Nineteen: GUARDIAN GIRLFRIEND

448 26 2
                                    

R O S A

"Huy ano? Titigan nalang?"

Ngumiti ito sa akin. Pakiramdam ko ay tinatantya nya kung kaya nya bang mag sabi sa akin.

"Ayaw mo bang pag usapan? Ayos lang naman sa akin."

"Hindi hindi ganun. Kasi ganito. Close naman kasi kami ni Tanya, nung bata pa kami. Pero nung lumalaki na kami, pinamukha at pinaramdam sakin ng parents namin na wala silang pake sakin. Na si Tanya lang magaling. Sya lang matino. Sya lang yung 'anak'. Parang ang lungkot lang kasi marangya yung buhay mo. Maganda at malaki yung bahay na inuuwian mo pero parang mas gusto mo pa sa kalsada. Kasi grabe yung tatay ko. Lagi ako sinesermunan kahit sobrang liit na pagkakamali. Maraming pagkakamali si Tanya na nalusutan dahil nasasalo ko. Nagpapatulong sya sa akin pero in the end, sakin ang bagsak. Puro sila, Si Tanya ganito, bakit di mo gayahin sya magaling sya matino blahblahblah"

Habang nag kkwento sya ay di ko mapigilang mapag tanto na kulang sya sa pagmamahal ng pamilya. Kaya naman pala kung tratuhin nya sina Nanay Liza ay pamilya talaga dahil sa tingin ko ay ito ang nagparamdam sa kanya ng totoong 'pamilya'

"Nung pinarusahan nila ako noon, dito ako pinatira sa Palawan, Yun yung pinaka masayang parte ng buhay ko."

Nakangiti syang tumingala sa akin. Hinalikan ko ang noo nya.

"Tapos?"

"Tapos ayun, dito ako nag aral. Pero bago ang lahat, may gusto na akong babae noon, si Janice"

Tumibok ng mabilis ang puso ko. Narinig ko na rin ito noon sa kakambal nyang si Tanya na syang unang gumahasa sa akin. Kailangan ko bang sabihin ito sa kanya? Saka ko nalang siguro iisipin. Ang importante sa ngayon ay ang nararamdaman ng babaeng mahal ko.

"Si Janice at saka si T, naging close friends sila pero ako, masungit kasi ako talaga. Hindi ako basta basta nakikipag usap. I had no friends sa school kundi yung first bff ko na namatay rin. So ilap ako sa iba noon. Mahirap kasing makuha ang loob ko."

"Tapos?"

"Then ayun naging sila, but little did they know ay nasasaktan ako noon ng sobra. Sobra sobra. Lalo na nung tanggap ng family namin ang relationship nila. Inisip ko pa nga noon na kung ako siguro yun ay katakot takot na pag tutol ang aabutin ko. So I decided na mas mabuti na yun, na si T ang mag alaga at pumrotekta sakanya, sino lang ba ako? Isang blacksheep."

"Ang baba naman ng tingin mo sa sarili mo nun."

"Sobra, kaya nga distant ako sa parents ko at kay T. Kasi naiinis ako sa parents ko. Di nila makitang I was doing my best for them pero I always end up being scolded."

"Then my parents died, ayaw hawakan ni Tanya yung kumpanya dahil wala raw syang interes. So I decided to take a step forward at ayusin yung kumpanya. Kasi walang kapitan yung barko, hindi pwedeng wala. I took all the time I needed to learn everything about the company at kung paano patatakbuhin. Years later, naging maayos naman ang papatakbo ko nito, but still the board thinks that I'm just messing around. Shit baby ang hirap patunayan ng sarili mo sa ibang tao. Lalo na kung sarado ang isip nila."

Tatawa tawa nyang sambit. Sigurado akong sanay na sya.

"Lorraine."

Hinawakan ko ang mukha nya at iniangat ito para mgtagpo ang mga mata namin.

"Sa akin, wala kang dapat na patunayan. Mahal kita kahit ano at sino ka. Hindi ka perpekto pero kaya kitang mahalin ng buo. Lagi mong tatandaan yan ha?"

Ngumiti ito sa akin.

"Opo baby ko. Mahal na mahal kita. Super!"

Niyakap nya ako ng mahigpit at dinampian ng halik sa labi.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon