Sharap (Baka Girls #1)-Comple...

بواسطة gorgeouskitty

34.8K 1K 1.2K

Completed. Jasmin Samuel - isa sa mga member ng Baka Girls. Proud siyang sabihin na sa edad niyang lagpas be... المزيد

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
40
Epilogue
Special Chapter 1

39

575 25 25
بواسطة gorgeouskitty

"Al, gaano ka kasigurado sa akin?Paano mo masasabing ako na ang babaeng mahal mo at gusto mong pakasalan?"  

"Paano?" Yumakap ako sa kanya at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya. Mabibilis ang tibok ng puso niya ngayon katulad ng sa akin. Parehas lang ba kami ng nararamdaman sa tuwing magkasama kaming dalawa? Yung tipong lalabas na ang puso mo sa sobrang lakas at bilis ng tibok na yon? "Yung panahon na hinanap kita noon at lagi kitang pinapanuod  sa isang tabi habang ikaw naman ay nakikipagdate sa ibang lalaki." 

"What do you mean?"  Napakunot ang noo ko pero hindi ko na tinangkang mag-angat ng tingin. 

"Hindi mo ba napapansin, ni isa sa mga naging boyfriend mo hindi tumatagal sa iyo at isa sa mga naging boyfriend mo hindi ka man lang nahalikan?"Sa sobrang curious ko ay kusa nang umangat ang ulo ko para sulyapan siya. Nakangiti ito ngayon habang nakatingin sa kisame. Nag iimagine ba siya? 

"Hindi. So, ibig sabihin ikaw ang may kagagawan nong lahat?" Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa hindi ako makapaniwala. 

Tumatawa siya ngayon habang nagsasalita. "Oo ako nga. Pagkatapos ng huli niyong date hinaharang ko na silang lahat para kausapin at takutin para layuan ka." 

"Tang ina. Yung unang pagkikita natin non at pag-aaway anong ibig sabihin non?" 

"Sinadya ko yon, Jasmin. Sinadya kong harangan ka noon para mapansin mo ako. Sawa na akong pagmasdan at panuodin ka sa isang tabi. Hindi na ako nagpadala sa takot kaya nagpakalalaki ako para makilala ka at mapa sa akin ka na ng tuluyan." Nag-init ang dalawang pisnge ko ng mawala sa mukha niya ang ngisi at napaltan ng isang seryosong mukha. Nagwawala na naman ang mga alaga ko sa loob ng tiyan dahil sa sinabi ng Master nila.  

"So, stalker ka?" Mataray na tanong ko sa kanya. Bakit ganon? Imbes na matakot ako sa mga inaamin niya ngayon ay parang kinikilig pa ako?  

"Nope. I'm too awesome para tawagin akong stalker. Admirer mo ako, Jasmin simula palang pagkabata natin. Sinabi ko sa sarili ko ikaw na ang babaeng pakakasalan ko at makakasama ko habang buhay." 

"Paano kung buntis ako at ikaw ang ama anong gagawin mo?" Muli akong umunan sa kanyang malalapad na dibdib habang nakatakip sa amin ang puting kumot sa mga hubad naming katawan. Napuno ng katahimikan ang loob ng kwarto pawang puro hininga at aircon lamang ang tanging nag-iingay. Hindi siya sumasagot kaya muli Itiningala ko ang ulo ko para tignan siya. Nakangisi ito sa akin. "What? I'm serious, what if I'm pregnant?"  Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para itanong yon sa kanya? Hindi ko din alam na itatanong iyon sa kanya, kusang bumuka ang bibig ko at nagsalita ng tungkol doon. Napakagat ako ng labi. Paano kung takbuhan niya ako? Kahit na sabihing stalker siya hindi ko pa din alam ang nararamdaman niya. Napakalaking responsibilidad na ang gagawin niya. Paano kung ayaw niya pang matali? 

"Then, I will be the happiest man on earth."  Kumunot ang noo ko sa sinagot niya sa akin.  

"Huh?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Parang ayaw magfunction ng utak ko at parang nakalimutan ko na ang lahat ng salita. 

"Buntis ka ba?" Tanong niya sa akin. Napakagat ako ng labi. Hindi pa naman kumpirmado kailangan ko pang magtest para malaman kung positive nga. "You know what?" Hinaplos ng palad niya ang braso kong nakapulupot sa Abs niya tuwing ginagawa niya yon parang kinikiliti pa rin ako. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil tatlong beses na naming ginagawa iyon at kailangan na naming matulog dahil maaga pa ang flight namin. "Kung buntis ka man, e di naka 3 points ako."  Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya sa kanyang mga labi. "Akala ko hindi ako makakashoot sayo dahil hindi ka lumalapit sa akin para sabihing buntis ka." Napaangat ako ang bibig sa muli niyang sinabi bago tuluyan ng napaupo sa kama kahit na medyo masakit pa rin ang bandang ibaba ko. 

Hinila ko ang kumot na puti para mabilis na itakip sa dibdib kong tinititigan niya. Kahit kailan ang manyak talaga ng lalaking to. " 

"Natatakot ako. Paano kung magalit sa akin si Mommy at Pops? Paano kung itakwil nila ako?" Pag-amin ko. Parang ang bata ko pa para mag-asawa? Halos kakagraduate ko nga lang e. 

"Shhhh. Hindi mangyayari yon pati pananagutan kita sa ayaw at sa gusto mo. Papasko natin yon sa kanila." Hinila niya ang braso ko bago hinalikan ang likod ng palad ko.  

"Kaya nga kita pinikot para pakasalan mo na ako e." Mabilis itong tumayo at naglakad papunta sa mesita kung nasaan ang bag niya. Walang hiyang lalaking to hindi na nahiya, naglakad sa harapan ko na hubo't hubad nakita ko tuloy ang puwit niya.  

"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya ng makita kong kumuha ito sa bag niya ng damit at isinuot. "Sa Mercury Drugs bibili ng Pregnancy test." Humarap ito sa akin sabay bihis ng kanyang pang itaas na damit. "Kailangan na nating malaman ang resulta kung positive ba." 

"Paano kung negative? Pati bakit ka pa lalabas ala una na ng umaga. Baka mapaano ka pa." 

"Wag kang mag-alala kahit hindi ka buntis pakakasalan pa rin kita. Pag nagpakasal na tayo araw-araw tayong gagawa ng baby para maging positive na." Hindi nito pinansin ang huli kong sinabi. Lumapit ito sa akin para halikan ako sa noo. "Wag kang lalabas at wag na wag kang mabubukas ng pinto pag may kumatok dadalhin ko ang susi." Tinalikuran na niya ako bago bumalik sa mesita para kuhain ang susi ng Kwarto namin. 

"Bumalik ka kaagad ha." Pahabol ko bago pa man lumapat ang pinto ng kwarto. Napangiti ako sa mga sinabi niya sa akin at inamin ngayon. Alam kong isip bata siya pero hindi halata sa kanya na gagawin niya ang bagay na yon lalo na sa ugali't itsura niya.  

"Iba ang aura natin ngayon, pinsan ah?" bungad na tanong ni Jack ng pagpsyahan naming magkita na lamang sa Lobby ng hotel.  Ang mukha niya ngayon ay mapang-asar nakisali pa ang iba naming mga kasama kaya naman para akong kumain ng kamatis dahil sa pula ng mukha ko. Pinagkakaisahan nila ako ngayon habang yung kupal na katabi ko naman ngayon ay halos hindi mawala ang ngiti sa labi niya. 

"Hindi na siya magiging malungkot, Dude. Kasama na niya ako e." Sagot ni Al. mas lalong nagtawanan ang mga kasama ko. "Hayaan mo, iiyak na lamang siya sa araw ng kasal namin at pag nanganak na siya sa magiging baby namin." Sumunod pa nito.  

Usapan namin kanina na sa mga magulang namin unang sasabihin ang lahat pero ang kupal na katabi ko pakadaldal talaga. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking napakadaldal. Seriously?! "Tama na ang usapan, umalis na tayo baka mahuli pa tayo sa flight natin." Sumingit na ako bago malaman pa nilang lahat ang sitwasyon ko na ikinatuwa ni Al. Nauna na akong naglakad papalabas ng Hotel. 

Pagkalabas namin ng Naia 3 ay may tumigil na isang van sa tapat namin. Tumawag si Al dito para sunduin kami ng sasakyan niya. Agad na kaming nagpaderetso sa bahay namin kung saan nandon si Tita Mildred at ang parents ko.  

Namamawis ang palad ko kahit na malamig sa loob ng sasakyan dahil iyon sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang lahat. Nagtest kami kanina ni Al at dalawang beses ko yon ginawa sa una ay dalawang guhit pero malabo ang isa at ang pangawalang test naman ay dalawang guhit din pero malinaw na iyon. Kumpirmadong buntis nga ako, tuwang-tuwa si Al nang malaman niya yon halos magwala na siya sa loob ng kwarto namin.  

Naramdaman kong may humawak sa namamawis kong palad. Si Al. Nilingon ko siya nakatingin at nakangiti siya sa akin. "Don't worry. Everything will be fine." He mouthed. Kahit asar na asar ako sa amoy niya ngayon at sa mukha niya ay ayoko siyang nawawala sa tabi ko. Marami na siyang plano sa buhay naming dalawa pag nagpakasal kami. May sarili na kaming bahay na matagal na niyang pinaghandaan at may stable na trabaho na siya kaya hindi din kami maghihirap. Habang ako naman ay walang pang-iniisip sa future naming dalawa pero siya ay meron na ay napapangiti parin ako. Sa lahat ng effort na ginawa niya hindi ko na ata siya mahihiwalayan pa. 

Nakarating kami sa bahay namin at agad na ipinarada ng Driver ni Al ang sasakyan sa tapat. Nauna na akong bumaba sa kanya at pumasok sa loob. Nabungaran ko sa sala sila Mommy at Pops kasama si Tita Mildred na pawang mga nakangiti. "How's your flight?" Tanong ni Pops. Lumapit ako sa kanya para yumakap at humalik sa pisnge gayon din kay Mommy.  "We're good. We're safe." Mahinang sagot ko. Umupo na ako sa tabi ni Mommy habang si Al naman ay sa tabi ni Tita Mildred.  

Umupo sila Jack at Jelly sa tabi ni daddy habang si Toby at sir Montello ay nakatayo sa tabi nila. Nagpakuha ng meryenda si Mommy sa katulong namin na agad din sinunod. "Magpapakasal kami sa lalong mabilis na panahon." Hindi pa man ako nakakahinga ng ayos at nakakakuha ng lakas ng loob ay nagsalita na agad si Al. Natigalgal ang mga tao sa loob ng bahay pati na rin si Tita Mildred. Iniiwas ko ang tingin kay mommy bagkus sa sahig ko itunuon ang mata ko. 

"Dapat paghandaan niyong mabuti ang kasal ninyong dalawa." Sagot ni Tita Mildred kay Al. 

"Handa akong maghire ng maraming wedding planner at organizer maikasal lang kami next week." Matigas na sabi ni Al. 

"Hindi ikaw dapat ang nagsasabi niyan, Al, kundi si Jasmin. Siya ang bride siya dapat magpasya kung kailan kayo ikakasal." Si Tite Mildred ulit. Parehas na tahimik lang ang mga magulang ko bukod tanging si Tita Mildred at Al lang ang maingay at nakikipagtalo sa amin kahit pati mga pinsan ko ay tahimik na nanunuod at nakikinig lang sa kanilang dalawa.  

Ayoko na ring makipagtalo dahil katula ni AL gusto ko na rin makasal sa kanya sa mabilis na panahon hindi dahil sa buntis ako dahil sa takot kong mawala pa siyang muli sa akin. Hindi ko pa rin masasabing ayos na ang lahat may agam-agam pa rin ako na may gawing masama si Inday o kaya naman ay pilitin muli ako ni Lolo. Mas mabuti nang handa. 

"Okay lang po sa akin na si Al ang magdesisyon." Sumingit na ako sa kanilang dalawa. "Mommy pwede ka bang makausap?" bulong ko sa kanya. Tumango ito bag tumayo sa pagkakaupo. Sumunod ako sa kanya papasok sa kwarto ko bago isinira ang pinto.  

"Mommy, I'm pregnant." Nakatungo ako habang sinasabi iyon. Nahihiya ako sa kanya at hindi ko kayang makita ang reaksyon niya. Natatakot ako. "Sorry." Sumunod ko pa. Hindi siya nagsasalita pero dinig na dinig ko ang pagsinghap niya.  

"Dalaga na ang baby ko." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Sumabog ang lahat ng nararamdaman ko ng maramdaman ko ang init ng palad niya.  Una-unahang tumulo ang mga luha ko ng iniangat ko ang paningin ko sa kanya. Umiiyak siya. Ngayon ko palang ata siyang nakitang umiyak ng ganito. "Don't be sorry, baby. Biyaya yan galing sa poong maykapal. And I'm so happy for you. You choose the right path." Pinahid nito ang mga luhang lumandas sa mukha ko ng daliri niya gayon din ang ginawa ko.  

"I'm proud of you, my baby girl." Parehas kaming napalingong dalawa sa nagsalita. Si Pops na namumula din ang mga mata. Hindi namin narinig ang pagbukas ng pinto dahil parehas na kaming umiiyak ngayon ni Mommy. Narinig niya siguro ang inamin ko kay Mommy. Naglakad ito papalapit sa amin at umupo sa tabi ni Mommy. "You choose to be happy. He promise me na hinding-hindi ka niya sasaktan nung una pa lamang. Pumili ka ng lalaking handang gawin para sa'yo at pinili mo ang lalaking minamahal mo ng ikaw lamang at walang dapat sundin." 

Humikbi ako sa mga sinabi ni Pops. I have the best parents in the world. Suportado nila lahat ng desisyon na pinipili ko. Masaya sila kung saan ako masaya. Lagi silang nandyan sa oras na pangangailangan ko. Hindi na ako maghahanap ng iba pang magulang dahil sila lang sapat na sa akin. "Oh Pops!" Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. "My baby girl."Bulong niya. Yumakap din sa amin si Mommy. 

Both of my parents taught me different values throughout my life, and I can never thank them enough for all the gifts they have given me.  


واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

213K 5.1K 18
The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil mahirap daw karibal ang bayan. Pero an...
5.5K 123 7
R18 | SPG Misteryo para kay Mike ang pagkawala ng mga bata sa isang isla sa Tagbilaran, Bohol. Mula sa Maynila ay tinanggap niya ang trabaho patungo...
4.2K 672 32
BRADFORD SERIES #2 BOOK 2
178K 5.4K 24
Complete version is available only on Dreame