TAME SERIES 1: Taming Keres

Od xtirisbirinisx

46.9K 6K 758

[TAME SERIES 1] Elentiya Keres Colins, a ruthless mafia leader, having her vengeance for the death of her bio... Viac

TAMING KERES
PROLOGUE
VENGEANCE 1
VENGEANCE 2
VENGEANCE 3
VENGEANCE 4
VENGEANCE 5
VENGEANCE 6
VENGEANCE 7
VENGEANCE 8
VENGEANCE 9
VENGEANCE 10
VENGEANCE 11
VENGEANCE 12
VENGEANCE 13
VENGEANCE 14
VENGEANCE 15
VENGEANCE 16
VENGEANCE 17
VENGEANCE 18
VENGEANCE 19
VENGEANCE 20
VENGEANCE 21
22 | Who are You?
23 | Lorcan
24 | The day
25 | Royalties
26 | Family
27 | All hail to the queen
28 | Her Plan
29 | The beginning of the end
30 | Mission part 1
31 | Mission part 2
32 | Mission part 3
33 | Mission part 4
34 | Mission part 5
35 | Last Mission
36 | A Spy
37 | The New Group
38 | Asesinos Novatos
39 | The Party
40 | Buwitre at Leon
41 | The Rat's Secret
43 | Elláda
44 | Maldives
TRIVIA
CHARACTERS
CHARACTERS pt. 2
CHARACTERS pt. 3
CHARACTERS pt. 4
45 | Worried
46 | In the middle of nowhere
47 | Missing
48 | NIGHTMARE
49 | Mourning
50 | Fin de la guerra
EPILOGUE
Chapter 51 - Special Chapter #1
Chapter 52 - Special Chapter #2
Chapter 53 - Special chapter #3
TAMING KERES

42 | The Mystery Behind

492 72 7
Od xtirisbirinisx

PAULINE'S POV

"Mangmang ka ba?" Galit kong sigaw ng harapin si Roger.

Ginagamot nila Freya ang nagdudugong balikat nito na nadaplisan ng palaso.

"Hindi niyo man lang nakuha?" Nagkanda leche leche na!

"Marami ang bantay. Kung hindi pa kami umalis ay baka natuluyan na kami ro'n." Sabi ni MJae.

"Sana kahit man lang gano'n ay iniligtas niyo na si Janel!" Sigaw ko.

Mabilis ko silang sinalubong kanina pagkarating. Naiinis sa inakto nila kanina lalo na kay si Roger ng mapanood ang ginagawa nila sa mansyon.

"Kung gusto mo ay ikaw dapat ang sumugod ro'n." Simpleng sagot ni Roger na agad nakapag painit sa ulo ko.

"Ang sabihin mo ay wala lang talaga kayong kwenta!" Hinawi ko ang mga nakalagay sa lamesa sa sobrang galit na nararamdaman. Nagka-basag basag pa ang iilang gamit.

"The plan won't fail Pauline, you know that. I'm not a leader type that's why I gave you the role of being one but that doesn't give you the right to think lowly of me." Pag sagot ni Roger.


THIRD PERSON POV

Natikom ang bibig ni Pauline ng marinig ang sinabi ni Roger.

Nakilala niya si Pauline bilang anak ni Martinez. Ang nais lamang ni Roger ay makipag tulungan kay Pauline ngunit hindi niya inaasahan nang sa muli nilang pagha-harap ay mag ka
sama na itong iba pa.

Bukod sa kanilang tatlo nila Freya na may myembro ng pamilyang pinatay nila Keres, si MJae at Janel ay lumapit lamang sa kanila dahil nangangailangan ng trabaho.

Kahit si Pauline ang itinuturing lider ng grupo, si Roger parin ang lider nilang lahat. Na siyang dahilan kung bakit pa sila nakakakain at naging baguhan ngunit kilalang grupo sa mundo ng mafia.

"Ang maganda pa ay umisip na kayo ng susunod na gagawin hindi yung magbunganga nalang magdamag." Suhestiyon ni Roger.

Nang mabalik sa ulirat si Pauline ay napatikhim siya ng mariin at sinunod ang sinabi ng lalaki.

"Kailangan pa natin maghanda. Magpalipas muna tayo ng panahon bago sumugod ulit." Nagsalin ito ng alak sa baso habang ang iba may kanya kanyang kopita para magkape.

"Matindi ang paghahandang gagawin ng mga yon."Tulalang sambit ni MJae. "Nagtataka pa rin ako kung paano naming nagawang makatakas kanina kahit kayang kaya naman nila kaming patayin." Nagtangis ang bagang ng alalahanin ang nangyari.

"Mabuti nga't nakabalik pa kayo ng buhay, kun'di ay mas mahihirapan lang tayo sa pag tuloy nitong plano." Napahigpit ang hawak bi Pauline sa baso sa sinambit ni Freya.

"Bakit naman kasi nagpa-petiks petiks pa kayo kanina? Kung agarahan ngunit maayos niyong kinuha si Janel, eh sana'y narito na rin yun ngayon." Sambit ni Pauline.

"Kahit paagahin o mag tagal man kami ro'n. Paniguradong papasok palang kami sa palasyo ay bantay sarado na kami." Paliwanag ni MJae.

"Maraming nakatago sa dilim. Iyong tatlo palang na nakaharap namin ay pahirapan ng makawala kung pinalagan kami, paano pa kaya kung nagsilabasan lahat." Muling nahiga si Roger katulad ng madalas nitong gawin. Idinantay ang braso sa mata upang umidlip.

"Iyon nga rin ng napansin ko." Pag sang ayon ni MJae.

Ngayon ay mas naguguluhan sila. Lahat at hindi malaman kung akong susunod na hakbang na gagawin. Sapagkat alam nilang sa susunod nilang pagkakaharap ay dadanak na ang dugo...

may posibilidad na may buhay ng mawala.





KERES POV

"Bakit pinakawalan pa natin boss?" Nagsindi ng sigarilyo si Raven na bahagyang lumayo sa pwesto ko dahil alam niyang ayaw ko sa amoy non.

Hindi ko sila pinigilan ng magkaya-yaan na magswimming dahil nasa loob rin lang naman ng palasyo. Hangga't ligtas kami ay walang problema.

"Ayokong tapusin agad ang laban. Hayaan nating maging babala sa grupo nila ang mga nangyayari para mapagtanto nilang hindi basta basta ang kinakalaban nila." Makahulugan kong sambit.

"Sabagay.." Tumatango ngunit seryosong saad niya. "May itatanong nga pala ako."

Hinarap niya ako ngayon kahit na ako ay nakatagilid pa rin.

"Kung pwede kong malaman..anong nangyari sa 'yo nung nakaraang laban?" Dugtong niya.

Napakunot ang noo ko ng hindi makuha ang ipinupunto niya. "Anong laban? Kailan?"

"Doon sa lumang gusali kasama ang grupo ni Arnez. Hindi ka namin mapigilan non. Hindi namin alam kung paano ka namin lalapitan sa ganoong sitwasyon dahil kahit kaming kakampi mo ay basta basta mo nalang pinapatamaan ng baril." Pagsasaad niya.

Napalunok ako habang mahigpit na isinara ang kamao nang maalala ang nangyari.

"That's Elentiya.." Bulong ko.

"Boss?" Nagaalangang tanong niya.

"That's me, being Elentiya." Pagtuloy ko. Kagat labi habang iniisip ang tamang salita na dapat sambitin. "Iyon ang pagkatao ko na walang kinikilala na kahit sino. Parte ng pagkatao ko na walang habas kung pumatay. Ang pagkatao ko na sirang sira ang imahe dahil sa kahayupang natamo mula sa kamay ng mga diablo.." Mas nag tangis ang bagang ng maalala sila Martinez. "Iyon ang pagkataong kahit ako mismo ay kinaka-ayawan ko."

Nilingon ko siya pagkatapos sabihin iyon.

"Kaya pala.." Napunta ang tingin namin sa apat na kanina pa pala kami pinakikinggan.

"Bakit kayo nariyan?" Mabilis nilang isiniksik ang sarili sa nakaharang na pader ngunit hindi naman nakatulong para makatago sila.

"Wag na kayong magtago dahil nakita ko na kayo." Mahinahong sabi ko.

Kamot ang ulong nagsilabasan silang apat. Puro talaga kalokohan.

"Akala kasi namin boss cha- chansingan ka ni Raven eh." Agad sumama ang mukha ng katabi ko sa sinabi ni Christian.

"Kilala mo naman yan si Raven boss, may pagka manyakis." Umiiling na sabi ni Adrian.

"Bossing kung gusto mo kitilan na ng buhay yan, ayos lang. Kaya kong tumayo biglang leader sa grupo namin." Pagmamayabang ni Nico.

"I doubt that." Hindi pag sang ayon ni Clint.

"Mga sira talaga ulo niyo eh 'no?" Bulyaw ni Raven.

"Magsi-tigil nga kayo. Para kayong bata lagi. Mas matanda pa nga kayo sa'kin." Natatawang sambit ko.

Pare-pareho silang nasa edad na 19, at ako nga ay 18 pa lamang kaya kung iisipin ay mga kuya ko na sila.

"Syempre ang gara naman boss kung Keres lang ang tawag namin sayo." Nakasimangot na sambit ni Nico.

"Parang ang mangyayari, 'Keres, ano ba misyon?' Oh diba ang yabang ng dating? Baka mapatay mo pa kami ng 'di oras boss." Sabi ni Adrian.

"Ha? Ayoko pang mamatay 'no! Paano na si Mavy my loves ko? Edi naiwang mag isa yun sa buhay. Wala ng Christian na magmamahal sa kaniya. Wala ng maga-alaga sa kaniya. Ayoko non! Baka ikamatay niya rin kapag nawala ako sa buhay niya!" Madramang sambit ni Christian.

"Eh kung tuluyan na nga lang talaga kita?" Pagtatanong ko.

"Boss..wag ganyan." Pag nguso niya.

"Bakit ba ako nasama sa grupo ng mga isip bata?" Asik ni Clint.

Napunta ang tingin namin sa kaniya kaya pinaulanan siya ng katsyawan at pang aasar.

"Kunwari ka pa. Pre alam kong mahal na mahal mo kami." Sabi ni Nico.

"Magpagpanggap!" Sigaw ni Adrian.

"Pustahan bukas makalawa magtatapat na yan ng pagmamahal sa akin." Pag ngiwi ni Christian. "Pre, wag ganon. Loyal ako kay Mavy."

"Ano na nga bang lagay niyo ni Mavy?" Paguusisa ni Raven.

"Chismoso ka!" Sigaw sa kaniya ni Christian habang naka turo pa.

Sinalubong siya ng pabirong batok kaya't nauwi nanaman sa tawanan.

"Pero ano nga, may progress naman ba?" Ako na ang nagtanong.

"Hala si bossing chismosa rin." Bulong pa niya. Inirapan ko nalang ng marinig ko iyon. "Ewan. Kahit pa-paano naman ay meron. Si Mavy kasi nagpapakipot pa."

"Anong nagpapakipot?" Gulat siyang napalingon sa nagsalita.

Napangisi ako sa reaksyon niya. Kanina pa kasi namin nakikita ni Raven sa likuran nilang apat si Mavy.

"Hala my loves. Mali ka ng narinig."

"Malinis ang tenga ko at hindi rin ako bingi. Wag mo akong pinaglololoko Christian." Pagsusungit nito.

"Wag kang magalit." Tarantang sambit niya. "Potek na yan wrong timing ang pagdaldal ko." Bulong na pagmamaktol pa niya.

"Ligawan mo ako." Nagulat kami sa biglang sinabi ni Mavy.

Aba may tinatago rin palang harot 'tong babaeng 'to.

"My..loves?" Naka awang ang bibig ni Christian na hindi makapaniwala.

"Ligawan mo ako. Hindi yung araw araw puro pagla-landi ang inaatupag mo." Irap nito bago kami talikuran.

Kinailangan pang suntukin ni Christian sa balikat bago mabalik sa wisyo.

Parang baliw na nagtatalon at sumusuntok pa sa hangin ng isinambit ang, "Ikakasal na ako! Ikakasal na ako!"

Iiiling iling ko silang pinananood. Bilib na bilib sa magaang buhay na pinapakita nila kahit pare pareho kaming may hirap na dinadanas.

Masaya ako at mas magiging masaya ako kung mananatili nalang sana laging ganito.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

204K 3.9K 57
|COMPLETE | Philippine President Jason Velasquez was secretly married to Jaya Angela Mariana Pilyana a poor girl,innocent one and has a pure gold hea...
442K 13.2K 39
A ruthless mafia boss. A man who killed mercilessly. He's Raige Acosta, a guy who has no fears in facing deadly fights and getting wounds, but one th...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
138K 1.9K 56
Akala ni Ynna naranasan na niya lahat ng part time. Pero pano pag dumating sa buhay niya ang isang impaktong sinabihan siyang maging part time girlfr...