NOL - CHAPTER 37

204 8 11
                                    


LAREEN

"Mukha kang puyat" sabi ni Betty sa akin habang nilalabas ko yung baon kong pagkain.  "Di ka nakatulog?"

Tumingin ako sa kanya at tumango. "Medyo masakit yung ulo ko kagabi kaya hindi ako kaagad nakatulog. Pero okay naman ako"

"Bat ka pa pumasok? sana nagpahinga ka na lang muna" biglang pasok ni Jericho dala ang dalawang magkapatong na tupperware. Nilapag niya ito sa lamesa. 

"Ayos may pa-ulam na naman tong si pareng Echo a" sabi ni Kuya Elmer. Isa sa mga bagger na dumaan sa lamesa namin. 

Mga sampu lang kaming kumakain kasi hindi naman pwedeng magsabay sabay ang break time. Hindi pwedeng mawalan ng tao sa loob ng tindahan. Parepareho kaming mapapagalitan. 

"Nagluto si Nanay e. Tara dito 'mer, marami naman to para saming tatlo" 

Umaprub lang si Kuya Elmer at tuloy ng umupo sa mesa kung nasan ang mga kasabay niyang kumain. 

"Kumain kayo" sabi ni Echo at inilapit samin ni Betty ang ulam. Pinagluto din naman ako ni Ms. Tomas kaso iniiwan ko na yung ibang ulam sa driver ko. "Wow mukhang masarap na naman to a" sabi ni Betty at inamoy ang ulam at kumuha nito. Inabot sakin ni Jericho ang tupperware pagkababa nito ni Betty. "Kumain ka" sabi niya. 

"Kung masama yung pakiramdam mo, Lareen, pwede ka naman sigurong maghalf day" sabi ni Betty. "Hindi na. Kaya ko naman e at sayang yung isang araw" sabi ko at nagsimula na kaming kumain. 

"Aanhin mo yung isang araw kung lalala yang nararamdaman mo" nagaalalang sabi ni Jericho. "Pwede kitang ihatid kung gusto mo" sabi pa nito. 

"Ay hindi na" sagot ko. "Kaya ko naman e at nakapahinga na ko. Don't worry" sabi ko at nagpangabot ang mga mata namin. Umiwas siya ng tingin. 

After 30 minutes natapos na kaming kumain. Pero dahil isang oras yung breaktime, napagpasyahan naming magpunta sa quarters ni Betty. Minsan tinatry naming matulog at ipahinga ang mga binti naming overused. Pabalik kami ng quarters ng makasalubong namin si Mrs.  Paras na may kasamang isang babae. Mas bata siguro ng dalawang taon samin ni Betty. Yuyuko sana ako ng tawagin niya ako. 

"Lareen, may makakasama ka na sa area mo" sabi niya. Binalingnan ko ng tingin ang babae. Ngumiti siya kaya ngumiti na din ako. She seems nice. I like her vibe. 

"Galing siya sa branch sa Catalina. Nilipat lang siya dito kasi taga dito lang din siya" 

Tumango ako. Si Betty naman ay tahimik lang sa gilid ko. 

"Janine, please meet Lareen. Siya na ang makakasama mo ngayon" 

"Nice meeting you, Lareen" sabi nito. 

"Nice meeting you too, Janine. Kita na lang tayo mamaya sa selling area" sabi ko at nagpaalam na din kami ni Betty. 

Nasasanay na din ako sa bago kong buhay kagaya nito. Salamat kay Betty at Jericho, hindi nila pinaparamdam na iba ako. I mean, siguro dahil wala silang idea na I am the Chairman's daughter.

"Maganda siya no?" sabi ni Betty habang pareho kaming nakatitig sa kisame ng quarters. "Dalawa na kayong maganda dito sa Kapri" sabi pa niya.

Natawa ako. "E ano naman kung may maganda na dito sa branch? Taga ayos pa din naman tayo ng mga kinukuha ng customer tas hindi bibilhin"

Natawa siya ng bahagya. "Nilalagay nila sa cart nila tas ayun pag hindi na bibilhin kung saan saan ipapatong" dagdag ko pa.

"Ang ibig kong sabihin, baka dumami na yung bibili ulit. Sasabihin nila, dun ako bibili sa CSM sa Kapri kasi may maganda don. Yung marereach na yung sales palagi para hindi na tayo ipasara" bakas sa boses niya yung lungkot. "Ito lang yung pinagkukunan ko ng pinambubuhay sa magulang ko e. Tapos nagpapaaral pa ko ng katapid. Mahirap pag nawala tong branch"

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon