NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR

6.6K 172 23
                                    

NOL - CHAPTER 12 – NO ORDINARY FEAR


LAREEN'S POV


Hindi ko alam kung pano ko naresist ang hawak na iyon ni Arkin. Madali kong tinanggal ang pagkakahawak na iyon at madaling pumasok sa quarters namin. Isinara ko ang pinto at sumandal sa likod noon. Hindi tama ang paghinga ko. Sa isang dampi ng balat eh bumilis ang tibok ng puso ko. Diyos ko...bakit ngayon pa to??


Bukod sa inis, kabat at panlalamig ay may part sa aking kinikilig ako. Tinatanong niya kung okay lang daw ba ako? so ... nagaalala siya? Concern siya?? Napangitiako.


Akala niya huh...kung nagaalala siya, bahala siya. Yun na yung kapalit ng pagsigaw sigaw niya sa akin. Akala niya? hindi kaya ako nakakain at nakatulog dahil don? Tapos tinatanong pa kung galit ako? HINDI! Tuwang tuwa nga ako sa pagsigaw niya eh, sarap ulitin.  Kainis. Karma niya yun.


Napapikit ako ng maalala ko yung pagdampi ng kamay niya sa noo ko. Kung pwede ko lang ihinto ang oras kanina, ginawa ko na. Si Arkin, ang lalakeng parang inurungan ng menstruation pag ako ang kausap, ang lalakeng parang ayaw na ayaw akong makita at makasama ay nagpakita ng concern sa akin kanina. Hindi ako makapaniwala. Napakagat ako sa pang ibaba kong labi para magitago ang kilig na nararamdaman ko.

"Lareen ano na yan!" saway ko din sa sarili ko. Hala ka! Parang nababaliw na ako. Galit tapos kilig? Hay naku Arkin! Nakakaloka ka!

"Reena??" nagulat ako sa tawag mula sa labas ng pinto.

Madali akong umayos at binuksan ang pinto. si Ate Madel.

"Yes?"

"Yung mga ginamit nila Sir Tep, ipasok mo na. Baka si Analyn pa ang makapansin at mayari ka na naman" sabi niya.

"Ay oo..sige" sabi ko at nagmamadaling lumabas.

Paglabas kong muli ay paalis na sila Andoy. Si Sir Tep naman ay nagbabasa na ng diyaryo.

"Reena, alis na kami" paalam ni Andoy. Si Arkin naman ay tuloy tuloy lang sa paglabas. Wala man lang kahit na ano? Yamot.

"Sige, ingat ka!" sabi ko at nilakasan ko talaga ang KA. Matapilok sana tong masungit na lalakeng to.

"Reena, kay Analyn mo na lang yan ipaayos" sabi ni Sir Tep. He's referring dun sa mga pinagkainan nila.

"Ay naku Sir, wag na po. Kaya ko na po ito" sabi ko at iaayos ang mga gamit ng hawakan niya ang kamay ko, natigilan ako. Madali kong inalis ito ng parang bumalik ang ulirat ko. "Sige po tatawagin ko na si Analyn" sabi ko at pumasok na ako sa loob.

Grabe...ano yon?? papasok ako ng makasalubong ko si Analyn. "Analyn tawag ka ni Sir Tep" sabi ko. Ngumiti siya na parang sinabing may sahod na.Inayos niya ang uniform niya at dali daling lumabas ako naman ay nanatili sa kusina kasama si Ate Madel na katulong ni Aling Leonor sa pagluluto.



ARKIN'S POV

Tep likes her. Halata ito. Nakuyom ko ang kamay ko. Naiinis ako dahil ilang beses ko na siyang sinasabihang umalis sa trabaho ay hindi siya umaalis.

"Arkin, akala ko ba tatanghaliin na tayo?" tawag ni Andoy mula sa taxi. Natigilan ako ng hawakan ni Tep ang kamay ni Reena.Parang gusto kong kalimutang magkaibigan kami. Pero mas naiinis ako kay Reena dahil parang hindi niya pinigilan si Tep. Sa bagay, amo mo ang nagkakagusto sayo, kung baga sa sugal, jackpot na diba, aayaw ka pa ba?

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon