NOL - Chapter 17

4.3K 142 52
                                    


CHAPTER 17

LAREEN'S POV

Masakit pa ang ulo ko ng bumangon ako. Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi kagabi kasi yung sakit ng ulo ko ang sobrang nararamdaman ko ngayon. Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Ate Madel sa bahay. Pumasok na siguro ito. Madali akong naghanap ng makakain at tinimpla ang 3-in-1 na kape sa lamesa. Para akong gutom na gutom, at I think mas kailangan kong lamanan ang sikmura ko para labanan ang alcohol sa katawan ko.
Ng maubos ko ng kumain ay napagpasyahan kong lumabas dala dala ang mug ng kape, kasalukuyan pa akong nakapajama at suot ang walang grado kong salamin. Pangalawang araw ng walang Pia na naglalaro sa labas ng bahay nila. Nagbakasyon kaya sila?
"Hi Reena..." bati ni Andoy na feeling ko ay may pangaasar. Ng tumingin nga ako sa kanya ay nakangiti ito.
Kumunot ang noo ko. "Ito naman ang aga aga ang init ng ulo" sabi niya. "Masakit ang ulo ko Andoy...wag kang pabiro-biro dyan" sabi ko.
"Hmmmmm" yun lang ang sagot niya na talagang nangaasar pa. Naningkit ang mga mata ko. "Kamusta naman ang tulog mo?"
Hindi ako sumagot.  Inirapan ko lang siya. "Ikaw huh...parang hindi kita nakilala kagabi huh" sabi niya. Parang nanlaki ang mga mata ko. Shocks...ano ano ba yung ginagawa ko kagabi????? Parang may kung anong kaba akong naramdaman.
"Pero bilib ako sayo Reena" sabi niya.
OMG!!!! Mas lalo akong naparanoid. May nasabi ba ako? Naamin ko ba??? Pilit kong inisip kung sino ang mga nakasama ko kagabi. Parang gusto kong bitawan ang mug ng maalala kong si Arkin...si Arkin ang kasama ko kagabi.
"Naalala mo na??? Uiiiii..si Reena" biro niya pa.  Parang gusto kong lumubog. Ano bang nasabi ko kasi!!! Nakakaparanoid naman talaga!  Pilit kong alalahanin lahat..... Ow may.....nakagat ko ang labi ko. Mas lalo akong kinabahan ng saktong labas ni Arkin.
"Oh Andoy, hindi ka pa pala nakakaalis?"
Tumingin siya sa akin ng makita ako. Parang natigilan ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. "Arkin, si Reena hindi na maalala yung ginawa niya kagabi..ipapaalala mo nga"
Tumingin ako kay Arkin. Nagpipigil siya ng tawa. "Ma-may nasabi ba ako?" naghehesitate ko pang tanong. Tumatawa si Andoy pero pilit niyang pinigilan.
"Hindi mo ba talaga maalala? O gusto mo lang talagang hindi maalala??" hirit pa ni Andoy. Tinaasan ko lang siya kilay. Nagtaas siya ng kamay. "Sige na nga bibili na muna ako ng almusal baka maubusan na ako ng pandesal eh" sabi niya.
Nang maiwan na kami ni Arkin ay parang lalo akong kinabahan pero wala na akong magagawa kundi itanong sa kanya. Kasi kung nasabi ko na naman sa kanya, siguro naman hindi na masamang magtanong at maipaliwanag kong lasing lang ako kagabi.
"Arkin?"
Ngumiti siya. "Bakit?"
"Ma-may nasa –
"Huh?"
"Ma-may nasa –
Ngumiti siya.
"Wala kang sinabi kung yon ang iniisip mo" sabi niya.
"Wala???"
Nakatingin siya sa akin. "Bakit may dapat ka bang sabihin non??"
"Wa-wala!...sige pasok na muna ako –
"Pero wait, anong meron sa dagat??" "Wa-wala..sige na pasok na ako sa loob" sabi ko at madali akong pumasok at nagsara ng pinto. Whew.


ARKIN'S POV
Natatawa ako sa natatarantang pumasok sa loob na si Reena. Parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga biro ni Andoy. Parang gusto kong maexcite sa dapat ay sinabi niya. Pero siguro hindi pa nga oras na masabi niya kung ano man yon. Hay Arkin, assumero ka rin ng konti eh!
Maya maya ay dumating na si Andoy. Natatawa pang inilapag ang almusal sa lamesa.
"Ibigay mo kay Reena yung iba diyan"
Nagmake face siya. "Wag ka ng magisip ng kung ano ano diyan...sige na ..." sabi ko at inihanda na ang pagkain namin. "Bakit hindi pa kasi ikaw ang magbigay?" tumingin ako sa kanya. A hawk look. "Sabi ko nga ako na dahil baka masabayan mo pa siya"
"ANO?!!!"
Hindi na siya sumagot. Lumabas na lang siya dala ang pagkain. Nangingiti na lang ako.
Pagbalik ni Andoy ay parang nakakaasar ang mga ngiti niya. "Alam mo Arkin, feeling ko ako ang type niyan ni Reena eh"
"HUH???"
Hindi siya sumagot. Nilantakan niya yung pandesal na pinalamanan ng keso. "Anong sabi mo???" binato ko siya ng maliit na unan. "Malagkit ang tingin  siya sa akin nung kelan eh" sabi niya pero nasa pagkain ang buong attention.
"Nakadrugs ka ba ngayon Andoy? Sabi ko sa'yo itigil mo na yan" tumayo ako at kinuha ang tuwalya. Didirecho ako sa CR ng magsalita siya. "Selos ka lang eh"
Tumingin ako sa kanya. "Pero wag kang magalala Arkin...mas mahal kita..." sabi niya sabay tingin. "Pa-kisssss" pangaasar nya at tumawa ako papasok ng banyo. Hay nako, si Andoy talaga.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon