I've Got You (SPG Girls #5)

By faultyscribbler

139K 2.3K 409

|βœ” COMPLETED| "Blow me off all you want, but I've still got you." Started: June 22, 2015 / Restarted: August... More

Warning!!!
I've Got You
000xxxx
001xxxx
002xxxx
003xxxx
004xxxx
005xxxx
006xxxx
007xxxx
008xxxx
009xxxx
0010xxxx
0011xxxx
0012xxxx
0013xxxx
0014xxxx
0015xxxx
0016xxxx
0017xxxx
0018xxxx
0019xxxx
0020xxxx
0022xxxx
0023xxxx
0024xxxx
0025xxxx
0026xxxx
0027xxxx
0028xxxx
0029xxxx
0030xxxx
0031xxxx
0032xxxx
0033xxxx
xxxFINxxx
KIEL x STORM

0021xxxx

736 24 0
By faultyscribbler

0021xxxx

"Hindi ako makapaniwala…"

Namamangha pa rin ako habang nakahiga sa kama ni Storm. It's indeed a small world.

Kakagaling lang namin doon sa sinasabi niyang binyagan. And it turns out, 'yung asawa ng kaibigan niyang doktor rin ay naging kaklase ko noong college.

Tatlo pa sila siguro na nakita ko doon na naging kaklase ko sa isang subject at org mate ko noon. Who would've known?

Tiningnan ko uli any cellphone ko at nakita ko ang friend request at pag-accept ng mga nakita ko uli na mga kaklase noong college.

We added each other years ago, pero ilan sa kanila ang deactivated at nag-iba ng account.

"Hindi ka makapaniwala na? Pinakaguwapo ako sa kanila?" singit ni Storm habang nakasilip mula sa CR.

Nag-shower siya para maghanda sa duty niya sa isa sa pinakamalaking paanakan sa Maynila. He volunteers there when needed and it amazes me to no bounds.

Umirap lang ako sa kanya bago sumagot. "Kapal talaga ng mukha mo. Paano ka nakasurvive sa med school kung puro ka kalokohan katulad ng sinabi ni Salve?"

Tumawa siya nang malakas. Hindi rin makapaniwala na isa na siya sa sought-after OB/Gyn doctor in the metro. At hindi lang dahil 'yun sa koneksyon niya sa tatay niya kundi dahil sa efforts niya at professionalism.

Lumapit siya kung nasaan ako at yumakap. Isinandal niya ang ulo niya dibdib ko, kalahati ng katawan niya nakapatong sa akin. His smell is fresh and manly with a hint of mint. I know that brand at may maliit akong ganu'n sa bahay dahil wala, I like the smell.

"Hindi ko din alam. I was struggling. But I needed to prove that I can make it. It was a miracle if I may say."

"Tinulungan ka siguro ni Dra. Astra, ano? And I'm sure she's proud of you. Alam mo ba? I've read one article na habang tumatagal, men who specializes in your field are diminishing. As in 2% na lang yata."

In general, kakaunti lang naman talaga ang lalaking nag-specialize sa obstetrics and gynecology. Halos lahat ng naririnig kong pangalan ay halos maybedad na at totoong kakaunti na lang ang mga katulad ni Storm.

"It's a woman's world, my lady. I've heard a ton of insults while studying kahit ngayon. There are these extreme feminists na nagsasabing hindi dapat nangingialam ang mga lalaki sa katawan ng babae, most especially their reproductive organ. See? Women and husbands alike feel more comfortable with a woman as their doctor."

Dinig sa boses niya ang hirap pati na rin siguro sama ng loob. Sinuklay ko ang nakalugay niyang buhok para aluin siya. Pinaghirapan niya ito at pinagpapaguran tapos i-dismiss lang siya dahil lalaki siya?

Hindi mo na alam kung saan ka lulugar sa mundong 'to. Women and men alike can be ruthless and heartless just to prove their point even if it's wrong.

"Ikaw ang pinakabatang board member ng hospital. Foundations? Volunteer works? I'm sorry, baby, but you're great, the best even."

He looked at me solemnly as he tries to process what I said. "I sincerely hope so."

Panandalian kong kinuha ang isang kamay niya para halikan. He's a great man and a doctor. Kahit ilang beses ko ulitin, hindi ako mapapagod dahil that's how he is.

Nabasag ang katahimikan nang mag-ring amg phone niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya habang bigat na bigat na tumatayo.

"It stopped. I can still cuddle," he smiled mischievously bago isiksik muli ang sarili sa akin.

Natawa ako nang wala pang sampung segundi siyang nakayakap, e, nag-ring na naman.

"Sagutin mo na. Besides, malapit na shift mo? Hello?"

"Will you wait for me here?"

"Hindi ako uuwi?"

Umiling siya. "Dito ka lang. Tawagan mo na lang si Karl or si Tita Lucy na ipag-ready ka ng gamit uli. I'll pick it up later."

Hindi siya natinag hangga't hindi ako um-oo. E, mukhang mahalaga ang tawag dahil hindi pa rin tumitigil ang phone niya.

Itinulak ko nang bahagya ang mukha niya para makatayo na siya. "Oo. Sige na. Go answer that call."

"Okay, thanks," he says before giving me a swift kiss.

I'm basically living with Storm at this point dahil ihahatid niya ako pero ang ending, sasama rin ako pauwi sa unit niya.

I texted Tita Lucy instead para makisuyo uli. She's been cool with me sleeping over. I know how conservative she is when it comes to such things. Pero laking gulat ko nang i-push niya pa ako. Siya na daw bahala mag-empake ng gamit ko. Pinigilan ko lang siya dahil wala naman sinasabi si Storm at ipapakilala ko pa siya sa parents namin.

Ang pangit naman kung may meet and greet virtually tapos na sa unit na ako ni Storm.

Ilang saglit lang nang tumawag naman si Karl.

"Ate?" Malambing niyang bati. "Papasundo ka?"

Alam ko na 'to. Usapang sasakyan na naman 'to, pustahan.

"Hindi. Daanan daw ni Storm gamit ko diyan."

"Talaga? Alam mo, ate, bagay kayo ni doc. Diyan ka na lang. Para taga-hatid at sundo mo si doc. Ako bahala sa sasakyan, bahay at Tita Lucy."

Ito pa ang isang rason kung bakit ayaw kong i-entertain ang ideya man lang na titira ako kasama si Storm. I still have Karl and unless uuwi ang mga magulang namin, I am his guardian kahit pa magka-girlfriend 'yan, ako pa rin ang Ate niya.

"Talaga ba? Wait," tumayo ako at nagkunwaring kinakausap si Storm para biruin si Karl. "Storm! Sabi ni Karl iuwi mo na raw ako. Miss na miss na ako ng kapatid ko???"

Natatarantang kumontra ang kapatid ko,  "ATE! KJ mo. ANO KA BA? Baka totohanin ni doc! Masunurin pa man din yan. Hindi ba bukas niyo na kakausapin sila Dad?"

"Oh, bakit? Dapat nandu'n ka."

"Oo. I'll be there. Baka ako pa mapagalitan 'pag wala ako. Anyway, na-build up ko na siya kay Dad. Pinababantayan ka kasi. Pero sagot ko na kayo. He-he-he-he."

"Nambola pa. Sige, 10 p.m. dapat naka-garahe na."

"Hala… hmm, puwede 12?"

"Mang-uuto ka at magpapaalam, hindi ka rin naman aayon sa kondisyon? Karl, ano na?" Napasapo na lang ako sa noo ko at napahinga nang malalim.

"Is that a yes? Yes na, hindi ba? Okay! Bye I love you! Magmahalan lang kayo ni kuya diyan, ha."

Binabaan ako kaagad para hindi ko na makontra. Nag-send na lang ng text na mag-ingat at pipingutin ko pa siya bukas pagkauwi ko.

Napatingin ako sa oras at medyo matagal na rin pala simula nang sagutin ni Storm ang tawag. I wandered out to look for him para i-remind na kailangan niya na ein umalis.

Naabutan ko siya sa may veranda. Lalapit na sana ako nang marinig ko ang galit niyang tono.

"No? I don't care. A definite no, senator. Nag-usap na tayo. I made you a deal. It's your problem now."

Marahas na nagmura si Storm at pumameywang pagkatapos ng tawag. He paced back and forth for a few times before cstching me looking at him.

Nagkatitigan lang kami by that time. Bakas sa mukha niya ang inis. His face is stern and unyielding.

Siguro ay ganito ang itsura niya 'pag badtrip siya. Kaya pala nagpa-panic ang mga tao 'pag nakita siyang ganito. Parang anytime mapapalayas ka sa harap niya.

"Senator? Dad mo?" I tentatively ask to break off the tense atmosphere.

Humimig lang siya bilang tugon. Tumango lang ako ngumiti. I think it's time to go. I slowly put one foot back and was was inches from turning my back nang magtanong siya, "Where are you going?"

"Iwanan muna kita. You're mad. I'll let you cool off first, yeah?"

Mukha kasi siyang wild animal na aatake na lang bigla kapag nagkamali ako ng isang galaw. Gusto ko pa mabuhay kaya I chose to step back.

"Come here," he extends his arm out, reaching for me.

I tilted my head sideways, looking at him warily.

Napanguso ako nang mas lalong nagalit ang mukha niya. Kanina lang nakikiusap 'to ngayon, ang sungit. I'm really not liking his Dad at this point. 'Pag nakita ko 'yun, I'll give him a piece of my mind.

Kung kaya ko pala. High-ranking official, baka ako ay mawalan ng lisensya?

"Kiel Kacy," tawag niya sa akin nang hindi ako natinag. I can feel the tension coming off in waves from him.

Hindi rin naman ako nakatiis. Lumapit ako at kinuha ang kamay niya. Hindi na niya ako kailangan hilahin dahil kusa ko siyang niyakap.

His body is so stiff as if on fight or flight mode. All his muscles are tensed. I smooth my hands on his back, thankful for the soft breeze that passes through.

"Bakit daw? If you don't mind me asking," bigkas ko nang makapag-relax siya.

"Ang komplikado, pero sila Maliyah at Tita Mila, sila ang unang tumawag. It was to tell me na mukhang mas mapaaga ang pagbalik nila ng Pilipinas. And, just so you know, Louella's Maliyah's third cousin."

"WHAT? So basically, parang cousins din kayo ni Louella dahil kapatid mo siya? Bakit... Bakit ipinagtutulakan ka doon?" Napakalas ako mula sa pagkakayakap namin.

Umiling siya, "Ganu'n ang puwedeng pagkakaintindi. Pero wala pa ring blood relation."

"And he called because," he whispers na parang ayaw ituloy ang sasabihin. "He wants to meet you."

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sabi ko lang naman, I'll tell him a piece of my mind kung magkikita kami. Bakit ang bilis ng schedule?

Pakiramdam ko tuloy ay hihimatayin na lang ako bigla. Parang ang intense lang maging kabilang sa pamilya nila. Kahit partially lang.

"Do you want to meet him? Kasi kung ako masusunod, I won't let him near you," buong loob niyang kontra sa ideya.

"Kung hindi pa okay na ma-meet ko siya, it's okay. Sa tingin ko rin naman ay hindi pa rin ako handang makaharap ang isang senador. Baka kung ano masabi ko?

Napatawa siya nang bahagya, "Ano ba sasabihin mo sa kanya 'pag nagkita kayo?"

"Pumapangit ho anak niyo sa kaka-stress sa pamilya niyo, kailan ho kayo titigil? Do you think makukuha ko boto niya 'pag 'yun ibinungad ko?"

I was only joking, pero iba ang naging rekasyon niya sa huli kong tanong. Sobrang bilis lang, I think it was a slight twitch of an eye, but it was there bago siya ngumiti.

"You have my vote, though. Kahit ano pang sabihin nila. You're mine. No one will change that, right?"

Tumango lang ako bago niya halikan uli. "How did I end up being with you again?"

At 'yun ang tanong ko ever since. How did I get involved with such a complicated situation? Bakit ba ako nagkagusto sa anak ng isang senador who eats death threats everyday?

Pero ang sagot siguro ay dahil pinili namin ang isa't isa. He chose to pursue me whilst fixing his family. I chose to give him another chance.

And damn, it's scarier than I thought.

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1M 28K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...
307K 5.9K 36
Lia Marquez is not really your typical kikay girl.In fact,kabaligtaran siya nito.Lumaki ito na may pagkaboyish gawa ng ama lang ang kinilala nito pag...
11.4M 223K 70
Aurora Isabel Reyes o mas kilala bilang Aura ay simpleng nurse sa isang pampublikong ospital sa kanilang probinsya. Kontento at masaya na siya sa tah...