One: Walong Letra

2.9K 71 1
                                    

"Please Lorraine do it for me, please. I can't break her heart so please."

She's crying in front of me. Sinugod nya ako dito sa bahay ko at nag mamakaawa. Hindi ko alam kung bakit nya ito sinasabi at ginagawa sa akin.

"Please help me sis. I don't want her to know about this at habang hindi pa nya alam, hindi ko na sya sasaktan pa. Mahal na mahal ko si Janice and I can't do this. Pagod na akong mag panggap sa harapan nya kahit na nasa malayo sya ngayon. I can't do this anymore. Ayoko nang mahirapan at mas lalong mahirapan si Janice."

"P-pero Tanya hindi maganda yang plano mo at seriously, ayoko."

Ininom ko ang alak na nasa baso ko pagka sabi niyon.

"Pero bakit Lorraine? Mahal mo ang asawa ko at alam ko 'yun. Noon pa man! at ngayon na binibigay ko sya sa'yo para alagaan at mahalin, ayaw mo naman? What is wrong with you!?"

Napataas na ang boses nya at lalo namang nag kunot ang noo ko.

"Seriously? What is wrong with me?"

Idinuro ko ang sarili ko and smirked.

"Sino ba ngayon ang nasa bahay ko at ibinibilin sa akin na mag panggap na ikaw sa asawa nya? Tanya what the fuck?"

Dugtong ko.

Huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili.

"Okay, kambal. I'm sorry about that. Pero hindi ko naman 'to gagawin kung hindi ako desperado. I'm hopeless at wala na akong ibang pag asa kundi ikaw. I want to leave her with someone I know na aalagaan at mamahalin sya. Yung hindi sya sasaktan. Please, I can't fight anymore. Stage 4 na ko Lorraine please maawa ka naman sa akin."

Patuloy lang sya sa pag iyak.

Oo, mahal ko nga ang asawa nyang si Janice. Hindi ko naman ginusto pero ano bang magagawa ko, nandito na eh.

Tanya always gets what she wants at hindi ko alam kung naging push over lang talaga ko. Pinababayaan ko lang sya sa kung anong gusto nyang gawin sa buhay nya. Kami yung tipo ng kambal na identical physically pero sobrang laki ng difference namin. Sa aming dalawa, ako yung taga gawa ng gulo, yun ang pag kaka alam nila. Pero ang totoo, ako ang nag lilinis ng gulo ni Tanya. Kapag may kapalpakan syang nagawa, tinutulungan ko sya at kung meron akong nagawa, hindi ko sya iniistorbo ako gumagawa ng paraan para ma plantsa ang gusot.

Si Tanya ang favorite ng parents ko, they made that very clear to me. Sya lagi ang the best, ang magaling, ang tama at perfect. Kaya sumobra sa confidence at ego boost ang kambal ko na 'to.

"Kambal, please? This is the last time na hihingi ako sa'yo ng tulong."

Ibinaba ko ang glass of bourbon sa coffee table at huminga ng malalim.

"I'll think about it."

Nakita ko ang pag silip ng liwanag sa mukha nya.

"Salamat Lorraine. Thank you."

She wiped those tears that are coming down on her cheeks.

"Don't thank me yet. Hindi pa ako pumapayag. I said I'll think about it."

Walang tigil ang pasasalamat niya sa akin. Nang gumabi na ay dito ko na sya pinatulog sa bahay ko.

Do I really have to think about it? Syempre mahal ko si Janice. Sino ba naman ang ayaw makasama at maging asawa ang taong mahal nya. It's a win for me, but what about Janice? Paano naman ang feelings nya kapag nalaman nya ang totoo? I believe na walang lihim na hindi nabubunyag and paano kung mahalata nya? Ang dami naming differences ni Tanya. She's a selfish bitch sa totoo lang.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Where stories live. Discover now