NOL - CHAPTER 26

1.6K 56 18
                                    

ARKIN

"You just arrived on time, Arkin. Change your clothes and join us for dinner" my Mom said sweetly. Sinalubong niya ako para bumeso.

"
Kumpleto sila sa hapag bukod kay Kris na may sarili ng pamilya. Ngumiti si Ate Kass kay Kristoffer at itinuon ang paningin sa akin.

"Leave Barangkal alone" natigilan si Mommy at ibang mga kasambahay na kasalukyang naghahanda sa mesa sa pagkasabi ko ng mga katagang iyon. Ayokong magsayang ng oras para hindi masabi ang pakay ko.

"Eat first Arkin. And besides, wala ka na sa Barangkal. You should wear your manners here" ani Dad habang inaayos ang table napkin sa lap niya. Humawak si Mommy sa braso ko.

Naglakad ako palapit sa dining table at isa isang umalis ang mga kasambahay at bumalik sa kusina.

"I may lose my manners living in Barangkal pero I make sure I still have my humanity, Dad" sabi ko non at mapaklang tiningnan si Ate Kassy. Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Arkin please nasa harap tayo ng pagkain. Pwede mamaya na yan?" ani Mommy.

"If you dont want to eat, then dont. But spare your accusations later after dinner, Arkin" sabat ni Ate Kassy.

"Accusations? la mierda"

"Watch your words. Remember, wala ka na sa squatter na pinanggalingan mo." ani Ate.

"Alam mo bang mas tao pa sila kesa sayo? ...Brat" ngumiti ako ng bahagya para maasar siya. Si Ate Kassandra ang taong ayaw na ayaw na nasasabihan.

Naningkit ang mga mata niya.

"Son, please..." bakas sa mukha ni Mommy na pagod na siya sa mga ganitong moment sa bahay. Hinawakan niya ako sa braso ng mas mahigpit.

"Mom they are being unfair!" I shouted.

"You're such a child, Arkin" Ate Kass hissed.

"Pinademolished niyo ang Barangkal para umuwi ako, Ate Kass! Wala silang kinalaman sa gulo ng pamilyang to pero dinamay niyo sila. Hindi mo makuha-kuha yung gusto mo kaya nandamay ka ng iba tao?" I smirked. "Guess who's child now?!"

Hinampas ni Ate Kassandra ang mesa at tumayo. "We are just protecting you! You should be thankful, estúpido!"

"Protect me from what? I am old enough, Ate"

She chuckled bitterly. "Old enough? How could you say that?! kung hindi mo nga kayang pigilin yung sarili mo?"

"What?!"

I just don't understand her sometimes. Siya yung unang taong sumuporta sakin sa paglipat ko sa Barangkal. She supported me. She understands, but now? Ewan ko kung anong sintemyento niya.

"Stop acting like you don't know anything! Nakita ko siya! Andon siya! Hanggang kelan mo itatago ha, Arkin?" Tumalim ang tingin niya. "Don't ever sell your love for Barangkal to us again, coz we are not gonna buy it anymore!!!"

Napapikit ako ng mariin. Now, I know.

"This is my life and the choice is mine kung paano ako mabubuhay" matigas kong sabi.

"That includes her? You choose her over us? Over your family?" She made a glimpse to Mom and Dad.

"There is no need to choose!!! Why can't you just -

"Stop right there, Arkin! I don't want to hear bullshits -"

"Kassandra! Arkin! Stop both of you!!! Por Favor!" Tumaas na rin ang boses ni Daddy.

"But Dad!!!" Sumigaw pa rin ako. Ayokong matapos ang usapang to.

"Enough! Kung gusto niyong mag-away, lumabas kayo! Kelan ba tayo magkakaroon ng decent meal sa bahay na 'to?"

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon