Seven: Rosa Misteryosa

602 27 1
                                    

8 Years ago. . . . . .

"Bakit ngayon ka lang?"

Tanong ko kay T nang pag buksan ko sya ng main door as I sneak her in into the house.

"Akin na yang shoes mo. Baka marinig nila footsteps mo"

Bulong ko sakanya. Susuray suray sya mag lakad kaya hirap na hirap akong iakyat sya sa room nya.

"Hayss bakit ba naman kasi nag lasing ka ng ganyan kambal?"

Tanong ko nang maibagsak ko sya sa malambot nyang kama.

"Eh kasi naman, si Janice."

Kumirot ang puso ko nang marinig ko ang sinabi nyang pangalan. The woman I could never ever get.

"Nag away kayo ng girlfriend mo?"

"psh! sana nga girlfriend! She's not mine. She's into someone else."

Tinanggal ko ang jeans nya at naiwan ang pantilette nya.

"And you got yourself drunk because you're jealous?"

Tumango sya. Nakapikit na sya at halatang antok na antok na.

"Yeah. Because she can't stop talking about that stupid person who can't even like her back."

Umupo ako sa tabi nya.

"Straight yun bal, wag kang aasa sa taong straight. Baka in the end maging kayo nga, but it's all just out of curiosity."

I smirked when I heard her snore.

P R E S E N T . . . . . .

RAINE

"Oh yun naman pala eh kilala mo naman pala ako eh, baka pwede naman nating pagusapan kung anong pwede kong gawin para mapa payag namin kayo na ibenta yung lupain nyo sa amin."

Napakunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Anong pinag sasabi mo dyan?"

"Yung mga pwede kong gawin para pumayag ka na at ang grupo nyong nag poprotesta sa amin na ibenta nyo ang lupa nyo"

"Ikaw yun!?"

Tumaas ang kilay nya.

"Yes. Lorraine Alcavar, CEO of AGC"

I offered a handshake. She didn't take it.

Napahiya ako kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at kinuha ang calling card ko. Iniabot ko ito sa kanya at tinanggap nya ito.

"That's a proof"

Binalik nya sa akin ang calling card.

"You keep it"

Sambit ko pero hindi nya ako pinansin.

"Mas lalong wag kang maka lapit lapit sa akin."

Akmang tatalikod na sya nang hinawakan ko sya sa braso.

"Rosa"

Tawag ko sakanya.

"Wag mo akong hawakan!"

Agad nyang binawi ang braso nya.

"So-sorry. I'm sorry. Please talk to me. Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Did I do something wrong?"

"Hindi mo ba ako naalala!? Miss Alcavar?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Have we met before?"

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Where stories live. Discover now