Cease Of Mirage [COMPLETED]

By pobiii_C8

13K 1.9K 1.2K

Trist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from t... More

Prologue
Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: The End of Us
Chapter 2.1: ENDING
Chapter 3: New Beginning
Chapter 4: The Mayor
Chapter 5: Unexpected Visitor
Chapter 6: Section Hell
Chapter 7: Study Together
Chapter 8: Meeting the Father
Chapter 9: Nun
Chapter 10: Wondering
Chapter 12: Issue
Chapter 13: Frog Dissection
Chapter 14: Naughty Plan
Chapter 15: Babysitters; Girl's Bonding
Chapter 16: Her Answer
Chapter 17: Just Kidding
Chapter 18: Another Dissection?
Chapter 19: Intense Practice
Chapter 20: I Miss You
Chapter 21: Sound Recorder; First Date
Chapter 22: Wierdos
Chapter 23: Sports Festival
Chapter 24: Past Came to Present
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Truth or Dare
Chapter 27: Finals
Chapter 28: Second Warning
Chapter 29: Unknown
Chapter 30: Mutual Feelings
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Foe
Chapter 33: Suspicion
Chapter 34: Birthday
Chapter 35: Gone
Chapter 36: Beautiful Sadness
Chapter 37: Comeback
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Officially Over
Chapter 40: Nightmare Of The Past
Chapter 41: Temporary Affection
Chapter 42: Biggest Day
Epilogue

Chapter 11: Marshmello Man

233 51 10
By pobiii_C8

TRIST

"Just a reminder, My Angels. Next week, Monday will be your frog dissection. It is an individual task, so you better be prepared, okay?"

"Yes, Cher Auggie!" sabay-sabay naming sagot. After that, dinismiss na niya kami. Uwian na namin.

Friday na ngayon, pero 'yong utak ko nasa Tuesday pa rin. Binigyan ako ng baliw na 'yon ng iisipin!

"I already know your existence more than three years."

Ano'ng ibig n'yang sabihin d'yan? Sinasabi niya bang kilala na niya 'ko noon pa? O baka naman tinitrip lang ako ng lokong 'yon? Psh.

Hindi ko na natanong sa kan'ya dahil hindi na kami gano'n kadalas magkita. Sobrang busy niya. Pabibo kasi, eh. Mayor siya ng lahat ng strands tapos varsity player pa. Tss. So much legwork!

Pumunta ako sa parking lot at nakita ko ro'n si Xy na bagot na bagot na naghihintay. Gulatin ko nga.

"BOOM!"

"Ay pusang gala!" napatalon siya sa gulat habang nakahawak sa dibdib niya. Tinawanan ko lang siya. Sinamaan niya naman ako nang tingin. "Leche ka! Ako na nga 'tong hinihintay ka tapos gugulatin mo pa 'ko?!" sigaw niya.

"Aww," kunwaring na-touch kong sabi sabay hawak sa didbdib ko. "So sweet," dugtong ko pa.

"Taena mo!" bulalas niya.

"Biro lang, Xy. Ba't mo 'ko hinintay, ha? Miss mo 'ko, 'no?" Pinaningkitan ko siya ng mata habang nakangisi.

Ngumiwi naman siya. "Yuck! Wala lang akong kasamang umuwi, 'no!" pagdadahilan niya sabay irap.

"Bakit? Palagi bang sabay kayo umuwi ni Grave?" panunukso ko.

Lumukot ang mukha niya. "Hindi! Paki ko ro'n."

"Owwkey. Sabi mo, eh," ngisi ko. Tignan lang natin, magkakapaki ka rin do'n. "Siya nga pala, ba't hindi ka sumali sa tennis? Magaling ka kaya ro'n," pag-iiba ko ng topic. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Ikaw, ba't hindi ka sumali?" balik niyang tanong.

Sumandal ako sa hood ng kotse ko at nagcross arms. "Ayoko lang," tipid kong sagot. Pinaningkitan niya naman ako nang mata na parang sinusuri. "Sumali ka na para may i-chi-cheer ako. Gawan pa kita ng banner," biro ko.

"Sumali ako," tipid n'yang sagot. Lumiwanag naman ang mukha ko.

"Talaga?"

"Oo nga. Kasali rin si Miss President, eh. Sabi ng mga kaklase ko, siya raw ang back-to-back champion sa tennis." Tumango-tango ako para kunwari interesado ako. "Kaya sumali ka na, fren para may katapat 'yong karibal mo."

"Karibal?" ulit ko.

"Hindi mo alam?" Kumunot ang noo niya.

"Ang alin?"

"Hindi mo nga talaga alam," iling niya. Lumapit siya sa 'kin saka bumulong. "Ex girlfriend siya ng lalaki mo," ngiwi niya.

Kung maka-lalaki mo naman 'to. Akala mo kabit ko si Fauze, eh. Tss.

"Alam ko," inosente kong sabi. Nalaman ko ro'n sa dalawang babae no'ng may meeting sa quadrangle.

"Alam mo?!" gulat n'yang sabi. Tumango naman ako. "Bakit parang wala lang sa 'yo?" bulalas niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kailangan ba pansinin ko?" sarcastic kong sabi.

"Kaloka ka, fren. Dapat bakuran mo si Cohen. Feel ko talagang mahal pa ng girl ang boylet mo."

"Ano naman?" Sininghalan niya 'ko. "Look, hindi ako nakikipagkompetensya, okay?" medyo naiinis kong sabi.

"Hindi nga ba? O baka naman wala kang pakialam kay Cohen?"

Bumuntong hininga ako sa kulit ng babaeng 'to. "Kung wala akong pakialam sa kan'ya eh 'di sana noon pa ni-reject ko na siya. Bakit ba kating-kati ka na itulak ako kay Fauze, ha?"

Natigilan siya at nag-isip ng isasagot. "Eh kasi, gusto lang kitang tulungan, fren. Pakiramdam ko kasi 'yong isip at puso mo ay nakatambay pa rin sa nakaraan where in fact nasa kasalukuyan ka," sagot niya.

Ngayon ako naman ang suminghal sa kan'ya. "Hindi ka nakakatulong," pranka ko. "Parang pinipilit mo 'kong magmove on na hindi naman dapat." Naglapat ang mga labi niya at tumungo. "Ang mga bagay na pinipilit ay mali ang kinalabasan. Hindi ko kayang utusan ang puso ko na mahalin siya. Ang kaya lang nitong gawin ay magkusa at matuto," paliwanag ko. Ngumuso naman siya.

*Clap!* *Clap!* *Clap!*

Automatic akong napalingon sa bukana ng parking lot nang makarinig ako ng palakpak.

"Very well spoken, Trist," ngisi ni Cd. Bahagyang nanlaki ang mata ko.

Kanina pa sila rito?

Hinanap ng mata ko si Fauze, pero wala siya. Si Grave, Moss at Cd lang narito at mukhang katatapos lang nila sa practice nila dahil naka-jersey pa, eh.

"Si Clari?" tanong ni Xy. Lumingon sa kan'ya si Moss.

"She's home. Nagka-LBM," walang emosyon nitong sagot.

"Bonsai!" tawag ni Grave kay Xy. 'Di ko mapigilang matawa. Nakitawa na rin sina Cd at Moss.

Bonsai? Amp. Hahaha. Pwede namang dagul, eh.

"'Wag niyo 'kong tawanan! Sadyang matatangkad lang kayo!" depensa niya sa sarili at sinamaan kami ng tingin.

"Trist..." Napalingon ako kay Cd.

"Bakit?"

"Hintayin mo raw si Cohen dito. Sabay raw kayong uuwi. Pinatawag lang siya kanina sa Director's office." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hindi niya ba kayang umuwi ng mag-isa?" Nagkibit-balikat siya. "Okay, then," sagot ko.

Nagpaalam lang sila sa 'kin at kan'ya-kan'ya na silang umuwi. Pumasok na muna ako sa kotse ko para magpahangin. Binuksan ko 'yong aircon at prenteng sumandal sa upuan saka ako pumikit.

Minutes passed...

*Tok* *Tok* *Tok*

Napamulat ako ng mata nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. It's Fauze. Nakasuot siya ng jersey. Number 8 ang nakaplastang numero sa damit niya.

Eight, huh? I wonder why. Kung ako ang tatanungin, sakit na alala lang ang nakatatak sa isip ko 'pag nakikita ko ang numerong 'yan.

Binuksan ko na 'yong pinto saka lumabas at hinarap siya. Mapupungay ang mga mata niya na halatang pagod. Parang naawa ako sa itsura niya.

"Pumasok ka na sa kotse mo," mahinahon kong sabi. Lumukot ang mukha niya na parang nagpoprotesta.

"But, I just saw you."

"Makikita mo pa 'ko mamaya. Pumasok ka na," ulit ko. Lumiwanag naman ang mukha niya na ipinagtaka ko.

"May date ba tayo mamaya na hindi ko alam?" 'Yong kaninang matamlay niyang mukha ay napalitan ng sigla.

Ngumiwi ako. "I-date mo sarili mo, baka!" Inirapan ko siya.

Nawala naman ang munting kasiyahan niya. "So, what's the meaning of your words earlier?" nagtataka niyang tanong.

"Sa condo ko, punta tayo sa condo ko," sagot ko. "Kaya pumasok ka na dahil nagugutom na 'ko." Naningkit ang mata ko nang bigla siyang ngumisi.

"Sabi na, eh. Gusto mo 'kong makasama. Payakap nga, Bits." Agad akong umatras nang ambangan niya 'ko ng yakap.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Subukan mo."

"Ang damot. Isa lang, eh," nakangusong bulong niya. "Bits, isa lang. Magchacharge lang ako ng five minutes."

"'Wag mo 'kong simulan, Fauze. Kung gusto mong magcharge, kuryentehin mo ang sarili mo—" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya 'kong hatakin para yakapin. Naramdaman kong pinatong pa niya 'yong ulo niya sa balikat ko! "What the hell?" gulat kong sabi.

Tumawa siya ng mahina at mas lalong hinigpitan ang yakap niya. Nang humugot ako ng hininga ay nasinghot ko ang pamilyar na pabango niya.

Pinawisan na't lahat mabango pa rin. Tss. Pinaglihi ata sa perfume 'to.

Inangat ko ang kamay ko para yakapin siya pabalik. Naramdam ko ang paggalaw ng pisngi niya sa leeg ko na malamang ay dahil sa ngiti.

Nagtagal ng ilang segundo ang kamay ko sa likod niya at hinimas-himas ko ito. Mukhang gustong-gusto niya naman. Hanggang sa mapadako ang kamay ko sa tagiliran niya at marahas ko itong kinurot. Agad naman siyang bumitaw sa yakap nang nakangiwi.

"Aww, Bits. Masakit," daing niya. Mas lalo ko lang diniinan ang kurot ko.

Pasalamat ka binawasan ko ang kuko ko kung hindi, mababalatan kita ng buhay.

"Talaga? Masakit? Sarap na sarap ka nga kanina, eh," nanunuya ko siyang tinignan.

"Bits, it hurts, really. Sorry na! Sorry na! I won't do it again. Let go of my flank, please," pagmamakaawa niya.

Tinignan ko siya ng diretso sa mata. "Chachansingan mo pa 'ko?"

"Lambing 'yon, Bits, hindi chansing— Ugh! Hindi na! Hindi na!"

"Good," at tinanggal ko na ang kamay ko sa tagiliran niya. Agad niya naman itong hinawakan at nakangiwing hinihimas.

"You're so sadistic, Bits. Ang sakit kaya."

"Masakit talaga dahil hinaluan ko 'yon ng sama ng loob."

"Hmph!" nakangusong singhal niya.

Umarte lang siya ng ilang sandali at sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse. Ako ang unang umalis kaya nakasunod lang siya sa 'kin.

Nang mai-park na namin 'yong kotse sa parking lot ng condo ay umakyat na kami sa taas. Nasa 5th floor lang naman ang room ko kaya minuto lang ang lumipas at nakarating na kami.

"'Wag mong bosohan ang passcode ko," angil ko nang maramdaman kong pasimple niyang sinisilip ang paglalagay ko ng passcode sa door lock ko.

"Grabe naman ang term na ginamit mo, Bits. Hindi kaya 'yan ang tinitignan ko," kunwaring umiwas siya ng tingin, pero muling tumingin sa gawi ko nang hindi ginagalaw ang ulo. Pinanlakihan ko siya ng mata nang magtama ang paningin namin. Agad naman niyang binalik sa gilid ang paningin niya.

Nang mabuksan ko na 'yong pinto ay nauna siyang pumasok! Ang kapal lang. Nakaupo agad siya sa sofa, 'yong sofang inupuan niya no'ng unang punta niya rito.

"Dito ka lang," sabi ko.

"Okay, boss," saludo pa niya. "Pwede kong i-open ang TV?" Tumango lang ako at tinalikuran siya.

Pumunta ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Inayos ko 'yong mga nakakalat kong gamit 'till I realized something.

"Ba't ko nga ba inaayos 'to? Psh. As if naman na papapasukin ko siya rito."

Kaya sa huli, hinayaan ko na lang 'yong ibang nakakalat. Pumasok na lang ako sa banyo para magshower. Nang matapos ako ay nagsuot ako ng ternong purple na pj's. Nakalugay 'yong maalon at mahaba kong buhok.

Bumaba na 'ko at nadatnan ko siya sa salas na tumatawa.

"Hahaha! Puteks!"

Tumingin ako sa pinapanood niya. Kumunot ang noo ko. Anong nakatatawa sa misa?

"Damn. She's cute."

Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi ko alam kung nanonood ba siya o ano.

"No wonder she's a peevish. Mula naman pala sa pagkabata, eh. Hmmm."

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya para hindi niya maramdaman ang presensiya ko.

Nang nasa likod na niya 'ko ay sinilip ko kung ano 'yong ginagawa niya.

What the...

Pumintig ang puso ko sa nakikita ko. Puteks talaga!

Agad kong inagaw mula sa likuran niya ang photo album na hawak niya. Gulat naman siyang lumingon sa 'kin.

"Hindi ko pa naman nakita ang lahat, Bits," depensa niya agad.

"Sinabi ko bang galawin mo 'to, ha?"

"Hindi. Pero hindi mo rin sinabing hindi ko galawin."

Napapikit ako sa inis at pagmulat ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Inabot ko sa kaniya 'yong photo album. Bahagya namang lumaki ang mata niya.

"Pwede ko ng tignan?"

"Asa! Ibalik mo 'yan kung sa'n mo kinuha," utos ko. Agad naman niyang sinunod.

Nang lumingon siya sa 'kin ay nakangisi na siya. "Sobrang cute mo no'ng bata ka pa, Bits. Pero anong nangyari ngayon?" pang-aasar niya.

"Nasobrahan ako sa ganda!" bulalas ko at tinalikuran siya.

Pumunta ako sa kusina para maghanda ng makakain. Naramdaman ko namang sumunod siya.

"Bits, pa gamit ng bathroom," paalam niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Punta ka sa taas tapos tignan mo 'yong pintong walang tatak then, do'n ka pumasok," paliwanag ko.

Tatlo kasi ang kwarto ng condo ko. 'Yong room ko ay 'yong gitna tapos 'yong dalawa bakante dahil mag-isa ko lang naman.

"Okay," sagot niya at umalis na.

Nagluto na lang ako ng istifado at grilled pork ribs. Nadadalian na 'ko sa pagluto dahil bihasa naman na 'ko rito. Hindi naman ako mag-i-independent kung wala akong alam sa mga ganito. Mas maganda kasi ang homemade kaysa fast food.

Mabuti na nga lang may stock pa 'ko sa ref kun'di naleche na.

Kumuha na rin ako ng dessert sa ref. Ice cream lang ang nakita ko. Meron 'yong strawberry cake, pero parang ayaw niya. Naalala ko kasi no'n, no'ng binigyan ko siya ng cupcakes at 'yong strawberry flavored lang ang hindi niya ginalaw.

Nang naayos ko na sa mesa ang mga pagkain ay umupo na lang ako at hinintay siya rito.

Ang tagal niya sa banyo, ah. Baka sinipsip na siya ng toilet. O kaya nadulas tapos nauntog ang ulo sa sahig at sumabog ang ulo niya at kumalat ang utak sa paligid. At boom! Utak-munggo pala.

"Sorry to keep you waiting."

Napaangat ako ng tingin. Natigilan ako at umawang ang labi ko nang makita ang itsura niya. Basa ang buhok tapos iba na ang suot na damit. Nakasuot siya ng charcoal baord shorts at plain white na sando.

Ngayon ko lang napansin ang saktong kurba ng biceps niya. Ang malapad at pantay niyang balikat. Ang panga niyang hindi marunong paigtingin. Ang pisngi niyang konting galaw lang ng labi ay lalabas ang dalawang malalim at sobrang cute niyang dimples. Ang mata niyang napaka-expressive na akala mo hindi marunong magtago. Ang mahaba niyang pilikmata at medyo makapal na kilay. Ang mapula-pula niyang labi na akala mo kalmado, pero sobrang daldal. Parang taga-announce sa perya.

I'm not a descriptive type of person. I almost drooled, but then, I remember it's just Fauze—only Fauze. The insanest man I've ever seen and worst I've ever met. Tss.

"I know I'm hot, Bits. But I already took a bath, so I'm cool," kindat niya. Humila siya ng upuan sa harap ko at umupo.

"You are full of yourself, you know?" ngiwi ko.

"Nope. My mom said, liars go to hell," kibit-balikat niya. I just mock him.

Napadako ang tingin niya sa mga pagkain na nasa harap namin at agad niya itong sinunggaban. Nakaawang ang labi ko habang pinapanood siyang kumain na parang wala ng bukas.

"You're not in a race," sita ko. Tinapunan niya lang ako tingin at muling lumamon. Umiling na lang ako at kumain.

"Bits..." Sinamaan ko siya ng tingin.

Magsasalita, eh punung-puno pa ang bunganga. Tss.

Mabilis naman niyang nginuya 'yong pagkain at agad na nilunok. "Manood ka ng practice namin bukas, ah. Tapos manood din ako sa 'yo."

Sumubo ako nang nakatingin sa kaniya. Nilunok ko pa muna 'yong pagkain bago nagsalita. "May pupuntahan ako bukas at wala akong sinalihan," sagot ko.

Natigilan siya at bahagyang sumalubong ang kilay. "I thought you joined in tennis."

Pa'no niya nalamang tennis ang sport ko? Wala naman akong natatandaang binanggit sa kaniya, eh. Did Xy tell him? Or he already knew?

Umiling lang ako saka tinuloy ang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay siya ang nagprisintang maghugas. Pumayag naman ako agad. Dapat gano'n lahat ng bisita, marunong mahiya, hindi 'yong puro sarap lang. Psh.

Nasa salas ako ngayon, nakahawak sa latop at sinesend sa e-mail ni Angel 'yong ginawa kong Statement of the Problem at 'yong Significant of the Study ng research namin. Tatlo lang kaming members. Experimental research ang ginagawa namin, Capstone subject.

"Bits..." Napahinto ako sa pagtipa sa keyboard nang tawagin ako ni Fauze. Hindi ko naramdamang nakaupo na pala siya sa tabi ko.

"Hmmm?" sagot ko at tinuloy na ang ginagawa ko.

"Ang haba pala ng buhok mo." Naramdaman kong hinawakan niya at inilayo ko naman.

"'Wag mo ngang hawakan baka malanta," kunwaring suway ko. Siniringan niya 'ko at mas lalong nilaro ang buhok ko. "Tigilan mo sabi, eh." Pilit kong nilalayo dahil hindi ako nakata-type ng mabuti rito.

"Ang lambot," nakangiti niyang sabi. Parang ngayon lang nakahawak ng buhok.

"Malamang! Hindi matigas, eh," pilosopo ko, pero hindi niya pinansin.

Pumunta siya sa likod ko para magkaroon ng magandang pwesto sa paglalaro sa buhok ko. Hinayaan ko na lang.

Tinuloy ko na ang pagtitipa at hindi na lang siya pinakialaman. Nang matapos ko ng matype ay pinroofreading ko. May mga typos ako na inulit at grammatical errors.

"Bits," tawag niya. Tumalon siya paupo sa sofa at naka-indian seat na humarap sa 'kin.

Nagsawa na atang laruin ang buhok ko. Psh.

"Bakit?" tanong ko. Muli kong binalik ang paningin ko sa laptop.

"If a girl got bald, is she still going to use shampoo?"

Napatigil 'yong hintuturo ko sa enter button ng keyboard dahil sa tanong niya. Inangat ko ang tingin ko para tignan siya.

Naka-indian seat pa rin siya habang nakasandal 'yong siko sa sandalan ng sofa at nakapatong 'yong baba niya sa palad niya.

"Anong klaseng tanong 'yan? Of course not," sagot ko. Tumango-tango naman siya.

"How 'bout a blind person, is he still gonna use eyeglasses?" muli niyang tanong.

Nagtataka ko siyang tinignan dahil mga walang kwenta naman ang tinatanong niya.

"Malamang hindi. Nag-iisip ka pa ba?" nakangiwi kong tanong.

"Kung gano'n, ba't ka pa nagsusuot ng bra kung maliit naman? Trip mo lang?" parang wala lang na tanong niya!

'Di ko mapigilang tumawa ng pasinghal. "Watdafak, Fauze?"

"Hahahaha! Did I hit the bull's eye?" pang-aasar niya sabay tawa ng malakas.

Sinara ko 'yong laptop at pinatong sa katabi kong sofa saka dumampot ng throw pillow. Nang mapansin niya ay agad siyang tumayo at lumayo sa 'kin habang tumatawa.

Tumayo ako at binato sa kaniya ang hawak kong throw pillow, pero nailagan niya. "Hindi 'to patag, ah! Bundok 'to!" depensa ko.

"Really?" sarcastic niyang sabi nang natatawa.

"Oo! Baby mountain nga lang," mahina kong sabi sa huli. Mas lalo siyang tumawa.

"Pfft. Hahahah! Damn, Bits!" malakas niyang tawa. Napahawak pa siya sa t'yan niya habang nakatingin sa 'kin. Mas lalong sumama ang tingin ko.

"'Wag mo 'kong tawanan! Peste ka! 'Pag ako nagkaanak, magiging Mount Everest 'to!"

"Wala ng pag-asa, Bits. Magiging baby mountain na 'yan habang buhay. Hahahaha!" pang-aasar niya!

Nagdampot ako ng isa pang throw pillow at binato sa kaniya at dahil parang wala siyang lakas dahil sa katatawa kaya sapul sa mukha niya.

Buti nga.

Tumigil na siya sa pagtawa, pero nakangisi siya. Hindi ko na lang siya pinansin at muling umupo. Binuksan ko 'yong laptop at sinend na kay Angel 'yong ginawa ko. After that, hinarap ko na 'tong loko.

Nakaupo siya sa sofa, pero may isang upuan ang pagitan mula sa 'kin. "Umuwi ka na.l," pagtataboy ko. Ngumuso naman siya.

"Akala ko dito na 'ko matutulog?"

"Hindi ako nagpapatulog ng maloko rito."

"Pero nagpapapasok ka."

"Kaya nga pinapalayas ko na, eh."

Wala siyang nagawa kun'di tumayo. Kinuha niya 'yong bag niya habang bumulung-bulong.

Tumayo ako para buksan 'yong pinto. "Ayaw mo ba talaga, Bits?" nakangusong tanong niya.

"No. N-O," matigas kong sabi.

Nang makalabas na siya ay agad kong sinarado ang pinto, pero hinarang niya 'yong isang kamay niya.

Lecugas na lalaking 'to!

"Hindi mo ba 'ko ihahatid sa baba?" silip niya.

"Hindi," diretso kong sagot.

"Ang tamad. D'yan lang sa baba, oh. Bits, sige na," pagpupumilit niya.

"Hindi nga sabi, eh. Umalis ka na riyan. Isasara ko na, oh."

"Ngayon lang, Bits. Sige na. Gano'n naman ang ginagawa sa mga bisita, 'di ba? Kaya ihatid mo na 'ko."

"Peste! Oo na! Manahimik ka lang!" sigaw ko. Agad namang sumigla ang mukha niya.

Gaya ng sabi niya, hinatid ko siya hanggang sa baba. Nasa lobby kami ng condo. Malaki 'yong lobby dahil exclusive 'tong condo.

"Oh, ba't hindi ka pa umaalis? Ihahatid pa ba kita sa parking lot?" tanong ko nang nakatayo pa rin siya sa harap ko.

Umiling siya. "Wala bang good night kiss?"

Sininghalan ko siya. "Namimihasa ka na sa kabaitan ko, ah. Umalis ka na. Ano ng oras, oh."

"The night is still young, Bits. Ikaw lang ang tumatanda."

Hinampas ko siya sa braso. "Nahiya naman ako sa pagka-isip bata mo," ngiwi ko. "Sige na, umalis ka na." Tinulak-tulak ko siya palayo.

Napipilitan naman siyang umalis. "Good night, Bits!" sigaw niya sabat kaway pa. Tinanguan ko lang siya. Pinanood ko siyang maglakad papuntang parking lot.

Napatigil ako nang may naalala akong itanong sa kaniya. "Fauze!" tawag ko, pero hindi niya 'ko narinig. Tumakbo ako palapit sa kaniya. "Fauze, wait!" tawag ko ulit and this time, lumingon na siya.

Pinaningkitan niya 'ko ng tingin habang nakangisi. "Sabi na, eh. Hindi mo 'ko matitiis," mayabang niyang sabi.

Tanga!

Sumeryoso ako ng mukha. "I have a question," sabi ko nang hindi pinansin 'yong sinabi niya.

Nawala naman 'yong ngisi niya nang makita ang seryoso kong mukha.

""I already know your existence more than three years." What was that phrase means?" tanong ko habang nakatingin ng diretso sa mata niya.

Kumurap siya ng dalawang beses at bahagyang bumuka ang labi, ngunit kalaunay'y pinaglapat din.

"Enlighten me," dugtong ko.

Umiling siya. "I'll tell you soon—"

"Do you know me back then?" putol ko sa kaniya.

"Yes," sagot niya.

"Kilala ba kita no'n?" Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.

"No."

"How'd you know me?"

Bumuntong hininga siya. "I can't tell you right now."

"Why not?"

"Because you're not yet ready."

My forehead twitched. "Ready for what?" Iniwas niya ang tingin niya at ngayon ko lang siya nakitang umigting ang panga.

"Nothing," kalmado na niyang sabi nang nasa 'kin na ang paningin.

Psh. Ayaw niyang sabihin.

"Nothing? Okay." Ngumiti ako ng tipid. "I'll wait for the reasons behind that nothing, then," sabi ko at tinalikuran na siya.

Kung ano man ang mayroon sa nakaraan ay sana maganda 'yon.

"I know you still love him."

Awtomatikong huminto ang paa ko sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Mahina lang 'yon, pero sapat na para marinig ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di ko malamang dahilan.

Pa'no niya nalamang nagmahal na 'ko'

Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Hindi ko nakikita ang mukha niya, pero ramdam kong parang nasasaktan siya.

"Every beat of my heart is devoted to you. I love you, Belle and I always will. I won't loose you now. Not today, not ever."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko 'to inaasahan. Kahit isa rito ay hindi. The whole season this is the first time he verbalized his feelings!

The way he called me Belle was like a melody in my ears and it was the first time he called me by name.

I swallowed the lump thrice before I took so much courage to face him. There, I met his expressive yet beautiful eyes, but behind that there's sadness lies on truth.

"Can you do me a favor?" tanong ko. Dahan-dahan naman siyang tumango. "Huwag mong aasahang mahalin kita base sa panliligaw mo. Hayaan mo 'kong matutunan kitang mahalin sa paraang alam ko, hindi sa mga paraang ginagawa mo," seryoso kong sabi.

Natigilan siya, pero naka-recover din agad. "I-I'll keep that in mind," tumatango niyang sagot.

"Meron pa," dugtong ko.

"What is that—"

Napatigil siya nang hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Tumingkayad ako at ginawa ang balak kong gawin.

Yep. I'm kissing him on his loquacious lips.

Ramdam kong gulat na gulat siya. Bumitaw na 'ko at tumingin ng diretso sa sobrang laki ng mata niya. Probably because of shock.

"I won't take advantage of your kindness. I won't forget that you're a man. And I'll respect you as a man," mahinang sabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga. "I kissed you for you to know that I will try my very best and hardest to fall in love with you. Hindi dahil sa nalibugan ako," dugtong ko.

Nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. Pero 'yong mata ay malaki pa rin. Psh.

"Ano, hindi ka ba magsasalita? Tititigan mo na lang ba 'ko?" ngiwi ko.

Ako pa ang ang nag-first move para halikan siya. Ako na walang nararamdaman sa kaniya. Ang swerte niya. Sobrang swerte. Shemay!

"Ang sarap mabuhay," biglang sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Masarap? Anong lasa?" pilosopo ko. Bumalik na sa dati 'yong ekspresiyon ng mukha niya.

Namilog ang mata ko nang dinilaan niya 'yong labi niya! Puteks! Pakiramdam ko namula ang mukha ko ng sobra sobra!

Pinaningkitan niya 'ko ng mata. "Lasang labi mo," ngisi niya pa!

Sininghalan ko siya sala tumalikod ako at naglakad paalis, pero hinawakan niya 'yong braso ko. "Binatawan mo 'ko," matigas kong sabi. Pilit na pinapalakas 'yong loob ko.

I swear! Hinding-hindi na talaga ako mag-fe-first move.

"Where's my good night?" tanong niya. Kinunutan ko siya ng nuo.

"Good night?" taka kong tanong.

"Yeah. Good night," madiin niyang sabi. Hindi ko maintindihan!

"Anong nga kasing good night? Hindi ko naman alam 'yang sinasabi mo, eh!" angil ko. Umiling naman siya ng ilang beses habang nakangisi.

"'Ta mo, nahalikan mo lang ako natutuliro na 'yang utak mo. Pa'no pa kaya 'pag ako ang gumawa, eh 'di mabaliw ka na," tumataas ang noo niyang sabi. Siningalan ko siya at marahas na inagaw 'yong braso ko sa pagkahahawak niya.

"Umuwi ka na," pagpapalayas ko. Lumuhod siya para mapantayan 'yong mukha ko kaya napaatras ako. 'Di ko mapigilang mapalunok!

"Good night," kindat niya. Umayos na siya ng tayo. It's just me or what. Did he purposely made a hoarse tone? Hindi ko na lang 'yon pinansin. Tumango lang ako. Nagsalubong naman ang kilay niya. "Is that hard to say, good night?"

"Uhh, no?" hindi ko siguradong sabi.

"Then, say it."

I rolled my eyes. "Good night," walang gana kong sabi.

"With feelings, Bits."

"Tss. Oh, gooooood niiiiight." Pinahaba ko na para ramdam niya talaga!

"Better," ngiti niya. Siniringan ko lang siya at tumalikod na 'ko. Hindi na niya 'ko pinigilan. Buti naman.

"Good night again, Baby Mountain!"

Peste!

KINABUKASAN

Nasa mall ako ngayon bumibili ng mga dissection kit, surgical masks and gloves. Hindi na 'ko bibili ng lab gown dahil e-po-provide na ng school 'yon.

Nang mailagay ko na sa cart lahat ng kakailanganin ko at pumunta na 'ko sa counter.

"One thousand eight hundred and fifty-one po, ma'am," sabi ng babaeng cashier nang matapos e-scan sa barcode scanner ang mga pinamili ko. Inabot ko sa kaniya 'yong dalawang libo. "I received two thousand."

Nang matapos niyang ibigay 'yong sukli ko ay kinuha ko na 'yong pinamili ko na nakalagay na sa plastic bag.

Ang problema ko na lang ngayon ay 'yong palaka. Hindi ko alam kung sa'n ako kukuha. Alam kong merong nagtitinda, pero hindi ko alam kung saan.

Pumunta na lang muna ako sa malapit na restaurant dito para kumain. Tanghali na kasi, late na 'ko nagising kaninang umaga. Since, Japanese restaurant 'to ay um-order ako ng tatlong bowl ng ramen. Kulang pa sa 'kin 'yan.

Syempre, favorite ni Naruto baby 'yong ramen kaya paborito ko rin.

"Here's your order, ma'am."

Nilapag ng waiter 'yong mga ramen sa mesa. Nang matapos na ay nginitian ko siya. "Thank you," sabi ko.

Dinampot ko na 'yong chopsticks sa mesa at nilantakan na 'yong ramen. Pakiramdam ko kaharap ko si Naruto at sinasabayan akong kumain.

Nang matapos ko ng kainin 'yong tatlo ay um-order pa 'ko ng dalawa. 'Yong mukha ng waiter ay parang nagugulat na hindi makapaniwala. Psh. Gutom ako, eh.

Mabilis ko lang 'tong kinain dahil mag-iisang oras na 'ko rito, pero iniingatan ko naman para hindi ako mabulunan.

Naramdaman kong may mga matang nakamasid sakin. Inangat ko 'yong panigin ko at nakita ko ang ibang mga costumers dito na sa 'kin nakatingin. Yung tingin nila parang di makapaniwala.

"Seriously? When did all the foods go? On her tiny belly?"

"If she always eats that a lot. How could she still be so sexy?"

"Ahhh~ I wanna be like her."

"What's her secret kaya?"

Seryoso? Matawag ba na bulungan yan kung pinaparinig sa 'kin? Psh.

Tumingin ako sa mga bowl ng ramen na wala ng laman. Nakalima lang naman ako, eh.

Tumikhim ako at tumingin do'n sa babae na huling nagsalita. "You wanna know my secret?" ngisi kong tanong.

"Yes!" masayang sabi niya at ilang beses pang tumango.

"Well, I only have one secret." Sinadya kong bitingin at ang gaga titig na titig sakin at hinihintay na ituloy ang sasabihin ko. "I mind my own business." Ngumisi ako nang nakakaloko. Nawala naman ang kinang ng mukha niya.

Tumayo ako at nilapag sa mesa 'yong bayad ko. Lumabas na 'ko ng lugar na 'yon. Umupo muna ako sa bench after kong bumili ng ice cream.

"Trist?" Inangat ko ang tingin ko para tignan kung sino 'yong tumawag sa 'kin. Bahagyang namilog ang mata ko.

"Clari!" tawag ko. Tumayo ako para yakapin siya. Ako rin ang unang kumalas.

"Mag-isa mo lang?" tanong niya. Tumango ako. "Same. Busy ang mga boys, eh." Tumingin siya sa plastic bag na nakapatong sa bench. "Dissection kit? Magda-disect na rin kayo? When?" she grinned. Halatang excited.

Transparent kasi 'yong plastic bag kaya nakikita kung ano 'yong nasa loob. "Next week, Monday. Wala pa nga akong nahanap na palaka, eh," nguso ko.

"Monday rin sa 'min, pero morning. I have 6 frogs sa bahay. Pwede mong kunin 'yong tatlo, though isa lang naman. ang gagamitin natin." Lumiwanag naman ang mukha ko.

"Talaga?"

"Yeah. Nasobrahan ng bili si kuya kaya sa 'yo na lang 'yong iba," paliwanag niya.

"Thank you!"

"No need to say thank you, 'no ka ba. We're friends naman, eh. So, sa Monday ko na lang dalhin 'yong frogs. Wait, morning din ba sa inyo?"

Umiling ako. "Afternoon," sagot ko.

"Okay. See you on Monday, Trist," ngiti niya. Nagpaalam na rin ako sa kaniya.

Muli akong umupo sa bench. Tinignan ko 'yong ice cream na nilapag ko sa upuan, tunaw na. Pero kinain ko pa rin.

"I'm in the mall. Mamaya pa 'ko uuwi."

Natigilan ako nang marinig ang pamilyar boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. I know it's him.

Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko, dalawang metro ang layo. Nakatalikod siya sa 'kin habang may kausap sa phone.

"Alright. I'll buy you, then. But promise me you won't rip her picture again, okay?" At binaba na ang tawag.

Hinintay ko siyang lumingon sa gawi ko at hindi nga ako nabigo. Nagtama ang paningin namin. Hindi ako umiwas ng tingin o kumurap man lang dahil baka 'pag nalingat lang ako ay mawala na sa paningin ko ang lalaking 'to.

Nakipagsukatan din siya ng tingin, pero sa huli ay siya ang unang umiwas. "Do you know me?" tanong niya nang nasa 'kin na ang painingin.

"I should be the one to ask that. Do you know me?" balik kong tanong. Pinaningkitan niya 'ko ng mata na parang sinusuri.

In my calculation, mas matanda siya sa 'kin ng dalawa or tatlong taon. Matangkad siya, parang magkasing-tangkad sila ni Fauze.

Kumibot ang labi niya, pero kalauna'y ngumisi rin. "A girl in the park from a year ago who got dumped by her boyfriend. How could I forget you?"

Nanlaki ang mata ko. I just want to confront him, pero hindi ko alam na gano'n siya ka-straightforward! Biglang kumabog ang dibdib ko.

"I-If that's the case. Why didn't you recognize me when we met on the road weeks ago?" tanong ko. Hindi pa rin ako nakare-recover sa gulat.

"I do recognized you that was why I purposely pressed the horn of my motor." Nilabas niya 'yong isang kamay niya mula sa bulsa at hinawakan ang labi niya. Umiwas ako ng tingin.

I didn't expect that the Marshmello Man I know is such a graceful handsome creature.

"Then, why'd you call me miss?" tanong ko. Tumawa siya ng mahina dahilan ng pagkunot ko ng noo.

"Should I call you darling, then?"

Napamaang ako sa sinabi niya. "Wh-No. You should have called me by my name," I said or more like a defensive tone.

"I don't know your name, Missy." Napa'ow' ako ng bibig.

Inabot ko 'yong kamay ko sa kaniya. Tinignan niya naman ito. "I'm Trist Freddickson," pakilala ko. Agad niya naman itong inabot at halos mapatalon ako sa gulat nang hinalikan niya ang likuran ng kamay ko!

"Pleasure to meet you, Trist. I'm Zach. Zachary Gardner," ngisi niya.

Gardner? Same with Fauze's.

**COM**

Continue Reading

You'll Also Like

186K 29.3K 76
Two people so different from each other that you can't even guess but they have a similar mission they want do the same thing but will the flower of...
2.2M 128K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
52.1M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...
40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...