Forty Five: The 'Other' Mom

350 17 0
                                    

ROSA

 Three days ago. . . .

"Hey"

Kitang kita ko kung paano kindatan ni Rachel si Lorraine. I smelled something agad kaya napatingin ako kay Raine to see her reaction. Sukbit ako ni Raine palabas ng office nya dahil pinuntahan ko sya para sabay kaming mag lunch. 

"Hi! Anong ginagawa mo rito?"

Nakita ko kung paano mataranta si Raine. Napatingin sya sa akin at kay Rachel at mabilis na naglakad papasok sa office nya. Naiwan kaming dalawa ni Rachel kaya naman sumunod ako kaagad kay Raine.

"Uh, sorry I forgot to book an appointment. I need to talk to you about business."

Pailalim akong tiningnan ng babae. 

"Uh, okay. Uhm, Oo nga pala. Babe, si Rachel, isa sa mga latest investor namin yung dad nya"

Tumango lang ako at ngumiti saka nakipag handshake.

"Si Rosa, my girlfriend."

Nawala ang ngiti ng babae sa sinabi ni Raine.

"Can we--uh talk some other time? Rachel? We're going to eat kasi."

Ngumiti ulit ang babae. 

"No problem at all! Sanay akong maging thirdwheel ano ka ba Lorraine! I'm happy to come with!"

Napatingin sa akin si Raine.

"Uhh- actua--"

"Since I'm hungry narin naman. Come on, let's have lunch together. Para makapag discuss narin tayo. If it's okay with you, Rosa?"

Putol ni Rachel sa sinasabi ni Raine. Ang kapal talaga ng mukha. Tumango lang ako at saka naunang maglakad palabas. Nang makapag desisyon kami kung saan kakain ay mabilis nagmaneho si Raine papunta sa restaurant. 

"Nagugutom na ako. Gusto ko nang kumain."

We're seating in a round table. Nasa gitna ako samantalang si Raine at Rachel ay nasa magkabilang gilid ko. Hawak ni Raine ang kamay ko habang nag babasa kami ng menu. Pagkatapos umorder ay tahimik kaming nag hintay.

"Ugh why is it so hot in here?"

Hinawi ni Rachel ang buhok nya in a very sexy way. Aminado naman ako malakas ang appeal at talaga namang sexy itong si Rachel. Pero parang gusto kong dukutin yung mata ni Lorraine dahil nakita ko ang pasimpleng ngiti sa sulok ng labi nya. It seems like I don't exist. 

"Akala ko ba may paguusapan kayo?"

Basag ko sa landian nila sa mga tinginan nila. Pakiramdam ko ako ang thirdwheel. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. 

"Uh! I-I have to go to the bathroom."

She suddenly jumped out of her seat na para bang kinuryente. Pag alis ni Raine ay nagkatinginan kami ni  Rachel. 

"I need to use the bathroom too"

Mabilis syang naglakad papunta sa cr. Ako namang ay hindi mapakali kaya naman marahan akong sumunod. May isang babaeng lumabas sa restroom at saka ko inilapit ang tenga ko sa door. 

"Please just stop!   I can't do this here. Please. I'm with Rosa."

Yung mga tinik, ay naging patalim na unti unting bumabaon sa puso ko. 

"Come on, Raine. I know you missed this. Don't you like the thrill? Hmmm the door's locked. No one's gonna come in. Hmmmm.."

"Shit! Don't you kiss me! Yung lipstick mo didikit sa leeg ko Rachel naman! Gusto mo ba talagang mag away kami!?"

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]On viuen les histories. Descobreix ara