MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

By akosilenpot

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... More

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA
NOL - Chapter 17
Chapter 18
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 31
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 38
NOL - Chapter 40

NOL - CHAPTER 39

198 12 3
By akosilenpot

CHAPTER 39

LAREEN'S POV

Kakatapos ko lang mashower para maghanda ng matulog ng mapansin kong may malaki pala akong pasa sa braso dahil sa nangyari kanina. Wala namang masyadong nadaan na sasakyan doon kaya hindi ko rin alam kung paano kami nabunggo ng sasakyan na nasa likod. Yung mga tumatawid na bala, o kambing o kaya aso ay hindi na bago. Pero yung mga  absent-minded na driver? Ewan ko.

Lumapit ako sa side table at denial ang telepono namin sa baba.

"Ano po yon senyorita? Sagot ng isang kasambahay mula sa baba.

"Padala naman ho ng yelo dito sa kwarto. Salamat" sagot ko at binaba ko na ang telepono. May ice bag naman ako dito sa first aid kit sa CR kaya ako ng bahala dito sa pasang ito. Mahirap na, baka malaman pa ni Manang Tomas at maisumbong pa ko kina Mommy.

Ngayon, ayokong makadagdag pa sa isipin nila. Unconcious pa din ang Daddy at nasa cruise pa sila Ate kaya hindi pwedeng dumagdag pa ako. Ako na nga ang gumawa ng problema, palalakihin ko pa ba? Sa ngayon dapat kayanin ko. Nakaya ko nga ang challenge ng pagtira sa Barangkal e, ito pa?

"Pero Lareen, kasama mo non si Arkin. Kaya kinaya mo" sumbat ng utak ko at nasapo ko ang ulo ko. Si Arkin na naman ang nasa isip ko.

"Senyorita, andito na po yung hinihingi niyong yelo" tawag mula sa labas ng pinto. Tumayo ako at pinagbuksan siya. Hindi ko na siya pinapasok. Kinuha ko na lang ang yelo at sinara na rin agad ang pinto.

Inilagay ko ang ice bucket sa malapit na mesita at naglagay sa loob ng icebag. Medyo nilislis ko ang suot kong bathrobe atsinimulang idampi ang icebag sa kulay lilang parte ng balat ko. "Ouch"

Pagkatapos kong gawin iyon ay nagbihis na ako ng pantulog at umupo sa kama at sumandal sa headboard. Kinuha ko ang cellphone ko at I dialled ate Lala's number.

"Hey, bunso! What's up?" masayang bungad ni Ate sa akin.

"Kamusta kayo dyan ni Mommy?"

"We are good. Mommy's sleeping already, Riri.

"It's okay. Wag mo na gisingin"

"Nga pala, inaya ko si Mommy magshopping bukas sa Greenbelt para naman maka-unwind siya"

Napangiti ako. Ate Lala is doing her best. Dapat ako din.

"Anong sabi ng Mom?"

"Ayaw pa nga niya nung una pero syempre mahihindian niya ba ako? HAHAH" she said and laughs. "Ikaw kamusta ka dyan? How's work?"

"I have found new friends. I mean, they still have no idea na anak ako ng Daddy pero mabait sila sa akin. Kasabay ko silang kumain pag lunch"

"Wow. I told you kaya mo e. Marami ka ng natututunan?"

"Oo. Maging pasensyosa at maging organized" sarcastic kong sagot.

She laughs even more. "Syempre you need to start from the bottom, Ri. But make sure that hindi lang yan ang ituro sayo ni Frank ha"

"Hindi ko nga alam kung hanggang kelan ako nasa ganito e. Hindi naman ako makaayaw kasi syempre, yari ako kay Ate Ren"

"Don't worry, next month andito na yon si Lorraine sungit. Maitetrain ka na ni Phil sa ibang bagay" sabi pa nito. "Hoe about the almost fiance?"

"Ha?"

"Nagkita na ba kayo ng almost-fiance-turned-into-Barangkal-lover mo?

I rolled my eyes.

"Hindi pa at hindi ko alam kung pa'no"

"Mas excited ako sa kwentong yon kesa sa trabaho mo, Riri" sabi niya at parang kinikilig na tumatawa.

"Don't worry, Ate La, di ka mahuhuli sa balita" nangingiti kong sabi. "Pero ano bang alam mo sa mga Montemayor? Gosh. Wala akong alam sa pamilyang yon"

"All I know is that they are really rich and they live in Hilario"

Napatango ako. Of course they are rich. They must be soooo rich para pumayag ang daddy sa fix marriage.

"Should I go to Hilario?"

She burst into laughter. "Why would you do that?"

"To find him" seryoso kong sagot.

"Ri, trust the timing. He told you to wait right? Then wait" she said. "I know you miss him pero relax ka lang, Ri" sabi niya at naconvinced naman niya ako.

Tama. Sinabi niyang hahanapin niya ako kaya dapat maniwala na lang ako don. Besides, Arkin always find me. Kung pano? Hindi ko alam. Basta aantayin ko siya.

"Ate La?"

"Yes?"

"Andyan si Ate Madel?"

"Oo. You want to talk to her?"

"Yes. Please" sabi ko at narinig kong tinawag ni Ate Lala si Ate Madel.

"Lareen!" excited na bungad niya. "Kamusta ka dyan? Kumakain ka ng maayos?"

I laugh. "Don't worry about me. Marami masyadong kasambahay dito para alagaan ako. I want to ask favor, Ate"

Sa pagkakasabi ko non ay alam kong alam na niya ang susunod kong sasabihin. Narinig kong nagpaalam siya kay Ate Lala na lalabas na muna.

"O, ano ba yon?"

"Pwede mo bang bisitahin ang Barangkal? I-check kung kamusta sila doon?"

"Pwede naman kaso baka sa susunod na araw pa at lalabas sila Mam Lala bukas kasama si Senyora" sagot niya.

"Okay lang, Ate. Basta malaman natin kung anong lagay nila doon at si Pia"

"Si Arkin ba hindi ko kakamustahin?"

Natigilan ako at napalunok. "Ah e. Kung andon siya, pwede na rin" nauutal kong sagot sa kanya.

"Ayeee. Ito talaga nahiya pa. Oo bibisita ako don. Papayagan naman siguro ako nito nila Mam Lala" sabi niya at nagpaalam na kami sa isa't isa. 

"Oo papayag yan. Mabait naman yan si Ate at Mommy. They will understand"

Pagkatapos kong maibaba ang telepono ay medyo pinikit ko ang mga mata ko at walang ibang tao ang nakikita ko. Si Arkin. Kasabay ng pagalala ko sa mukha niyang minsan may grasa, pawis, naiinis, nagpapacute at seryoso at ang pagalala ko sa mga masasayang araw na kasama ko siya.

"Kung hindi ba ko tumalon sa bintana non, masaya kaya kami ngayon?" tanong ko sa sarili ko. "Magugustuhan mo din kaya ako bago pa tayo magkakilala sa Barangkal?"

Andami dami ko ng tanong na gustong itanong kay Arkin. Kailangan ko ng sagot para manahimik lahat ng doubts sa puso ko. Pero ang sabi niya, hahanapin niya ako. Palagi niya akong hahanapin at mula sa Barangkal hanggang dito sa Milagros ay pinanghahawakan ko pa din ang mga salitang iyon.

This time, wala ng sukuan. Ang sabi niya maguusap kami at magpapaliwanag siya. Kung bakit siya nagmamadali noong gabing yon? Hindi ko alam pero hindi yon rason para hindi ako maniwala sakanya. Kahit naman saglit na panahon pa lang kaming magkakilala ay pinakita niya kung gaano siya kabuting tao. He deserves to be trusted. I will wait for you, Arkin. Please find me soon.

ARKIN

Hindi sumabay sa dinner si Karlos kagabi kaya hindi ko siya nabugbog sa pambababoy na ginawa niya sa kotse ko. Sabi ng isa naming manang ay late na daw umuwi kagabi at parang lasing pa. Anong nangyari kaya don?

Magisa lang akong nagalmusal ngayong araw. Wala si Ate, kasama ni Mommy at Daddy at may maaga daw na appointment. Bago nga umalis ay ginising pa ako na kahit wala siya sa bahay ay may mata siya sa paligid kaya umayos daw ako. Akala mo kung sino kung makamando. Para akong batang hindi pwedeng lumabas.

Pagkatapos kong makapagwork out ng saglit sa gym namin ay kinatok ko si Karlos sa kwarto niya. "Arnulfo Karlos The Fourth!!!" KInalampag ko ang pintuan ng kwarto.

Walang sumasagot.

Kinalampag ko ulit. "Karlos!! Lumabas ka dyan!!"

Wala pa din.

Hinawakan ko ang knob at pinihit ito. Ow. Hindi naka lock. Pumasok ako sa kwarto at halata namang may natulog at magulo ang kama. Asan kaya nag demonyo nayon?

Pinagmasdan ko ang kwarto ni Karlos. May mga nagkalat na pictures sa mesa. May mga portrait na nakaframe sa kaliwang bahagi ng kama at may dalawang kamera na nakakalat lang sa kama. Frustrated photographer si Karlos. I mean, may talent siya. Magaling nga e. Kaso syempre walang puwang ang ibang propesyon sa bahay na 'to kaya itong mga masterpiece niya at andito lang sa kwarto niya.

"Walang pera dyan, Karlos" yun yung natatandaan kong sinabi ng Dad sa kanya. Halos mangiyak ngiyak siya non. Unang kamera niya na binili niya sa pera niya ay binasag ng Daddy sa harapan niya dahil bagsak siya sa isa niyang subject sa school. "Tigilan mo yan at magfocus ka sa mas importanteng bagay. End of discussion"

Anong pinagkaiba naming dalawa? Wala.

"Anong ginagawa mo dito?" nagulat ako sa biglang pagpasok niya. Nakatopless at may dala siyang isang baso ng orange juice.

"Anong ginawa mo sa kotse ko? Pinang-araro mo?"

Natawa siya. "Ang putik sa Kapri, gago"

"Alam mo bang pagsamasamahin mo man yang mga kamera at buhay mo e hindi mo mababayaran yun?"

Lumakas ang tawa niya. "Daddy, ikaw ba yan?" at tumawa ulit.

"Bakit late ka na umuwi? Tapos lasing ka pa daw?" tumayo ako at pinagmasdan ang mga nakakalat na litrato sa mesa niya. Mga candid pictures ng isang babae. Si Janine marahil ito.

"Dahil sa babaeng yan" sabi niya at isa isang niligpit ang nasa kama niya.

"Si Janine to?" sabi ko at tinaas ang isang candid na photo ng babae na nakangiti habang nakatingin sa malayo. Black and white ang litrato. "Mana ka sakin, magaling kang pumili"

"Mana sayo mukha mo. Babaero ka e" sabi niya at hinablot ang picture.

"Dati yon, asshole" sabi ko at tiningnan pa ang ibang pictures. Picture nilang dalawa. Seeing Karlos here, mahal niya ang babaeng ito. Buti pa sila may litrato man lang. Kami ni Reena este Lareen, wala man lang. 

"Pero bakit ka nga naglasing?" 

"Bakit ka ba chismoso?" sabi niya at binaba ang pinaginumang baso at lumapit sa drawer. 

"HIndi ka nagaaya. Gusto ko ding uminom" 

May kiniuha si Karlos sa drawer at binuksan ang isang pinto sa loob ng kwarto niya. Ang black room niya. Natatawa siyang umiiling.

"May idedevelope ka?"

Tumango ito. "Pinicturan ko si Janine nung dumalaw ako sa bago niyang trabaho e" sabi nito at pumasok na sa loob ng kwarto. Sumunod naman ako.

Napakarami pang litratong nakasabit saloob ng madilim na kwartong iyon. Pero halos puro si Janine. Nakangiti. Nakasimangot. Nakatawa. Umiiyak. Iba-iba.

"Wag mong titigan yan, may boyfriend na yan" sabi niya at inumpisahan ng magdevelope. "Mas maganda pa din dyan si Lareen e" sagot ko naman.

Tumawa lang siya. Nakakamaze kung gaano kaprofessional si Karlos on doing this. He sets up his materials and prepares the developer mixture ng parang kumakain lang. Photography is his bread and butter. This is his secret haven.

After a few minutes ay nadevelope na niya ang picture. "Isinakay mo ang girlfriend mo sa sasakyan ko? Baka may ginawa pa kayong kababalaghan don a"Hindi siya sumagot.

"Huwag mo ng mahiram hiram yon ulit. Papatayin kita"

Nangingiti lang siya. Sunod na picture ay marahil kamay to ni Janine na hawak niya. Hopeless romantic din tong loko na to e.

Tiningnan ko pa ang ibang picture ng madaan ko ang pang huling litrato pero sabi ni Karlos ito yung una niyang kinunan. Nakatayo si Janine sa may tindahan ng pagkain at may kasama siyang dalawa pang babae. Mukha silang mga nagtataka pero direchong nakatingin sa kamera na kinunan mula sa loob ng sasakyan . May hawak silang baso na may lamang tokneneng.

"I found her" I mumbled.

"Ha?" clueless na tanong ni Karlos.

"La he vuelto a econtrar"

I found her again.

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
7.5K 241 15
AshMatt fanfic
5.7K 357 24
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"