NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME

7.4K 161 6
                                    

NOL – CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME



LAREEN'S POV

Nasa sala kaming dalawa ni Ate Madel. Tintingnan kung may pangastos pa kami. Pareho kaming walang trabaho, pano naman kasi ako magkakaron ay hindi naman natatanggap at yung huling bilin ni Mommy ay wag na daw akong magtangkang mag-apply sa mga opisina dahil malamang hindi ako tatanggapin. Hinarang na lahat ni Daddy.

"Five thousand na lang ang pera natin Lareen, paano pa tayo makakabayad ng renta, ng ilaw at ng tubig" sabi ni Ate Madel.

Ang dami pa lang problema pag mahirap. Five thousand? Eh worth lang yon ng isang sapatos ko eh. Napapabuntong hininga lang ako.

"Maghanap na kaya ako ng trabaho?" tanong niya.

"Eh paano ako? Sinong kasama ko dito?" I looked around. Natatakot akong magisa sa bahay na to parang anytime pwede akong mapahamak.

"Eh pano tayo kakain? Lareen, kailangan natin tong gawin. Kaya mo yan. Bukas na bukas maghahanap ako ng mapapasukan bilang katulong. Siguro diyan sa may malapit na village na lang para hindi naman masyadong malayo, minsan kasi may nakakwentuhan ako sa may palengke na may naghahanap daw ng katulong don" sabi niya.

Hindi ako makakibo.

"At saka nga pala Lareen, kailangan pala nating magpalit na ng pangalan. Kilala ang Senyor sa buong Milagros at malamang ay meron yong mga kakilala rito." Sabi niya.

Oo nga pala. Bago nawala ang connection namin ni Mommy ay nasabi niyang pinahahanap ako ni Daddy. Nakakatakot. Kaya nga napilitan kaming sa isang squatters area tumira dahil hindi maghihinala si Daddy na dito kami titira ni Ate Madel. Ganoon kaliit ang tingin niya sa akin.

"Sa labas kasi ang tawag nila sa akin ay Delia" sabi niya.

"Delia?"

"Oo..so ikaw ang bago mong pangalan ay Ana" sabi niya.

"Eeeee...ayoko." Sabi ko.

"Ang arte mo. Yon na!"

"NO"

"Eh di ikaw ang mag-isip" sabi niya.

"Ahmm...Lareen....Reena" sabi ko.

"Lareena??"

"Just Reena noh!" I rolled my eyes.

"Okay..Reena" sabi niya at itinabi ang pera.

"Anong surname natin?" tanong ko.

"Ahmm.....Salamera"

"Huh? Salamera?? Where did you get that?"

Nakita ko siyang parang kinikilig. Naningkit ang mga mata ko.

"Yon kasi yung apelyido nung crush ko nung bata pa ako eh...dati sinusulat ko yung pangalan ko tapos apelyido niya...." sabi niya.

I rolled my eyes.

"Tsaka nga pala Lareen, baguhin mo ang pananamit mo huh? Dapat mas simple at mula ngayon Tita mo na ako at .....kapatid ko ang nanay mong namatay sa cancer" sabi niya habang inaayos ang mga bagong labang damit na nasa katabing upuan.

"WHAT?! Cancer talaga??? Ikaw ang dami mong alam. Panay telenovela kasi eh"

"Kailagan nating magkaroon ng kwento. Ano ka ba? Para hindi ka nila paghinalaang ikaw ang nawawalang Lareen Castillo, the HEIR of Milagros"

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon