MY JOURNEY OF LOVE START WITH...

By akosilenpot

208K 4.7K 906

Dahil sa isang deal sa kanyang ama, mapipilitan siyang mamuhay ng mag-isa. Walang MONEY at Walang FAME. A pri... More

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVE
NOL - CHAPTER 1 - NO ORDINARY NEIGHBOR
NOL - CHAPTER 2 - NO ORDINARY ESCAPES
NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL
NOL - CHAPTER 4 - NO ORDINARY ME
NOL - CHAPTER 5 - NO ORDINARY ENVIRONMENT
NOL - CHAPTER 6 - NO ORDINARY JOB
NOL - CHAPTER 7 - NO ORDINARY DAY
NOL - CHAPTER 8 - NO ORDINARY GUY
NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE
NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE
NOL - CHAPTER 11 - NO ORDINARY FEELINGS
NOL - CHAPTER 12 - NO ORDINARY FEAR
NOL - CHAPTER 13 - NO ORDINARY HEARTBEATS
NOL - CHAPTER 14 - NO ORDINARY SELOSAN
NOL - NO ORDINARY DENY-ALL-YOU-WANT DAY
NOL - Chapter 16 - NO ORDINARY FIESTA
NOL - Chapter 17
Chapter 18
NOL - Chapter 19
NOL - CHAPTER 20
NOL - CHAPTER 21
NOL - CHAPTER 22
NOL - CHAPTER 23
NOL - CHAPTER 24
NOL - CHAPTER 25
NOL - CHAPTER 26
NOL - Chapter 27
NOL - Chapter 28
NOL - Chapter 29
NOL - Chapter 30
NOL - Chapter 31
NOL - Chapter 32
NOL - Chapter 33
CHAPTER 34 - KASSANDRA
NOL - Chapter 35
NOL - Chapter 36
NOL - CHAPTER 37
NOL - CHAPTER 39
NOL - Chapter 40

NOL - CHAPTER 38

170 9 6
By akosilenpot

LAREEN'S POV

Pinatawag ako sa office ni Mrs. Paras kasi tumawag pala si Mommy at binalitang medyo stable na ang Daddy. Successful naman daw ang operation pero matagal tagalan pa sila sa Manila. Hindi pa din nagigising ang Daddy.

"Are you okay, Ms. Castillo?" tanong ni Mrs. Paras habang nakaupo ako sa upuan na malapit sa mesa niya. Andon kasi ang landline kung saan tumawag si Mommy. Iniiwan ko kasi ang cellphone ko sa locker dahil bawal naman kami magdala nito sa selling area.

Tumango ako. "Successful naman daw po ang operation ng Dad kaso hindi pa po siya nagigising" sabi ko sa kanya.

Napahawak siya sa may kaliwa niyang dibdib at humingang malalim. "Salamat naman sa Diyos" sabi niya. "sana maging okay na ang Chairman" sabi nito. Tumango lang ako at tumayo na rin. "Salamat po sa pagpapagamit ng telepono" sabi ko at lumabas na din. Dumirecho na ako sa locker dahil ilang minuto na lang din naman at balik trabaho na kami. Papasok na ko ng locker ng hinarang ako ni Jericho.

"Okay ka lang? Mukha kang umiyak. Pinagalitan ka ba?" sunod-sunod niyang tanong.

Umiling ako.

"Bat parang namumula yang mata mo? Anong nangyari sa loob?"

"Ah e sinabi lang ni Mrs. Paras na okay naman daw ang performance ko kaya baka yung 3 months kong training, maextend na at maregular na din" sagot ko sa kanya. Tumango tango syia. Mukha namang convinced.

"E di magandang balita yan. Marami dito ang hindi nareregular kaya kung sinabihan ka, magandang balita yan" sabi niya at hinawakan niya ako sa buhok. "Ahem" nagulat kami sa pagsulpot nila Betty at Janine.

"Ano yan ha?" dagdag pa ni Betty. "Umiyak ka?" biglang singit ni Janine. "Anong nangyari?" nagaalalang tanong pa niya.

"Ah e wala naman. Mamaya ko na ikukwento at baka maabutan pa tayo dito" sabi ko at nagmadali kaming pumasok sa quarters. After naming makapagpowder man lang ay lumabas na kami para magtrabaho.

Nagaayos kami ng stocks sa shelves ng lumapit si Betty bigla sa amin ni Janine. "Huy, amgpogi nun a, boyfriend mo yun?" pasimple niyang tanong dahil pagnahuli kaming nagkukwentuhan ay pagagalitan na naman kami.

"Shhh. Bumalik ka na nga sa area mo. May makakita sayo dito. Yari tayo" nagaalala kong sabi.

Inirapan niya ako. "Nakakacurious kasi e" sabi niya sa akin. "Janine, kwento mo bukas yan a sa lunch break para madaming oras" baling niya kay Janine.

Naiilang na ngiti ni Janine at umalis na rin si Betty. "Pagpasensyahan mo na yan si Betty. Bored lang yan" sabi ko sa kanya.

"Okay lang naman" sagot ni Janine. "Sayang nga at hindi ko kayo napakilala sa kanya" sabi pa nito.

"Bakit kaano-ano mo ba yon?" sagot ko.

"Boyfriend. Ata" natawa siya sa sinabi niya. Kinikilig? Hindi ko alam pero mukhang masaya naman siya. "Hindi mo sure na boyfriend mo siya?"

"Hindi ko maangkin e. Pero, oo, may relasyon kami"

Tumango tango lang ako. "Ikaw, wala ka ba talagang boyfriend?"

"Wala nga pero may tao naman akong gusto" sabi ko. Ngumiti siya. "Why are you smiling?" tanong ko sa kanya. "Hindi ka din sure?" she added.

Nagkatinginan kami at nagtawanan.

"Trabaho hindi chikahan" nagulat kami sa pagsulpot ng isa naming supervisor. Yumuko lang kami tas inintay naming makalagpas siya sa amin. "Hayaan mo, Lareen, ipapakilala ko sa'yo si Karlos" sabi niya.

"O sige" sagot ko.

"Malapit na yung birthday ko. Invited ko kayo nila Betty" sabi pa nito.

"Kelan ba?"

"Sa isang linggo. Malapit lang naman dito yung samin e"

"O sige, magpapaalam lang ako sa mom- este samin para makapunta ako sa inyo" sagot ko at tumayo na kami.

ARKIN

Umagang umaga ay pinuntahan ko si Andoy sa bahay nila para ibalita yung magandang balita ni Tep at para yayain na din siyang mamasyal na muna. Masyado na kong nabobored sa bahay at nasasakal sa presensya ni Kassandra.

"Nakakatuwa namang balita yan, Boss. Nakikinita kinita ko yung mga itsura nila pag nalaman nilang kanila na yung lupa"

"Sana makadalaw tayo don. Nakakamiss din yung lugar na yon kahit hindi na tumahimik don. Nag-aaway pa din kaya si Chona at Ryan?" sabi ko sabay higop sa kapeng tinimpla ni Nay Gina.

"Kamusta kaya si Pia? Nakakapaglaro pa kaya yun?" dagdag ko pa at inaalala yung mga time na naabutan ko siyang naglalaro sa may hallway.

"Namimis mo na si Reena, boss?" Andoy cocks his head. "May nabanggit ba akong, Reena?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala. Pero don din naman yun pupunta" sabi niya at kinuha ang isang mug ng kape na nasa mesita at ininom yon. "Miss ko na si Reena. Ang gaan ng presensya non e. Mabait pa" sabi niya at parang nagdadaydreaming.

Binato ko siya ng throw pillow na naabot ko mula sa kahoy nilang sofa. Huli na bago siya nakasalag. "Seloso ka, boss. Ang pogi pogi mo e masyado kang threatened" sabi pa niya.

"Sira ulo" matipid kong sagot. Hindi ko siya mamura dahil nasa loob kami ng bahay nila at nasa malapit kami sa altar nila. "Pagnauna kong nakita si Reena, boss, sorry na lang" nangaasar na sabi niya.

Tumawa ako ng malakas. "Asa ka, unggoy" sabi ko at nanlaki ang mata niya. Basang basa na talaga ako ng mokong na 'to e. "Nagkita na kayo?"gulat niyang tanong.

Dumikwatro ako at mayabang na tumango.

"Pumunta ka ng Maynila? Kelan?"

"Doy, ibang maglaro ang tadhana. Pagnakita ko ulit si Reena, sasabihan kita" sabi ko at tinungga ang huling laman ng kape. "Tara na" sabi ko at umaktong aalis na.

"Boss!! saan kayo nagkita?"

Hindi ko siya pinansin.

"Boss, nagpunta ka ng Maynila?" tanong pa niya.

Hindi ako sumagot.

"Dumalaw siya dito? Boss naman!!" sunod-sunod ang tanong niya.

Natatawa na lang ako kay Andoy.

