NOL - Chapter 19

1.6K 61 14
                                    

Chapter 19

Lareen's POV

Masakit pa ang mata ko ng imulat ko. "Bumangon ka na at mahuhuli na tayo sa pagpasok!!" Natatarantang sabi ni Ate Madel.

Mabigat ang katawan ko pero wala akong magagawa kundi tumayo para maghanda sa pagpasok.

"Nagluto ka?" Tanong ko kay Ate Madel ng madaanan ko ang almusal na nakahain sa mesa.

"Galing kay pogi yan..kainin mo na muna yan" sabi niya.

Napangiti ako. Nanliligaw na nga talaga ang loko. "Ang alaga ko..inlove na" nagsimula ng mangasar si Ate Madel.

"Pwede ba?! Maliligo na ako" sabi ko at tumungo na ako sa banyo. "Hindi mo kakainin?"

Hindi ko siya pinansin. "Ako kakain nito"

"Hep hep" pigil ko sa kamay niya. "Tirhan mo ko a. Kailangan ko niyan. Pangontra kay Analyn" sabi ko sabay kindat.

Natawa lang siya at naligo na ako.

Palabas na kami ng Barangkal ng huminto ang isang taxi. It's Arkin's of course.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Maya maya ay bumaba na ang prince charming ko. Prince charming na hindi lulan ng puting kabayo...kundi ng puting taxi.

"Ihahatid ko na kayo Auntie Delia" sabi ni Arkin. Suot niya ang isang light blue na polo. Actually, hindi siya mukhang taxi driver.

"Napakabait mo naman. Aba'y hindi ko yan tatanggihan" sabi niya at sumakay na sa likurang bahagi ng taxi.

Napalunok na ako ng ang atensyon ni Arkin ay mapunta na sa akin. "Tara na?" Sabi niya at binuksan ang pinto sa upuang katabi ng driver.

Ngumiti ako. Pigil na pigil ang kilig na nararamdaman.

"Kayo bang dalawa ay may inililihim na sa akin?"

Nalito ako. Hindi ako nagsalita. "Wala po pero kung papasa ako, ikaw ho ang unang makakaalam" walang kagatol gatol na sabi ni Arkin.

"Ah kaya pala may pa-almusal ka na. Nanliligaw ka na pala" sa mukha ni Ate Madel na nakikita ko mula sa salamin ay masasabi kong masaya siya. Sabagay, gusto naman niya si Arkin. E ano bang hindi mo mamahalin kay Arkin? There is nothing we can't love about this guy...

Parang ayoko ng matapos ang byahe at marating ang bahay ng mga Rodrigo. Gusto ko pa siyang makasama. Kahit na di kami masyadong naguusap basta alam kong nasa tabi ko siya, okay na.

"Di ka na ba papasok?" Tanong ko ng marating namin ang bahay ng mga Rodrigo. Ngimiti siya.

"Gusto mo pa bang hanggang sa loob ihatid kita?"

And now he's teasing me.

"Sa puso mo, don mo ko papasukin"

"Napaka mo, alam mo yon?"

Tawa lang ang naging tugon niya. Bumaba na ako at hinatid na lang ng tanaw ang palayong taxi.

"So may taga hatid ka na?" Bungad ni Analyn.

Ngumiti ako. Sorry Analyn, sa sobrang ganda ng mood ko today ay hindi gagana ang kontrabida tactics mo sa akin.

"Maganda ako e" sabi ko at hindi ko na siya pinansin pa. Not today Miss, not today.

Arkin's POV

"May pasipol sipol ka pa boss a" nagulat ako sa pagdating ni Andoy. Mas nauna ako sa kanya sa garahe. Maganda ang takbo ng biyahe kaya madali akong nakaboundary at nakapagpahinga na muna. May mga pailan ilan ding kapwa ko driver ang narito para magpahinga.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon