NOL - Chapter 30

1.4K 65 2
                                    

Lareen

"You can do it, Lareen" sabi ko sa sarili ko habang tinutunghayan ang relflection ko sa human size mirror na nasa kwarto ko. Corporate ang attire ko para i-meet si Frank Gozum; my Dad's operations manager. "Fighting!" with matching hand gesture.

I am wearing a white pencil cut skirt, a cream top and black office blazer. Nakahanda na 'to nung dumating ako sa bahay kanina with matching note from Ate Ren that says "Be good to Frank and please don't do anything that will forced Dad to get up from his bed. He needs peace"

Napailing na lang ako. Buti pa kay Frank may concern. Tss. Ano bang palagay niya sa akin? Kindegarten?

Kinuha ko ang itim na pumps at nagsimulang ayusin ang posture ko. Hinayaan ko ding nakalugay ang buhok ko. I need to looked respectable.

Dang! Kinakabahan ako!

Isang buntong hininga and I slouched.
"Gahhhhhh!!!" Pabagksak akong napahiga sa kama without thinking kung malulukot ang damit ko. Feeling ko mauuna pa akong mamamatay kay Dad neto e.

Kung ano ano na nag pumapasok sa isip ko. Di ko man lang napagaksyahang magtanong ng anything about kay Frank. Ang alam ko lang ay hindi siya pinagkakatiwalaan ni ate Ren pero nice guy siya. Malamang lalake siya pero yung edad wala akong idea. Matanda na kaya siya? O binata? O may asawa? O masungit kaya?

Stupid, Lareen. Di mo man lang niresearch. Mamaya dating rapist yun o kaya cannibal. Pero basta..dapat maging nice ka sa kanya dahil kung hindi baka ibitin ka na ng patiwarik ni Renren.

"Lareen, ready na ang kotse" napabalikwas ako sa pagpasok ni Mrs. Tomas.

"Ah. E.- Okay" hindi ko alam kung ngingiti ako. Naabutan niya akong nakahiga sa kama ng ganito ang suot. "Bababa na rin ako" sagot ko at umalis na siya.

This is it, Lareen.

Dala-dala ang handbag ko ay dumirecho na ako sa baba at sumakay sa kotse.

"Magandang hapon ho, Miss" bati ng driver. Matagal na siyang driver ng Daddy. Okay. Kalma, Lareen. Lahat ng nakapaligid sayo alam ang gagawin nila, maliban sayo.

"Magandang hapon din ho. Sa Luisa Bldg. ho tayo" sabi ko kahit na alam kong alam na niya kung san ang tungo ko. Sa likod ng sasakyan namin ay may isang kotse pa. Body guards. Ano pa ba?

"Okay po" sagot nito at pinaandar na ang kotse.

Nasa Luisa Bldg ang opisina ng Castillo Business Corporation. I was just 5 years old nung lumipat sa Luisa Bldg ang office nila Dad. Dati kasi nasa may malapit sa bahay ang maliit nila na opisina pero nung nakabili si Dad ng lote sa bayan ay pinatayuan niya ito ng building at ipinangalan ito after Mom.

Walang masyadong nagbago sa Milagros. It is still the Milagros I run away from 2 years ago. Simple pa rin ang ilang kabahayang nadaraanan ko. Wala namang bagong establishimento.

Isinandal ko ang ulo ko sa salamin ng bintana. Kahit anong gawin kong pagpapakalma ay walang epekto.
Wala na akong choice kundi tanggapin ito. Ito na yung concequence ng muli kong pagtalon.

Maya maya ay narating na namin ang entrance ng Building. Inantay kong pagbuksan ako ng isang nakaputing unipormeng lalakeng mula sa kasunod naming kotse.

"Bravo 001" narinig kong sabi niya sa maliit na bluetooth device na nasa may tenga niya pagkababa ko ng kotse.
Malay ko sa mga codes nila.

Inayos ko ang palda ko ng bahagya at naglakad na papasok. Nasa unahan ko ang lalake kaya siya na yung sinusundan ko papasok tas may isa pa sa likuran ko. Nakakairita. Imbis na walang makakapasin sa akin pero dahil sa dalawang mamang 'to ay eto na nga, gusto kong matunaw sa titig ng lahat ng empleyadong nakakasalubong ko.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon