Alcavar Dynasty: THE BLACK SH...

By CarolineDioneCD

26.4K 1.2K 108

Lorraine and Tanya Alcavar, the twins of Alcavar Dynasty in the business industry was involved in a love tria... More

One: Walong Letra
Two: Au Revoir
Three : One That Got Away
Four: Messy
Five: I am back, home.
Six: Doubts
Seven: Rosa Misteryosa
Eight: First Date
Nine: Tupa
Ten: Aso at Pusa
Eleven: Hiwaga
TWELVE: WARM
THIRTEEN: UNDERNEATH
Fourteen: Talo
Fifteen: "Yes Rosa, I'm Here"
Sixteen: Safehaven
Seventeen: DRUNK TALK
Nineteen: GUARDIAN GIRLFRIEND
TWENTY: Someday I Will
TWENTY ONE: Trying
TWENTY TWO: YES
TWENTY THREE: DNA
TWENTY FOUR: Loving Arms
TWENTY FIVE: Patawad, Alcavar
TWENTY SIX: This Is Who I am
SPECIAL CHAPTER: MENDEZES
TWENTY SEVEN: Life With Nothing
Twenty Eight: Kaya Mo Kaya?
TWENTY NINE: Now That You're Back
Thirty:A Friend From The Past
Thirty One: Not Anymore
Thirty Two: 17 Again
Thirty Three: She's a Coward
Thirty Four: Not a Good Story
Thirty Five: Let Her Be
Thirty Six: Guilt
Thirty Seven: My Tick
Thirty Eight: Pray For Me
Thirty Nine: The Plan
Forty: Deal
Forty-One: Laban
Forty-Two: Perfectly Gone Wrong
Forty-Three: Betrayals
Forty-Four: Deep Pain
Forty Five: The 'Other' Mom
Forty Six: Strangers
Forty Seven: Sea Shells
Forty Eight: Complete
Forty-Nine: Family
Fifty: Dream
F I N A L E : FINALLY
E P I L O G U E : Sugal

Eighteen: No Matter What

458 25 3
By CarolineDioneCD

R O S A

"Ang ganda nya no?"

Bulong sa akin ni Leslie habang pinanonood si Lorraine at Wynna na naglalakad at may hawak na camera.

"Sino?"

Tanong ko naman kay Leslie.

"Si Wynna. African-American sya pero morena lang balat nya tapos ang ganda ng lips, manipis saka yung buhok nya bagay sakanya. Girl next door talaga ang dating eh. Ewan ko nga ba bakit sya nag hahabol kay Raine. Eh sa ganda nyang yan. Imposibleng walang lumalapit"

Nakinig lang ako kay Leslie sa mga sinasabi nya tungkol kay Wynna. Pero nang malaman kong naghahabol si Wynna kay Raine ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Parang kinurot eh. Iba. Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko kaya bigla kong kinuha ang tubig sa harap ko at ininom ito.

"How long would it take? I'm so hungry man"

Narinig kong angal ni Andrew.

"Ah, Leslie. Ayos lang ba na puntahan ko si Lorraine at si Wynna? Baka gusto na nilang kumain eh."

Sambit ko kay Leslie na hindi manlang nakatingin sa kanya. Ayokong mawala sila sa paningin ko dahil gusto kong makasama si Raine. Kung tutuusin sya ang nagsama sakin dito tapos may kasama syang ibang babae? Parang hindi naman yata tama.

"No, hayaan mo sila. Kakain yang mga yan pag nagutom. Tingnan mo nag dedate pa nga eh. Hayaan mo na muna."

Pinanonood ko sila habang tawa ng tawa si Wynna at si Raine. Nakakakinis! AKO DAPAT ANG KASAMA MO LORRAINE ALCAVAR!! BAKIT KA SUMASAMA SA NEGRA NA YAAAAN!!!!

Nag aamok na ang damdamin ko. Ipag papalit nya talaga ako dyan? Ako na matagal na nyang kaibigan at mas naunang makilala kaysa dyan sa babaeng yan na naghahabol sakanya?

Nag puyos ang damdamin ko kaya mabilis akong tumayo.

"Hey! Rosa? Where you goin'?"

"Rosa! Huy! San ka pupunta?"

Mabilis akong nakalabas ng establisyimento at mabilis na nag lakad papunta sakanila. Medyo malayo sila sa amin kaya mabilis akong sumunod nang makita kong pumunta sila sa isang maliit na eskinita.

"San ba sila pumunta? Hay nako Lorraine kung saan saan ka nag susuot"

"Hahahaha it would be really interesting. Yes, guys this is the perfect spot."

Narinig kong may nag sasalita kaya sinundan ko ito. Umakyat ako sa hagdan na may dalawang palapag ang taas. Pag dating ko sa tuktok at pag pasok sa pinto papuntang rooftop ay marahan akong nag lakad dahil nawala na ang boses na kanina ay naririnig ko.

Parang tumigil ang ikot ng mundo nang makita ko si Lorraine, ang babaeng nag sabi sa akin na mahal ako ay may kahalikang ibang babae. Sobrang sakit. Napaka sakit dahil unti unti na rin akong nahulog sa kanya. Unti-unti na akong umibig hanggang sa tuluyan na ngang umibig. Gusto kong umiyak. Pero ang tanging salitang namutawi sa bibig ko ay

"Danday"

Parang ang bagal ng mga nangyayari. Ang bagal ng pag lingon nya sa akin. Ang bagal ng pag sasalita nya. Ang bagal ng lahat. Parang yung mga ilaw biglang nawala. Biglang dumilim at pinipilit kong itanggi sa sarili ko ang nararamdaman kong sakit.

Pag talikod ko sakanila ay nakita ko si Leslie na nasa likod ko. Alam kong narinig nya ang lahat. Alam kong nakita nya. Oo na, oo na. Si Lorraine mahal ko na sya. Kung tatanungin nya ako ngayon ay oo ang isasagot ko.

"O-okay ka lang?"

Tanong nya paglabas namin sa building.

"Oo."

"Mahal mo na ba?"

Tumingin ako sakanya bago sumagot.

"Oo."

Tumahimik na sya.

"Gusto kong uminom, Leslie. Pwede mo ba akong samahan?"

Tumango sya.

"Pero kumain muna tayo."

Umiling ako.

"Ayoko. Kailangan kong makalimot ngayon."

Tinitigan nya ako.

"Okay sige tara punta tayo sa bar tatawagan ko si Arthur na ipa take out yung food natin. Sasamahan kita ngayon."

Hindi na ako sumagot. Nag tanong tanong si Leslie sa mga staff ng hotel kung nasaan ang bar kaya kami nakarating dito.

"Wooooohhh!!! Tara sayaw tayo!!"

Aya sa akin ni Leslie na halatang masayang masaya sa pag sasayaw kasama ang mga kaibigan nila.

"Ayoko. Dito lang ako. Sige lang. Iinom lang ako dito."

Umupo ito sa tabi ko habang hawak hawak ang alak nyang nasa baso.

"Kelan ka pa nahulog sakanya?"

"Ayoko syang pag usapan Lie. Sige na muna mag sayaw lang muna kayo. Dito lang ako."

Tumango tango sya.

"Sure ka bang okay ka lang dito?"

Tumango tango ako.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Sayaw pahinga, sayaw pahinga lang ang ginagawa nila Leslie. Yung pahinga nila eh sabay tagay. Samantalang ako, nakakarami na ng alak.

"Bakihhht ganooon Lieeeh! Bakit hindihhh matanggaaaaahl yung saaakiihtt!?"

Nakapikit na ako habang nakasandal sa malambot na sofa. Sosyal ang mga upuan dito. Palibot sa maliit na mesa ang malambot na sofa.

"Masakit kasi mahal mo eh gnaun talaga. Di mawawala sa alak yan. Ang kailangan mo, paliwanag nya. May rason si Lorraine, alam ko yun. Subukan mong magtiwala sakanya. Baka naman kasi nabigla lang sya o tinulak lang sya ni Wynna mga ganun."

"Hindeeehhh ayokooohhhng makinig sakanyaa!!!"

"Hey, Leslie. I think she had enough. Let's take her back to her room."

"Nope. Lemme take care of it. I'll call Lorraine and ask her to pick her up."

"Okay. That's way better. By the way, where is she? I thought she's with Wynna?"

"Yeah. I saw them together when we were at the resto but I dunno if they're still strolling around."

Nakikinig lang ako sa mga pag iingles nila. Marunong lang ako makaintindi ng kaunti pero hindi ako nag sasalita nito. Matalino naman ako, madalas nga akong honor student mula pa noon.

Nakatulog na pala ako. Nagising ako sa malambot na kama at mainit na yakap. Pag tingala ko ay si Lorraine?

Naiihi ako kaya naisipan kong mag banyo at maghilamos. Hindi ako nakapag sipilyo kagabi kaya nag sipilyo na rin ako. Nawala na yata ang kalasingan ko pero nahihilo parin ang paningin ko.

"Are you okay?"

Halos tumalon ako sa gulat nang marinig ko syang mag salita nang papalapit ako sa kama.

"Huy! Ano ba bakit ka nang gugulat?"

"Haha"

Narinig ko ang pag tawa nya.

"Sorry, hindi ko naman sinasadyang gulatin ka."

Humiga ako ulit sa kama pero hindi na ako humiga sa naghihintay na bisig nya. Humiga ako sa dulo ng kama at tumalikod sakanya.

Naramdaman kong gumalaw sya. Akala ko ay tumayo sya, yun pala ay gumulong sya sa kama palapit sa akin at niyakap ako. Hindi ako gumagalaw. Ang lakas lakas at ang bagal bagal ng tibok ng puso ko. Parang wala akong naririnig na ingay kundi ito.

"I love you, Rosa. Mahal na mahal kita."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi nya. Mas lalong tumibok ang puso ko nang marinig ko ito. Pero nang maalala ko ang nangyari kagabi ay naramdaman ko ulit ang sakit.

"Alam kong wala naman tayo. Hindi rin ako umaasang mamahalin mo ako. Sorry kung hindi ko napigilang sabihin sa'yo. Pero kasi para na akong sasabog. 'Yung kagabi, si Wynna at ako, iniimagine ko kasi na ikaw yung kasama ko."

"Pwede namang ako yung kasama mo Raine eh. Mas pinili mo lang na sumama sa kanya habang ako akay akay ako ni Leslie. Kung tutuusin dapat ikaw ang kasama ko Lorraine dahil ikaw nag bitbit sa akin dito. Anong nangyari sa kung nasan ka dapat nandun ako?"

"Eh kasi I thought you enjoy being with Leslie kaya naman hinayaan ko muna kayo mag bonding with the other guys. Isa pa, tulog ako kanina nagising nalang ako nandun na si Wynna."

"Wynna Wynna. Mag sama kayo. Dun ka mag i love you sakanya."

"Come on, Rosa. Wag ka nang magalit. Teka, bakit ka nga ba nagagalit? Are you jealous?"

"AKO? Mag seselos? Bakit naman ako mag seselos? Kapal naman ng mukha neto. Dami mong pera panipisan mo nga yang kapal ng mukha mo."

Nanghahaba na ang nguso ko sa inis sakanya. Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang dahilan nya.

"Masarap ba?"

Tanong ko sakanya. Nananatili syang nakayakap sa akin at ako ay nakatalikod.

"Ang alin?"

"Yung halikan nyo?"

Humiwalay sya ng yakap sa akin at narinig kong bumuntong hininga sya.

"Haaaayss. Oo. Kabitin nga eh."

Nakaramdam ako ng matindi. Sobrang tinding galit sa tinuran nya.

"Ahh dapat tinuloy nyo."

Gustong gusto ko nang umiyak sa sobrang bwisit sa kanya.

"Oo bukas. Dun ulit. Mga ganung oras ulit. Mas tatagalan ko pa para di na ako mabitin."

Di ko na napigilang maluha sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nanahimik lang ako at nagkunwaring tulog. Niyakap nya ako ulit.

"Tulog ka na?"

"Uyy Rosa nag kkwentuhan pa tayo eh."

"Uyy"

Bulong nya sa tenga ko.

Hinatak nya ako pa tihaya at tinitigan ako. Nakipag titigan ako sakanya.

"A-are you crying? Why? Anong problema?"

Tumalikod ako ulit sakanya.

"Ewan ko sayo."

"Come on anong problema? Talk to me."

Hindi ko alam kung tumatawa sya o nag aalala o nang aasar. Hinatak nya ulit ako pa tihaya.

"Dun ka na sa Wynna mo. Napaka salawahan mo. Sasabihin mo mahal mo ko tapos makikipag halikan ka kung kani-kanino? Gawain mo ba talaga yan Lorraine?"

Sambit ko sa gitna ng pagiyak at pagpahid nya ng luha sa mukha ko.

"Hahahahaha ssshhhhhh come on don't you cry na. I was just kidding. Hindi ako ganun. Binibiro lang kita eh. Ikaw naman. Why do you sound like a jealous girlfriend? Hahahaha yiiiieee nag seselos sya yiiiieee Hahahahaha"

Tawa sya ng tawa habang niyayakap yakap ako.

"Oo. Nag seselos ako. Di mo lang alam gano kasakit yung naramdaman ko nung nakita ko kayong dalawa. Sarap nyong batuhin ng tsinelas pasalamat ka lang talaga Alcavar nakasapatos ako kanina."

Nakita ko ang gulat sa mga mata nya.

"A-ano? Nag seselos ka talaga? Wag mokong binibiro ng ganyan Rosa."

"Oo nga Raine. Nag seselos nga. Ang kulit."

"Shit kasi wag mo akong biruin ng ganyan hahalikan talaga kita ngayon din."

Banta nya habang nakangiti pero parang hindi parin sya naniniwala. Hindi ako nag salita. Hinatak ko ang batok nya papalapit sa labi ko at nagsimula ang halik namin.

"hmmm"

Nang marinig kong umungol sya ay bumitaw ako sa halik.

"Seryoso ba 'to? Nananaginip ba ako?"

Tanong nya sa akin.

"Mahal kita, Lorraine. Mahal na mahal na kita."

"Ohh Goddamnit ang sarap sa tenga. Please tell it to me again."

"Dun nalang sa Wynna mo. Dun ka mag ganyan."

Tumawa sya.

"Hahahah awwwweee nag seselos talaga ang baby ko. I was just kidding kanina. Akala ko naman kasi di ka tatamaan kaya inasar asar lang kita. Hahahaha I love you so so much, Rosa. Ikaw yung nag pa realize sa akin na masarap parin palang mabuhay."

Hinalikan nya ako sa noo pagkasabi niyon.

"Wag ka nang magseselos dun ha. Teka nga, tayo na ba?"

Tanong nya habang nakayakap parin sa akin at nakaunan ako sa braso nya habang nakatalikod ako. Nang marinig ko ang tanong nya ay humarap ako sakanya.

"Oo"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

"I am so freakin' lucky."

Nakangiti lang ako. Napaka sarap sa pakiramdam na masabi ko sakanya na mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya. Parang lumulutang ako sa hangin. Ang sarap ng yakap nya, ng halik nya ng boses nya ng amoy nya ang sarap damahin sa katawan ko. Napaka sarap.

"I love you baby"

Narinig kong bulong nya bago ako tuluyang nakatulog ng may ngiti sa labi.

"Haaayyyyy"

Nakapikit pa man ay nag inat na ako ng katawan at humikab. Pag dilat ko sa kaliwa ko ay nakatitig sa akin si Raine.

"Huy!"

Sambit ko dala ng gulat. Pero sya nakangiti lang.

"I love you."

Bulong nya. Napangiti ako sa sinabi nya.

"Mahal rin kita, Lorraine. Ugghh!! Ano ba tong ginagawa mo sakin. Nahihiya ako eh."

Tinago ko ang mukha ko dahil naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko.

"Hahahaha come on baby wag kang mag tago. You look adorable. Sobrang adorable mo po. I love you"

Bulong nya habang tinatanggal ang unan na idinadagan ko sa mukha ko. Ito na yata ang PINAKA masarap at masayang umaga sa tanang buhay ko. Naramdaman ko ang mahigpit nyang yakap sa akin.

"Come on. Lemme see your beautiful face please"

Nanlambot naman ako nang marinig ko ang boses nyang nangungusap na parang bata kaya tinanggal ko ang unan at sinalubong ang tingin nya. Inilapit ko ang mukha ko sakanya para halikan sya.

"Hoy Alcavar. Akin ka lang"

Tumawa sya na may halong kilig.

"Hahaha opo sayo lang ako. Mula nang makuha mo ang puso ko ay iyong iyo na 'to."

"Dapat lang."

Nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga kinikilos ko. Hindi naman ako makasariling tao. Pero gusto kong ipagdamot si Lorraine sa mga aaligid sa kanya. Hindi naman ako ganito kay Ponsoy. Madalas pa nga ay wala akong pakialam kahit na malaman kong may mga nag kakagusto sa kanya.

"Ready ka na?"

Tanong nya pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko. Bumalik sya sa kwarto nya para maligo at magbihis dahil kain daw kami ng almusal.

"I think that's it. Thank you."

Nakangiting isinara ni Lorraine ang menu at iniabot sa waiter.

Hinawakan nya ang kamay ko pagkatapos.

"Rosababe,"

"Hahaha Uhm?"

Natawa ako sa itinawag nya sa akin.

"What's funny? Tinatawanan mo lang ako ah."

Tampo nya.

"Hala hindi kasi hahaha ang dami mong tinatawag sakin eh. Hahaha ngayon ko lang kasi nakita yung ganyan ka."

"Hahaha ah eh ganito lang talaga ako. Aba sorry ka nalang, girlfriend mo si Lorraine Alcavar. Mag tiis ka."

Tawa sya ng tawa.

"Hindi ako magtitiis, Raine. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita. Ngayon lang ako nag mahal kaya sana ingatan mo ako, baby"

Namula ang mukha nya nang marinig nya ang itinawag ko sakanya.

"Teka nga, bago ang lahat. Naalala mo ba yung unang beses tayong pumasok ng coffee shop ng magkasama? Hahaha ayaw mo pumasok! Look at you now, mataas ang self confidence at mas lalong gumanda. Yung maganda na maganda rin ugali. Ikaw yun eh."

"Nako nako tama na yung pang bobola mo Lorraine"

"Hahahaha no I'm not. I am damn serious. I love you."

Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi nya.

"I love you more."

Pag katapos naming kumain ay nag swimming kaming dalawa.

"Hey! Lorraine! Come here!"

Narinig kong sigaw ni Wynna. Tumingin si Lorraine sa akin at tumingin lang rin ako sa kanya.

"Teka lang ha, baka may sasabihin lang.  Dito ka lang ha. I love you"

Umahon sya sa tubig at pinanood ko sila sa pampang. May hawak hawak si Wynna na camera. Nagulat ako nang akbayan nya si Raine. Nalilito ako sa mga nangyayari gusto kong marinig ang pinag uusapan nila pero hindi na kailangan dahil may tiwala ako kay Lorraine.

"No!!!"

Narinig kong sigaw ni Wynna. Maraming napatingin sakanya. NIyayakap yakap nya si Lorraine pero nag pupumiglas si Lorraine. Ayaw nya itong pakawalan. Tumingin sa akin si Lorraine at marahan nyang inakay si Wynna papunta sa loob ng hotel. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.

"Hey Rosa, pwede ba kitang kausapin?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Arthur, ikinagulat ko lalo ang pag sasalita nya ng tagalog.

"Ha? Ako? Bakit? Oo pwede naman."

Lumapit sya sa akin habang nandito pa kami sa dagat at nakalubog ang katawan sa tubig.

"Pwede ba tayong mag-usap? Pwede ka magbihis hintayin kita sa lobby ng hotel. Okay lang ba sa'yo?"

Tumango ako at mabilis na nag bihis sa kwarto ko. Mukhang importante ang pag uusapan namin. Masasabi kong marunong na syang mag tagalog talaga. Siguro matagal na silang magkakilala ni Lorraine. Pero si Lorraine? Nasaan na naman ba ang girlfriend ko? Kasama na naman nya si Wynna. Haysss. Napailing nalang ako sa naisip ko.

"Come sit here"

Nakangiting tumayo si Arthur at pinaupo ako sa upuan na hawak nya. Magalang na tao nga talaga si Arthur. Sa tingin ko naman ay disente syang tao at maayos ang pagpapalaki. Ni minsan ay hindi ko nakitang binastos nya si Leslie sa mga oras na magkakasama kaming lahat.

"Ahhh, Arthur ano ba 'tong pag uusapan natin?"

Naguguluhan na talaga ako. Kinuha nya ang wallet nya at may kinuha syang litrato at inilapag ito sa harap ko.

"Sya yung tatay ko. Half Australian, Half Spanish. Ang pangalan nya ay Douglas Santillan. Kilala mo sya, diba?"

Nagulat ako sa nakita ko sa litrato. Si Itang!!!! Pero? Pero paano? Paanong? Napatingin nalang ako kay Arthur.

"Oo, Douglas Santillan ang pangalan ni Itang. Ibig bang sabihin nito?"

Huminga ng malalim si Arthur.

"Yes, you and I, magkapatid tayo Rosa"

Nakakunot parin ang mga kilay ko. Hindi ko maintindihan dahil maagang namatay ang Itang.

"Pero, pero paano nangyari yun? Maaga syang namatay."

"What?! You mean, he's.. he's dead?"

Narinig kong medyo nabasag ang boses ni Arthur.

"No, no no. I haven't even met him"

Nalungkot ako at naramdaman ko ang sakit na nararamdaman nya dahil tulad ko, hindi ko na nakilala ang Itang. Bata pa ako nang mamatay ito sa dagat.

"Namatay sya bata pa ako. Ni wala akong ala-ala mula sakanya. Basta namatay sya sa gitna ng dagat. Walang nakakaalam kung ano ang dahilan. Yun ang sabi sa akin ni Inang."

Hindi na kinaya ni Arthur at tuluyan itong umiyak. Tumayo ako at niyakap sya. Ang kapatid ko. Masarap rin pala sa pakiramdam na may matatawag kang 'kapatid' dahil mag-isa lang akong anak at ngayon ay mag isa nang namumuhay. Nag papasalamat nalang nga ako sa Diyos at ibinigay nya sa akin si Lorraine Alcavar.

"Ang tagal kong nag hanap sa kanya. Finding him dead never crossed my mind."

Tumayo sya at inayos ang sarili nya.

"Rosa, I am Arthur, your half brother."

Ngumiti ako sakanya at niyakap nya ako. Nagyakapan kaming dalawa. Masarap rin pala talaga sa pakiramdam na malamang may pamilya ka pang natitira. Napakaliit talaga ng mundo. Nang bumitaw sya sa pagkakayakap ay umupo na kaming dalawa at nag usap. Ipinaliwanag nya sa akin kung anong nangyari sa mommy nya at sa Itang ko.

                    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

R A I N E

"Come on Wynna just accept it!"

Hindi ko naman alam na aabot kami sa ganito. Grabe si Wynna. Hindi ko alam kung anong problema nya. That was just a one time thing. Hindi pa nga umabot doon dahil si Rosa ang nasa isip ko noong nasa Cebu pa kami.

"No!"

Nagulat ako nang sumigaw sya. Napatingin ako sa paligid at sa mga tao. Lalo na kay Rosa na nakatingin parin. Kinailangan ko na syang hatakin papasok sa loob ng hotel dahil galit na galit sya. Nauna akong maglakad papasok ng loob ng hotel at hinabol nya ako.

"What now? huh? That's it? You're done playing with me?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Playing with you? Isn't it you who always make the move? I was avoiding you but you kept on insisting yourself so don't you tell me that I was playing games with you because I wasn't!"

Wala na akong pakealam kung mag sigawan kami dito sa loob ng elevator. Kami lang naman ang tao.  Pag dating sa floor ko ay naglakad ako ulit ng mabilis.

"I won't let it happen. I always get what I want, Raine. Mark my word."

I smirked at huminto saka sya hinarap.

"There's a first time for everything, hunn"

Tumalikod ako at naglakad ng mabilis papasok sa hotel room ko at nag empake. Balak ko nang umuwi mamayang gabi pero may importante muna akong gagawin bago kami mag check out.

"Raine?"

Nang marinig ko ang tawag sa akin ni Rosa ay binuksan ko kaagad ang pinto.

"Baby!"

Bati ko sakanya pagbukas ng pinto at mabilis syang hinatak papasok ng room. Pinupog ko sya ng kiss sa pisngi.

"Saan ka galing? Na miss kita eh"

Hawak ko ang kamay nya at hinatak ko sya papalapit sa kama ko. Tapos na ako mag empake at ayoko pang malaman nya na aalis kami.

"Ahh, si Arthur kasi eh nag usap kami."

"Oh talaga? Sinabi na nya sayo?"

Nabigla ako kaya nadulas ako.

"Alam mo?"

Takang tanong nya. Napakamot tuloy ako ng ulo.

"Ah, oo yung plano nyang kausapin ka. Sinabi nya sa akin pero baby wala akong binanggit sayo kasi diba, matter nyo 'yan, saka baka di naman pala sure tapos baka maguluhan ka lang kaya minabuti kong manahimik na lang. Galit ka ba?"

Paliwanag ko sa kanya.

"Hindi naman. Ang importante ngayon alam ko na. Baby ang sarap pala sa feeling ng may kapatid 'no?"

Nakangiting sambit nya sa'kin.

"Uhm, sakto lang."

Nawalan ako bigla ng gana.

"Oh bakit? Di ka ba masaya na may kapatid ka? Kambal pa kayo. Syempre lahat ginagawa nyo ng sabay. Pati damit parehas"

"Nung mga bata kami, oo. Pero kasi nung lumaki na kami, magkaiba na kami lalo sa ugali."

Humiga sya sa kama ko mula sa pagkakaupo.  She tapped the space beside her.

"Tara tabi ka sakin, kwento mo yung buhay mo, makikinig ako. Gusto kong mas makilala pa yung babaeng nag mamay-ari ng puso ko."

Napangiti ako bigla sa sinabi nya. Sobrang cheesy nya sheeet! Kinikilig ako!

Ito na ba yung tamang oras? Ito na ba yung tamang panahon? Unang araw palang namin as girlfriends, paano kung lumayo sya sa akin, magalit o husgahan nya yung mga nangyari, nagawa at desisyon ko sa buhay? Lalo na yung kay Janice. Matatanggap mo parin kaya ako, Rosa?

Humiga ako sa tabi nya, iniunan ang nag hihintay nyang braso at niyakap ako.

"I love you Raine"

I felt like she assured me na handa syang makinig at tanggapin. Natatakot ako pero bahala na. Alam kong mahal mo ako. Sana kahit anong malaman mo sa araw na ito, manatili ka sa tabi ko. Dahil ako, I will stay by your side baby, no matter what.

Continue Reading

You'll Also Like

9K 706 34
"Handa akong talikuran at isuko ang lahat nang saakin,makasama ka lamang mortal........dahil iniibig kita"- Maria Elvina "Mahal na mahal kita Elvina...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
23.3K 850 42
Hindi alam ni Zeprah Jane Wilson na ang gift palang sinasabi ng kanyang pinsan ay babae. Hindi niya ito nagustuhan kaya napagdesisyunan niyang gumawa...