NOL - Chapter 28

1.8K 68 13
                                    

Lareen

Tahimik kaming lahat sa loob ng kwarto ni Dad. Kaaalis lang ng Doctor at kakainform lang niya sa amin na pwede ng ibyahe ang Daddy pa-Manila bukas. So everyone is very busy to fixed everything na kailangan sa pagluwas bukas. Except sa akin na hanggang ngayon, di ko alam kung anong role ko. Pero sabi nga ni Ate Renren, yung business yung aasikasuhin ko.

"Tumawag na ba sa'yo si Lala, Mommy?" Tanong ni Ate Ren habang nakatingin sa wrist watch niya.

"By 10am andito na siguro yon. Andon na din ang driver sa Airport" sagot ni Mommy habang hawak ang mga papers mula sa doctor. Taimtim niya itong binabasa habang nakaupo sa upuang nakapwesto sa gilid ng kama ng walang malay na si Dad.

"Kaninang 5:00 am dumating ang plane niya sa Manila diba?" Sabi ni Ate Lorraine.

"Uh-hm. Nadelay ata ang connecting flight pa Isabela e. Pero nung nakusap ko kanina, 8:00 o'clock ang dating niya sa Isabela Airport then 1 hour drive dito sa Milagros"

"Ah okay. I already booked a flight na din for the 2 maids na papaluwasin natin" sagot nito at dumial sa telepono niya at lumabas na muna.

Maya maya at tumayo ako para kumuha ng isang Magazine at bumalik din sa kinauupuan ko. Dalawa na lang kami ni Mommy sa kwarto. Ang tahimik.

Nasanay na siguro akong kahit anong oras sa Barangkal ay maingay kaya ngayon parang mababaliw ako sa katahimikan.

"Mom?"

"Hmm?"

"Hindi po ba dadalaw sila Tita Verna?" Referring sa bunsong kapatid ni Dad. Apat na magkakapatid sila Daddy. Four boys and One girl. Dad is the eldest, then Tito Julio, Tito Greg and Tita Verna.

"Nasa Manila sila Tito Julio mo, while your Tita Verna ay nasa Hongkong with the kids. Baka sa Manila na lang sila bumista"

"Hmmm"

"We don't need them here naman na"

Napansin ko ang pagiging seryoso ng itsura ng Mommy. Inilapag ko ang magazine at pinagmasdan siya.

"May problema ba, Mom?"

Umiling siya. "Nothing, baby" she said without giving me a glance.

"Sure?"

She nods and smiled at me.

"It is just unusual na wala sila dito" nagtataka lang talaga ako. Dati lagnatin lang ang Dad dumadalaw na kahit isa sa kanila o kahit sino from their  family members.

"They promised to visit your Dad after his operation"

"Ah. Okay"

I am not convinced tho.

Ibinalik ko ang attention ko sa magazine ng pumasok ulit si Ate Renren.

"Ma, okay na yung private plane pa-Manila sabi ni Phil. I will come with you tomorrow tas babalik na lang ako dito 2 days before yung cruise" sabi niya with authority. Mana talaga si Ate Renren kay Dad. She knows what to do. She never rattles. She just do things without hesitation tas ayun, okay na.

"Are you sure you'll come with us?" Ngumiti si Mom kay Ate. "What about the hotel accomodation? We need that. Kung ako lang, I can stay at the hospital pero iniisip ko si Lala"

"Okay na din yun, don't worry. Malapit lang din sa hospital yung hotel kaya di kayo mahihirapan ni Lala"

"Sino nga pala yung dalawang maid na makakasama namin?"

"Madel and Helen" sagot ni Ate.

Napatingin ako sa kanya at tumingin lang din siya sa akin. Tingin na parang nagtatanong kung "may problema ba ako don".

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon