NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY

6.3K 166 16
                                    

CHAPTER 15

NOL – NO ORDINARY DENIAL DAY

LAREEN'S POV

"Ang aga aga busangot ang mukha mo" sabi ni Ate Madel ng makita niya akong nakapangalumbaba sa may lamesa. Kasalukuyan nyang hinahanda ang almusal naming dalawa. Hindi ako sumagot. Hanggang ngayon kasi sariwang sariwa pa sa utak ko yung pag haplos nung babaeng yun kay Arkin. Bakit ako apektado?  Basta!!!

"Hindi ka pa papasok?"tanong niya sabay abot ng tiniplang kape sa akin.

"Pwede bang after ng fiesta na lang?"sabi ko. Wala pa talaga ako sa mood, bukod sa nabwibwisit lang ako kay Analyn eh medyo tinatamad talaga ako.

  Dala-dala ko ang mug ng kape nung lumabas ako. Maaga pa lang ay buhay na buhay na ang Barangkal. May nagkakantahan na at amoy na amoy na rin ang mga pagkaing niluluto ng mga tao para sa fiesta.

"Hi Reena"nagulat pa ako sa bati ni Andoy. Nasa kabilang pinto lang siya.

Papasok na ulit sana ako nang magsalita si Andoy.

"Oh grabe ka naman wala naman ako sayong ginagawa huh"sabi niya. Tumingin ako sa kanya. Walang emosyon.

"Reena naman eh"sabi niya pa. "Fiesta oh pero yung mukha mo pang Halloween"sabi niya.

"Nakakatawa"sabi ko.

"Ano bang ginawa na naman sayo ng kaibigan ko?" tanong niya.

"Paano mo naman naisip na si Arkin ang dahilan?!"

"Bakit hindi ba?"nagpipigil siya ng tawa.

"Ewan ko sayo!!"sabi ko.

"Ito naman...atin atin lang naman ...promise"sabi niya. Sumandal ako sa grills sa labas ng bahay at tinanaw ang abalang abalang lugar ng Barangkal

"Ang saya nila noh? Masaya talaga dito sa Barangkal tuwing fiesta"

Hindi ako umimik. Maya maya ay tumingala si Mang Chris at ngumiti sa amin.

"Reena, Happy fiesta!"bati niya at gumaya narin ang iba.

"Happy fiesta din po" bati ko din sa kanila.

"Andoy si Arkin?" tanong ni Mang Ino.   

"Ay may pinuntahan lang ho, babalik din ho siya maya-maya"sabi ni Andoy.

Tumingin ako sa kanya. Pinuntahan? malamang sa nobya niya. Girlfriend niyang Christmas tree.

"Umuwi sa kanila.....baka kung ano ano pa yang nasa isip mo"sabi niya sabay kindat na akala mo'y nabasa ang nasa isip ko.

"Che!"sabi ko. Papasok ako ng bahay  ng saktong labas ni Ate Madel.

"Oh..Reena"yan lang ang nasabi nya.

"Ang sungit talaga ng pamangkin niyo"sabi na lang ni Andoy. Hindi ko na siya nilingon.

----

Kaalis lang ni Ate Madel nang dumating si Samantha.

"Hi Ate Reena" bati niya.

"Hi,  pasok ka" Pumasok siya. "Anong meron at napadalaw ka?"

"Busy ka ba? Magpapasama sana ako sa iyo sa Mall"

"Bakit?"

"May bibilhin lang akong gift para kay Enzo"sabi niya na parang nagpipigil pa ng kilig.

"Sige magpapalit lang ako"sabi ko at pumasok na ako sa kwarto.

"Birthday kasi ni enzo eh"sabi niya habang nasa labas siya ng kwarto at ako naman ay nasa loob.

"Ikaw huh!" kakaibang babae talaga tong si Sam.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon