribbler

0023xxxx
Tamed

"Oh, ano nangyari kay 406?" Bungad ni Gem nang makabalik ako.

"Siya 'yung parating nakikiusap kung puwede daw lumagok ng coke. Ayun, pinainom ng anak. Nag-spike ang sugar pati blood pressure," paliwanag ko habang umiiling.

May mga pasyente talaga na pasaway. Kung anong bawal, 'yun pa rin ang gustung-gustong ginagawa o kinakain. Wala naman masama kung in moderation.

"Kaya nga. Kahapon ganyan din yan pero iba nagbabantay kaya hindi napagbigyan."

"Pinapalala lang nila ang kalagayan, e. Imbes na makakauwi na." Napapabuntong-hininga na lang kami sa dismaya.

Ito lang naman ang mahirap sa trabaho na 'to. Kapag mismong pasyente ang ayaw na tumulong sa sarili, hindi mo na alam kung saan ka lulugar.

"Kiel! Pinapatawag ka sa information desk?" Tawag ni Gem habang nag-aayos ako ng mga gamot

"Ha? Bakit daw?"

"May naghahanap daw sa'yo sa baba sabi ni Kuya Bon." Si Kuya Bon ay isa sa nursing aides na kasa-kasama namin dito.

Nagtataka kong tiningnan si Gem. Wala naman akong ipinadeliver? Saka kung si Karl o mga kaibigan ko 'yun, mag-te-text sila.

Imposible rin namang si Storm. Kahit naman wala siya ngayon at nasa seminar, hindi siya magbibiro ng ganito.

"Baka may manliligaw ka na naman? Sumbong kita kay doc?"

Hinampas ko siya sa braso para magtigil siya. "Sira! Unahan na kita. As if naman mag-entertain pa ako ng manliligaw, ano ako? Shunga? Hindi ko na papakawalan si Noguiera."

"Kahit ako, girl," sang-ayon niya habang ngingit-ngiti.

Pabiro ko siyang tiningnan ng masama na siyang kinatakutan niya at kusang sumurrender. Tumawa na lang kami pareho at nag-high five.

"Oy! Sigurado ba 'to? Mamaya pinagti-tripan niyo na naman ako nila Kuya Bon, ha!"

Umiling lang siya. Hinabilin ko saglit ang mga pasyente ko sa kanya at saka agad na bumaba. Hindi na ako nag-elevator para mas mabilis.

"Ma'am, may naghahanap daw sa akin?"

"Ah, oo, miss. Pero nasa opisina na siya ni Dr. Milañez. Pinapapunta ka doon?"

Kahit siya na nasa information desk ay hindi sigurado sa naging utos sa kanya. Pareho lang naman kami. Bakit ako hahanapin ng bisita ng hospital director?

"Sure? Baka… charot kayo diyan, ha? Kasi kung nagkamali lang, balik na ako sa post ko?"

"Pinapapunta ka sa office, actually," pahabol nito bago ako nakatalikod sa kanya.

"Saka imposible naman magkamali. Nag-demand na i-pull out ka daw sa duty?"

"What?!"

May punto naman sila dahil ako lang naman yata ang Kiel Grande dito na nurse. Hindi sila magkakamali. Ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan ako?

Napagdesisyunan kong magtungo na lang sa sinasabi nila para mapadali. Pero sino maghahanap sa akin? May emergency kaya sa bahay? Napa-check ako tuloy sa phone ko pero wala naman ni isang tawag.

Nang makarating ako sa 5th floor kung nasaan ang Admin office, agad akong kumatok ng tatlong beses at sinilip ang secretary.

Kinumpirma niya kung ako ba ang hinahanap na siyang sinang-ayunan ko kaagad. Pinalapit niya ako at ipinaalam kay Dr. Milañez na nandito na ako.

Pag-apak ko sa loob, napatigil ako nang makita ko si senator Noguiera na prenteng naghihintay sa opisina. Bumaling ako sa direkto na hindi rin maipinta ang ekspresyon.

"So, you're Kiel? Ang nurse na girlfriend ng anak ko?" panimula ni senator na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon pa lang ay hinuhusgahan na niya ako.

"Yes. Ano hong maitutulong ko? Pinatawag daw po ako dito?"

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang matataas na tao sa harap ko. Hindi ko sigurado kung bakit ba kami nandito.

Kilala ko lang si Dr. Orin Milañez dahil siya ang medical director dito at dahil siya ay uncle ni Storm. Kapatid ni Dra. Astraoria Milañez-Noguiera

Tumikhim si Dr. Orin at humalukipkip. Tila ba nauubos ang pasensya. "As I was explaining it to my former brother-in-law, I can't just pull you out from your duty. Am I right, Nurse Kiel?"

"Yes, doc. May mag-double shift pa mamaya dahil may isang wala uli." Pagkumpirma ko sa shifting namin.

Umismid ang senador sa isang tabi, "How hard can it be? It'll be an hour maximum, Orin. Kakausapin ko lang naman siya over lunch."

Napakuyom ang mga kamao ko sa narinig. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa namin sa ward? Nakikipaglaro lang ng chess sa mga pasyente? Minsan 'pag hindi toxic, pero madalas hindi kami mapakali dahil kung pasaway ang pasyente, mas may pasaway na companion.

"Javier, ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko sa hospital na ito?"

"You boss who's underneath you like her. Puwede mo siyang i-pull out sa post kung gugustuhin mo. Tama ba, Nurse Kiel?" Tiningnan niya ako habang binibigyang diin ang salitang nurse na parang nangungutya.

What the fuck? Tatay ba talaga ni Storm 'to? Para namang walang bahid na galing sa kanya ang boyfriend ko.

Demanding madalas si Storm dahil 'yun ang kailangan sa trabaho niya. Kung hindi siya magiging strikto, he would've never been the best today.

Si Sen. Javier, puro powertripping lang yata ang alam. Sa tingin ako ay nabubuhay siya sa pagkontrol sa mga tao sa paligid niya. Ganu'n marahil ang ginagawa niya kay Storm at sa mag-ina niya.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.

"No disrespect, senator, but this is a hospital. Hindi lang basta nagmamando si Dr. Orin ng mga gagawin. Hindi rin basta-basta nag-pull out ng on-duty nurses unless emergency. Kung kakausapin niyo ako with regards to your son, I'm sorry, wala akong maisasagot at wala akong maibibigay na desisyon sa inyo."

Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero parang gusto ko nang manakit. If I were any younger, I think I'd do just that.

Pumihit ako para humarap ako kay Dr. Orin at humingi ng paumanhin bago magpaalam.

"Kiel," Pahabol ng senador bago ako tuluyang makalabas. "Do you think Storm will stay with you?"

Umiling ako. "No, sir. Hindi ko kontrolado ang takbo ng utak niya."

Tunay namang walang kasiguraduhan. Storm has alot on his plate right now. Bukas kasi ay darating na ang stepmother niya at half-sister na siyang susunduin namin.

"You can still be with him. Discreetly," bigkas niya na nagpakunot sa noo ko. "Patago habang palalabasin natin na engaged na sila ni Louella. After winning the election, you can fully have him."

Seryoso bang gagamitin niya ang sarili niyang anak for publicity?! His grown-ass son who is a doctor at that. Gaano siya kadesperado?

Napatingin ako muli kay Dr. Orin at nakitang parang hindi na bago ang behavior nk Sen. Noguiera para sa kanya. Now, I wonder how many times he used his power to bend anyone against him.

"Bakit niyo sinasabi sa akin 'to?"

"You're nothing special, Kiel, to be honest. But, maybe, you can convince him." Nagkibit-balikat lang siya na parang wala lang ang mga pinagsasasabi niya.

Lumapit siya sa akin at may iniabot. Isang puting card na naglalaman ng personal number niya at ng kung sinumang puwedeng tawagan kung saka-sakali.

"Pag-isipan mo. I can say that my son listens to you liked a tamed dog. Ano ba pinakain mo du'n?"

Tanong niya na may halong disgusto. Napasinghap ako nang maintindihan ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.

Napatawa siya nang makita niya ang reaksyon ko. Tinapik-tapik niya ang balikat ko na agad kong iniiwas.

"I'll get going then. Nice seeing you again, Orin." Sumulyap siya sa likuran bago ako titigan nang mariin at lumabas.

"Nurse Kiel?" Napalingon ako nang bahagya. Para kasi akong hindi makagalaw dahil hindi ako makapaniwala sa asta ng senador. "Don't listen to him. I will not speak about this with Storm. Hahayaan kitang makipag-usal sa kanya to work this out."

"Ganito ba kakomplikado ang buhay nila, doc?"

Naaalala ko pa kasi ang mga pabahagyang pagkukuwento ni Storm. Ganito ba ang ama niya noon o mas malala dahil nagsisimula pa lang siya? O mas malala dahil may mas kapangyarihan at kapit sa namamahala?

"Only the Noguieras. Not us, my dear. Politics does that to people."

And I couldn't agree more.

Continue Reading

You'll Also Like

415K 5.4K 33
THIS IS A PREVIEW ONLY. MABABASA PO ANG BUONG KUWENTO SA DREAME APP OR WEBSITE. PAALALA: ANG KUWENTONG ITO AY NASA ILALIM NA NG PAY-TO-READ PROGRAM N...
74.5K 3.6K 61
"Maaari bang itama ng isang pagkakamali ang dati pang isang mali? Magiging tama ba ang mali kung ang dahilan mo ay pagmamahal?" They broke up two yea...
808K 22.5K 40
"I don't believe in love at first sight, i do believe in fuck at first sight." Kelly Garcia
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...