Fifteen: "Yes Rosa, I'm Here"

443 23 0
                                    

"Lorraine?"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses nya. Pinunasan ko ang luha ko at humarap sakanya. Lumapit sya sa akin. Blangko ang mukha.

"PAK!!!"

Nagulat man ako ay alam kong deserve ko 'yun.

Tumango tango ako pagkatapos nya akong sampalin.

"Is that all?"

Nakatitig lang ito sa akin.

"Umalis ka na. Wag ka nang mag papakita saakin. Hindi ko ibebenta ang lupa kaya wala ka nang dahilan para paglaruan pa ako."

Mariin na sambit nya.

"Pwede ba akong mag explain? Look naaksidente ako. Comatosed for two weeks. Nung naaksidente ako ay pabalik ako noon dito sa Palawan. Nasa Cebu ako that time. Rosa please."

"Ayaw kitang makita. Umalis ka na. Wag ka nang mag papakita. Hindi na tayo mag kaibigan mula ngayon."

Tinalikuran nya ako.

"Rosa!"

Sinubukan kong humakbang para sundan sya pero mabilis syang naglakad at bumalik sa likod. Ang sakit sakit man ay kinailangan ko nang umalis. Hindi ko sila pinansin. Basta ako sumakay ng tricycle. Ibinato ko ang saklay ko sa kung saan.

"Kuya tara na!"

Sigaw ko sakanya.

"Teka ma'am yung saklay nyo--"

"Pabayaan mo na yan gusto ko nang umalis! Tara na!"

Nagtataka man ay inihatid ako ni kuya pabalik sa ospital hanggang sa loob ng kwarto ko. Sobra sobrang pasasalamat ang inabot nito sa akin. Ibinilin ko ulit sakanya ang gagawin. Ang sabi ko ay tyempuhan nya nalang kung nandoon sina Nanay at malamang dadalaw saakin dito sa ospital. Pag alis ni kuya ay sya namang ayos ko ng sarili at nag suot ulit ng aking hospital gown at maya maya pa ay nakatulog ako kakaisip ko sa nangyari kanina. Shet puro nalang sawi.

"Opo, kanina. Siguro po napagod sa byahe kaya tulog."

Narinig ko ang boses ni Leslie pag pasok nito sa loob ng kwarto.

"Naku anak ko ano bang nangyayari sa'yo? Alalang alala kami sa'yo kaya naman pala hindi ka umuuwi sabi mo ilang araw lang kayo"

Naramdaman ko ang paghawak ni Nanay Liza sa ulo ko at kamay ko. Gusto ko nang dumilat pero inaantok pa ako. Ang bigat bigat parin ng mga mata ko at ng puso ko. Si Rosa na naman ang laman ng isip ko. Bakit ba kasi ganun nalang kung itaboy nya ako? Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Mas masakit pa sa mga sugat ko. Hays. Di naman ako masamang tao. Hindi rin ako cheater. Kahit ganito ako, kaya ko ring magmahal ng totoo.

This black sheep deserves someone's love too.

Pinilit ko nang makatulog bago pa ako umiyak dahil ang sakit talaga. Nasampal pa ako.

~~~~~~~~~~~~~~~

R O S A

"Saan kaya sila pumunta? Anong oras na hindi pa siya dumarating."

Wala sa loob na napaisip ako kung nasaan na ba si Danday. Siguro mahalaga talaga ang inaasikaso nya sa kanila. Sigurado ako may dahilan sya.

"Oh Rosa"

Napangiti ako bigla nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Grabe, noon ko lang naramdaman yung kakaibang init ng katawan. Yung parang basta! Grabe talaga.

"Magandang umaga para sa babaeng iniirog ko"

Biglang may sumulpot na puting bulaklak sa harap ko habang inaayos ang mga pagkain ng mga mag sasaka. Mamamaya maya lang ay mag sisikain na sila.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Where stories live. Discover now