NOL - CHAPTER 21

1.9K 75 5
                                    


CHAPTER 21

LAREEN'S POV

Pupungas pungas pa ako ng magising. Alas-sais na at kailangan ko ng sunduin si Pia sa kabilang bahay. Suot suot ang katauhan ni Reena ay lumabas na ako. Maagang pumasok si Ate Madel dahil yon ang pakiusap ni Mrs. Rodrigo sa kanya. "Good morning, Reena" bati ni Andoy na kalalabas lang din. Namamaga pa ang mga mata niya. Kagigising lang din ata.

"Good morning" bati ko. "Babyahe ka na?"

Umiling siya. "Nagpapabili ang girlfriend ko ng pandesal" ngumiti siya. "Ahhh" sagot ko at dumirecho na kina Pia sakto naman na palabas na ang mag nanay.

"Jo, tara sabay na tayong bumaba" aya ni Andoy kay Josephine at dumirecho na kami ni Pia sa bahay. Papasok kami ng lumabas si Arkin. Biglang bumitaw si Pia para daluhan ang pinakapaboritong niyang lalake sa buong mundo. "Prince!!!" tawag niya kay Arkin at kinarga naman siya nito kaagad. Prince, yun na ang tawag niya Arkin mula nung nakita niyang inaway ako ni Jen at pinagtanggol ako ni Arkin. Mas lalo siyang bumilib dito.

"Ang bigat mo naaa..." kunwaring angal ni Arkin. "Big girl na 'ko e, Kuya Prince" sabay ngiti ni Pia. Nadagdagan nga ang timbang ni Pia. Medyo tumataba taba na siya.

"Baby ka pa din" sagot ni Arkin.

"Sabi ni Ate Reena, big girl na ako" ngumuso si Pia at tumingin si Arkin sa akin. Kumindat ako sa kanya. Ngumiti siya. Aba at parang kinilig pa ang loko.

"Baby ka pa. Wag kang magmadali maging big girl" balik ang atensyon niya kay Pia. "Hindi na kita mabubuhat ng ganito"

"Eh? Bakit si Ate Reena, big girl na pero binuhat mo siya? Nakita ko e" nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Pia. Nagpigil ng tawa si Arkin. Buhat? Kelan?

"Nung peysta? Ate Reena?" tumingin si Pia sa akin. Peysta? Fiesta?????? Gosh. Oo, nung lasing na lasing ako.

Hindi ako makasagot.

"Kasi baby girl siya ni Kuya Arkin mo" biglang singit ni Andoy dala ang dalawang balot ng pandesal. Inirapan ko siya. Dadagdag pa tong unggoy na 'to e.

"Tara na nga Pia sa loob" kinuha ko si Pia kay Arkin.

"Wait lang. Oh almusal niyo" sabi ni Arkin at inabot sa akin ang isang balot ng pandesal. "Nga pala, may outing ang mga taga Barangkal bukas. Sama ka?"

"Outing?" tanong ko.

Tumango si Arkin. "Yearly yan may outing dito. Ambagan lang" nameywang siya.

"At yearly din kaming 'pass'" nauuyam na sabi ni Andoy. "Dahil may byahe tayo, Doy" baling ni Arkin. Umirap lang si Andoy sa isinagot ni Arkin.

"Outing? Swimming ganon?" hindi ko na sila inintindi. Hindi naman kasi usual na mag-outing ang isang Baranggay. I mean, diba parang pang pamilya lang yon? Hindi ko man lang nabalitaan sa Milagros na may nagouting kahit isang street.

"Oo. Sama tayo, Reena. Yaan na natin tong si Arkin" mabilis na sabi ni Andoy.

"Sama tayo!!! Swimming!!!" patalon talon na sabi ni Pia at bumitaw sa akin. Humawak siya sa kamay ni Andoy at pareho silang nagtatalon habang sumisigaw ng "swimming! Swimming!"

"Gusto mong sumama?" lumapit sa akin si Arkin.

"Wala na akong trabaho diba? E di sasama kami ni Pia" sabi ko at kinuha si Pia kay Andoy at pumasok na sa loob. Naririnig ko pang kinakantyawan ni Andoy si Arkin na kawawa dahil hindi kasama. Parang mga bata.

Alas-kwatro ang usapan kinabukasan para sa alis papuntang Batangas. Maliligo kami sa isang beach maghapon at uwi din ng kinahapunan dahil sa may mga trabaho pa din ang ilan. Okay, sila na ang may trabaho.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon