NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY

7K 182 33
                                    


NOL – CHAPTER 7 – NO ORDINARY DAY


LAREEN'S POV

Magagabi na ng magdecide kaming umuwi na ni Ate Madel. Yon naman kasi ang kasunduan namin with Madame Sonya Rodrigo eh, yung uwian kaming dalawa.

Naglalakad na kami palabas ng biglang may humintong taxi sa gilid namin.

"Ate Delia sakay na po kayo" yaya ni Andoy. Hinawakan ko si Ate Madel sa braso para pigilan siya. Nakita ko kasing nasa loob ng taxi si Arkin eh.

"Ah...wag na nakakahiya naman" sabi ni Ate Madel.

"Naku, Ate Delia wag na po kayong makahiya...tumitiklop po yun pag naapakan" sabi niya. Huh? Ano daw?

"Naku wag na"

"Ate Del, delikado ho dito....tara na ho" aya ulit ni Andoy. "Kung ayaw hong sumabay ng pamangkin niyo, iwan niyo na ho. Baka kaya namang ipagtanggol ang sarili niya" sabi naman ni Arkin.

Parang gusto kong sugurin ang lalakeng yon at saktan. Badtrip talaga!

"Tara na" tanong ni Ate Madel. Tumingin ako sa paligid. Madilim na tapos kami lang ang maglalakad.

Hindi naako sumagot, sumunod na lang ako kay Ate Madel. Medyo pagod na rin kasi ako.

Umupo kaming dalawa sa likurang upuan. Hindi ako tumitingin sa harapan kasi napapansin kong nagingiti si Andoy.

"Ah Ate Del, siya ho pala yung pamangkin niyo?"

"Oo...si Reena..." sabi ni Ate Madel. Nagulat ako ng sikuhin ako ni Ate Madel. "Siya si Andoy, ung kapit bahay natin" sabi niya.

"Nagkakilala na kami kanina" sabi ko na lang.

Tumango lang ako.

"Mukha hong mahiyain ang pamangkin niyo... kasing hiyain po nitong kaibigan kong gwapo" sabi pa ni Andoy.

"Andoy tigilan mo ko" matigas na sabi ni Arkin. Mahiyain? San banda?

Ilang saglit lang ay narating na namin ang Barangkal. Nagulat ako ng ipatawag si Ate Madel sa tindahan ni Aling Mildred dahil may phone call raw ito. Sila Arkin tuloy ang nakasabay ko papuntang bahay.

"Kelan pa kayo dito Reena?" tanong ni Andoy. Kami ang magkasabay samantalang nasa likod namin si Arkin.

"Ah....last week lang" sabi ko.

"Parang ngayon lang kasi kita nakita" sabi niya.

"Kasi.. hindi ako masyadong lumalabas" sabi ko.

"Gusto mo lumabas tayo?" bigla niyang sabi. Natigilan ako.

"Puro ka talaga biro Andoy. Tumigil ka diyan huh" biglang singit ni Arkin.

"Anong masama mukhang single naman si Reena, diba Reena?" tanong niya. Pinilit akong ngumiti.

"Teka... parang may kahawig ka" nagulat ako sa sinabi ni Andoy.

Kamukha?? Shocks.,...baka ito yung sa newspaper.

"Huh???"

"Ah wala, basta siguro maganda maraming kamukha" sabay tawa niya ng malakas. Ngumiti na lang ako.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon