NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE

6.5K 165 12
                                    


LAREEN'S POV

Natutuwa ako at madaling nakapagpaalam si Ate Madel kay Sir Tep. Mabuti na lang daw at wala ang Nanay nito na parang pinaglihi sa sama ng loob. Natawa ako nung sinabi ni Ate Madel ang mga salitang iyon. Sabi ni Andoy ay mga 3PM niya ako susunduin daw papasada pa raw sila ni Arkin. Nakakahiya nga kasi parang naging pabigat pa ako sa kanila.

Isinuot ko ang eyeglasses ko. Inayos ko ang buhok ko. sa totoo lang eh excited talaga ako, hindi ko alam kung dahil ba sa first time ko sa Luneta o mas naexcite ako sa makakasama ko mamaya. Kung ano man ang kinaeexcite ko, wala na akong pakialam.

Magaala una pa lang. Nagbilin si Ate Madel na bumili raw ako ng bigas sa palengke. Syempre kahit na parang kabado tinaggap ko na yung utos kesa naman hindi ako masanay sa lugar na ito. Naalala ko nga yung sabi sakin lagi ni Mommy, "You can't go wherever you want to go without taking a little step" sabi niya. Tama.

Nagbihis ako papuntang palengke. Palabas pa lang ako ng makita ko si Pia na naglalaro sa labas ng kwarto nila. Nakakalat ang mga maliliit niyang gamit na pang kusina.

"Hi Ate Reena!!" sabi niya

Lumapit ako sa kanya.

"Bakit mag-isa ka lang na naglalaro dito?" tanong ko.

Tumayo siya at inabutan ako ng maliit na baso. "Kasi po ayaw po ni Mama ko na lumabas po ako. Dito lang daw po ako" sabi niya.

Ayoko mang maalala pero parang nakikita ko ang sarili ko kay Pia. Mag-isang naglalaro dahil ayaw palabasin. Ang hirap kayang maglaro ng lutu-lutuan ng mag-isa.

Umupo ako sa harap niya habang abalang abala siya sa paglagay ng mga dahon dahon sa plastic niyang fan. Napapangiti ako.

"Asan ang Mama mo?" tanong ko.

"Nagtatarbaho po" sabi niya.

"Eh yung Papa mo?"

"Ah nasa langit daw po sabi ni Mama" sabi niya na parang kung ano lang yung sinabi. Nasa pagluluto pa rin yung atensyon niya. "Gusto mo pa ng juice Ate?" tanong niya.

Tumango ako at ngumiti. "Si Papa ko po yung pityur na kinuha po ni Kuya Arkin, yung nahulog po ..." sabi niya.

Hindi ako nagsalita. She loves her father...like me when I was in her age too.

"Gusto mo po makilala si Papa ko??" tanong niya. She's beaming. Ngumiti ako. Madali siyang tumayo at tumakbo papunta sa loob ng bahay.

Mag-isa lang siya? Kasi parang minsan nakita ko yung Mama niya na maaga laging umaalis papuntang trabaho at hapon na kung umuwi.

Pagkababa ko nung maliit na basong inabot niya sa akin kanina ay bumalik na siya.

"Ate ito si Papa ko" sabi niya at pinakita sa akin ang picture ng isang di pa katandaang lalake.

"Nasa heaven na siya?"

"Opo..sabi po ni Mama" sabi niya. "Ate maganda ba sa heaven? Mahal po ba ang pagsakay sa tricycle don?" tanong niya. Natawa ako.

"Mahal..." malambing na sabi ko.

"Ay... pero nagiipon po ako para makasakay po" sabi niya. She's so innocent. "Pero sabi po ni Kuya Arkin, pag naging mabait daw po ako isasakay niya ako sa taxi niya" sabi niya.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon