Cease Of Mirage [COMPLETED]

By pobiii_C8

13K 1.9K 1.2K

Trist got dumped by her boyfriend, Rizwan. So, she left him. A year later, she transferred school and from t... More

Prologue
Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: The End of Us
Chapter 2.1: ENDING
Chapter 4: The Mayor
Chapter 5: Unexpected Visitor
Chapter 6: Section Hell
Chapter 7: Study Together
Chapter 8: Meeting the Father
Chapter 9: Nun
Chapter 10: Wondering
Chapter 11: Marshmello Man
Chapter 12: Issue
Chapter 13: Frog Dissection
Chapter 14: Naughty Plan
Chapter 15: Babysitters; Girl's Bonding
Chapter 16: Her Answer
Chapter 17: Just Kidding
Chapter 18: Another Dissection?
Chapter 19: Intense Practice
Chapter 20: I Miss You
Chapter 21: Sound Recorder; First Date
Chapter 22: Wierdos
Chapter 23: Sports Festival
Chapter 24: Past Came to Present
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Truth or Dare
Chapter 27: Finals
Chapter 28: Second Warning
Chapter 29: Unknown
Chapter 30: Mutual Feelings
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Foe
Chapter 33: Suspicion
Chapter 34: Birthday
Chapter 35: Gone
Chapter 36: Beautiful Sadness
Chapter 37: Comeback
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Officially Over
Chapter 40: Nightmare Of The Past
Chapter 41: Temporary Affection
Chapter 42: Biggest Day
Epilogue

Chapter 3: New Beginning

457 72 44
By pobiii_C8

TRIST

A YEAR LATER...

"Frenny! Wake up! Aasa ka pa today, remember?" That annoying human alarm clock!

Kinuha ko ang unan sa gilid ko at tinakip sa mukha ko.

"Ughh! I'm still sleepy, Xy. Get out," sabi ko na inaantok pa.

"Hindi pwede. Alas nuebe na ng umaga, oh. Bumangon ka na magsha-shopping pa tayo, dali na," pinilit niya pang hilain ang kamay ko.

Peste talaga, nagsisisi akong binigay sa kaniya ang passcode ng condo ko. Araw-araw na lang binubulabog ako.

"Peste! Eto na gigising na! 'Wag mo na 'kong hilain!" inis kong sabi at inagaw ang braso ko sa kan'ya.

"Ayun oh! Hahaha. Let's go shopping! Let's go shopping! Oh, oh, oh!" kanta pa ng gaga.

Inismiran ko lang siya at nagtungo na sa banyo para maligo. Hinayaan kong bumagsak ang malamig na tubig sa katawan ko.

Tomorrow will be the start of our college life. We ain't young anymore to spread stupidity and I hope it will go smoothly.

FYI, we transferred school and it was my mom's will. Since Xy doesn't want us to be separated, so she comes along with me.

Lumabas na 'ko sa banyo at nagsuot ng simple beige dress. Nagsuklay lang ako at lumabas na. Yup, I didn't put any colorful paint on my face dahil hindi naman coloring book ang mukha ko para kulayan.

"So, where are we going?" Tanong ko kay Xy, pagkapasok na pagkapasok namin sa kotse niya.

"Sa mall!" excited niyang sabi at pinaandar na ang kotse.

Nakatingin lang ako sa bintana at pinanood ang nadadaanan naming mga puno. Tumingin ako sa taas. Ang tahimik ng kalangitan at ang swerte ng mga ulap, nakalutang lang sa taas at naghihintay na tangayin ng hangin.

Mabilis kaming nakarating sa mall dahil hindi halatang excited ang nagmamaneho na akala mo taga-bundok.

Pagpasok namin sa loob, dumampi sa balat ko ang malamig na pakiramdam na malamang ay galing sa air-con.

"Frenny, do'n tayo!" turo ni Xy sa isang botique na puro mga damit. Hinila niya 'ko papunta ro'n at wala akong nagawa kun'di ang magpakaladkad.

Busy siya sa pamimili ng damit samantalang ako, nakaupo lang sa gilid at inip na inip na naghihintay sa kan'ya.

'Living in this world
With change all around
But with the prophets words~'

Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si mommy 'to.

[How's your shopping with Xy, honey?] tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "How did you know that we're out, mom?" nagtataka kong tanong.

[Pinaalam ka niya sa 'kin. Didn't she mention that?]

"Uhh, no. Anyway, it's fine mom. I'm enjoying our bonding right now, really." napipilitan kong sabi.

[Okay, honey. Call me when you need anything, okay? I love you.]

"I will, mom. I love you."

She hang up the phone. Muli akong lumingon kay Xy at nasa counter na siya. Mukhang nakikipagtalo do'n sa casier.

Lumapit ako sa kan'ya. "Anong problema?" tanong ko. Salubong ang kilay niya at mukhang badtrip.

"Sorry po ma'am, hindi na po talaga available 'tong damit, reserved na po siya," paumanhin ng babaeng casier. Napatingin ako sa nameplate niya.