"Boss!!" habol pa niya hanggang sa labas. Hindi ko siya pinansin at dumirecho na ko sa garahe. Nanlisik ang mata ko ng makita ko ang sasakyan kong mas mahal ko kesa sa kanya. Bakit sobrang putik nito?

"Hayop talaga tong si Karlos e. Mamaya to sakin" napapailing na lang ako. "Boss, ano na?" tanong niya nung maabutan niya ako. Hinagis ko sa kanya ang susi ng rover at nasalo naman niya.

"Punta tayo sa may lambingan falls. Ikaw magdrive" sabi ko at dumirecho na sa Rover. Hayop ka Karlos, magtutuos din tayo.

Pagkasakay namin sa sasakyan ni Andoy ay pinaandar na din niya ang ito. Akala ko nga haharangin kami ng mga bantay sa may gate pero hindi. Hinayaan lang nila kami pero napansin kong may sumusunod sa amin.

"Lupit talaga ni Mam Kassandra" habang sinisilip ni Andoy ang isang sasakyang nakasunod sa amin sa rearview mirror. "Hayaan mo siya. Mapagod siya kakasunod" sabi ko naman at nakatingin din sa side mirror ng sasakyan. "Nakabalik ka na, bakit ka pa sinusundan?"

Nilingon ko si Andoy. Wala siyang alam. Para akong nakokonsensya na hindi magtapat sa kanya kung ano nga ba ang dahilan ng pagkapraning ni Ate.

"Doy" sabi ko habang nakatingin pa din sa labas ng bintana.

"Boss?"

"Naaalala mo yung dapat pakakasalan ko?"

"Oo, boss. Yung taga-Milagros" sagot niya. Sinulyapan ko siya pero focus siya sa pagmamaneho. Maluwang naman ang daan at pangilan ngilang sasakyan ng magsasaka ang nakakasalubong namin. "Ano nga pangalan nun, Boss?"

"Lareen. Lareen Castillo" sagot ko naman. "Bakit, boss? Nagkita na kayo sa wakas?" tanong niya.

"Oo. Dun sa trade launch" seryoso kong sagot. Nagulat na lang ako ng bigla niyang tinigil ang sasakyan at hinampas ang manibela. "Anong problema mo?!" gulat kong tanong.

"Boss, matagal na kitang kilala. Mahal kita. Pinagkakatiwalaan kita. Huwag mong sabihing nainlove ka dun sa Lareen Castillo!" may inis niyang sabi. Gusto kong matawa sa expression ng mukha niya. Parang gusto kong paglaruan tong si Andoy.

I composed myself.

"May masama ba don? Almost wife ko yun" umiwas ako ng tingin.

"Arkin, kahit boss kita masasaktan kita" sabi niya na parang nagtatampo. "Bakit mo nagawa to kay Reena? Ang bait bait pa naman non" he crossed his arms. "Ang bilis mo namang makalimot, boss"

Nakakatawa ang mukha niyang parang nalugi. "Porke ba mahirap din siya? Dahil na naman sa pamilya mo 'to, Boss?"

Apektadong apektado talaga siya sa kwento namin ni Reena. "Kung gusto mong lumayas ulit, tara na, Boss" sinsero niyang sabi. Humagalpak ako ng tawa.

"Nung kelan lang ayaw na ayaw mo kong pumunta ng Maynila a. Anong nangyari sayo, Doy?"

Humalukipkip siya.

"Ayaw mo non, matutuloy ko na yung pangarap namin ni Wendel" sabi ko. Umirap siya. "Boss naman. Ang tagal mong pinaglaban to tapos babalik din pala sa dati. Boooo" sabi niya. Tumawa ako ng malakas. "Mahal ko si Reena. Ano ka ba" tinapik ko siya. "Sige na paandarin mo na yan at langoy na langoy na ko" sabi ko.

Inistart niya ng nakasimangot pa din ang sasakyan. "Sana tinulak ko na lang si Reena kay Boss Tep" mahina niyang sabi. "Ano?!" inis kong tanong.

"Wala" sagot niya at dinirecho na ang pagmamaneho.

Hay, Andoy. Saka ko na sasabihin sayo pag nakita ko na siya ulit. Magintay ka lang.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang lambingan falls. Di ko sure kung bakit tinawag tong lambingan falls e, siguro dahil sa dalawang malaking bato sa taas ng falls na hugis puso. Di ko na inusisa, maganda naman yung lugar e.

Malalim ang tubig sa bandang dulo malapit sa falls kaya pwedeng pwede ang pag dive dito. Dito kami nila Ali at ibang tropa nagpapalipas ng mga hinanakit sa buhay. Pagkaparada ni Andoy ng sasakyan ay hinubad ko ang pangitaas kong puting tshirt at hinagis sa likod na upuan ng sasakyan. Si Andoy ay ganon din naman ang ginawa.

May tatlo lang kaming taong nakitang naliligo na. Nung kabataan ko, puntahin ito ng mga bagitong hayskul students na binasted.

"Wala pa ding masyadong nagbabago dito a" sagot ko habang pinagmamasdan ang asul na tubig. Malakas pa rin ang daloy ng tubig mula sa itaas.

"Tara na Boss!!!" parang kinikilig pa si Andoy na tumakbo papunta sa akyatan para makapagdive at ng marating niya ang tuktok ay dali dali siyang tumalon at sumigaw. Ako din naman ay tumakbo na rin at tumalon.

Isang mabilis na paglagapak sa tubig. Malamig ang tubig kaya di mo mapipigilang mapahiyaw. "Namiss ko to, Boss" sabi niya na akala mo hindi ako iniirapan kanina sa sasakyan. "Unli tubig Doy, di mo kailangang mag-antay sa bumbero"

"Oo nga e. Pero sana boss, madala natin sila dito" sabi niya. Napangiti ako sa thought na ang buong taga-Barangkal ay dadayo sa Hilario para dito. "Magandang idea yan, Doy. Pag okay na ang lahat, dadalhin natin sila dito" sabi ko at lumangoy na ulit palayo.

"Tara na, Doy, may isa pa tayong pupuntahan" sabi ko at nagmadali kaming bumalik ng sasakyan. Tinungo namin ang malaking ilog na naglalayo sa Hilario at Milagros. Kung lilingon ka sa bandang kaliwa ng ilog ay matatanaw mo ang tulay na nagdudugtong sa dalawang bayan na ito. Yun yung tinutukoy ni Karlos na binabantayan ng mga alagad ni Ate. Sa kalagitnaan ng batong tulay na yon ay makikita mo ang arko ng Milagros.

"Anong ginagawa natin dito, Boss?" sabi ni Andoy at tumabi sa kinauupuan kong damo. 

Kumuha ako ng bato at malakas na hinagis ito. Bumagsak ito sa tubig ng ilog. Napakalas ang agos nito. Malalim din kaya bihira nagbabangka para lang matawid ito.

"Yung si Lareen pa ba yung pinunta natin dito, Boss?" tanong niya ulit.

"Hindi biro magbiro ang tadhanang ito. Patunay  na bilog ang mundo? Babalik at babalik ka sa mga bagay na tinalikuran mo" 

Andoy clears his throat but didn't say anything. 

"Kahit gaano kalayo ang lakbayin mo, bilisan mo man ang takbo, isang araw, magigising ka sa parehong higaan kung san nagsimula ang lahat ng pangarap. 

Naramdaman kong umayos siya ng pagkakaupo. "Hindi kita maintindihan,Boss. Pero alam kong alam mo ang ginagawa mo" sabi niya at tahimik naming pinagmasdan ang Milagros.

LAREEN

"Lareen, sabay na tayo?" Sabi ni Jericho. Taga sta. Catalina siya nakatira. "Ah hindi na kaya ko naman umuwi tsaka mas mahihirapan akong sumakay pag sa Sta. Catalina" sagot ko naman. Pinauuna ko talagang umuwi sila bago ako sumakay sa sasakyan kong pinpapark ko sa kabilang kanto. Hindi naman sa nagpapanggap akong mahirap ulit pero ayoko kasing mailang sila sa akin bilang anak ng may-ari ng supermarket na pinagtatrabahuhan nila.

"May dala naman akong isa pang helmet para maihatid kita sa Milagros" pangungulit nito. Kinumpas ko ang kamay ko na nagsasabing hindi na. "Huwag na, okay lang talaga ako, Jericho. Sige na maingat ka sa paguwi mo"

"Oi, Lareen, andyan ka pa pala? Wala pa sundo mo?" nagulat ako sa tanong ni Betty. Hindi ako makasagot. "May sundo ka pala?" parang nalungkot na sabi ni Jericho.

"Oo e" nahihiya kong sagot sa kanya. "Oh, Betty, sabay ka na kay Jericho. May extra siya na helmet. Di naman ata out of way yung bahay niyo pa Sta. Catalina" baling ko kay Betty.

"Ay, pwede na Echo? sabay na ko sayo?" tanong ni Betty. Mabagal na tumango si Jericho. "Okay ka lang ba maghintay dito ng sundo mo, Lareen?" baling niya sa akin.

"Oo naman. 6pm pa lang naman e"

Maya maya ay dumaan na din si Janine. Kumaway lang siya at sumakay na ang tricycle.

"Sige na at kayo ang baka magabihan. Okay lang ako dito" sabi ko at naglakad na din ako palayo papunta sa kung saan nakapark ang Van na naghahatid at sundo sa akin. Ilang minuto lang ay narating ko na din ang van.

"Senyorita, okay lang po ba talaga sa inyo na maglakad papunta pa dito?"

"Okay lang ho, Mang Edgar. Nakatanaw naman po itong si Mang hector sa akin e. Safe na safe po ako" sabi ko at tinaas ang dalawa kong binti. "Kamusta po ang trabaho niyo?" tanong ni Mang Edgar. Si Mang Hector naman ay palagi lang tahimik.

"Okay naman po. Masakit po talaga sa binti pero okay lang at medyo dumadami din ang taong namimili" umayos pa ako ng pwesto at hindi ko namamalayang nakakatulog na pala ako at nagising sa isang malakas na pagbangga mula sa likurang bahagi ng sasakyan. Mabuti na lang at nakaseatbelt din ako.

"Miss Lareen, okay lang kayo?" tanong ni Mang Hector sa akin. Hinawakan ko ang ulo ko. Hindi ko alam kung humampas ba ako o ano pero mabigat ang katawan ko. Maya maya ay bumaba na si Mang Hector para kausapin ang may ari ng sasakyang bumangga sa amin.

"A-ano hong nangyari?"

"May bigla hong dumaan na baka. nagpreno ho ako bigla tapos bumangga ho yung nasa likod natin" sabi ni Mang Edgar. Hinipo ko ulit ang ulo ko. "Okay lang ho ba kayo?"

"Opo. Okay lang naman po" sabi ko at saktong sakay ulit ni Mang Hector sa sasakyan. "Kamusta ho yung nasa isang sasakyan?"

"Wala namang nasaktan sa kanila. Okay lang ho ba kayo Senyorita?" tanong nito ng may pag-aalala. Tumango ako. "Ipapatawag ko ho ang Doctor para papuntahin na sa Mansyon"

"Naku, Mang Hector wag ho. Baka sabihin ho ni Manang Tomas kina Mommy. Magaalala lang sila sakin. Wala naman hong masakit sa akin at nakaseatbelt naman po ako kanina"

"Sigurado po kayo?"

"Opo. sasabihin ko po sa inyo kung may mararamdaman po ako" sabi ko para hindi na sila magpilit. Umayon naman silang dalawa at itinuloy na ang byahe pauwi sa Milagros.

Arkin

Halos hapon na din kami nakauwi ni Andoy, napasarap ang pagtambay namin.  Sa Maynila kayod marino kami kasi kung hindi kami babyahe ni Andoy, san naman kami kukuha ng pangkain at pambayad upa? Nakakalibre minsan kay Jen kaso syempre ayoko din namang gamitin lang si Jen para makakain.

"How's your day, Son?" Bungad ni Mommy ng makasalubong niya ako.

"A bit tired but I enjoyed it. I miss roaming arround Hilario" sabi ko at inakbayan ko siya. Humawak si mommy sa bewang ko. "Next time, punta naman kami ng Sta. Catalina"

"May bagong tayong Museum sa Sta. Catalina. You must visit it. Your Dad and I were invited nung nagopen yon. Brillant idea from the Florendo's"

"Sounds interesting. By the way, Mom. Andito na ba si Karlos?"

"Wala pa siya. I think may meeting siya the whole day. He's planning to put up a business in Kapri he said" seryosong sabi ng Mommy.

Muntik akong machoke sa pagkakasabi niya ng Kapri. My Mom has no idea that her youngest might not really into putting up a business in Kapri but to be with his girl.

"What's wrong?"

Kumalas ako kay Mommy at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Nothing, Mom. What do we have for dinner?"

"I ask our manangs to cook Kare-Kare and steak for tonight. So you better clean up" she pointed my sticky hair. "Tapos bumaba ka na din agad. Maya-maya andito na si Karlos at ang Ate mo" sabi niya at hinalikan ko siya sa pisngi.

Umakyat na ako sa kwarto ko, naligo at nagbihis na rin at bumaba ulit.













Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 361 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
304K 32.3K 23
Kim X Jeon (Season I)
7.5K 241 15
AshMatt fanfic
5.3K 60 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...