"Sa ito ang gusto ko, eh. At saka kung reserved na 'to, sana hindi niyo na dinisplay," nagtitimping sabi ni Xy. Hinawakan ko siya sa braso at pinanlakihan ng mata.

"Hayaan mo na, sa iba na lang tayo tumingin," mahinang sabi ko.

"Ayoko, fren ang ganda nito eh saka parang wala na 'kong magugustuhan na damit sa ibang shops. Ayoko," nagmamaktol niyang sabi.

"Pa'no mo malalaman kung hindi mo susubukan, 'di ba? Saka nakaaabala ka ng iba, oh," tingin ko sa mga taong nakapila sa likod niya. Napanguso na lang siya at binitawan 'yong damit.

Tumingin ako ro'n sa cashier. "Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng kaibigan ko, pasensya na, Miss Kaye," paghingi ko ng tawad. Unti-unti lumaki ang mata niya at bumuka ang bibig. Siguro nagulat siya nang binanggit ko ang pangalan niya.

"A-Ayos lang po 'yon, ma'am. Pasensya na rin po... ma'am," baling niya kay Xy, pero ang gaga inismiran lang siya.

Hinila ko na lang siya palabas. "Come again, ma'am," nakangiting sabi nung lalaking nakabantay sa labas.

"Hinding-hindi na 'ko babalik!" Nagulat 'yong lalaki dahil sa biglang pagsigaw ni Xy, pati ako nagulat, eh.

Hinila ko na lang ulit siya palayo sa shop na 'yon. Kahit kailan talaga, skandalosa. "Alam mo, kain na lang kaya tayo ng ice cream para medyo lumamig naman 'yang mainit mong ulo," suggestion ko.

"Ice cream? Psh. No way." At umirap pa! Pesteng 'to. Pasakit masyado.

*****

"Uhh, fren, ang sarap ng bagong flavor!" sabi niya. Tikman mo oh," nilapit niya sa 'kin ang ice cream niya na nasa cone.

Kanina lang ayaw niya tapos ngayon, sarap na sarap.

Ngumiwi ako. "Nakakadiri ka! Nilawayan mo na tapos ipapadila mo pa sa 'kin?" nandidiri kong sabi.

"Ang arte mo, nilagyan ko nga ng kulangot 'yang ice cream mo eh."

"Ano?!"

"Biro lang, uhog lang talaga ang nilagay ko riyan."

"Gaga ka! Bat 'di na lang plema ang nilagay mo, ano?" sarkastic kong sabi.

"Oo nga, ano? 'Yong plemang may bubbles pa. Hahaha. Iwwwww. Taena! Nasusuka ako," napahawak siya sa bunganga niya at namumula na ang gilid ng mata niya.

Binelatan ko lang siya at pinakita ko pa kung pa'no ko dinilaan ang ice cream ko. "Buti nga sa 'yo. Sinimulan mo eh. Hahaha." Pang-aasar ko. Nakita kong lumunok siya ng dalawang beses at do'n na 'ko nadirian. "Yuck, Xy! 'Wag mong sabihing nilunok mo ulit ang pagkaing umapaw riyan sa bunganga mo?" nakangiwi kong tanong.

"Ang sarap, fren, try mo," nakangiti pang sabi niya at muling kinain ang ice cream niya.

Kinilabutan ako at nandidiri siyang tinignan. "Siguro pinaglihi ka sa tae, 'no? Nakakadiri ka!"

"Hahaha. Ang bango ko namang tae, fren."

"Psh. Whatever," inismiran ko siya at muling kumain ng ice cream.

"So, sa'n tayo mamaya?" tanong niya.

"'Di ba bibili ka pa ng damit?"

"Tss. Nawalan na 'ko ng gana."

"Eh? Where are we going next, then?"

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti ng pilyo. Parang alam ko na kung ano ang ibig-sabihin ng ngiting 'yan. "Do you think what I think?"

"Yeah." Nakangising tango ko.

"FOOD TRIP!!!" sabay naming sabi.

*****

"Two large of fries with cheese!" Rinig kong sigaw nung kahera sa Friesmania. Agad akong tumayo at lumapit do'n sa babae.

"Akin po 'yan," sabi ko.

"Here, ma'am," inabot niya sa 'kin ang dalawang fries saka ko binayaran. "Thank you, ma'am," nakangiti niyang sabi. Nginitian ko naman siya pabalik.

Tumingin ako kay Xy na umo-order pa ng ramen. Nang makuha na niya ay tumingin siya sa 'kin at ngumiti na parang tanga habang tinaas ang hawak niyang dalawang ramen. Itinaas ko rin 'yong hawak kong paper bag na naglalaman ng fries.

Tumalikod na siya at pumunta sa nagbebenta ng waffle cake. Tumalikod na rin ako at pumunta sa InfiniTea.

"Good morning, ma'am," bati ng isang lalaki. "What order po?"

"Dalawang wintermelon."

"What size po, ma'am?"

"Large tapos both 25 percent 'yong sugar."

"Okay po, ma'am. Please wait na lang po ng 5-10 minutes."

"Okay," sagot ko. Umupo ako sa vacant seat at do'n naghintay. Nilabas ko ang phone ko at nagscroll lang sa newsfeed ko sa facebook just to ease my boredom.

Wala namang bago, puro memes pa rin ang lumalabas sa wall ko. Kung trabaho lang siguro ang pagshe-shared post, Philippines would probably not included in the 3rd World Country.

"Trist?" Napahinto ako sa ginagawa ko at inangat ang ulo ko para tignan kung sino 'yong tumawag sa 'kin. Bahagya akong nagulat ng makita kung sino 'to.

"Cd," nakangiti kong sabi. In-spread niya ang dalawang braso niya kaya tumayo ako para yakapin siya.

"You alone?" tanong niya nang kumalas ako sa yakap.

"Nah, I'm with Xy," sagot ko.

"Again?"

"Hahaha, yeah."

"It looks like you two are the real twin not me," natatawang sabi niya.

"Ehem." Napatingin ako sa likod ni Cd nang may tumikhim.

"Ah, yeah, I forgot. Trist, this is Moss," turo niya sa lalaking blonde ang buhok.

"I'm Moss," abot niya ng kamay para makipagshake hands. Aabutun ko na sana, pero bigla siyang binatukan nung isa pang lalaking kasama nila.

"Kasasabi lang, 'di ba?" sarcastic nitong sabi.

"Tch," singhal ni Moss sa kan'ya at umupo sa kabilang upuan.

"And this is—"

"I'm gonna introduce myself to her," pigil nung lalaking bumatok kay Moss sa pagsasalita ni Cd.

Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa harap ko at hinawakan ang kamay ko! Nakaaagaw ng pansin ang ginawa niya and not to mention na pinapalibutan ako ng gorgeous creatures.

"Hear me out, Milady. Standing in front of you is the most handsome, the most fashionable and a noble man living on Earth." Hinawakan niya ang buhok niya mula sa taas at pinalandas 'yon paibaba.

He's really full of himself, huh?

"Gravine Jacks is the name," nakangisi niyang sabi at kumindat pa. Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya. Nandidiri ako!

"Uhh, Cd, n-nilalandi ba 'ko neto?" nakangiwi kong tanong.

"Pffft, probably yeah," sagot niya habang nagpipigil ng tawa.

"Hahaha," mahinang tawa ni Moss.

Binitawan ni Gravine 'yong kamay ko at bagsak ang balikat niyang umupo sa tapat kong upuan. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Should I practice more? I can't believe you didn't fall on my chrams," nakanguso niyang sabi.

I admit, he's handsome and really good at fashion. Parang palagi siyang nakasuklay sa sobrang ayos ng buhok and about his get up ang linis niyang manamit at wala man lang akong nakikitang gusot sa damit niya.

"Wait, there's still one." Lumingon si Cd sa likod niya at bahagyang kumunot ang noo. "Where's Cohen?" tanong niya kina Moss at Gravine.

"Don't know. Nakasunod lang siya kanina sa 'tin, eh," kibit-balikat na sagot ni Moss.

"Baka tumae." Napangiwi ako sa sagot ni Gravine.

Bagay sila ni Xy, lantaran kung magsalita.

"Two Wintermelon with coffee jelly and pearl!" Napalingon ako ro'n sa cashier dahil order ko 'yon.

"Uh, excuse me, boys," sabi ko at lumapit do'n sa lalaking cashier. Binayaran ko lang saka ako bumalik do'n sa tatlo. "Hey, I have to go. Anyway, it was nice meeting you, guys." Nakangiting sabi ko kila Moss at Gravine.

"Likewise," sabi ni Moss nang nakangiti.

"Even though you don't appreciate my effort earlier, I'm happy to meet you, Milady," nagbow pa siya ng konti at kinindatan ako.

Playboy.

"See you tomorrow, Trist." Tinignan ko nang nagtatanong na tingin si Cd.

Anong 'see you tomorrow ang sinasabi niya?

"You transferred to our school, remember?" pagpapaalala niya.

"Oh, yeah. I forgot. See you tom, then," sabi ko at umalis na sa lugar na 'yon.

Pumunta ako sa food court dahil do'n ang meeting place namin ni Xy. Nakita ko na siyang nakaupo at mukhang inip na naghihintay.

Nang makita niya 'ko ay agad siyang nagtanong. "What took you so long, fren?"

Humila ako ng upuan sa harap niya at umupo. "I talked to Cd earlier that's why."

"Eh? Narito siya?"

"Yeah," tipid kong sagot at nilabas 'yong fries at ang milk tea.

"Sinong kasama niya? Hula ko, babae na naman siguro, 'no?"

"Nah, mga kaibigan niya, I think?" sagot ko.

Nagsimula na kaming kumain at wala siyang ginawa kun'di ang magdaldal kahit punung-puno pa ng pagkain ang bunganga niya. Nakikinig lang ako sa walang hanggang kwento niya at 'pag tatawa siya, sinasabayan ko dahil mahirap na baka pagkamalang baliw 'tong kasama ko 'pag tumawa lang siya ng mag-isa.

"Hahaha. Natatawa ako 'pag iniisip ko 'yong kahihiyan ko sa buhay, fren," malakas siyang tumawa sabay hampas pa sa braso ko.

Parang ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Masyadong center of attraction 'yong tawa niya at nakahihiya 'yon kaya deadma na lang.

"Alin do'n, 'yong umutot ka sa harap ng crush mo?" natatawa kong sabi.

Nakita kong pinamulhan siya ng mukha. "Naalala mo pa 'yon? Taena. Sobrang nakahihiya 'yon."

"Sinabi mo pa. Ang lakas nga ng utot mo no'n eh, parang may kasamang tae. Hahaha." Tawa ko. "Tapos 'yong tinuro mo pang umutot ay 'yong nagtitinda ng ice cream, eh halatang ikaw naman."

"Meron pa ah. 'Yong pumunta tayo no'n sa botique para bumili ng damit at dahil sa kakakwento natin no'n hindi natin namalayan na nakalabas na pala tayo sa lugar na 'yon habang nakasabit sa braso natin 'yong damit at ang malala may hanger pa!"

"Hinarang pa nga tayo ng guard at sinabing magnanakaw raw tayo. Shemay. Sobrang tawa ko no'n nang nasa bahay na 'ko."

Puro tawa ang nangyari sa tanghali namin. Marami ngang napapatingin 'pag tumatawa kami. 'Yong tatlong babae sa gilid namin parinig nang parinig na 'attention seeker' daw kami, pero hindi naman namin pinapansin ni Xy.

Duh, masyado kaming maganda para pumansin ng chakang kontrabida.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ni Xy.

"Ngayon na," sabi ko at tumayo.

"Eh? Ang bilis naman?"

"Anong mabilis, ilang oras na nga tayo rito, eh."

"Parang minuto pa lang," nakangusong sabi niya saka tumayo.

Pumasok kami sa elevator kasi ang daming tao sa escalator. Apat kami sa loob pati 'yong escalator girl na halos lumuwa ang nanlalaking hinaharap niya.

"Frenny, ang pogi ng katabi mo," bulong ni Xy. Siniko ko siya ng mahina sa tagiliran para manahimik.

"What floor, ma'am?" tanong ni escalator girl.

"Ground floor," sagot ko.

"How 'bout you, sir?" Ako ka lang ba o ano, parang ang pabebe ng pagkakatanong niya. Isinabit niya pa 'yong nakalaylay niyang buhok sa likod ng tainga niya saka ngumiti.

"First floor," sagot ng lalaking katabi ko.

"Okay, sir," ngumiti siya ng pagkalapad lapad saka pinindot ang number one button.

"Feeling ko talaga fren, nilalandi ni ate escalator si pogi," bulong na naman ni Xy, pero parang narinig ni ate girl dahil ang sama ng tingin niya sa 'min.

"Manahimik ka na lang," matigas kong sabi sa kan'ya.

"Owwkeyy."

*TING*

Bumukas 'yong elevator at mabilis na lumabas 'yong lalaki. Naramdaman kong parang may nahulog. Tumingin ako sa baba, may nakita akong wallet sa floor.

Dinampot ko 'to. "Xy, I think nahulog 'to nung lalaki kanina." Ipinakita ko 'yong wallet.

"Kung gano'n, eh 'di isauli mo."

"Ha? Ba't ako?"

"Ikaw nakadampot, eh."

"Ayoko nga, ikaw na lang. Oh," inabot ko sa kan'ya 'yong wallet.

"Ikaw na fren, sumasakit na 'yong paa ko," pagdadahilan niya. Hinarang niya 'yong kamay niya sa pinto ng elevator nang papasara na 'to. "Gora na, fren."

"Kung ayaw ng kaibigan mong isauli, pwede namang ako na lang," biglang sabi ni ate girl. "Malamang babalik naman dito 'yong guy para hanapin 'yang wallet niya," dugtong niya.

"Yeah, pwede—"

"No. Ikaw ang nakadampot kaya ikaw dapat ang magsauli," matigas na sabi ni Xy at pinalakihan ako ng mata.

"Hoy, babae, nagprisinta na 'yong tao—Humph!" Muntik na 'kong mapaupo sa sahig nang bigla niya 'kong tinulak palabas.

"Hintayin kita sa kotse, fren," nakangising sabi niya at kumaway pa ang gaga. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko alam ang itsura niya!" sigaw ko sa kan'ya, pero tuluyan nang sumara ang elevator.

Lumingon ako sa paligid. Ang daming nakatingin sa 'kin!

Did I just shout in public? Oh, damn!

Tumalikod ako at patay malisyang naglakad papunta sa kung saan. Peste ka talagang babae ka, pinahiya mo 'ko!

Tumigil ako sa tapat ng bench at umupo. "Pa'no ko maibibigay 'to, eh hindi ko nga nakita ang mukha. Tss," kausap ko sa wallet. Rectangular siya at... "What the..." Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano 'yong tatak ng wallet na 'to.

It's a Biometric Wallet! For rich's sake! Thousands ang presyo nito! Kung ang lalagyan ay mahal na, how much more
sa loob nito? Mukhang big time ang may-ari, ah.

3RD PERSON

"F*CK!"

Napalingon sina Cd, Moss at Gravine sa nakabusangot na bagong dating.

"What's the problem, bro?" tanong ni Cd.

"Tinakasan ka ba ng chicks mo?" pilyong sabi ni Gravine at tinapon sa kung saan ang sigarilyo.

"Maybe, you got dumped," kibit-balikat na sabi Moss.

"Neither, you sh*theads!" inis na sabi ni Cohen at sumadal sa gilid ng kotse niya. "I lost my damn wallet," salubong ang kilay niyang sabi.

"Was that valuable?"

"Of course!" mabilis na sagot ni Cohen kay Moss.

"What kind of question was that, Moss? Of course it is, tons of chicks are in there."

"And what kind of statement was that, Grave?" nagtatakang tanong ni Cd.

"It's very simple. If there's money, there are certainly chicks and money is equivalent to chicks. Correct me if I'm wrong," mayabang na sabi ni Grave, supporting his 'statement'.

"Tss. Ang landi mo," singhal ni Cohen kay Gravine. Napapailing na lang si Cd sa kalandian ng kaibigan, samantalang si Moss ay napapahikab.

"Bros, I have needs—we have needs, ya know," sabi pa ni Grave.

"Pero, hindi ako panglandian lang. Pangseryosohan 'to," turo ni Cohen sa sarili. Inismiran siya ni Gravine at napangiwi siya sa ginawa nito.

"Anyway, back to your lost wallet. Isn't it a Biometric?" tanong ni Cd.

"It is," tipid na sagot ni Cohen.

"Check your phone," suhestiyon ni Moss.

"How could I? I haven't linked it yet to my phone. F*ck it!"

"Sa'n ka ba huling pumunta?" tanong ni Gravine.

"Restroom," tipid na sagot ni Cohen.

"Did you go back there to see?" tanong ni Moss sabay ayos ng upo sa hood ng kotse niya.

"Yeah, but there was none."

"Sa'n ka pumunta bago 'yong restroom?" tanong ni Cd. Napatingin sa taas si Cohen at inisip kung sa'n pa siya pumunta. Pumitik siya nang maalala niya.

"Elevator."

"Bumalik ka ba ro'n?"

"Hmm... No," iling niyang sagot kay Gravine.

"Bakit hindi ka bumalik?" muling tanong ni Gravine.

"I... I don't like the elevator lady," iling niyang sagot.

"You serious, bro? Are you having a gender crisis? That lady was hot— gracefully hot."

"I have standards, Grave. Tss."

"Oh, yeah. So, how could you find your wallet, then?"

"Don't know. I really need that thing. It means a lot to me," mahinang sabi ni Cohen habang seryosong nakatingin sa baba.

"Okay! I made a decision!" sigaw ni Gravine dahilan para tignan siya ng tatlo nang nagtatakang tingin. "Moss and I—"

"Why me?" agad na kontra ni Moss.

"Let me finish, buddy. Okay?" mahinahon nitong sabi kay Moss sabay hawak sa balikat niya.

"You're creeping the sh*t out of me. Don't touch me." Tinanggal nito ang braso ni Gravine at nakangiwing lumayo sa kan'ya.

"Hindi ka babae para mag-inarte kaya bumalik ka rito." Nang walang balak na bumalik si Moss sa tabi ni Gravine ay hinila siya nito. "You're coming with me," matigas nitong sabi.

"Why it has to be me? Why not Cd or Cohen instead?"

"Because this is the best time for you to gain experience."

"Experience?" ulit ni Moss.

"Yeah, experience...best experience," mabagal na sabi ni Gravine habang inilahad pa sa harap ni Moss ang palad.

Tahimik lang na nanonood sina Cd at Cohen sa session ng dalawa.

"What kind of experience?"

Ngumisi si Gravine sa tanong ni Moss. "You...are...going...to...flirt."

Bumuka ang bibig ni Moss. "W-What?"

Bumagsak naman ang balikat ng dalawa. "I saw it coming," napapailing na sabi ni Cd.

"God of Pervert," walang ganang sabi ni Cohen.

"It's a brilliant idea, isn't it?" nakangiting sabi ni Gravine.

"So brilliant, dimwit! Why the hell whould I do that?!" inis na sabi ni Moss kay Gravine.

"In order to gain a resourceful information, dumba*s!"

"You can ask without using your nasty technique, Grave. Flirting is a no no no to me. Period."

"You're in 21st Century, Moss. Stop being so innocent—"

"Don't pollute my mind. I'm faithful to my girlfriend," putol niya kay Gravine.

Napahinto 'yong tatlo at gulat na tumingin kay Moss.

"YOU HAVE A GIRLFRIEND?!" sabay nilang tanong.

"Yeah, what's the big deal?" casual na sabi ni Moss.

"Nothing, really. I'm so happy right now, man. I really am," kunwaring naiiyak na sabi ni Gravine. "So, tell me, nataniman mo na ba, ha?"

"F*cking no!" namumulang sigaw ni Moss at iniwas ang tingin sa tatlo.

"Now, I understand your reasons earlier why you stand firmly on your a*s. Congratulations, bro. You finally graduated from being a single for 18 years," nakangiting sabi ni Cd habang tinapik tapik ang balikat ni Moss.

"Sana lahat."

Napatingin 'yong tatlo kay Cohen dahil sa sinabi niya. "What the hell, man?"

"I mean, let's celebrate!" masayang bawi nito.

"Wuhooo! Chickababes here I come!" napapasayaw na sabi ni Gravine.

"Ikaw na lang ang walang gf sa 'tin, bro." Tukoy ni Cd kay Cohen.

"Me? How 'bout Grave? He's still single," turo ni Cohen kay Gravine.

"Hindi ako nauubusan ng babae, bro. Ako pa? Bwahahaha. Maraming patay na patay sa 'kin," mayabang na sabi ni Gravine.

"Malamang, kasi nga libingan ka, dumbbell!" pambabara ni Moss sa kan'ya. Inambangan lang siya ng suntok si Gravine.

"How about your wallet, bro?" tanong ni Cd.

"I'll find it some other time." kalmadong sabi ni Cohen, pero ang isip niya ay nag-aalala sa mawawalang wallet.


TRIST

KINABUKASAN

Living in this world
With change all around
But with the prophets words
I'll stand on solid ground~

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at kinapa ang phone sa side table. Hindi ko na inabalang tignan kung sino 'yong caller at agad kong sinagot.

"H-Hello?" napapahikab kong sabi.

[Fren, sa'n ka na? The school orientation is about to start.]

Napaupo ako sa sinabi niya at tila nabuhayan ang inaantok kong dugo nang mapagtanto ang isang bagay! Peste! First day of school pala namin ngayon!

[Frenny, nariyan ka pa ba?]

Tumingin ako sa digital clock at 7:30 na ng umaga! 8 A.M. ang start ng orientation for pete's sake!

"O-On the way na," pagsisinungaling ko at agad na binaba ang tawag.

Nagmamadali akong pumasok sa banyo at hindi ko alam kung matatawag bang ligo 'yong ginawa ko dahil limang minuto lang ang inubos kong oras!

Naghanap ako ng damit na maisusuot. Wala pa kaming uniform kasi nga transferee ako kaya magsi-civilian muna ako ngayon. 'Pag may nakikita akong damit na hindi ko gusto ay tinatapon ko lang sa kung saan hanggang sa nakahanap ako. Agad ko 'tong sinuot.

Inayos ko lang ng ilang minuto ang itsura ko at kinuha ko na 'yong phone ko at nilagay sa bag ko. Nakita ko 'yong wallet sa side table tabi ng digital clock.

Isa pa 'yang pabigat. Bat ba kasi sa 'kin 'to iniwan ng babaeng 'yon? Tss.

Kinuha ko na lang 'yon at nilagay na rin sa bag ko. Hinanap ko 'yong susi ng kotse ko, pero hindi ko makita! Tinignan ko kung anong oras na at alas otso na ng umaga!

"Peste, late na 'ko!" inis kong sabi. Wala akong choice kun'di magcommute.

Nagmamadali akong lumabas ng condo at naghintay ng dadaang sasakyan. Umayos ako ng tayo nang makita ko ang paparating na jeep. Agad akong pumara nang medyo malapit na 'to.

Huminto ito sa 'di kalayuan sa 'kin at nakita kong may sumakay, pero kalaunay umandar din. Huminto ito sa tapat ko at agad akong sumakay. Maluwang pa ang loob kaya hindi ako nahirapang pumuwesto.

Umupo ako sa tabi ng pinto dahil ito ang paborito kong upuan 'pag sumasakay ako ng jeep. Kumuha ako ng pera at pinaabot sa driver. "Manong! Sa Golden Haven po 'yan!" sabi ko sa driver.

Humarap ako sa pinto at tumingin lang sa labas. Sikat na sikat na ang araw at ang dami na ring dumadaang sasakyan.

"Ang tahimik mo na naman. Talk to me, please." Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ng lalaki sa tabi ko.

Akalain mo nga naman may naglalandian pa rito. Ang aga-aga eh. Tss.

"Don't be mad." Rinig ko ulit na sabi ng lalaki. May ginawa siguro 'to kaya 'di pinapansin ng jowa.

Nanatili pa rin akong nakatalikod sa lalaking nagdadrama at tahimik na nakatingin sa labas.

"'Wag ka ng magalit, oh. Kausapin mo na 'ko." Muli pang pakiusap niya.

Dito pa talaga ang napili niyang lugar para manuyo ah. Great.

"Miss." Napatingin ako sa babaeng kaharap ko. Nakatingin siya sa 'kin.

"Ako?" turo ko sa sarili ko. Tumango naman siya. "Bakit?"

"Kanina ka pa kinakausap ng boylet mo," nakangisi nitong sabi na parang inaasar ako. Tinignan ko siya ng nagtatakang tingin.

Eh? May boyfriend na 'ko? Bat 'di ko alam 'yon?

"Magbati na kayo, miss. Bagay naman kayo eh. Yieeee," tukso pa ni ate.

Lumingon ako sa gilid ko at muntik na 'kong mapatayo sa gulat dahil may lalaking nakatingin sa 'kin habang nakanguso!

"Hindi ka na ba galit?" tanong niya.

"Bat naman ako magagalit?" taka kong tanong sa kan'ya. Napansin kong nakauniform siya, tumingin ako sa ID niya.

'Fauze,' basa ko sa pangalan niya sa isip ko. May karugtong pa, pero 'yon lang ang nabasa ko dahil nagsalita na siya kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Bakit hindi mo 'ko kinakausap kanina?" nakanguso pa ring tanong niya.

"Takas ka ba sa mental? Baliw ka kasi. Bakit naman kita kakausapin, eh hindi kita kilala," sabi ko at suminghal pa.

Maganda siyang nilalang, pero may sayad sa utak.

'Yong mga kasama naming pasahero ay nagpipigil ng tawa at may natawa na.

Nawala ang tingin ko sa kan'ya nang makita kong nasa tapat na 'ko ng school. "Manong, dito na po ako!" sigaw ko. Agad naman niyang hininto ang sasakyan.

Mabilis akong bumaba nang walang lingon lingon at kinuha ang phone ko para tawagan si Xy. Dalawang beses lang nagring at sinagot na niya.

[Saan ka na bang babae ka? Kanina pa nagsisimula 'to o baka naman 'on the way' ka pa, ha?] sarcastic niyang sabi sa huli.

"Nasa tapat na 'ko ng shool," sagot ko.

[Pumasok ka na, ah.]

"Eto na nga papasok na," sabi ko habang nakatingala sa sobrang laking gate.

INTERNATIONAL SCHOOL OF GOLDEN HAVEN

'Yan ang nakasulat sa taas ng malaking gate. Halatang big time ang eskwelahang 'to at 'pang mayaman talaga.

I really hope na hindi lang pera ang umiiral sa institusyon na 'to. I'm expecting more from this school.

Nang nasa tapat ako ng gate ay kusa 'tong bumukas. Cool. "Xy, 'wag mong ibaba 'yong tawag ah. Hindi ko kabisado 'tong school."

[Okay, just hurry up. You're missing the opening,] mahinang sabi niya. May naririnig akong mga ingay sa kabilang linya.

Hindi na 'ko sumagot sa kan'ya dahil hinarang ako ng gurad. "Your ID, student," bahagya akong nagitla sa tono ng boses niya. Buong-buo at nakatatakot!

Tumingin ako sa dibdib ko.Tanena! Hindi ko suot! Agad kong hinalungkat sa bag ko, pero wala. Peste! Nakalimutan ko pa yata—oh, crap the 'yata' dahil nakalimutan ko talaga!

"Uh, excuse me," ngumiti ako ng saliwa sa guard saka tumalikod. "Xy, I forgot my ID," nanlulumo kong sabi.

[What?! Bakit sa lahat ng bagay, 'yon pa ang nakalimutan mo? Ang malas mo naman, fren.]

"Tss. I don't know. Nagmamadali kasi ako kanina, late na 'kong nagising. Anong gagawin ko?" kinakabahan kong sabi.

[Magpalusot ka na lang, fren.]

"Ano namang klaseng palusot? Nakatatakot kaya 'yong guard dito parang pupugutan ako ng ulo 'pag wala akong pinakitang ID."

[Eh 'di sabihin mo na lang na wala kang ID.]

"Huwaw, natawag na palusot, pero magsasabi rin ng totoo? Psh. This is worst...beyond worst. Peste."

"Hey, student. Are you going to give me your ID or what?" Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko at napalunok nang marinig ko ang nakatatakot na boses ng guard.

"Taena, Xy. Kinakabahan ako."

[Akitin mo kaya 'yang gurad, fren?]

"Ano? Peste ka! Hindi ka nakatutulong," mahina kong sigaw sa lokong 'to. Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

Binaba ko 'yong phone ko, pero hindi ko pinatay ang tawag saka humarap sa guard na mukhang si Samson.

"Uh, hehehe. I forgot my ID," awkward kong sabi. 'Yong seryosong mukha niya ay mas lalong sumeryoso.

"Then, you're not allowed to enter."

What? First day of school ko tapos gan'to ang mangyayari? Peste. They surely have strictly protocols.

"B-But—"

"No buts, student. Rules are rules—"

"She's with me." Napalingon ako sa bumukas na gate at bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita kung sino 'to.

'Yong lalaking baliw sa jeep!

Lumapit siya sa gawi namin habang nakapamulsa ang isang kamay niya. He's a bit different now. Ang seryoso ng mukha niya kumpara sa ekspresyon niya sa jeep no'n na nakasimangot.

"M-Mayor..." gulat na sabi ng guard.

Mayor? 'Yan ba ang pangalan niya? Pero Fauze 'yong nakita ko no'n sa ID niya, eh.

Nagtataka ako sa inasta ng guard. Anong nakagugulat sa lalaking 'to? Mukhang ordinaryong studyante lang siya idagdag mo pa na kalahati lang ang utak niya. Baliw, eh.

"She's with me, George," hlit niya, pero 'yong tono ng boses niya ay maotoridad.

"But, Mayor, she doesn't have an ID. I can't let her in," protesta ng guard.

"She's a transferee and she doesn't know the protocols here yet, so as one of the highest councils in this institution I am respectfully asking you to give consideration for her exiguous fault," kalmado niyang sabi. Bumuka ng konti ang bibig ko.

Did he just defend me?

"Okay, Mayor, but I'll do it once because you asked me yourself," seryosong sabi ng guard. Napaayos ako ng tayo nang bumaling sa 'kin ang tingin n'ya. Ayan na naman ang nakatatakot niyang awra. "Consider yourself lucky," sabi niya in a flatly tone.

"I owe you one, George," tumango lang 'yong guard dito sa lalaki at pinapasok na kami sa loob.

Pagpasok namin tumambad sa harap namin ang sobrang lawak na field at green na green ang bermuda grass. May mga naglalakihang puno sa gilid nito at ang tataas ng mga building. Bigtime na big time talaga.

Wala kaming nakitang tao na pagala gala sa paligid, siguro nasa gymnasium silang lahat. "Aren't you gonna say thank you?" Tinapunan ko lang siya ng tingin saka tumingin sa harap.

"Thank you," walang gana kong sabi.

"That's not the right tone to say thank you. You should say it with sincere."

Tss. Ang kulit.

"Okay, thank you with sincere," sabi ko habang nililibot pa rin ang paningin ko sa paligid. Hindi ko alam kung sa'n 'yong gym. Amp. Tinignan ko 'yong phone ko kung naro'n pa si Xy, pero wala na. Tss.

"You're welcome, then," nakangiti niyang sabi. Natigilan ako ng makita ko ang pumaloob sa gilid ng dalawang pisngi niya.

I hate to admit it, but he's so damn cute in those two dimples!

Iniwas ko ang tingin ko at nagsimulang maglakad bago ko pa maisipang kurutin ang pisngi niya.

"You're going on a wrong direction, babe." Pumintig ang tainga ko sa huling sinabi niya. Lumingon ako sa kan'ya at tinaasan siya ng kilay.

"Mukha ba 'kong nakasuot ng diaper para tawaging babe, ha?" naiirita kong sabi.

"You don't like? How 'bout..." Hinawakan niya ang baba niya at parang tangang nakatingin sa taas na kunwaring nag-iisip. "Dear!" Pumipitik pa n'yang sabi.

Sininghalan ko siya, "Hindi ako pumapatol sa arabo!" sigaw ko.

Anong dear? Mukha ba 'kong pera? Tss.

"What do you want me to call you, then?"

"Just shut up and lead the way," matigas kong sabi.

"Ang sungit," rinig kong bulong niya. Sinamaan ko siya ng tingin at sinamaan niya rin ako ng tingin!

"'Wag mo 'kong samaan ng tingin, baliw!"

"Ikaw kaya ang nauna," nakanguso niyang sabi. Ngumiwi ako.

"Hindi kita kilala kaya 'wag kang feeling close, ah. Hindi porket tinulungan mo 'ko kanina pwede mo na 'kong kausapin kung kailan mo gusto. Mali 'yon!" masungit kong sabi at naunang naglakad sa kan'ya.

"You're so mean," mahinang sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad.

"I'm not a meanie, Fauze. You're just expecting some friendly gesture from—"

"What did you just say?" putol niya sa 'kin. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Bahagyang namilog ang mata n'yang nakatingin sa 'kin.

"I'm not a meanie?" hindi ko siguradong sabi.

Umiling siya. "No, not that. The name you spoke earlier."

"Ah, you mean Fauze? That's your name, right?"

"Yeah. How did you know?" nagtataka niyang tanong.

Tinuro ko 'yung ID niya. "I just want to know the lunatic who suddenly talked to me earlier in the jeep, so yeah, I invaded your one of your personal things," tumataas ang kilay kong sabi. Nilapit ko ang mukha ko sa kan'ya. Nakita kong nagitla siya sa ginawa ko kaya napangisi ako. "Tell me, do you like me?" mabagal kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mata niya.

He looks stupid, really.

"What if I say, yes?" mahinang sabi niya. Tumindig ang balahibo ko sa tono ng boses niya. I don't know if this is what they call a husky voice, but it sounds like that.

Umayos ako ng tayo at nagcross arms, pero nanatili pa rin akong nakatingin sa seryoso niyang mata.

"Welcome to hell, then."

**COM**

Continue Reading

You'll Also Like

10.8M 250K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
86.9K 2.2K 33
----------------------------- Peter Parker is abused by his aunt, and if that wasn't enough to handle, he also gets bullied at school and has a lot o...
1.1M 29K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
38.7K 1.1K 26
"They hate each other," "No, they don't. Not really," Luka is a teenage boy who is really calm and patient, yet still has normal human-being anger de...